Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KASAYSAYAN NG BINAN

Binyang ang opisyal na ngalan ng baying ito ayon sa bigkas ng mga dayuhang
Kastilang sumalakay sa ating kapuluan, bagamat Binyang o Binan kung itoy bangitin ng
mga katutubong mamamayan.

Ibat ibang mga palagay tungkol sa pinagmulan ng ngalan ng baying ito. Subalit
ang palagay na ang ngalang Binan ay sango sa salitang Binyagan ay kinatigan ng
marami sapagkat medaling yumakap sa Kritianismo at napabinyag ang unang
mamamayan ditto bukod sa mga nayong sumabit ditto tulad ng Dela Paz, San Antonio,
San Vicente na pawing kinuha sa mga pangalan ng Santo’t Santa. Sinasabing ang
binyagan ang maaring ipakahulugan sa taong nagpabinyag o pook na pinagdarausan
ng pagbibinyag.

Ayon sa matandang kasulatan, ang pook na itoy natuklasan ng mga Kastila sa


ilalim ng pamumuno ni Kapitan Juan de Salcedo noong matatapos ang buwan ng Hulyo
1570. Upang magkaroon ng pamahalaan sa pook na ito ay inatasan nina Kapitan de
Salcedo ang mga dating apo na hikayatin ang mga taong pumasok sa kabayanan at
nang lumawak ang sakop ng pamayanan. Hindi nagtagal at ang mga tao na nasa
parang, gubat at kalooban ay unti unting nagsipasok sa kabayanan at nagpahango sa
bagong pamahalaan katatatag pa lamang. Dahilan sa pananalatsa kawani ay
minabuting pasakop ang pook na ito sa tabuco na noong panahong yaon ay may
kalakihan, bukod sa itoy malapit sa Bahi (bay) na sadyang ginawang kabisera sa
lalawigan hanggang 1688. Dahil sa pagsisikap ng mamamayan sa pamumuno ng mga
pari ay umunlad ang binyang hanggang sa ito ay mapahiwalay sa cabuyao. Patuloy na
namumuno ang mga pari at ang Binyang ay tunay na nagging parokya lamang noong
1750 at tinwag itong Parokya ni San Isidro Labrador.

Ang Binyang ay malawak na kapatagan na nasa kanlurang baybayin ng Laguna


de Bay. Ang sukat nito ay 3,373,837 na ektarya. Ang bayan na ito ay mayaman sa
nagagandahang ilog, halaman at hayop na maaring pagkakitaan ng mga mamayan.
Nadagdan ng pagkakakitaan ng pasukin ito ng mga intik. Naging pook ito ng mga
kalakal galling Pasig, Maynila, Batangas, Tayabas, Pampangga at Bataan. Sabado ang
araw ng Tyange dito, Sari saring tindahan ang sumipot sa may pamilihan tulad ng
platero, latero, gawaan ng kandila, tabako, bakya at tsinelas, pandayan, gawaan ng sari
saring matamis na puto at kutsinta. Kasabay ng pananagana ng pag ani at pagsulong
ng kalakal ang paglaki at pagunlad ng Bayan ng Binyang. Mga daan at tulay ay nayari
sa kapakanan ng mamamayan, Likas sa mga taga Binan ang mabuting pakikitungo sa
mga bisita o dayuhan. Bukas ang isipan ng mga tao ditto sa ikinabubuhay, Hingil
naman sa Relihiyon, marami ang mga Katoliko rito ang ilang relihiyon na nananatiling
matatag sa baying ito ay Protestante, Iglesia ni Kristo, Saksi ni Jejovah, at Apostolica
Romana.

Ipinagdiriwang ng buong bayan ang kapistahan ni San Isidro Labrador. Ilang araw
pa lamang bago sumapit ang kapistahan ay nagdaratingan na ang mga namimistang
taga Maynila. Bisperas pa lamang ng Pista ay may mga bandang musika na
nagpapasayo sa daan at sa Gabi ay may mga palabas na moro moro o kayay sarsula.

Dalawang gabi kung iprusisyon si San Isidro Labrador. Kung Pista bukod sa misa
at prusisyon ay may mga palabas at prusisyon sa may Liwasang bayan. May mga
palaro kung araw tulad ng palsebo, hatawan ng palayok, huwego de orillo, mga
sayawan sa gabi, mga paputok at mga perya.

Maraming samahan at klab ng mga kalalakihan at kababaihan gayundin sa mga


kabataan ang sumulpot sa bayan ng Binyang. Ang iba ay samahang pang relihiyon at
ang iba naman ay pang sibiko. Nandiyan ang Los Madera, Binan Lions Club, Rotary
Club at Binan Alpha Delta. Gamma Fraternity , Legion of Mary, Catholic Womens
Leaguem, Samahan ng mga kabataan sa ibat ibang Baryo at mga Club ng kabataan sa
Baryo.

Sa ngayon ay dalawamput apat na barangay sa Binan kasama na ang Poblacion,


ang bawat barangay ay pinamumunuan ng kapitan, kasama ang punong kabataang
barangay na siya naming namamahala sa kabataan.

