Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 41

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,


ang pananaliksik na ito na pinamagatang
“Kalagayang pangkalusugan ng mga Obese”
ay inihanda at iniharap ng mananaliksik mula sa seksyon na IV – St. Titus
ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos,


at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na
paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga


pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)

_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMAT

Buong puso ko, bilang mananaliksik nito, na pinasasalamatan ang mga


sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang pamamahagi ng suporta na
naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito.

- kay Bb. Jessilyn Ranges, ang aming guro sa Filipino, sa


paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa
amin na mapaganda at mailathala ang aming pamanahong papel.

- kay Gng. Brenilda Medina, ang aming tumatayong punong-guro sa


kasalukuyang taon.

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mga


mahahalagang impormasyon tungkol sa aking paksa.

- sa mga piling respondent, sa pagbibigay ng panahon sa pagsagot ng


aking sarbey, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng
kabutihan na lubos na nakatulong sa amin.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.


Aking inihahandog ang pag-aaral na ito sa lahat lalo na sa mga obese na
Filipino upang magsimula ulit sila ng panibagong buhay sa pagtahak ng
mas malusog na landas, para sa ikabubuti ng kanilang hinaharap at sa
ikatatagal ng kanilang buhay.
ABSTRAK NG PANANALIKSIK

Maraming tao ang nakakaranas ng iba’t ibang karamadaman na dulot


ng sobrang katabaan. Alam natin na ang pagkakaroon ng malaking
katawan ay walang pakinabang sa pamumuhay ng isang tao. Ito pa
nga’y nagbibigay ng samu’t saring discomfort at pagkainis sa isang tao.

Ang pagiging mataba ay isang karamdaman. Hindi ito nakakahawa


ngunit minsa’y nagiging dahilan iyon sa paglayo ng tao sa kanya.
Minsan di’y nagiging dahilan iyon sa pagtukso sa taong iyon. Depresyon
ang mararamdaman ng taong iyon. Isa pa lamang iyan sa mga
epektong hinanap ng mananaliksik ukol sa katabaan ng isang tao.

Itinuturing ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magsisilbing


kontribusyon sa lipunan, para sa ikalalawak ng kanilang pang-unawa sa
mga taong nakararanas ng ganitong karamdaman. Ang pag-iwas sa
ganitong karamdaman ay inilahad din sa pag-aaral na ito nang isa-isa
para sa benepisyo ng mga taong mismong nakararanas ng ganoong
karamdaman.

Ang mga mananaliksik ay sumipi ng ilang impormasyon mula sa


kanilang iba’t ibang mapagkukunan tulad ng aklat at web site upang
mas maging malawig pa ang paksa na pumapaloob sa pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral ay binubuo ng limang kabanata kung saan binigyang


kasagutan ang mga suliraning pumapaloob sa paksa at nagbibigay ng
konkretong konklusyon na narating sa pamamagitan ng mga datos na
nakalap.
TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT
PAGHAHANDOG
ABSTRAK NG PANANALIKSIK

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”


A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
C. KATUTURAN NG MGA TALAKAY

D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAGAARAL


E. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL / LITERATURA

KABANATA 2 “PAMAMARAAAN NG PAG-AARAL”


F. INSTUMENTO/TEKNIK
G. METODOLOHIYA

KABANATA 3 “PAG-AARAL UKOL SA KALAGAYANG


PANGKALUSUGAN NG MGA OBESE”

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


A. KONKLUSYON
B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga suliraning


pumapaloob sa kalagayang pangkalusugan ng mga obese. Ang pangunahing
suliranin nito ay ang epekto ng pagiging obese. Ang epektong ito ay may
malaking kaugnayan sa pisikal, emosyonal at mental na aspekto ng mga taong
napatunayang obese na lubos na nakahahadlang sa mga gawain nila sa kanilang
pang-araw-araw na buhay.

Upang masagot ang suliraning ito ay kinailangang pag-aralan ng


mananaliksik ang mga bagay na nakapaligid sa nasabing suliranin. Kasama sa
mga tatalakayin ang pagkain at ang kahalagahan nito, sanhi ng kagustuhan na
kumain, at ang mabisang solusyon at rekomendasyon ukol dito.

Ang mga susunod na katanungan ay magsisilbing gabay ng pag-aaral na ito


upang lubusan pang mapalawig ang paksa:
1. Ano ang Obesity?
2. Ano ang pagkakaiba ng Obesity sa Overweight?
3. Anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng Obesity?
4. Anu-ano ang mga sintomas ng Obesity?
5. Anu-ano ang sanhi at epekto ng Obesity?
6. Paano malulunasan at maiiwasan ang Obesity?

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may layuning ipagbigay-alam sa mga…


Kabataan:
• …ang mga spesipikong detalye tungkol sa obesidad upang kanila rin
itong magamit sa kanilang mga pag-aaral.
• …na malaki ang pagkakataong ang pagiging obese nila habang bata
pa sila ay magiging panghabangbuhay, kaakibat ng mga sakit na
maaaring kumitil sa kanyang buhay.
• …ang mga posibleng lunas at pag-iwas sa pagiging obese.
• …upang mamulat sila o magkaroon sila ng kamalayan sa mga
maaaring dulot nito sa kanila o sa ibang tao.

Magulang:
• …ang saklaw ng pagiging obese at ang mga kalakip na sakit nito.
• …ang mga masamang epekto ng pagiging obese para magabayan
nila ng tama ang kanilang mga anak.
• …ang mga tamang pagkain, at gawain na dapat isagawa ng tao
upang maiwasan ang pagiging obese.

Ang pagiging obese ay komplikado. Dapat sa murang gulang pa lang ay


magkaroon na ng kahit kaunting pahapyaw ang mga kabataan upang sila'y
magawi sa isang malusog na pamumuhay.

C. KATUTURAN NG MGA TALAKAY

Para lubusang maintindihan ng mga mambabasa ang nilalaman nitong


pananaliksik, minarapat na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na kataga o
mga salita:

