Abstract

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ABSTRACT

1.Nais Suriin sa Resarch

-ibig sabihin ng barong tagalong


-pinagmulan ng barong tagalong.
-barong tagalong ng Pilipino

2.layunin ng Research

-ipakita sa lahat ng Pilipino at sa buong mundo na napakaganda ng ating


pambansang damit dito sa ating bansa..
-ipakita na malikhain ang mga Pilipino pag dating sa pag susuot ng damit..

3.Puntong Tatalakayin

-Magandang magdamit ang mga Pilipino. Maraming Pilipino ang nagsusuot ng


modernong damit. Ngayon, lahat ng damit ng Pilipino ay yari na at pareho ng
korte sa Amerika. Pero, kung may pagdiriwang na importante, siguro ang Pilipino
ay isusuot ang damit na "custom-made." Maganda ang mga korte at sukat ng mga
damit.

4.Konseptong Lilinawin
-

5.Punto na bibigyan ng Pagpapahalaga

-huwag natin kakalimutan ang mga bagay noon katulad ng pananamit ng barong
at saya ng ng Pilipino. At ipag malaki na ang mga Pilipino ay mahuhusay sa
paglikha ng damit..
-Dapat nga palang ipagmalaki ko ang aking Barong Tagalog! Dahil pala sa
pagmamalabis at pang-aapi ng mga Kastilaloy sa mga Indios Pilipinos noon ay
unti-unting nabuo at napaganda ang barong natin. Ngayon ko lamang nalaman
ang istoryang ito. Hindi itinuro sa paaralan namin noon.
A.PANIMULA

A. positibo at negatibong epekto ng pagsusuri


-

B. kaligirang batayan(environment)
-

C. mga katanungan sa pagsusuri


-
BARONG TAGALOG

Ang Barong Tagalog.


Ang Barong Tagalog[1], Barong Pilipino[1], o Barong lamang ay burdadong pormal na
kasuotan sa Pilipinas. Magaan lamang ito at sinusuot na hindi nakasuksok sa loob ng
pantalon, katulad sa isang amerikana. Karaniwan itong kasuotang pormal o pang-kasal para
sa mga lalakingPilipino.

Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon


Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang
na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang
kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand
Marcos noong 1975.

KASAYSAYAN

Bago galugarin ng mga dayuhan ang Pilipinas, ang mga Tagalog sa Hilagang Luzon ay
nagsusuot na ng kasuotang kahalintulad sa kilala nating Barong Tagalog. Tinatawag
nacanga, ito ay bahagyang maigsi (umaabot lamang sa beywang ang haba), walang
kuwelyo at bahagyang bukas sa unahan. Ayun sa teorya, ang kasuotang ito ay ginagamit
rin upang ipakilala ang kalagayang panlipunan sa panahong iyon – ang kulay pulang
telang nakapatong sa canga ay nangangahulugang kabilang ang may-suot sa hanay ng
mga datu at mandirigma; itim naman kung pangkaraniwang mamamayan lamang.

Nang sapitin ng mga Espanyol ang Pilipinas ay binago nila ang anyo ng nasabing
kasuotan. Higit pa nilang inigsian ang damit na ito, at binawasan ang laki ng kuwelyo.
Kung dati ay nagsusuot ang mga katutubo ng maluluwag na salawal, sa panahon ng mga
Espanyol ay ginawa itong bahagyang makipot, at nilagyan ng guhit o linyang pangmilitar
sa magkabilang gilid nito. Noong 1750 ay muling naging tanyag ang mga maluluwag na
salawal, ngunit sa pagkakataong ito ay pinalamutian na ito ng mga burda at laso. Sa halip
na butones ay tali ang gamit upang higpitan ang bandang bewang nito. Naging talamak
ito hanggang unang yugto ng ika-19 na siglo.

Sa panahong din ito ay nauso ang barong Tagalog na yari sa bulak, seda, jusi, pinya o
lupis, na karaniwang isinusuot ng mga mayayamang katutubo gaya ng
mga ilustrado at gobernadorcillo. Di nagtagal, maging ang mga mestizo kasama ang ilan
pang mayayaman, ay tumangkilik na rin sa kasuotang ito. Upang maiba sa karamihan ay
nag-aangkat pa ng mahuhusay na tela sa Europa para sa damit pantaas na ito na
kinilalang barong lalake de pechera na pinalamutian ng naglalakihang burda sa bandang
dibdib. Ito ay sinasabing ninuno ng kasalukuyang Barong Tagalog.