Sa kasalukuyan, sa patuloy na pag unlad n gating bayan, hidni tayo magtataka


kung sa darating na panahon ay maging isa itong siyudad.
KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN ANTONIO

Noong unang panahon, ang sinaunang tao o katutubo na naninirahan sa nayon


ng San Antonio ay pandak, kayumangi, at medyo madilaw ang kulay ng balat, pango
ang ilong, makapal ang labi, maitim ang buhok, silay pinamumunuan ng mga matatanda
at matatalinong tao na kung tawagin ay “APO” ito ay kanilang iginagalangat sinusunod.
Ang bawat pamayanan ay may tinatawag na “RANCHERA” o “Katulonan” na siyang
nangangasiwa sa paghahanda ng mga alay sa kanilang mga diyos na kung tawagin ay
Bathala p Anito. Ang mga kababaihan din ang siyang gumaganap bilang manggagamot,
maghuhula, mangbubulong at mananalig. Silay maihahalintulad sa mga pari bagamat
silay mga babae.

Taong 1571 ng matuklasan at sakupin ng mga kastila ang bayan ng Binan,


bagamat sa unang pagpasok pa lamang ng kastila ng silay dumaan sa ilog ng malaban
patungo sa kabayanan, ang ilan pang mamamayan, sa dakong kanluran ng ilog ay
kumilos ng mahigpit na paglaban sa pamamagitan ng kanilang mga pana, sibak, tapak,
talibong, subalit hindi naglaon ay napayapa sila ng mga kastila sa pamamagitan ng
mabubuting salita at paliwanag ng ilang kabalikat na kasama ng mga puti,

Ang San Antonio ay hinango sa pangalan ng Santo, noon ay ang naninirahan


ditto ay kaunti pa lamang at ang mga tahan ditto ay maliliit na yari sa kawayan, sawali
at pawid na nakatirik malapit sa ilog. Ang uri ng mga tao ditto ay simple lang. Ang mga
kalalakihan ay nagsusuot ng sleeveless t-shirt at g-string o bahag. Nagsusuot din ang
mga kalalakihan ditto ng turban, ito ay mahabang tela at itinatali paikot sa kanilang ulo
at kung minsay “ salakot” na yari sa dahon at buko o buli. Ang mga kababaihan naman
ay nagsusuot ng patadyong na natatakpan ng kanilang mga tuhod at ito ay
ginagayakan nila ng ginto at ang kanilang mga kwintas at hikaw ay yari sa puti at itim na
corales, sungay ng Usa, Bao at ngipin ng baboy damo, gumagawa rin sila ng mga
palayok at bunga, mga kutsilyo, at ibang gamit sa pagbubukid.

Sa panahon ng mga kastila, malaki ang naiambag nito sa pagbabago ng


kabuhayan ng mga taga San Antonio. Ang pananakop ng mga Kastila sa Bayan ng
Binan ay umabot sa 327 taon mula noong 1570-1898 na puno ng takot at pangamba
ang mga mamamayan.

Taong 1809, nagkaroon ng malaking sunog sa bayan ng Binan at ang apoy ay


tumawid sa ilog at tumupok sa maraming bahay sa nayon ng San Antonio, kung kayat
ang mga naninirahan ditto ay sadyang nanlupaypay sapagkat ang lahat ng kanilang
kabuhayan na kanilang ipinundar ay nauwi sa abo. Ang tanging natirang bahay ditto ay
sa pamilya nina AGapito Almazan at Euleterio Bayobo. Ang mga kastila noon ay
kailangan magbigay galang ka tuwing iyong makakasalubong upang ikaw ay hindi
magarote o matadyakan.

Ang pagluluto ng masasarap na kakanin katulad ng puto, bibingka, ay si Aling


Bana Yatco ang kauna unahang nakilala na pinakamasarap magluto ng puto sa
barangay San Antonio. Ang ibang ikinabubuhay ditto ay ang paggawa ng bakya at
sombrero.

PAGLALARAWAN

Ang barangay San Antonio ay isa sa dalawamput apat na Barangay sa Bayan ng


Binan, ito ay may lawak na 139 ektarya, ito ay matatagpuan sa dakong silangan ng
Barangay Malabam. Sa may dakong Kanluran naman g Barangay San Vicente at sa
may dakong hilaga naman ng Barangay Platero.

Ang pangunahing gamit ng lupa ditto ay bilang tirahan, ang mga dating bukirin
noon, ngayon ay mga pribadong subdivision na. Itinataya na umabot sa sampung
ektarya ng lupa ang ginagamit pang industrial.
KAANYUANG PANLIPUNAN 2010

Ang Barangay San Antonio ay may kabuuang bilang ng pamilya na 4,939. Ang
bilang ng populasyon ay 29, 633. Ito ay binubuo ng 15,003 lalake at 14, 630 na babae.
Mas marami ang lalake kesa sa babae.

LALAKE BABAE

0 - 1 632 616

1 - 4 2,250 2,194

5–9 2,288 2,231

10-14 1,863 1,817

15-19 1,593 1,554

20-24 1,299 1,264

25-29 1,053 1,024

30-34 864 843

35-39 711 693

40-44 587 572

45-49 495 483

50-54 413 402

55-59 332 323

60-64 245 238

65-69 168 164

70up 210 205

You might also like