Vic Sotto and Bong Revilla Have No Problem With Their Billing in Si Agimat at Si Enteng Kabisote

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Vic Sotto and Bong Revilla have no problem with their billing in 

Si Agimat at si
Enteng Kabisote
Nora Calderon

Magkasama na humarap sa entertainment press


sina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla sa presscon
ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote, ang entry nila
sa 36th Metro Manila Film Festival. 

Gaganapin ang premiere night nito sa SM


Megamall sa December 21, 2010. Mapapanood
naman ang fantasy film na ito sa mga sinehan
nationwide simulaDecember 25, 2010.  

Ginanap ang presscon ng Agimat sa Annabel's


Restaurant along Tomas Morato last Friday,
December 10. Si Gwen Zamora, ang gaganap na
Faye, ang leading lady ni Enteng Kabisote (played
by Vic Sotto) samantalang si Sam Pinto naman si
Samara, ang leading lady ni Agimat (played by
Senator Bong). Kasama rin sa cast ang young
stars na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Tinanong sina Bossing Vic at Senator Bong kung ano ang reaksyon nila sa sinabi ngDalaw  lead star na
si Kris Aquino na naniniwala itong mangunguna ang Agimat sa takilya. Ang prediction ni Kris ay
number two sa box-office sales Ang Tanging Ina(Last Na 'To!) ni Ai-Ai delas Alas at ang Dalaw  naman
ay magiging number 3.

"Ok sa amin iyon, hindi namin tatanggihan," sagot ni Senator Bong.  "Pero numero lamang iyon, ang
mahalaga, maraming manonood."

Ani Vic, "Salamat, wish namin, lahat ng pelikulang entry sa festival kumitang lahat."

Paano ang exposure at billing nila sa story: pantay ba sila? Alin ang inuna nilang pag-usapan?  Baka
raw kasi mas malaki ang exposure ni Vic dahil ang direktor ay si Tony Reyes na mas malapit sa TV
host-comedian.

"Inuna naming pag-usapan kung paano magkikita sina Agimat at Enteng Kabisote sa dalawang
mundo," paliwanag ni Senator Bong. "Kung paano mapupunta si Agimat sa mundo ni Enteng Kabisote
at si Enteng Kabisote kung paano mapupunta sa mundo ni Agimat."

"Never naming in-entertain ang ganoong issue. Ang pinag-isipan namin maibigay kung ano ang
hinahanap ng mga manonood sa movie ni Enteng Kabisote at ang hinahanap ng mga manonood sa
movie ni Agimat.  Never ding pumasok sa isip ko na si Direk Tony Reyes ang nag-handle sa movie
namin.  Mataas ang respeto ko sa kanya."

Since lima silang producers, GMA Films, Imus Productions, M-Zet Films, Octo Arts Films at APT
Entertainment, paano ang hatian nila sa gastos?

"Hindi namin iniisip ang budget," natatawang wika ni Sen. Bong.  "Actually, tatlong mundo ang
pinuntahan dito nina Agimat at Enteng Kabisote.  Ang mundo ni Enteng Kabisote, mundo ni Agimat at
mundo ng mga tao.  Hindi pa namin alam kung magkano ang aabutin ng budget, dahil hanggang sa
ngayon, gumagastos pa kami.  Pero wala iyon, basta ang nasa isip lamang namin, makapagbigay
kami ng kasiyahan sa mga manonood."

Dagdag naman ni Vic: "Basta kami ni Senator Bong, 50-50 all the way ang gastos at sana bukod sa
magustuhan ng mga manonood ang movie, makabawi rin kami sa nagastos namin." 

Ibig bang sabihin, sa mga susunod na MMFF, sila pa rin ang magkakasama?

"Hindi pa namin iniisip iyon, although katuparan nga ito ng matagal na naming pinag-usapan na
magsama kami sa isang movie," saad ni Senator Bong. "Pwedeng maghiwalay o pwedeng magkasama
ulit kami next year."

"Mahirap naman yatang lagi kaming magkasama. Baka naman magka-inlaban na kaming dalawa,"
nagbibirong sagot ni Bossing Vic.  "Pag-iisipan namin iyan pagkatapos ng festival."

Kasama rin sa movie sina Bing Loyzaga as Satana, ang evil fairy na makakalaban nina Agimat at
Enteng Kabisote; ER Ejercito, si Ragat, ang fiery snake monster; Alex Crisano bilang monster na si
Asupre; King Gutierrez as Burgog, ang sidekick ni Ragat; Danielle Castano as Amazona, isa sa
followers ni Satana; Benjie Paras as Abugan at Robert Hernandez bilang haliwaw na si Balgogg sa
mundo ni Agimat.

SYNOPSIS. Worlds collide in this epic fantasy adventure that only one can dream of.

There is trouble brewing in the world of Agimat and monsters are scaring and kidnapping children. The
monsters seem capable of travelling in other worlds and Agimat is able to crossover with them to
Encantasia, the world of Faye, Ina Magenta and our hero, Enteng Kabisote. The fairies wonder why
monsters are able to cross worlds.

Agimat is amazed of the other world and hopes that things in his world would turn out better. His
dream one day is to have a happy family like Enteng's.

The story unfolds. Satana is the one ordering the monsters to snatch children so that she can use their
blood to revive Ragat, the powerful lord of darkness. Satana will also need a blood of a fairy, and Faye
is the perfect choice.

Enteng now has to rescue his wife. And he will get Agimat to help him battle the monsters and the
dark lord.

Will they succeed in overthrowing evil? Will they be able to save Faye and the children?

Find out as two of our heroes join forces in Si Agimat at Si Enteng Kabisote in cinemas nationwide
on December 25, 2010.

You might also like