• Altapresyon - ay ang pagkakaroon ng hindi normal na mataas na


presyon ng dugo at mabilis na pagdaloy ng dugo
• Depresyon - panlulumo, kalungkutan, maaaring magdulot ng kawalang
pag-asa, kapanglawan, panggigipuspos, siphayo, despondensiya, at panghihina
ng loob at matinding dalamhati
• Diet Counseling - pagkain ng mga masusustansyang pagkain na
aprubado ng mga dalubhasa
• Diyabetes - Ang sakit na diabetes ay isang kundisyon kung saan
bumababa ang abilidad o kaya ay kumpletong nababawasan ang abilidad ng body
tissues na pangalagaan at gamitin ang sustansiyang nagdudulot ng lakas at
enerhiya sa katawan
• Epidemya - karamadamang talamak sa isa o maraming lugar
• Fast Foods - Hindi kamahalang mga pagkain na mabibili sa mga fast-
food-chain
• Heartburn - Hindi komprotableng pakiramdam sa may bandang dibdib
na maaaring magdulot sa isang tao na magsuka
• High Cholesterol - pagkakaroon ng madaming cholesterol sa katawan na
maaaring bumara sa iba't ibang daluyan ng dugo
• Hormonal Imbalance - hindi pantay-pantay na paggawa ng hormones
para sa paglaki, metabolismo, reproduksyon o iba pa
• Junk Foods - uri ng pagkain na hindi nakabubuti sa kalusugan; ito ay
may mababang nutrisyo at mataas na salt-content ang iba
• Kanser - abnormal na pagdami ng cell sa ating katawan na maaaring
sumira sa pag-function nang maayos ng ilang bahagi sa ating katawan
• Menopausal Stage - isang panahon sa buhay ng mga babae kung saan
tumitigil ang paggawa ng egg cells ng kanilang katawan
• Metabolic Rate - halaga ng enerhiya na nakonsumo sa loob ng binigay
na oras
• Metabolismo - prosesong ginagawa ng mga cell at tissue sa katawan
upang mamintina ang ating pamumuhay
• Neuroendocrine System - tumutukoy sa koneksyon ng endocrine at
nervous system
• NGO - Non-Governmental Organization
• Rashes - kondisyon ng balat na sanhi ng sobrang init
• Rayuma - isang uri ng pamamaga ng isa o higit pang malalaking
kasukasuan ng mga dulong bahagi ng katawan.
• Sakit sa Puso - mga karamdaman at sakit na konektado sa puso, mga
ugat sa katawan, pagdaloy ng dugo, at iba pa
• Sirkulasyon ng Dugo - pagdaloy ng dugo na sinusukat sa pamamagitan
ng pagkuha ng blood pressure
• Sleep Apnea - panandaliang pagkawala ng hininga o pagtigil ng
paghinga habang natutulog
• Stress - anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam
at damdamin sa isang tao.
• Surgery - pagpapagaling sa may mga sakit sa pamamagitan ng manual
na operasyon
• Type 2 Diabetes - pagkakaroon ng madaming asukal sa dugo
• Underweight - kakulangan sa timbang na maaaring dulot ng
malnutrisyon
D. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito at sumasaklaw sa impormasyong tungkol sa


obesidad lamang. Saklaw nito ang pagsusuring ginawa sa mga may gulang na
hindi bababa sa sampung taon. Bagamat may iba pang mga sakit na nabanggit
dito, ang tanging pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang paksa tungkol sa
Obesidad.

Sa pananaliksik na ito, minabuting limitahan ang saklaw ng pag-aaral.


Bagama’t nangangahulugan ang limitasyon ng hangganan ng maraming
impormasyon na maaring isama upang mapaunlad nang lubos ang napiling pag-
aralan ay ginawa ito upang maging mas makatotohanan at mas komprehensibo
ang pagtalakay sa mga aspektong may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

Sakop ng pag-aaral na ilahad at ipaliwanang ang obesity. Saklaw din nito


na ipagbigay alam sa mga obese ang sanhi at epekto ng pagkain ng marami at
ang mga solusyon sa suliraning ito. Isa sa mga metodolohiyang ginamit sa
pananaliksik ay ang pagsasarbey. Ang mga respondent ng sarbey ay limitado. Ito
ay kinabibilangan lamang ng mga mag-aaral sa Flos Carmeli Institution of Quezon
City mula sa ikaaapat na baiting sa elementarya hanggang sa ika-apat na antas
sa sekondarya at ang kanilang kabuuang bilang ay isang daan at apatnapu’t
dalawa (142) ngunit ang bilang lamang ng obese sa kabuuhang bilang na iyon ay
anim (6).

Ang pananaliksik na ito ay limitado sapagkat nakapokus lamang ito sa mga


kabataang hindi bababa sa sampung taon ang gulang. Tinitignan lamang ng
pananaliksik na ito ang mga maaring sanhi at epekto ng pagkain ng marami at
masyadong katabaan ng katawan sa mga obese. Bagamat limitado ang
pananaliksik ay may buong sikap itong nagnais na mailahad at maipaliwanang
nang buong husay ang mga nabanggit na paksang tatalakayin.
E. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang obesidad ay naging epidemiya na sa buong mundo. Ayon sa mga


statistika (2006/2007), may aproksimidad na 25% ang obese sa mga taong may
gulang na 15–pataas; 8% naman ng kabataan na may gulang 5-14 ang obese.
Nais ipabatid ng mga asosasyong pangkalusugan sa buong mundo ang mga
epekto’t mga dapat gawin ng mga obese upang maiwasan nila ang mga sakit na
maaari nilang makuha sa pagiging obese.

Fg. 1.1
Kung ating
makikita, ang grap sa
kaliwa (Fg. 1.1) ay
nagpapakita ng
relasyon ng pagiging
obese at pang-araw-
araw na biyahe na
kinakailangan ng
malaking enerhiya ng
katawan. Makikita na sa
bansang Amerika,
maraming tao ang
obese dahil kaunti
lamang ang mga tao
doon na naglalakad,
nagbibisikleta at bumabiyahe sa sariling pagod. Kabaliktaran naman iyon sa
Latvia dahil kaunti lamang ang obese sa bansang iyon dahil marami sa kanila ang
naglalakad, nagbibisikleta at bumabiyahe na hindi kinakailangan ng gasolina.
Bilang konklusyon, nakatutulong ang active transport sa pagbaba ng obesidad sa
isang bansa.

Sa Japan, sinusukat nila ang baywang ng mga taong higit sa 40 ang edad
at kung ang kanilang sukat ay masyadong mataba, kailangan nilang sumailalim sa
isang diet counseling. Sa New Zealand, pinagbabawal nilang maglakbay sa ibang
bansa ang mga taong sobrang taba. Sa Great Britain, kung saan 50% sa kanila
ang overweight, ang ibang residente sa piling mga lungsod ay pinagsusuot ng
isang electronice tracking device na kumakalkula sa galaw nila sa isang araw, pati
na rin kung gaano kadaming calories ang nabawas sa kanilang katawan. Ang mga
taong mahilig magehersisyo ay nagagantipalaan ng store coupons at ilang araw
na pahinga sa trabaho. Sa Germany, handa silang maglaan ng $47 milyon sa mga
sports program at mga programang mag-eendorso ng pagkain ng malusog.
Hinihikayat din ng kanilang gobyerno na huwag gawing target ng mga
kompanyang gumagawa ng mga matatamis ang mga bata at para sa mga
software company, na gumawa ng mga larong aktibong magpapagalaw sa mga
maglalaro nito.