Unang ginamit ang terminong “Barong Tagalog” sa panahon ng pananakop ng mga


Amerikano. Tinawag marahil ito ng ganito sapagkat talamak ang ganitong kasuotan sa
mga naninirahan sa Katagalugan. Mga bago at higit na kaakit-akit na disenyo ang
inilagay sa barong na siyang nagbigay dito ng makabagong anyo. Ang iba ay may
burdang bulaklak o mga linya, samantalang ang ilan ay may matitingkad na kulay. Sa
panahong ito, higit na tinangkilik ang Barong Tagalog na yari sa abaca, at dahil may
kanipisan, kadalasang nagsusuot ng camisa de chino ang mga kalalakihan sa ilalim ng
barong.

Sa pagkapangulo naman ni Manuel L. Quezon nakilala ang Commonwealth Barong


Tagalog. Kapansin-pansin sa bersyong ito ang pinag-dikit at pinaglaso na watawat ng
Pilipinas at Estados Unidos na siyang palamuti ng kabuuan ng barong. Matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay nilagyan na ng bulsa sa kaliwang bahagi at
ang disenyo at kulay ay binago upang lumapat sa panlasang Filipino.

Maliban sa mga okasyon, karaniwang sinusuot ito ng mga nagtatanghal sa bodabil. Higit
na naging popular naman ito noong 1950 nang ito'y gamitin ni Pangulo Ramon
Magsaysay sa kanyang inagurasyon sa pagkapangulo, maging sa ilang mga salu-salo na
kaniyang dinaluhan. Nauso noon ang mga burdang bulaklak at geyometrika. Gaya niya,
naging paboritong kasuotan din ito ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Samakatuwid nga
ay inilagak ni [[Ferdinand E. Marcos}Marcos]] ang kauna-unahan niyang barong noong
1949 sa Museo ng Batac sa Ilocos Norte. Higit pa rito, ipinasa din niya ang dekreto na
nagdedeklara na ang mga araw mula ika-5 hanggang ika-11 ng Hunyo ay kikilalaning
“Linggo ng Barong Tagalog” at opisyal na ring tinaguriang pambansang kasuotan ng mga
kalalakihan noong 1975. Ang dating pangmayayamang kasuotan, sa panahong ito, ay
naging maka-masa na. Mula noon, ito ay naging paboritong damit-pantaas ng mga
kalalakihan at kakikitaan na ng samu't saring anyo at kulay.
PINAGMULAN

Nagmula ang tradisyunal na kasuotan na ito mula pa noong panahon ng pananakop ng


mgaKastila. Isang karaniwang teoriya sa pinagmulan ng barong ang matukoy ng mga
Kastila ang kaibahan ng mga katutubong Pilipino sa mga namamayaning uri sa
pamamagitan ng pagsuot ng barong na hindi nakasuksok sa pantalon. Pangkaraniwan sa
Barong, ang pagkakagawa nito sa manipis na tela sa kadahilanang madaling makikita ng
mga Kastila na walang dalang sandata ang mga nagsusuot nito.

Bagaman, nagduda ang mga ibang iskolar at mga dalubhasa sa kasaysayan sa teoriyang
ito. Ikinakaturwiran nila ang kawalan ng pagbanggit ng partikular na batas na kung saan
ipinagbabawal ng mga Kastila ang pagsuksok ng baro ng mga katutubo. Ikalawa, may
mga litrato ng mga katutubo noong panahon ng mga Kastila na nagsusuot ng mga damit
na nakasuksok sa pantalon katulad na lamang nina Jose Rizal at mga ibang mga
kapanahon niya. Ikatlo, may tropikal na klima ang Pilipinas at karaniwan na ang mga
magsuot ng damit na hindi nakasuksok dahil sa init. Sa wakas, inakala ang barong na
nanggaling sa o inangkop ng guayabera, isang kasuotan na tanyag sa mga komunidad
ng Latino Amerika. Unang kilala ang guayabera bilang "Filipina" noong panahon ng
kalakalang Galyon sa Maynila nang naidala ito sa Mehiko mula sa Pilipinas

URI NG TELA NA GINAMIT

Karamihang gawa sa telang piña o jusi. Unang yari ang telang jusi sa abaca o seda
ng saging, ngunit noong dekada 1960, napalitan ito ng mga inangkat na mga
sedang organza. Mekanikong tinatahi ang jusi at mas matibay kaysa telang piña na tinatahi
sa pamamagitan ng kamay at mas maselan.
BARONG TAGALOG .. ANO ITO.??

