Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Pamagat: Tahanan ng Isang Sugarol ni Rustica Carpio

II. Banghay:
Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari.
Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.
Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang
napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga
bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa
tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. At si Ah Yue naman na mas matanda ng tatlo o apat na taon
kay Siao-lan ang siyang tumutulong sa mga gawaing bahay.
Habang tinutulungan ni Ah Yue ang kanyang ina, naitanong niya kung luto na ba ang kanilang hapunan.
Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang
kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang
asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari.
Abala si Lian-Chiao sa pagluluto nang dumating ang kanyang asawang si Li Hua. Si Li Hua na
walang alam kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee
Shop. Sa tono ng pananalita ni Li Hua alam na Lian-Chiao na mainit nanaman ang ulo ng kanyang
asawa dahil sa pagkatalo nito sa sugal. Pagkatapos kumain ni Li Hua ay humingi ng pera si Lian-Chiao
para sa mga meteryales na gagamitin niya sa panganganak. Sa halip na bigyan siya ng kanyang ay
umalis ito at nagtungo nanaman sa Coffee Shop upang magsugal ulit. Walang magawa si Lian-chiao
kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay malupit na pakikitungo nito sa
kanya.
Malalim na ang gabi nang biglang sumakit ang tiyan ni Lian-Chiao. Kahit na malakas ang
hangin, pinilit ni Lian-Chiao na lumabas ng bahay at magtungo sa Coffee Shop upang puntahan
ang sugarol niyang asawa. Nang marating na ni Lian-Chiao ang Coffee Shop, kahit na nakita na
siya ng kanyang asawa, wala pa rin itong pakialam sa kanya. Sunod-sunod kasi ang panalo ni Li
Hua sa sugal. Kung hindi pa pinilit ng may bahay si Li Hua na tulungan ang kanyang asawa,
ipagpapatuloy pa niya ang kanyang paglalaro ng sugal.
Umiyak ang mga anak ni Lian-Chiao ng malaman na dadalhin siya sa hospital. Malamig na
kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal
na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal
at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…

III. Halagang Pangkatauhan:


Ang pang-aabuso sa kababaihan ay isang krimen, hindi ito dapat payagan at
kunsintihin.Walang sinumang babae ang dapat magtiis na lang sa kalagayang ito sapagkat
karapatan ng bawat taong makapamuhay nang ligtas at malayo sa karahasan. Dapat rin nating
malaman na walang mang-aaubuso kung walang magpapaabuso.

IV. Kaugnayan sa Kultura at Lahing Pilipino:


Matatag na pamilya ang pundasyon nating mga Pilipino. Sa katunuyan nga, tuwing
nakakaranas tayo ng mga suliranin, alam nating kaya natin itong lagpasan sapagkat alam nating
meron tayong pamilyang malalapitan. Ngunit nakakalungkot lang isipin na karamihan sa mga
pamilya dito sa ating bansa ay walang tahanan, may bahay ngunit hindi maituturing tahanan.
Ang tahanan ay kinabibilangan ng isang pamilya kung saan masayang nagsasama-sama ang
mag-asawa kasama ang kanilang mga anak. Katulad sa akdang ito paano nga ba maituturing
tahanan ang pamilya ni Lian-Chiao kung hindi ginagampanan ng haligi ng tahanan ang kanyang
mga pananagutan?

V. Istilio ng May-akda:
Sa kabuuan ng akda, makikita kaagad ng mga mambabasa ang naging suliranin na nais
ipahayag ng may-akda. Sa madaling salita gumamit ng tiyak na larawang biswal o eksaktong
paglalawan ang may-akda upang maging mas epektibo ang pagpapahayag niya ng mensahe at
mabigyang buhay ang mga kaisipang nais niyang ipahiwatig.

IV. Simbolismo:
Para sa akin ang larong mahjong ang sumisimbolo sa akdang ito. Dahil sa larong ito, dito
nakabatay kung anu ang magiging kondisyon ni Li Hua na nakakaapekto naman sa kanyang
pamilya. Kung mamalasin siya sa larong ito. Ang galit at inis niya ay ibubunton niya sa kanyang
asawa. Ang pinakamasa pa’y dahil dito namumuhay sila tahanang pinamumunuan ng isang
sugarol.

VI. Teorya/Pananaw
Ang akdang ito ay nasa pananaw Imahismo. Nagbibigay-tuon ito sa imahe.
Pinaniniwalaang ang imahe ang nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng pananaw na ito ang
kahulugang pangkaisipan at pandamdamin. Nagpapahayag din ito ng kalinawan sa mga imaheng
biswal. Nagbibigay rin ito ng eksaktong paglalarawan. Ang “Tahanan ng Isang Sugarol” ay
angkop na angkop sa pananaw na ito sapagkat taglay nito ang mga larawang-diwang
pumupukaw sa imahinasyon ng mga mambabasa.
Ipapasa ni:
Ipapasa kay:
Mikee Charlene M. Suede. Ms. Tabinas.

You might also like