Ang International Obesity Task Force (IOTF) ay isang NGO na kabilang sa


International Association for the Study of Obesity (IASO). Itinatag iyon noong
Mayo 1996 upang harapin ang isa sa mga mabigat na problema ng buong mundo,
ang obesidad. Ang puwersang iyon ay binubuo ng mga eksperto sa larangan ng
obesidad sa buong mundo, kabilang ang China, Japan, Chile, Australia, Brazil, the
USA, Canada at Europe.

Ang IOTF ay may mga pangunahing layunin upang maiwasan at bigyang solusyon
ang pagiging obese at iyon ang mga sumusunod:

• Para ma-iangat ang kaalaman at mamulat ang gobyerno, mga propesyonal


na manggagamot, at ang komunidad na ang obesidad ay seryosong
kondisyon ng katawan na maaaring magdulot pa ng mas maraming
karamdaman na magiging problema rin sa pagiging ekonomikal ng isang tao.
• Para magbigay ebidensya’t gabay sa pag-unlad ng lunas at pamamahala sa
obesidad.
• Para masiguro na handa ang mga propesyunal, lalo na ang gobyerno, sa
pagtugon ng problemang ito.

Sa pagtutulong-tulong at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya sa buong mundo,


naniniwala ang bawat isa na kanilang malulutas ang epidemyang ito, o obesidad.
KABANATA II
PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
A. INSTRUMENTO / TEKNIK NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ito ay


isang talatanungan para sa mga obese at overweight sa Flos Carmeli Institution of
Quezon City. Ang bilang ng obese sa nasabing paaralan ay anim (6) at ang mga
overweight naman ay may bilang na labing-lima (15).

Ang sarbey na iyon ay may mga katanungan na makatutulong sa akin


upang lubusang malaman ang kaalaman ng mga obese/overweight na respondent
tungkol sa obesidad. Ang mga katanungan sa unang bahagi ay upang malaman
kung alam nila ang kanilang kalagayang pagiging obese/overweight, kung ang
kanilang kalagayan ay namana nila sa kanilang mga magulang, kung iyon ay
nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw at kung ano ang kanilang mga
ginagawa upang magbawas ng timbang at lunasan ang kanilang pagiging mataba.

Ang ikalawang bahagi naman ay sumasakop sa isang daan dalawampu’t


anim (126) na respondent kung sila ay tinanong kung may magandang naidudulot
ang obesidad, ayon sa kanilang pagkakaalam.

B. METODOLOHIYA

Dalawampu’t isa (21) na obese at overweight ang aking mga naging


respondent. Sa pamamagitan ng kanilang mga kasagutan, aking malalaman ang
iba sa mga personal na opinyon nila sa pagiging obese/overweight at malaman
ang iba’t ibang impormasyon sa kanilang kalagayan.

May isa pang hiwalay na pagsasarbey ang ginawa ng mananaliksik kung


saan tinanong niya ang ilang mag-aaral mula sa ika-apat na baitang sa
elementarya hanggang sa ika-apat na antas sa hayskul. Ang mga katanungan
sakanila ay kung sila’y sang-ayon na may magandang dulot ang pagiging obese.
Hindi naging bias ang paraan ng pagtatanong.
KABANATA III
PAG-AARAL UKOL SA KALAGAYANG
PANGKALUSUGAN NG MGA OBESE
A. INTRODUKSYON

Ang Katabaan o Obesidad ay abnormal na pag-akumula ng sobrang taba sa


katawan na maaring magdulot sa taong iyon ng sari-saring mga karamdaman at
mga sakit tulad ng Diyabetes, Sakit sa Puso, Altapresyon, Rayuma, Kanser, atbp…
Kung tuluyang pababayaan ang obesidad ng isang tao, maaari itong magdulot sa
pagkahina, at pag-ikli ng buhay.

Napapaloob sa pananaliksik na ito ang mga paraan para maiwasan at


magamot ang obesidad, mga sanhi’t bunga ng kalagayang ito, mga kahulugan ng
iba’t iba pang mga salita’t kataga na may koneksyon sa obesidad at iba pang mga
katotohanan na dapat malaman ng karamihan dahil mahalaga ang kalagayang
pangkalusugan ng mga obese.

B. PANGUNAHING NILALAMAN

Maaaring alam na ninyo na ang mga obese ay mga taong may malalaking
katawan dahil sa sobrang katabaan. Ngunit, ang kaalamang iyan ay hindi pa
sapat. Sa pananaliksik na ito, ilalahad ang mas malawig pang saklaw ng pagiging
obese, obesidad o sobrang katabaan.

May paraan upang malaman kung obese ang isang tao. Iyon ay ang
pagkuha ng BMI (Body Mass Index). Nakukuha ang BMI sa pamamagitan ng
formula (sa ibaba) na angkop sa mga datos ng tangkad at bigat na mayroon ka.

Fg. 2.1
Kung ang lumabas na resulta ay mas mababa sa 18.5, iyon ay tumutumbas
sa pagiging underweight o kulang sa timbang. Kung ang resultang nakuha naman
ay nasa 18.5 hanggang 24.9, nangangahulugang ang timbang ng taong iyon ay
normal lang. Overweight naman ang mga taong may nakuhang BMI na nasa 25.0
hanggang 29.9. Kung ang nakuhang BMI ay lumagpas na sa 29.9,
nanganahulugang ang taong iyon ay obese. (Tingnan ang Fg. 1.2)

Fg. 2.2

Obesity VS Overweight
Walang eksaktong depinisyon ang salitang obesity pagkat maaaring gamitin
ang salitang ito sa paglalarawan sa isang napakataba, napakalaki o napakabigat
na tao (overweight), pero sa katunayan, ang tao ay pwedeng maging napakataba
o napakalaki subalit hindi siya obese. Bagamat sila’y palaging nagbibigay
kalituhan sa mga tao, may malinaw na pagkakaiba ang dalawa.

Ano nga ba ang kaibahan ng pagiging sobrang bigat at taba (overweight)


sa obesity? Ang salitang obesity at overweight ay parehong ginagamit sa
paglalarawan ng taong sobra sa normal na timbang, pero ang dalawang salitang
ito ay nangangahulugan ng dalawang magkaibgang bagay. Ang obesity ay
kaugnay sa di pangkaraniwang dami ng taba sa tissue ng ating katawan, at ang
overweight naman ay ang pagtaas ng timbang ng isang tao at kabilang na dito
ang ating mga vital tissue, tulad ng liver, at kidney, joints, at dugo.

Ayon rin sa ibang dalubhasa, Ang pagiging overweight ay nangangahulugan


na ang isang tao ay tumitimbang nang higit sa normal, sa kailangan, at sa tama
lalo na kung ito’y hindi nararapat sa kanyang edad. Samantala, ang pagiging
obese naman ay isang condition kung saan ang dahilan ng sobrang pagbigat at
timbang ng katawan ay ang sobrang pag-akumula ng taba sa katawan.