Ano ang Barong Tagalog

Ang Barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga
okasyon.. Ito ay mas kilala sa pangalang "barong" na mula sa salitang "baro" na ang ibig
sabihin ay damit o "dress."

Saan ito gawa?

Ang Barong Tagalog ay gawa sa mga iba't - ibang materyales na tinatawag na "jusi" na
mula sa balat ng saging. May mga Barong Tagalog din na gawa sa balat ng pinya. Ito ay
ang mga barong na tinatawag ng karamihan na "piña barong." Ang mga materyales na ito
ay hinahabi para makagawa ng telang pambarong.

Saan nagmula ang Barong Tagalog?

Sa kulturang Pilipino ngayon, ang Barong ay ginagamit na uniporme ng mga mangagawa


sa pamahalaan at sa ibang mga pribadong opisina. Ang mga mamahalin at mas
magarbong barong ay ginagamit sa mga espesyal na okasyon, kagaya ng kasalan,
binyagan at pistahan. Ito ay naiiba noong panahon na kung saan ang barong ay sinusuot
ng mga Pilipinong mababa ang kalagayan sa lipunan.
Noong panahon ng mga kastila, ang pagsusuot ng barong ay isa sa mga tuntunin ng
ipinatupad ng pamahalaang kastila na ang lahat ng mga Pilipino ay kailangang magsuot
ng pangkasuotang tradisyonal. Ito ay naisakatuparan dahil sa noong panahon ng mga
kastila nakikita ang kalagayan ng isang tao sa lipunan sa pamamagitan ng kanyang
kasuotan. Ang mga Pilipino ay nagsusuot ng "barong" na hindi nakapandagan at ang
mga Kastila naman ay nakapandagan.

Ang tuntunin na ito ay may praktikal at kagamitang pansosyal. Lahat ng materyales na


ginagamit sa paggawa ng barong ay kinakailangang manipis na halos makita ang katawan
ng nagsusuot. Ang dahilan nito ay para maiwasan ng mga Pilipino ang magtago ng
anumang sandatang puwedeng magamit laban sa mga kastila. Ipinagbawal din ang
paglagay ng mga bulsa. Ang patakarang ito ay naghubog sa kasalukuyang disenyo at
itsura ng barong.

Sa mga sumunod pang mga taon,ang mga mayayaman at mga edukadong Pilipinong
kailangan pa ring sumunod sa mga patakarang ito. Kung kaya naman, sinadya nilang
baguhin ang disenyo at materyales ng barong upang maipakita ang kanilang nakatataas na
estado sa lipunan. Gumamit sila ng mga pateryales mula sa pinya o kaya mula sa ibang
bansa. Upang maipakita na naiiba ito sa mga kasuotan ng mga mas mababa sa lipunan,
nilagyan din nila ng mga iba't-ibang mga palamuti.

Ang pagsuot ng magarbong barong ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at


makikitang isinusuot nang pangkaramihan at hindi na lamang ang mga mayayaman.
Noong panahon ng Pangulong Quezon, inilunsad ang "Araw ng Barong."

Sa kasalukuyan, ang Barong ay ginagamit bilang pagpapahalaga sa sariling bayan at


kultura.
title format
font size 12
font style times new roman or arial
spacing(margin) 1.5

abstrct...
1. nais suriin sa reseach
2. layunin ng research
3. puntong tatalakayin
4. konseptong lilinawin
5. punto na bibigyan ng pagpapahalaga
(LAHAT YAN MKIKITA LANG SA PAGE 1)

A.PANIMULA

1. positibo at negatibong epekto ng pagsusuri


B. kaligirang batayan(environment)
C. mga katanungan sa pagsusuri
(PAGE 2 TO 3)

pagtatalakay sa paksa(PLOT OF THE RESEARCH)


(PAGES 4 TO 8)

konklusyon (page 9)
rekomendasyon (page 10)

mga larawan ng katibayan (pages 11 to 12)

You might also like