1. Ang araw-araw na bayarin ng naghuhulog boundary ay ______________(P ____)
simula _______________________ hanggang matapos bayaran ang kabuuang halaga na _____________________________________ (P________) na magsisimula sa __________________ at matatapos sa ___________________. Kung sakaling ito ay hindi mabarayan ng buo sa nasabing petsa ito ay maaari nang kunin ng may-ari na wala umanong pananagutan sa naghuhulog na isauli ang pera o anumang pananagutan.
2. Na kung sakaling hindi ako makapaghulog boundary ng kabuuang sampung (10)
araw nangangahulugan na pwede nang kunin ng may-ari ang nasabing pedicab kahit hindi pa sumapit ang due date o ang petsa ng huling pagbabayad ng pedicab. Kapag nahila ang pedicab wala umanong pananagutan ang may-ari na isauli ang pera o anumang pananagutan at dapat ring isauli ng maayos ang pedicab na wala umanong inalis, pinalitan, o binawasan na piyesa o gamit nito.
3. Na ang lahat ng gastusin, sira at pagpapagawa sa nasabing pedicab ay magiging
kasagutan na ng bumibili ng pedicab at kung sakaling ito ay manakaw, masira, maaksidente, o makaaksidente, ito ay dapat pa ring bayaran ng buo at pananagutan pa rin ng naghuhulog boundary. At kung sakaling may maaksidenteng pasahero, driver at iba pa ito ay pananagutan ng naghuhulog boundary sapagkat ang kasunduang ito ay hulog boundary.
4. Na ang pedicab na ito ay hindi maaring ibenta ng naghuhulog boundary hanggang
hindi pa niya natatapos mabayaran ng buo ang pedicab at kung sakaling ito ay kanyang ibinenta na hindi pa nabayaran ng buo ito ay aming kukunin sa kanyang pinagbentahan at tuluyan na naming kakanselahin ang aming kasunduan na wala umano kaming pananagutan sa naghuhulog boundary na isauli ang pera o anumang kasunduan at maaari naming dalhin sa pulis ang naghuhulog boundary at ang kanyang pinagbentahan.
Ako ay lubusang sumasang-ayon sa mga patakarang ito sa paghuhulog boundary
ng pedicab at ang mga ito rin ay ipinaliwanag din sa aking ng maayos. Ako rin ay BINIGYAN NG KOPYA ng mga patakarang ito sa paghuhulog boundary ng pedicab.
______________________________ Naghuhulog Boundary ng Pedicab