Fg. 3.1
Uri ng Obesidad

May tatlong uri ng obesity ayon sa distribusyon


ng taba sa katawan. Isa na ang Android Obesity. Ito ay
isang uri ng obesidad kung saan ang sobrang taba sa
katawan ay nasa taas lamang ng kanilang katawan.
Karaniwang hugis mansanas ang taong may Android
Obesity dahil ang kanilang itaas na pangangatawan
(balikat, mukha, leeg, braso, dibdib, tiyan) ay mataba
ngunit ang pang-ibaba ay normal lamang. Sa mga tao
na may ganitong uri ng obesidad, maaaring mapinsala
o lubhang maapektuhan ang kanilang puso, baga, atay at bato sanhi ng mataas
na cholesterol sa katawan. Bagamat mas laganap ang uri na ito sa kalalakihan,
karaniwan din ito sa kababaihan. Dagdag pa rito, mas malaki ang pagkakataon na
magkaroon ng gantong uri ng obesidad ang mga babae na umiinom ng mga
gamot o dumadaan sa hormone treatment para bumalik sa regular ang kanilang
menstrual cycle.

Ang isa pa sa mga uri ng obesidad ay ang Gynoid Obesity. Kung ang taba
sa Android Obesity ay sa itaas na bahagi ng katawan, sa Gynoid Obesity, ang taba
ay matatagpuan sa bandang ibaba ng katawan (tiyan, hita, puwit, binti). Dahil sa
kaanyuan ng katawan ng taong mayroong ganitong uri ng obesity, ang kanilang
hugis ay wari’y peras. Sa paglaki ng taong nakararanas ng ganitong uri ng
obesity, maaaring hindi na maging tuwid ang kanyang buto sa likuran dahil sa
pagbigat ng tiyan ay baywang ng taong iyon. Ang mga mahahalagang bahagi ng
katawan na maaaring maapektuhan nito ay ang mga kidney, uterus, intestine, at
bladder. Ngunit ang tungkulin ng mga organ na iyon ay minsang konektado sa
puso. Sa uri ng obesidad na ito, hindi iminumungkahi na mag-ehersisyo at mag-
diyeta upang mawala ang taba dahil hindi rin ito makakatulong ng labis.

Maliban sa Android at Gynoid na obesidad, may isa pang uri ng obesidad.


May ibang obese na hindi naaangkop sa mga nabanggit sa taas. Ang buo nilang
katawan, mula ulo hanggang paa’y nakakakitaan ng sobrang katabaaan. Dahil
diyan, hindi sila nakakalakad ng husto at hindi rin sila nakakagalaw ng malaya.
Ang mga taba sa tissue ng kanilang katawan ay humahadlang sa paggalaw ng
lahat ng internal organs sa kanilang katawan at dahil doon, ang paggawa ng
tungkulin o pag-funtion ng mga ito ay naaapektuhan ng malaki. Kaya,
pinapayuhang magdiyeta at mag-ehersisyo ng madalas ang taong may ganitong
uri ng obesidad.

Mga Sintomas ng Obesidad


Ang obesidad ay pag-akumula ng sobrang taba sa katawan. Isa sa mga
lugar kung saan ito ay maaring labis na kumalat at pinakamadaling makita ay sa
paligid ng baywang. Ang baywang na may sukat ng 40 pulgada o higit pa sa mga
lalaki at 35 na pulgada o higit pa sa mga kababaihan ay nagiging senyas sa isang
panganib para sa mga may sakit sa puso at iba pang mga problema sa kalusugan
na kaugnay sa obesity.

Ang pagkakaroon ng maraming taba sa katawan ay maaaring maging sanhi


ng mga sintomas na sumusunod:
• Pananakit o aching sa likod at • Heartburn
sa tuhod • Rashes sa balat
• Depresyon o iba pang mga • Hirap ng paghinga
emosyonal na problema • Hilik o sleep apnea
• Paghirap sa paglalakad • Pagpapawis ng sobra
• Hypertension o Pagbilis ng • Pagkakaroon ng Type 2 na
daloy ng dugo Diyabetis
• Pagkakaron ng High cholesterol
level na maaaring bumara sa
mga ugat ng katawan

Sanhi ng Obesidad

Alam natin na ang sobrang pagkain ay nakasasama at mali. Ang problema


at sanhi ng obesidad ay ang hormonal imbalance na nagpipigil sa ating mabuhay
ng lubusan, sa halip, iniimbak ang enerhiya sa katawan at ito’y nagiging taba.
Ang imbalance na ito ay ang pagkain ng maraming kaloriya ngunit hindi
pagkonsumo nito. Sa bawat 7,500 na kaloriya na naaakumula ng katawan, ang
timbang ay nadaragdagan ng isang kilo (1kg). Ang taba sa katawan ay patuloy
na naiipon at nagiging sanhi ng obesidad ng katawan.

Nag-uumpisa ang pagtaba ng isang tao sa panahon ng adulthood o sa mga


edad na 12 hanggang 16 kung saan umaabot ng 60 porsyento ang itinataas ng
kanilang timbang. Minsan naman ay dahil din ito sa pagdadalantao ng mga
kababaihan dahil pagkatapos nilang manganak, nahihirapan silang ibalik sa dati
ang katawan nila. Habang nagkaka-edad din ang isang tao ay bumabagal ang
metabolic rate nito at nagiging dahilan ng pagtaba ng isang tao.

Ang kasarian ay isa ring dahilan. Mas mataas ang metabolic rate ng mga
lalaki kaysa sa mga babae. Samantala ang mga kababaihan, lalo na ang mga
nasa menopausal stage ay mas tumataba dahil sa bumababa ang metabolic rate
nila.

Nagiging sanhi rin ang hindi balanseng pagkain dahil sa nauuso ngayon ang
fast foods. Hindi lahat ng calories na nakukuha natin dito mula sa mga fast food
ay nagagamit ng ating katawan. Minsan ay naiipon ito sa ating katawan na siyang
nagpapataba sa atin.

May mga kaso naman na namamana natin sa ating mga magulang ang
pagiging malusog nila dahil sa pagkakaroon ng parehong ugali lalo na sa pagkain.
Maaari rin namang makapagpataba ang stress o problema. Mas ninanais kasi ng
isang taong problemado na kumain ng kumain upang makalimot sa kanyang
problema. Maari ring maging sanhi ng pagiging obese ay ang mga genetics factor,
socioeconomic factor, metabolic factor, lifestyle choice, at iba pa. Ang
pagkakaroon ng sakit, pag inom ng gamot ay isa ring sanhi ng pagiging obese.

