Isang hapong umuulan Ito ba ay kakilala ko? Nag-iintay ng masasakyan Hindi malaman ang sagot Isang bus lang ang kailangan Kaya saglit na nayamot. Upang makarating sa patutunguhan. Humupa ang balisa Dahil malapit na ang pagbaba Habang nag-aabang Payong ay handa na Tumatakbo ang isipan ”Para po mama.” katulad ng mga sasakyan sa basang daanan. “Ingat.” Kanyang nasambit Kaya ako’y saglit na pumihit Hanggang sa dumating Naakit sa kanyang titig Bus na hinihiling Tumagal ang pagtindig. Sa aking pagpanik May kung anong pananabik. Ngunit sa hindi inaasahan Ngiti sa labi ay naiwan Sa aking pagkaka-upo Ano itong naranasan Sa tabi ng kapwa pasahero Tunay na hindi pangkaraniwan. May kung anong silakbo Ang sa akin ay dumapo. Isang hapong umuulan Nag-iintay ng masasakyan Sa aking pagpansin Naalalang karanasan Siya pala ay nakatingin Muli kong binalikan Ano kaya ang gagawin Ano ba ang dapat na isipin? Isang estranghero Na kapwa ko pasahero Ngayon ay kapareho Sa puso ko ay bumuo. ♥