Movie Review

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Juan M.

Sta Romana IV Jade

Ang penikulang “Bayaning Third World” sa direksyon ni Mike De Leon ay isang pelikula na nagpapakita ng pagiging kritikal
at hindi basta basta pagtanggap ng mga bagay na nakasanayan. Bukod sa ang Pilipinas ay kabilang sa Third World, o dun sa mga
bansang nasakop ng mga kanluranin noong panahon ng merkantilismo at ngayon ay napag-iiwanan ng mga kabilang sa First World,
ang ibig sabihin din ng penikulang ito, si Rizal bilang Third World ay marupok. Ito ay ipinakita ng mabasag ang figurine na nasa
imahe ni Rizal. 
Hindi ordinaryo ang pelikulang ito. Dito ipinakita ang mga kahinaan ni Rizal at na wala siyang ipinagka-iba sa mga iba pang bayani.
Hindi ito tulad ng mga ibang penikula ni Rizal na puro papuri at puro mga magagandang bagay ang ipinapakita. Dito rin
kinuwestiyon ang relasyon ni Josephine Bracken at Rizal. Sinasabing napakamalas ni Josephine Bracken na nagging ka-relasyon
niya si Rizal dahil naman kasi sa kung sino ang mga taong nakakahalubilo ni Rizala ay nasasama sa historya at ganun din kay
Josephine Bracken na naugat pa ang kanyang pagkatao. Pati ang relasyon nila ay kinuwestiyon at pinaghihinalaan siyang espiya
lamang ng mga prayle kay Rizal. Masakit ito para kay Rizal. Ano man ang katotohanan si Jopsephine Bracken lang ang may alam.
Katotohanan? Sinasabi nga rin palang sinungaling daw itong si Josephine Bracken dahil sa hindi magkaktugma ang mga pahayag
nitong si Josephine Bracken. Tulad na lamang ng pagsabi niya na ikinasal sila nguinit wala naman siyang mailabas na dokumento.
Wala talaga siyang habol sa mga naiwan ni Rizal dahil hindi talaga sila kasal at nagsama lamang ang dalawa. Ipinapakita sa ibang
pelikula na ikinasal nila ang kanilang sarili sa ilalim lamang ng puno dahil na rin ayaw silang ikasal ng simbahan dahil si Rizal ay
isang Filibustero.
Sa pamamagitan ng pagsasadula ng pagpunta nila Ricky Davao at Cris Villanueva sa kapanahunan ng pagkabuhay ni Rizal,
naipakita ng malinaw ang mga saloobin ng mga tauhan at ang gusting ipakita ng director. 
May mga katatawanan din na tulad ng paggamit ng mga patalastas. Sinasabi kasing si Rizal ay ipinangalan na sa lahat ng mga
pwedeng ipangalan. Nakakatawa lang ang paggawa ng patalastas na deodorant. 
Nagpakita din sila ng mga alternatibong pangyayari bago ang pagkamatay ni Rizal sa mga nakakatawang eksena.
Naging maganda ang kabuuan ng pelikula. Naging malaman ito at edukasyonal pa rin ang dating nito.
Naniniwala ako na hindi maganda na puro na lamang mga magagandang bagay ang naririnig at nalalaman kay Rizal dahil ito ang
nagdudulot sa ilang mga Pilipino na sambahin siya at gawing santo. Mainam na balanse ang mga bagay na nalalaman natin tungkol
sa buhay ng isang pambansang bayani dahil kahit na siya ang pambansang bayani ay simpleng tao pa rin siya. At kapag nalaman at
naiintindihan natin na simpleng tao rin siya, maiisip natin na kaya rin nating gawin ang mga nagawa niya at na hindi siya mahirap
abutin.

Huwag na nating pag-usapan ang mga teknikal na aspeto. Kahit saang anggulo tingnan, parehong obra maestra ang
Bayaning 3rd World nina Mike De Leon at Clodualdo Del Mundo at ang José Rizal nina Marilou Diaz-Abaya, Ricky Lee, Jun
Lana at Peter Ong Lim. Premyado ang cinematography, ang production design, ang pag-arte, at higit sa lahat, ang
screenplay at pagdirihe. Kaya mas maganda sigurong pag-usapan ang magkaibang punto de bista ng dalawang pelikula sa
Pambansang Bayani ng Pilipinas na italicized na, capitalized pa.

Sa una pa lang, satirikal na ang dating ng B3W. Isama ba naman sa listahan ng mga Pambansang fill in the blank ang
henyong si Rizal? Litrato ng agila, National Bird,; litrato ng narra, National Tree; litrato ng mangga, National Fruit; litrato ni
Rizal, National Hero. Pagkatapos ay malalaman mong hindi pala si Rizal ang main character kundi dalawang filmmakers na
hindi sasabihin ang mga pangalan. Gagamitin pa siyang pangalan ng deodorant. Iisipin mo kung magiging seryoso ba ang
pelikula.