Ito ang iba’t ibang sanhi kaya nagiging obese ang isang tao:

• Genetics (Namamana) – napag-aralan na ang pagiging obese ng


isang tao ay namamana sa mga magulang. Napatunayan noong taong 2004
na 48% na kabaataan na may obese na magulang ay nagkakaroon din ng
sobrang timbang.

• Lifestyle (Pamumuhay) – pagkain ng madami at pagkain ng


makolesterol na pagkain ay nagiging sanhi ng pagiging obese. Ang pag-
eehersisyo ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang sa kabataan. Ang
kawalan din ng ginagawa sa bahay, tulad ng paglalaro lamang ng
kompyuter at panonood ng telebisyon buong araw. Kung kaunti lang ang
ginagawa ng isang tao, kaunti lang din ang nagagamit nitong calorie/s, at
dahil dito, naipon lamang ito at nagiging sanhi ng pagiging obese. Ang
sosyo-kultural na sanhi ay nakaaapekto rin sa pagiging obese dahil ang
pagkain ay hindi maaalis sa ating kapaligiran. Ang pagkain ay isa sa ating
mga pangunahing kailangan upang mabuhay. Nagiging sanhi ito sa
pagiging obese dahil sa pamumuhay na hindi kontrolado.
• Stress (Pagod at Problema) – dahilan ng mga problema na
dumarating sa isang tao, maaaring magdulot ito ng depresyon, mga sakit
tulad ng sakit sa ulo at iba pa. Dahil rin sa stress, maaaring matulog ng
mas mahaba, kumain ng mas marami at tamarin sa paggalaw ang isang
tao.

• Sistema ng Neuroendocrine – Pagtaas ng lebel ng Cortisol


(hormone na sanhi ng stress), pagbaba ng lebel ng Thyroid, abnormalidad
sa ovary ng babae (Polycystic Ovary Syndrome), at hindi na paglaki dahil
sa hindi sapat na paggawa ng growth hormones (Growth Hormone
Deficiency).
Fg. 4.1
Pisikal na Epekto ng Obesity
Karaniwan sa mga tao na sumusobra
sa timbang ay nagiging obese (sobrang
timbang). Sa kasalukuyan, sinasabing 130
milyong katao (nakatatanda) sa U.S. ay
obese at 15% naman ng mga kabataan ay
obese, kumpara noong kasalukuyang
panahon. Tumataas ang bilang ng pagiging
obese ng mga bata sa ngayon at ito ay isa sa mga problema ng mga organisasyon
na nag papangalaga sa ating mga kalusugan. Ang pagiging obese ng mga
nakatatanda ay isa sa nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa sakit sa
puso. Pati na rin ang mga kabataan ay nabibiktima nito.

Ang obesity ay sinabing epidemya ayon sa mga propesyonal, at ito ay unti-


unting tumataas. Ang sobrang timbang ng tao ay nagiging malapit sa mga sakit.
Kung ang iyong BMI ay nagpapatunay ikaw ay obese, maari kang magkaron ng
iba’t ibang sakit.

Ang mga sumusunod ay isa sa mga epekto ng pagiging obese ng tao, at


minsa’y nagiging sanhi rin ng pagkamatay:

• Pagtaas ng blood pressure - ang dagdag na laman sa ating katawan ay


mas nangangailangan ng hangin (oxygen) kumpara sa may tamang katawan,
kaya kailangang mas mabilis ang sirkulasyon ng ating dugo. Ito ang nagiging
dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso upang mapailis ang daloy ng dugo sa
ating katawan. Tataas ang pressure sa ating katawan kung mas mabilis ang
pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat. Kung mabilis naman ang pagdaloy ng
dugo sa ating mga ugat ito na ang nagiging sanhi ng pagtaas ng blood
pressure. Kung mataas ang timbang, bibilis ang tibok ng ating puso at
mahihirapan ang ating dugo na dumaloy sa ating mga ugat.
• Diabetes – ang pagiging obese ay isa sa dahilan ng pagkakaroon ng type
2 diabetes. Ang obesity ay dahilan ng pagtaas ng ating insulin, ito ang
nagkokontrol o nagbabalanse sa ating blood sugar. Kapag nagkaroon ng
sobrang paglabas ng ating insulin sa katawan, ang blood sugar sa ating
katawan ay taas. Ito ang dahilan ng pagiging daiabetic ng isang tao.
• Sakit sa puso - Atherosclerosis (pagtigas ng ugat sa ating puso) dahil dito,
bumabagal ang pag daloy ng dugo sa ating puso, at minsa’y nababarahan,
kaya nagkakaroon ng clot (langib) sa ugat ng ating puso at nagiging dahilan
ng pagbara nito kaya sumisikip ang dibdib o nagkakaron ng atake sa puso. at
kung barado naman, ito ang nagiging dahilan ng pagka-stroke.
• Problema sa kasu-kasuhan (osteoarthritis) – ang obesity ay nagiging
dahilan ng pagkasira ng tuhod dahil sa bigat nito.
• Problema sa pagtulog (sleep apnea) at hirap sa paghinga - sleep
apnea ang dahilan kung bakit ang taong obese ay nahihirapang huminga,
naiistorbo nito ang ating pagtulog sa gabi at nagiging antukin kapag sa araw.
Isa sa mga dahilan din nito ay paghilik ng malakas. Ang taong obese ay
nahihirapang huminga dahil sa mga taba sa kanilang dibdib, dahil naiipit nito
ang kanilang baga.
• Kanser – sa kababaihan, ang pagiging obese ay nagiging malapit sa kanser
tulad ng breast cancer, colon, gallbladder at uterus. Sa kalalakihang obese ay
nabibiktima rin nito.
• Metabolic syndrome - Ang National Cholesterol Education Program ay
nagsasabing nagiging malapit sa sakit sa puso ang mga taong obese. Paglaki
ng tiyan, pagtaas ng kolesterol, pagtaas ng blood pressure, mabilis na pagtaas
ng insulin sa katawan, elevation of certain blood components that indicate
inflammation, pagkakaroon ng mga clot (langib) sa mga ugat sa katawan o sa
puso.
• Pagkahiya sa mga tao- sa kasalukuyan, ang karaniwang anyo ng tao ay
payat, dahil sa pagiging mataba ng tao, sila ay nahihiya sa mga tao. Dahil sila
ay pinipintasang mabagal o mahina. Madalas din ang mga taong obese ay
hindi natatanggap sa trabaho. Kaya ito ang nagiging dahilan kaya sila ay
nagkakaroon ng pagkahiya at pagkawala ng tiwala sa kanilang sarili.
Iba pang karaniwang epekto ng pagiging obese:

• Congestive heart failure


• Stress
• Blood clots
• Stroke
• Pagtaas ng cholesterol
• Sakit sa bato at apdo
• Sakit sa atay
• Gastroesophageal Reflux Disease (GERD)
• Gout

Iba pang epekto ng Obesity


Ang obesity ay nagdudulot ng pisikal, sikolohikal at sosyolohikal na
problema sa taong nagtataglay nito. Natalakay na kanina ang mga pisikal na
epektong maidudulot nito sa ating katawan.

