Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Barrosa, Alvin Jay T.

BSN 3B Ika-25 ng Nobyembre 2010

MGA GABAY SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Unang Hakbang: Suriin ang teksto sa kabuuan nito.

1. Sino ang sumulat ng teksto?


Ang pahayagang Pilipino Star Ngayon ang may akda ng teksto.
2. Sino ang mga target na mambabasa ang nais kausapin ng teksto?
Ang mga nais kausapin ng teksto ay an gating gobyerno at mga mag-asawang may balak
magkaroon ng mga anak.
3. Tungkol saan ang artikulo?
Ang artikulo ay tungkol sa mabilis ng paglobo ng populasyon sa ating bansa sa loob lamang ng
napakaikling panahon. Ito ay isang malaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa na kung
magpapatuloy ay parami nang parami ang makararanas ng kahirapan at pagkagutom. Ipinapahayag ng may-
akda sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pagpapaplano ng isang pamilya.
4. Anu-anong mga babasahin ang ginamit na sanggunian?
Ginamit ng may-akda ang sangguniang nagpapahayag na sa loob lamang ng apat na buwan na
nasa puwesto si Presidente Noynoy Aquino, 600,000 na sanggol ang ipinanganak. Ito raw ang itinuturing
na pinakamabilis na pagdami ng populasyon sa Southeast Asia. Sa kasalukuyan, nasa 94 na milyon na ang
populasyon ng Pilipinas. Ayon sa sangguniang ginamit baka umabot sa 94.6 milyon ang populasyon ng
bansa sa Disyembre 2010.

Ikalawang Hakbang: Tukuyin ang Pangkalahatang Layunin at Estruktura ng Teksto

1. Ano ang pangunahing kaisipan na nais ilahad ng may-akda?


Kung magpapatuloy ang mabilis na pagdami ng populasyon sa loob ng maikling panahon, tiyak na
parami rin nang parami ang makararanas ng kahirapan at pagkagutom. Mahihirapan rin ang ating bansa na
sugpuin ang suliranin ng kahirapan.
2. Anu-ano ang mga katibayang ginamit ng may-akda?
Sa loob lamang ng apat na buwan na nasa puwesto si Presidente Noynoy Aquino, 600,000 na
sanggol ang ipinanganak. Ito raw ang itinuturing na pinakamabilis na pagdami ng populasyon sa Southeast
Asia. Sa kasalukuyan, nasa 94 na milyon na ang populasyon ng Pilipinas. May nagsabi na baka umabot sa
94.6 milyon ang populasyon ng bansa sa Disyembre 2010. Ito ang mga katibayang ginamit ng may-akda na
nagpapatunay na mabilis ang paglobo n gating populasyon sa maikling panahon lamang.
3. Anu-ano ang mga limitasyong inilatag ng may-akda tungkol sa teksto?
Hindi na idinetalye ng may-akda ang tungkol sa hindi pagsasang-ayon ng simbahan sa paggamit
ng contraceptives.
4. Ano ang pananaw ng may-akda?
Naniniwala ang may-akda na panahon na para maipaunawa sa mamamayan ang kahalagahan ng
family planning at papiliin ng kanilang gagamiting paraan upang mapigilan ang pagbubuntis. Walang ibang
apektado sa pagdami ng populasyon kundi ang mamamayan na rin. Kapag dumami nang dumami, patuloy
ang paghihirap.

Ikatlong Hakbang: Basahing muli ang artikulo, ngunit sa pagkakataong ito ay pagtuunan ng pansin ang
paraan ng pagsulat at presentasyon.

1. Paano sinabi ng may akda ang artikulo?


Hinihikayat ng may-akda ang mambabasa na pahalagahan ang pagplano ng pamilya. Hinihikayat
din ang gobyerno na isakatuparan ang population management.

Sa pamamagitan ng mga katibayang napakabilis dumami nating mga Pilipino sa loob ng


napakaikling panahon ayon sa may-akda masusukat ang katatagan at katotohanan ng pahayag ng teksto.

Ikaapat na Hakbang: Kritisismo at Ebalwasyon ng Teksto

1. Buo ba ang artikulo?


Bilang isang editorial, sa aking opinyon ito’y buo sa kadahilanang inilalarawan nito ang isang
suliranin at ang mga solusyon sa suliraning ito.May importanteng mensahe rin itong nais ipahatid sa mga
mambabasa.

2. May katuturan at kabuluhan ba ito?


Ito ay may katuturan at kabuluhan dahil ipinapabatid nito sa mga mambabasa ang kahalagahan ng
pagpaplano ng isang pamilyang may bilang ng mga anak na kaya lamang nilang arugain gayundin ang mga
suliraning hatid kung ito’y ipagwawalang bahala.

3. Ano ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito?


Ang pangunahing kahulugan at katuturan ng akda ay ipinapabatid nito sa mga mambabasa ang
kahalagahan ng pagpaplano ng isang pamilyang may bilang ng mga anak na kaya lamang nilang arugain
gayundin ang mga suliraning hatid kung ito’y ipagwawalang bahala.

4. Malinaw ba ang organisasyon?


Malinaw ang organisasyon ng artikulo dahil sa unang bahagi ng artikulo ay inilarawan ang
masamang epekto ng isang napakalaking populasyon at sa ikalawang bahagi naman ang mga maaaring
solusyon sa suliranin.

You might also like