Pero sa JR ni Diaz-Abaya, walang duda. Katulad nga ng sinabi ng direktor, sinubukan nilang gumawa ng isang pelikula ng
Larawan ng Binata Bilang Alagad ng Sining. Henyong artista si Rizal na madalas na dinadalaw ng mga multo ng pagdududa
sa sariling kakayahan, ng pagdududa sa tingin niyay silbi niya sa bayan. Kahit anong pilit ng mga gumawa na palabasing
katulad natin siyang timawa lamang o karaniwang tao, superman pa rin ang dating niya. Iisipin mo naman kung magiging
totoo ba ang pelikula.

Hindi masamang isipin ang dalawang bagay na iyon. Alam mo kasing sinasadya ng mga gumawa ng dalawang pelikula na
ganito ang gusto nilang isipin mo muna sa umpisa. Ang gusto mong hintayin, kung paano nila babasagin sa bandang gitna at
huli ang mga nakagawian na nating mga konsepto at pagtingin kay Rizal. Ang gusto mong malaman, kung paano sasagutin
ni Rizal ng B3W ang mga akusasyon nina Filmmakers 1 and 2 na pinlano naman talaga niyang maging bayani sa simula pa
lang. Ang gusto mong malaman, kung ano ang gagawin ni Rizal ng JR sa kontrobersiyal na retraction scene, o kung may
retraction scene nga ba sa bersyong ito.

Sa kaibuturan, pelikula ng kung paano gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Rizal ang B3W. Sa maraming brainstorming
at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang
pelikula ng bayani, hindi cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa nila,
mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya Loleng, pinagbintangan ng tangkang
pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa pagkukulungan nito.

Nagustuhan ko sa B3W na para itong paglilitis. Isa-isang dadalawin ng mga filmmakers ang mga tao sa buhay ni Rizal, na
iba-iba rin ang pagtingin sa kanya. Sa huli ay hindi na nila maiiwasang kausapin si Rizal mismo, at si Rizal din mismo ang
magagalit sa kanila dahil hindi nila siya ma-gets.

Tinatangka namang bigyan ng mas personal na spin ng mga gumawa ng JR ang tila mythological na tingin natin kay Rizal.
Sa ganang akin, hindi rin nila ito na-achieve. Ang dating pa rin sa akin ni Rizal ay isang higanteng may 53 ang taas na
nakapagpabagsak ng isang imperyo sa pamamagitan ng pagsulat lamang. Maganda ang layunin nila, pero hindi ko
maramdamang puwede akong makipaglokohan kay Rizal, yung tipong puwede ko siyang tawagan sa telepono at yayain
siyang makipagdiskusyunan tungkol sa Meteor Garden.

Melodramatic ang JR. Huling-huli nito ang lasa ng masang Pilipino. Sa eksena ng huling pagkikita ni Pepe at ng kanyang
Nanay, hindi mo na dapat ikahiyang tinablan ka ng drama ng buhay nila. Kung sa B3W ay hindi cinematic ang buhay ni Rizal,
gamit na gamit dito ang lahat ng telenovelaic devices na gustong-gusto ng Pilipino.

Sa ikabubuti o ikasasama, si Rizal ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na italicized na, capitalized pa. Marami pang pelikula
ang gagawin tungkol sa kanya, at marami pang mga henerasyon ang lalong hindi makakaunawa sa kanya. Wika nga sa B3W,
kanya-kanyang Rizal iyan. Depende sa kung sino ang nagsasalita (o sa kaso natin, sa kung sino ang may hawak ng kamera),
ibang Rizal ang maipapakilala sa atin.

Sa isang banda, malungkot iyon. Di hamak na mas exciting, kung tutuusin, ang buhay at mapusok na pagmamahalan nina
Diego at Gabriela Silang. Mas gusto ko yatang matuto tungkol sa buhay ng tusong pulitikong si Manuel Quezon. At pihadong
mas maraming bakbakan sa tunggalian ng mga puwersa nina Luis Taruc at ni Ramon Magsaysay. Huwag din nating
kalimutan ang masalimuot na buhay ni Flash Elorde, at kahit na ang makulay na buhay ni April Boy Regino.