Ang susunod naman ay ang sikolohikal na epekto nito sa taong obese. Ang
mga taong obese ay madalas nakakaranas ng emosyonal na paghihirap dahil sila
ay nasasabihang mataba at pangit, dahil dito, naaapektuhan ang sikolohikal ng
pag-iisip ng mga obese. Natatatak sa kanilang isipan na sila ay pangit at mataba
at minsa’y napupunta rin sa isip nila na wala silang kwenta sa mundong ito.

Huli sa lahat, sila ay nakakaranas ng problema sa kanilang paligid, o


sosyolohikal na problema. Kadalasang hinuhusgahan ang mga obese bilang tamad
at matatakaw na tao. Kadalasan sila din ay nakakaranas ng diskriminasyon sa
trabaho, eskwelahan at sa paligid nila. Minsan nakakaranas din sila ng rejection,
kahihiyan (shame), at depression.

Posibleng Paraan upang Malunasan at Maiwasan ang Obesity


Maaari pa rin namang malutas ang problema ukol sa obesidad. Depende ito
kung gaano kalusog ang isang tao. Para sa iba ay umeepekto ang pagdidiyeta,
ehersisyo, o minsan naman ay talagang gamot na ang itinatapat dito.
Maaari ring sundin ang mga sumusunod:

• Isipin ang ninanais na timbang at idikit ito kahit saan basta dapat ay
makikita ito araw-araw.
• I-enjoy ang pagkain ng masustansyang gulay at iwasan ang mga
mamantika.
• Iwasan ang mga pagkain na alam mong makapagpapataba.
• Subukang bawasan ang pagkain ng madami.
• Importante ang pag-inom ng tubig. Siguraduhing uminom ng walong baso
ng tubig araw-araw.
• Maging masaya at huwag isipin na mamamatay ka kapag hindi ka
nakakain.
• Isipin na hindi ka makakapagsaya kung hindi mo kasama ang iyong
pamilya ng may malakas na pangangatawan.
• Kumain ng mga pagkain na steamed, nilaga, broiled o inihaw.
• Panatilihin ang pagdi-diyeta hanggang sa ikaw ay pumayat.

Mga pangunahing kailangan upang malunasan o maiwasan ang pagiging obese:

 Diyeta: Ang diyeta ay ang kalidad at bilang ng pagkain at inumin na


dapat konsumuhin lamang. Para sa mga obese, ito ay isinasagawa para
maiwasan ang paglaki ng katawan at pag-angkat ng hindi kinakailangang mga
sustansiya, bitamina at enerhiya sa katawan. Kinakailangang magdiyeta ng
isang obese upang mabawasan ang kaloriyang kanyang nakakain at para
mapalitan ang nakasanayan niyang pagkain ng mas hindi nakakapahamak na
mga pagkain.

“Pagkain” - ano nga ba ito?


Ang pagkain ay isang bagay na nangangalaga ng ating katawan. Simula pa noong
bago tayo ipanganak hanggang bago tayo mamatay, ang pagkain ang
pinakanangingibabaw na pangangailangan natin sa ating buhay para tayo’y mabuhay.
Ito rin ang nagbibigay sa atin ng enerhiya upang magampanan nating mabuti ang
ating mga gawain sa pang-araw-araw, paghinga, pagtibok ng puso, pagmintina ng ayos
ng buto’t laman, maayos na pagtakbo ng ating isipan, at marami pang iba. Ngunit may
iba pang halaga ang pagkain, isa na rito ang pagbibigay nito sa atin ng kasiyahan at
kasiglahan. Maaari itong maging dahilan upang magkita-kita’t magsaya ang mga
magkakaibigan, magpulong ang iba’t ibang tao para sa negosyo, mas mapasaya ang ating
mga bakasyon at ang pagkain ay may mahalaga ring simbolo sa relihiyon (pag-aayuno,
hindi pagkain ng baboy, hindi paghalo ng gatas at karne, hindi pagkain ng matitigas na
pagkain, atbp.).

Iminumungkahi ng mga doktor at siyentipiko ang pagdidiyeta ng mga obese.


Ang diyeta na kanilang kailangan ay isang low-calorie-diet, kung saan ang mga
pagkaing kailangang kainin ay may mababang calorie content.

Ang karaniwang diyeta na para sa pagbabawas ng timbang ay nagbibigay ng


1000-1,500 na kaloriya sa isang araw. Ngunit, ang bilang kaloriya ay depende
sa timbang at ang iyong regular na paggalaw. Ang uri ng diyetang iyon ay
tinatawag na low-calorie-diet. Ang calorie level ng katawan ay dapat na
magbawas na kahit 1lb. sa isang linggo. Kung iyong makukwenta ang bilang
ng kaloriya na iyong kinakain sa isang araw, makakagawa ka ng isang diet
plan na angkop para sa iyo. Kinakailangan din ang opinyon ng propesyunal
tungkol sa iyong diyeta o magkaroon ng isang diet plan na may permanenteng
bilang ng kaloriya.

May mga pormula para sa ganitong uri ng diyeta, kung saan pinapalitan ang
lahat ng nakasanayang pagkain ng liquid shakes and bars. Maaring tumagal ng
ilang linggo ang pagdidiyeta, depende sa laki ng katawan, regularidad ng
diyeta, tamang obserbasiyon ng eksperto at pag-ehersiyo. Ngunit hindi pa rin
dapat kalimutan ang ibang pangangailangan ng katawan tulad ng protina na
matatagpuan sa karne, isda, itlog at iba pa.
 Ehersisyo: Ang palagiang pag-eehersisyo ay maraming benipisyo na
maidudulot sa ating katawan gaya ng mga sumusunod:
• Mainam na pampababa ng timbang, pang-aayos ng blood circulation o
pagdaloy ng dugo sa mga ugat, pampabuti ng muscle tone at efficiency
ng puso at baga;
• Nakatutulong sa maayos na pagtulog; at
• Pang-alis ng stress. (Dr. Capanzana, FNRI-DOST, 2010)

Kaya upang tuluyang maging normal ang timbang ng isang obese,


kailangan niyang mag-ehersisyo na tutulong sa kanyang katawan upang
mapantayan ang konsyumo niya ng kaloriya at makapagbawas ng mga
taba.

 Disiplina: Hindi magagawa ng isang nag-aasam na magkaroon ng normal


na timbang ang pagdidiyeta at pag-eehersiyo ng tama kung wala siyang
disiplina. Kaya mahalaga na hindi kalilimutan ang disiplina sa sarili upang
maisakatuparan ang mga naunang nabanggit.

