Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DENISE LAUREL, NAGTATAGO SA ‘BUNTIS’ ISSUE!

HINDI AFRAID SI Ai-Ai delas Alas kung magsagupa

man ang pelikula niya with Bossing Vic Sotto and

Bong Revilla.

Head on collision kasi ang drama ng mga pelikula

nila na parehong kasama sa Metro Manila Film

Festival. Ang panlaban ni Ai-Ai ay ang Ang Tanging

Ina Mo, Last Na ‘To samantalang nagsanib-puwersa

naman sina Bong at Vic sa Si Agimat at si Enteng

Kabisote. “Kasi sa akin, basta sabi nga ni Direk ‘pag

nagawa namin ‘yung best namin, ‘pag nagawa

namin na sa tingin namin matutuwa ang publiko ay

okay na. Hindi na ako nape-pressure, kasi unang-

una idol ko si Bossing at ‘yung dalawang ‘yun, eh,

hari ng industriya,” esplika ni Ai-Ai nang matanong

kung may pressure ba on her part dahil sanib-

puwersa ang drama nina Vic at Bong.

“So, anuman ang mangyari, mag-second man kami ay okay lang, sila naman, eh. Hindi ako papayag

‘pag hindi hari. Pero sila ‘yon, so bonggang-bongga ‘yon. So, okay lang. Hindi na ako nape-

pressure,” dagdag pa ng Concert Comedy Queen.

MAGKASUNOD NA NAGPA-CHRISTMAS party for the press ang TV5 at ang ABS-CBN. At kasabay ng

kanilang pa-party sa mga manunulat, siyempre, may-I-announce rin sila ng kanilang mga shows na

ipalalabas next year.

Kapansin-pansin na puro remake ng old TV shows ang drama ng Singko. Ang dami  kasi nilang shows
next year tipong updated versions lang ng naipalabas na ilang taon na ang nakararaan.

Ang ilan sa mga programang muling bubuhayin ng TV5 ay ang Bagets na nagpasikat kina Aga

Muhlach, Raymond Lauchengco, Herbert  Bautista, JC Bonnin at William Martinez; P.S. I love You nina

Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon; Iskul Bukol na pinagbidahan nina Tito, Vic & Joey; Ang

Utol Kong Hoodlum nina Robin Padilla at Vina Morales.

This is not surprising at all kasi naman may connect si Boss Vic del Rosario sa TV5 ngayon.

Ang Dos naman, parang ganoon din ang drama. Kung ang TV5 ay puro remake, sa ABS-CBN naman

ay return of the Jedi ang drama ng kanilang mga shows. Kabilang sa muling ibabalik ay ang Pilipinas

Got Talent at ang Pinoy Big Brother.

Kaninong konsepto kaya ang magwawagi?

PARA SIGURO MAKAIWAS sa matinding intriga ay deadma na lang ang beauty ni Denise Laurel sa

tsikang preggy siya.

Ang latest tsika kay Denise, wala na raw ito sa Pilipinas ngayon at nagpunta sa US. Hindi naman

malaman kung bakit siya nagpunta roon o kung babalik pa siya.

Sa kanyang pag-alis ay lalo lang umiinit ang tsikang buntis nga siya. Ang dali-dali nga naman kasing

mag-deny sa TV ngayon. Kung ayaw niyang umapir sa TV, bakit hindi na lang kasi siya mag-text.

Aminin niya kung may dapat siyang aminin at i-deny n’ya kung hindi talaga totoo ang mga tsismis na

siya ay nagdadalang-tao.

Isang PBA import at siyang itinuturong ama ng dinadala ni Denise. Taga-US ang player kaya naman

mas lalo pang umiinit ang intriga kung totoo ngang nasa bansa ni Uncle Sam ang dalaga.

Nag-deny na ang manager ni Denise na si Arnold Vegafria. Ang tanong, may naniniwala ba sa kanya?

FIRST TIME NAMING MA-MEET si Laguna Governor ER Ejercito. This was when he threw a big

Christmas party for the press kung saan kasama niya ang buo niyang pamilya led by his wife

Pagsanjan Mayor Maita Sanchez and their four children.

Sa maikling open forum ay revelation para sa amin si Gov. Ejercito. Sa kanyang image kasi na

magaling na kontrabida, nakamamangha na mapakinggan siyang bumabanat ng English during the

short question & answer portion. Magaling siyang magpaliwanag kahit na ang gamit niya ay wikang

banyaga.

Sa Q & A na iyon, pinatunayan ni ER na may K siyang manungkulan bilang gobernador ng

Laguna. He’s got something in between his ears. May talino siya na sadly ay hindi natin nakikita sa

movie na kanyang ginagawa. A case in point ay ang participation niya sa Si Agimat at si Enteng kung

saan kontrabida na naman siya.

You might also like