Veneration Without Understanding, sabi nga ni Renato Constantino. Sa bansang katulad natin na mas mahilig manood ng
sine at telenobela kaysa magbasa ng sarili nating kasaysayan, ang mga katulad lang ni Rizal na malakas ang box office draw
ang iginagalang natin kahit hindi natin nauunawaan kung bakit dapat silang igalang. Kung may pera lang ako, gumawa na
ako ng pelikula tungkol kay Mang Pandoy, o kaya tungkol sa isang labintatlong taong gulang na batang lalaking namatay
habang sinasagip ang ilan ding bata mula sa pagkakalunod sa kasagsagan ng isang bagyo.

Sa pamantayang limang Rizal Underarm Deodorant (Hindi ka na mangangamoy Indio) ang pinakamataas, bibigyan ko ang
Bayaning 3rd World ng apat na bote, at tatlo naman sa José Rizal.
Sino o ano nga ba si Rizal?”  Ito ang katanungang nanatili sa aking isip habang pinapanood ang
pelikulang Bayaning 3rd World, isang pelikulang imbestigasyon sa pagka-bayani ni Dr. Jose Rizal. Sino si Rizal?  Ang
pambansang bayani ng Pilipinas, The Great Malayan,  at ang natatanging IndioBravo. Ano si Rizal?  Piso, monumento,
paaralan, lugar, o diyos ng mga kulto.

       

Higit na nabago ang aking pananaw sa ating pambansang bayani pagkatapos kong mapanood ang pelikula. Sa
pelikulang ito binigyang-diin ang mga spekulasyon ukol kay Rizal. Isa sa mga kontrobersiya ay ang isyung “Si Rizal ba ay lumaban
sa mga Espanyol dahil gusto niyang makamit natin ang kalayaan? O ginawa niya ito dahil gusto niyang siya ang mamumuno sa
pagmamalabis ng mga Espanyol?” Pangalawa ay ang kontrobersiya ukol sa relasyon ni Rizal kay Josephine Bracken, ang naging
kasintahan ni Rizal habang siya ay nasa Dapitan, na inaakusahang espiya ng mga prayle at ang puno’t dulo ng kaguluhan sa buhay
ng ating pambansang bayani. At ang pinakamahalagang isyu ay ang isang sulat na nagsasaad na “I retract with all my heart
whatever in my words, writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church. I believe
and I confess whatever she teaches and I submit to whatever she demands” – walang kasiguraduhan ang dokyumentong ito
sapagkat maaaring pineke lamang ang signatura ni Rizal. May mga argumentong nauukol sa paglaban ni Rizal sa simbahan. Isa ay
ang kadahilanang ang simbahan ay ang gobyerno at ang gobyerno ay ang simbahan – ang ating bayan ay alipin ng simbahan; at
sa kadahilanang ang simbahan ang ugat ng paghihirap ng mga tao. Karamihan sa mga argumentong ito ay bumuo ng mga
katanungan sa aking isipan, mga katanungang hindi nararapat ngunit nangangailangan ng kasagutan.
    

   Ang mga pangunahing tauhan sa sinabing pelikula ay sina Joel Torre na gumanap bilang Rizal, Lara Fabregas na
gumanap na Josephine Bracken, Cherry Pie Picache bilang Narcisa, Daria Ramirez na gumanap bilang Donya Lolay
at sina Ricky Davao at Cris Villanueva bilang mgafilmmakers. Sa pelikulang ito naipakita ng mga artista ang tunay na
saloobin ng mga karakter na kanilang ginampanan. Ang sinematograpiya ng pelikula ay kahanga-hanga sapagkat
kanilang binigyang-buhay muli ang ating kasaysayan habang hinuhukay ang mga sulat at pahayag ng mga
mahahalagang tao sa buhay ni Rizal. Ang pelikulang ito ay may kakaibang istilo sa paglalahad ng ating kasaysayan –
may halong katatawanan at drama, kung kaya’t nakuha ang aking pansin at pagkawili.

       Sa kahuli-hulihang yugto ng pelikula ay sumuko na sa pagsasaliksik ng mga gray areas sa buhay ni Rizal ang
dalawang filmmakers sapagkat nahihirapan silang ipaghiwalay ang personal na paniniwala sa naitalang kasaysayan
ng buhay ni Rizal. Ngunit, ang mga spekulasyon tungkol sa dokyumentong retraksyon ni Rizal ay nananatili sa ating
mga isipan. Bakit nga ba Third Worldang pamagat ng pelikula? Sapagkat sinasabing marupok o third class lamang
ang pagkabayani ni Dr. Jose Rizal.

Mga Tauhan

Joel Torre = Jose Rizal Lara Fabregas=Josephine Bracken

Ricky Davao =Filmmaker 1

Cris Villanueva=Filmmaker2

Ed Rocha=Padre Balaguer

Joonee Gamboa=Paciano

Daria Ramirez=Donya Lolay

Rio Locsin=Trining

Cherry Pie Picache=Narcisa

You might also like