 Medikasiyon: May mga gamot na naimbento ang ating Modern Science na


makakapagbawas ng timbang ng isang obese. Sa pamamagitan ng mga gamot
na iyon, binabago nila ang takbo ng ating kagustuhang kumain (appetite),
metabolismo, at pag-absorba ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya.

 Pagtitistis (Surgery): Isa pa sa maaaring solusyon upang mawala ang taba


sa katawan ay ang pagtitistis. Isa itong modernong pamamaraan kung saan
tinatanggal ang taba sa loob ng katawan gamit ang mga medikal na
kagamitan. Ngunit, rekomendado lamang ang pagtitistis sa mga may
malalalang kaso ng obesidad (BMI > 40) o yung mga tao na hindi na talaga
makayanang magpapayat sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Ang pananaliksik na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghahanap ng
iba’t ibang impormasyon sa iba’t ibang libro’t pahina sa internet at sa
pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang unang sarbey na aking ginawa ay may piling respondent lamang kung
saan sinagot nila ang mga katanungang aking inilatag. Binubuo ng dalawampu’t
isa (21) ang mga respondent ng sarbey na ito at sila’y may natatanging katangian
– pagiging overweight o obese.

1. Ang unang katanungan ay :


“Ano, sa iyong pagkaka-alam, ang Obesidad?”

Fg. 5.1 Bilang ng mga respondent na alam ang Obesidad

Walang kaalaman

tungkol s a

O bes idad

T ama ang

kaalaman tungkol

s a O bes idad

M ali ang kaalaman

tungkol s a

O bes idad

Ayon sa grapikong paglalarawan sa itaas, 9/21 ≈ 43% ng mga respondent ang


hindi alam ang Obesidad. 5/21 ≈ 24 % naman ang nagsabi na ang obesidad ay
pagiging mabigat, sobra sa timbang o overweight na maling kahulugan ng
Obesidad. Ang natitira namang pito (7) ≈ 33% ay may simple ngunit tamang
kaalaman tungkol sa obesidad. Ang obesidad ay ang katabaan ng katawan.

Bagamat ang mga respondent ay mga obese/overweight na, karamihan pa rin sa


kanila ay hindi alam ang kahulugan ng pagiging obese o sobrang katabaan.
Nagpapatunay lamang na ang pananaliksik na ito ay lubusang makakatulong sa
kanila lalo na’t wala o hindi sapat ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang epekto ng
obesidad.
2. Ang ikalawang katanungan ay:
“Ang mga magulang mo ba’y matataba?”

Fg. 5.2 Bilang ng mga respondent na may matatabang magulang

May m a gula ng na
m a y k ata ba an

Hindi m a tataba
a ng m ga
m a gula ng

Ang grap sa itaas ay nagpapakita na 10/21 ≈ 48% sa mga respondent ay may


mga magulang na maaaring pinagmanahan nila ng kanilang katabaan. Ang 11/21
≈ 52% naman ng mga respondent ay maaaring naging obese/overweight lamang
dahil kanilang sariling pamumuhay, hindi balanseng pagkain at iba pa.

Sa pamamagitan ng pagtuklas kung ang mga respondent ay may mga magulang


na may katabaan, maaaring ito’y magsilbing patunay na ang Obesidad ay
maaaring makamit dahil sa Genetics o namamanang katangian ng magulang.
3. Ang ikatatlong katanungan ay:
“Nakaka-abala ba ang katabaan sa iyong pang-araw-araw?”

Fg. 5.3 Bilang ng mga respondent na (di-) naaabala dahilan ng kanilang pagiging mataba

16
14
12
10
8 C o lum n 1
6
4
2
0
Naaabala ng Hindi naaabala
pagiging mataba ng pagiging
mataba

Ang bar grap sa itaas ay nagpapakita na 6/21 ≈ 29% sa mga respondent ay naa-
abala ng kanilang pagiging mataba. Ang pagiging mataba nila na ito ay hindi nila
nakikita sa positibong larawan dahil para sa kanila, ang katabaan ay nagiging
sagabal o abala ka kanilang pamumuhay sa pang-araw-araw. Samantala, ang
natitira namang 15/21 ≈ 71% ay hindi iniisip na ang katabaan ng kanilang
katawan ay nagiging abala sa araw-araw nilang mga gawain.

4. Ang ika-apat na katanungan ay:


“Saan pinakanakaka-apekto ang katabaan?”

Fg. 5.4 Pie Grap na nagpapakita ng mga aspetong naaapektuhan ng katabaan


…………
Pagkilos

Sosyalidad /
Social Life

Sariling
Kakayanan at
Emosyon
Hindi nakaka-
apekto ang
Obesidad
Slice 5

Sa Fg. 5.3, ipinapakita ang mga aspeto na naaapektuhan ng katabaan. Ang may
pinakamalaking bahagdan ay ang Pagkilos (7/21 ≈ 33%). Ang dalawang sumunod
na aspeto ay parehong nakakuha ng 5/21 ≈ 24% na boto ng mga respondent.
Ang katabaan ay nakakaaapekto ng malaki sa iba’t ibang aspeto ng buhay kaya’t
napakamatalinong maging alarma patungkol dito. Ang natirang bahagdan (4/21 ≈
19%) naman ay naniniwala na hindi naman nakaka-apekto ang katabaan sa
kanilang uri ng pamumuhay.

Samakatuwid, nagiging mahirap ang pagkilos ng mga taong matataba, ayon na


rin sa ating mga respondents.
5. Ang huling katanungan ay:
“Anu-ano ang mga ginagawa mo para bumaba ang iyong timbang?”

Fg. 5.5 Pie Grap na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga respondent upang magbawas ng timbang

Pag-eehersisyo

Regular na
Pagdidiyeta

Pag-inom ng
gamot na
pampapayat
Iba pang paraan

Wala akong
ginagawa

Nangunguna ang pag-eehersisyo sa mga gawain na madalas gawin ng aking mga


respondent upang magbawas ng timbang. Marahil ito’y madali gawin, at hindi na
kinakailangan ng kahit ano pa, kaya kanila itong napili. Ang pagpapapapayat ay
nagiging isang tungkulin ng isang obese/overweight. Hindi nga lang sapat ang
pag-eehersisyo, maaari din na kumain ng tama’t magdiyeta, magpapayat sa
pamamagitan ng mga gamot at iba pa.
Ang ikalawang sarbey naman na aking isinagawa ay para sa lahat ng mag-aaral
ng Flos Carmeli Institution mula sa ika-apat na baiting sa elementarya hanggang
sa ika-apat na antas sa hayskul.

Ang bilang ng respondent para sa sarbey na ito ay dapat isang daan at apatnapu’t
dalawa (142) ngunit hindi nakapirma ang iba kaya ang kabuuang bilang na
lamang ng sarbey na ito ay isang daan at dalawampu’t anim (126)

Ang katanungan na kanilang sinagot ay iisa lamang at ito ay:

“Sang-ayon ka ba na mayroong
magandang dulot ang pagiging
obese?”

