Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PINAGMUKHANG NAKAKULONG ANG ASAWA SUNSHINE DIZON, GALIT NA GALIT!

GALIT NA GALIT si Sunshine Dizon sa Showbiz Central

nang magpa-interview sa Startalk nu’ng kamakalawa

ng hapon.

Napanood kasi nila ang plug ng Showbiz Central na

ipinakita ang kuha nila sa asawa ni Sunshine na si

Timothy Tan na parang nasa loob ng rehas.

Kinunan pala nila si Tim sa may gate nang pumunta

sila sa bahay nito sa Pampanga. Hindi nagpa-interview

si Tim, pero hinarap naman sila. Kaya lang ang kuha

nila, parang nasa loob ng rehas na parang nakakulong.

Ang daming kamag-anak daw ni Tim ang nakapanood

na ang buong akala nila, nakulong ito dahil sa

aksidenteng nabangga ang isang babae na ikinamatay

nito.

Nu’ng na-interview namin via phone patch, galit ang

aktres na nagsalita na sana hindi ito ginawa sa kanila ng Showbiz Central dahil hinarap naman daw

sila nang maayos ng asawa niya. Ang dami raw tuloy nag-alala dahil ang buong akala nila, nakulong

ito.

Naayos naman daw nila ang babaeng nabangga ni Tim kaya hindi ito nagsampa ng demanda. Kaya

sana, inayos naman daw ng Showbiz Central ang medyo nakakalitong plug na inilabas nila.
Kinumusta na rin namin kay Sunshine ang kalagayan nito at okay naman daw siya, pero talagang na-

trauma raw siya sa nasaksihan niyang aksidente kaya patuloy pa rin itong minu-monitor ng kanyang

doktor.

Sa December 17 daw ang susunod niyang check-up at magpapa-ultrasound daw ito. Malamang na

malalaman na raw kung ano ang kasarian ng baby na dinadala niya.

Ang expected due daw nito ay sa April 28 kaya pinag-iingat pa rin ito.

SA HULING INTERVIEW ng Startalk kay Regine Velasquez, nilinaw nito ang isyung pagli-live-in nila ni

Ogie Alcasid.

Sinabi niyang engaged na sila ni Ogie nang napagkasunduan nilang mag-live-in na. Sa bahay sila ni

Regine at sabi nga nito, bahay na rin daw iyun ni Ogie.

Tatlong taon na pala silang nagli-live-in at tingin daw nito, mas okay ang ganu’n para lalo nilang

makilala ang isa’t isa. Ang dami raw niyang natutunan nang makipag-live-in na ito, lalo na ang

pagluluto. Ang dami nga raw niyang nilutong type na type ni Ogie, kaya talagang natutunan na nito

ang mga trabaho niya bilang asawa bago sila magpakasal.

Sabi pa ni Regine, adjustment daw nila halos araw-araw iyan, pero at least kilala na raw nila ang isa’t

isa at lalo raw niyang minahal si Ogie. Siyanga pala, pagkatapos ng kanilang kasal, magbabakasyon

daw sila sa Bohol, dahil dadalhin nila doon sina Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak.

Ipinangako raw kasi nina Regine at Ogie sa asawa ni Michelle na si Mark Murrow na ililibot nila ito sa

Pilipinas para makita raw nito ang mga magaganda nating beaches. Isa na nga rito ang Bohol.

Kaya baka isipin daw ng iba na kasama pa sina Michelle sa kanilang honeymoon, hindi pa raw ‘yun.

Kasi ang balak talaga nilang honeymoon ay sa Italy na gagawin nila ito pagkatapos ng taping ni

Regine sa I Heart You Pare.

You might also like