Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Erich Gonzales at Xian Lim, mag-dyowa na?!

NABUKING NG ISANG non-showbiz friend namin


na talagang mag-on na pala sina Xian Lim at Erich
Gonzales. As in sila na nga raw, base sa ka-sweet-
an ng mga kilos nito together. Bagay na karapatan
nilang aminin o i-deny.

Taga-Marikina City ang ating source, na eye-


witness, kaya confident ito sa pagkukuwento ng
kanyang nakikita kina Xian and Erich, hindi lang
isang beses. Iisa kasi ang kanilang gym na nasa
Marikina.

Maics Gym, Boxing, and Fitness ang pangalan ng


gym ng aming source, at ng dalawang Kapamilya
personalities.  Location nito ay sa Pikador cor.
Ditchoy Sts., Midtown Subdivision, Marikina, at very
confident ang aming informant na nakikita niya
personally sina Erich and Xian na sweet together, habang nagdyi-gym doon.

“Sa itaas na level ng gym na ‘yun kung saan din ako nagwo-work out, laging sabay nagdya-jogging sa
boxing area sina Xian at Erich. Inaalalayan ni Xian si Erich at sweet sila sa isa’t isa.

“Iba naman ang kilos ng magkaibigan sa mag-syota, ‘di ba? Alam ko dahil ako rin naman ay may ka-
relasyon. Lagi silang nagdyi-gym doon, at marami ang nakakakita,” kuwento ng aming source.

Come to think of it, ang ibini-build up na loveteam kay Erich ng ABS-CBN ay si Enchong Dee, pero tila
mas “nahulog” na yata ang damdamin ni Erich, in real life, sa guwapo ring si Xian, na tulad ni Enchong ay
nakasama rin nito sa launching show niyang Katorse na nag-hit sa televiewers.

Sa buhay-artista lalo na’t pinapasikat ng malalaking network, normal ang pag-develop sa loveteams, like
in the case of Erich and Enchong, pero tao rin silang kailangang kumilos nang normal, at kung ano ang
tunay na nararamdaman nila ay mahirap itago sa publiko, tulad ng pagiging sweet nga raw ni Erich kay
Xian sa gym.

Again, tulad ng sabi namin, kung magde-deny man sa eksenang ito sina Erich at Xian, karapatan nila
‘yun. Or puwede ring dahil sa “pambubuking” na ito eh, mag-iba o mag-hiwalay na sila ng gym, hindi
kaya? Ha-ha-ha!

Kapag nangyari ‘yun, guilty ang mga ito?

Well, sa tandem ng Erich-Enchong, kung loyal talaga ang kanilang fans sa kanila, may ma-link man
romantically na isang Xian Lim, ‘di sila dapat bumitaw sa kanilang idols. Ang Vilma Santos at Christopher
de Leon, ilang blockbuster films ang nag-hit noong araw, and yet, hindi sila naging mag-on, iba ang mga
nakarelasyon nila. Ganoon lang ‘yun.

HINDI lang sa telebisyon bida si Glaiza de Castro (via the big hit Grazilda ng GMA, na tumalo at
nagpataob sa Idol ni Sarah Geronimo), kundi pati na sa pelikula.

Yes, bida na si Glaiza sa first starring role niya na Aswang, isang horror film na hindi pa kami sure kung
remake ng Alma Moreno film, o bagong materyal.

Susugalan ni Mother Lily Monteverde ng Regal si Glaiza upang magbida sa Aswang na this February na
ang start ng shooting, with Dennis Trillo as leading man.

Bongga ang Glaiza dahil no less than si Dennis ang leading man nito, naunahan pa niya ang ibang mga
young actresses na nangangarap makapareha si Dennis sa pelikula.

Suwerte ang taong 2010 sa career ng alaga ni Manny Valera na si Glaiza dahil after some years ng
paghihintay, her time came upang magbida sa Grazilda na umarangkada sa ratings kaya na-extend ito,
and primetime ang timeslot, huh!

Ngayong 2011, sana’y magtuluy-tuloy na ang luck na ito kay Glaiza, this time, sa movies naman via
Aswang. And we’re so glad at bibigyan ng big break ng Regal si Direk Jerrold Tarog to direct this.

Si Direk Jerrold ang direktor ng Punerarya episode ng Shake Rattle & Roll 12, kung saan na-nominate si
Carla Abellana as best actress, tinalo pa si Jennylyn Mercado na naisnab ng MMFFP jurors at ‘di ito na-
nominate man lang sa Rosario, which for us, eh deserving rin naman si Jen of a nomination.

Pinakamaganda at most effective episode ang Punerarya episode na ‘yun at napaarte ni Direk Jerrold
ang kanyang bidang si Carla, at ang technical apsects ng movie ay matino. In our list, isa si Direk Jerrold
sa indie filmmakers na paborito namin.

Sa track record nito’y consistent siyang magaling in his films – Confessional, Mangatyanan, at Senior
Year, na hindi ginagawang bobo ang kanyang audience. And now, mula sa indie scene ay biggest break
na ni Direk Jerrold ang first mainstream movie niya under Regal kaya we’re so happy for him!

You might also like