Nahati sa dalawang hanay ang sarbey, sa mga sang-ayon at sa mga ‘di sang
ayon. Ang mga sumang-ayon ay may bilang na labing-siyam (19) at ang mga
hindi sang-ayon ay isang daan at pito (107).

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga
bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon),
kung sila’y may sapat na kaalaman tungkol sa mga sakit at iba pang epekto ng
pagiging obese. Naging malaking tulong din ang sarbey na ito dahil sumasaklaw
ito sa mas malaking bilang ng tao. Sa paghingi ng opinyon ng mas malaking
grupo ng tao, tumitibay ang sarbey.
KABANATA V
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. KONKLUSYON

Pagkatapos ng pananaliksik tungkol sa Obesity, naisaad ng mananaliksik


kung ano nga ba talaga ang obesity, na ito ay isang pisikal na kondisyon at
karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng isang taong may lubhang katabaan. Ito
rin ay karaniwang napagkakamalan na eating disorder at psychological disorder,
ngunit sa katunayan hindi rin ito tinuturing na isa sa dalawa.

Naibahagi rin ng mananaliksik ang mga posibleng pinagmulan ng


kalagayang ito at ganun na rin sa mga maaaring epekto nito sa taong apektado
nito, o sa mga taong obese. Napag-alaman din ng mananaliksik na ang obesity
pala ay maaaring isang senyas o sintomas ng mas malalang sakit.

Napatunayan ng mananaliksik, na ito ay nakakaapekto sa pisikal,


sikolohikal at sosyolohikal na aspesto ng buhay ng isang tao. Bukod pa rito,
naibahagi rin niya ang mga posibleng hakbang para maiwasan ito.

Noon, ang obesity ay hindi masyadong kinikilala bilang isang problema sa


Pilipinas; hindi dahil sa ito’y hindi makikita sa ating bansa, kundi dahil dati hindi
pa ganoon kamulat ang mga mata ng mga Pilipino sa isyung ito. Ngayon, sa
pamamagitan ng research paper na ito, ninanaais ng mananaliksik na maibahagi
niya ang kaniyang natutunan upang mamulat ang mata ng mga mambabasa.
B. REKOMENDASYON

Nais iparating ng nanaliksik sa mga mambabasa na bigyan nila ng pansin


ang kanilang kalusugan upang mapanatili nilang masigla at malakas ang kanilang
pangagatawan. Ayon sa pananaliksik na ito, maraming tao ang nagiging biktima
ng obesidad dahil sa kawalan ng disiplina sa kanilang sarili at nagiging dahilan ng
iba’t ibang uri ng sakit. Ito ay magiging gabay at mapagkukunan ng mga bagong
kaalaman upang malaman ng bawat isa ang mga kadahilanan kung paano
nagiging obese ang isang tao, ang mga maaaring maidulot nito sa ating katawan
at kung paano na rin ito maiiwasan.

Sa mga gusto pang ipagpatuloy ang pananaliksik na ito, nais ng nanaliksik


na bigyan pa ninyo ito ng mga maaaring maidulot nito sa bawat isa at iba pang
mga sintomas o sakit na maaaring maging resulta ng pagiging obese ng isang tao
at lalong lalo na kung paano ito maiiwasan.
BIBLIOGRAPIYA
• WIKIFILIPINO – KABATAAN
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Katabaan

• WHO - OBESITY
http://www.who.int/topics/obesity/en/

• SOLUTION TO OBESITY
http://ezinearticles.com/?Solution-to-Obesity&id=33126

• PAGKALKULA NG BMI
http://www.sunsweet.com.my/bmi.html

• OBESIDAD.NET
http://www.obesidad.net/english2002/default.htm

• DOST - EHERSISYO
http://ro7.dost.gov.ph/index.php/component/content/article/1-
latest/141-ehersisyo-mainam-sa-kalusugan.html

• WIKIPEDIA - OBESITY
http://en.wikipedia.org/wiki/Obesity

• CNC - WALK, CYCLE TO FIGHT OBESITY


http://www.cbc.ca/health/story/2010/08/20/walk-cycle-obesity.html

• HOW OTHER COUNTRIES FIGHT FAT


http://www.parade.com/news/intelligence-report/archive/how-other-
countries-fight-fat.html

• IUNS.ORG - OBESITY
http://www.iuns.org/features/obesity/obesity.htm

• SOCIAL REPORT - OBESITY


http://www.socialreport.msd.govt.nz/health/obesity.html

• PAGKAKAIBA NG OVERWEIGHT AT OBESE


http://www.herbal-home-remedies.com/weight-loss/

• URI NG OBESITY
http://doctoradvice.org/types_of_obesity.html
PATUNGKOL SA AWTOR
I. Contact Information
Pangalan: Funny Jovis P. Malasan
Tirahan: #213 Rosal St. Pingkian Village 3 Pasong Tamo Q.C.
Telepono/Cellphone: 4278307/09179167580
E-mail address: jovis_malasan@yahoo.com

II. Personal na Datos

Edad: 15
Kapanganakan: Ika-15 ng Hunyo, 1995
Lugar ng Kapanganakan: Quezon City, Metro Manila
Lahi: Filipino
Kasarian: Babae
Pangalan ng Ama: Wilfredo D. Malasan
Pangalan ng Ina: Estrellita P. Malasan

III. Educational Background


Paaralan :
• Sekondarya: Flos Carmeli Institution of Quezon City
• Elementarya: Diliman Preparatory School

IV. Mga interes at pangarap

Nais kong maging isang ibon na nakakalipad at madama, makita,


malanghap, at marinig ang kalinisan ng mundo. Nais kong maging isang tao na
mailalathala sa mga libro at sa tuwing nababanggit ang isang bagay, ang
pangalan ko ang kanilang maaalala. Nais kong malibot ang buong mundo’t
maranasan ang iba’t ibang kultura sa iba’t ibang nasyon. Nais kong mamatay
nang dakila at maging kung anu-ano pa.

Ang mga nais na iyan ay nabuo noong ako’y bata pa lamang. Ang mga nais
na aking inisip na magpapasaya sa akin noon. Ngunit sa aking pagtanda’t paglaki,
nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkakakita sa mundo at kung ano talaga ang
gusto ko.

Pangarap kong magtayo ng sarili kong parmasya, o kaya’y maging isang


doktor na mangangasiwa ng mga terapiya para sa mga mentally disabled na mga
tao, o isang doctor na nakapokus sa pag-iisip ng tao. Ngunit sa ngayon, ang aking
pinakamithi ay magkaroon ng masaya, masagana at mahabang buhay sa
hinaharap upang matupad ko ang mga pangarap ko.

You might also like