Isa sa walong magkakapatid si rona na dahil sa kahirapan ay
nanuluyan sa kanyang tiyahin sa metro manila. 13 taong gulang
lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: pagllinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pagmamalantsa, pagmamalengke at kung anu- ano pa. lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang pumisan sa kanila si rona. Ang panganay na si evelyn, gayong 20 taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kilikili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si rona pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, lagging pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si rona ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang- iinis pa na dadaan sa harapan ng ng nakaluhod at nakayukong si rona na nag papahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay rona at pasigaw na : “ O labhan mo ‘yan! Pag natuyo plantsahin mo ha?!!” bakasyon noon. Halos araw- araw ay ganyan ang Gawain ni rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito. Si rOna ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya. Sa hapag-kainan, si rona ang taga silbi. Hindi siya isinasan=bay sa pagkain, lagging huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyaon lang ang makakain nioya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni rona. Iyon ang lagging itinitira sa kanya ng tiyahin. Sa murang katawan ni rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi niya inilintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang naka pag-aaral sa pasig high school. Lagi niyang nilalakad pauwi ang pasig at pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala siyang pocket-money, walang snack, lagging nagugutuman. Pagdating nang bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo, bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog nalang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan: “Hoy, plantsahin mo muna ‘yung maong! ‘yong polo!”. Dalawang taong naninirahan at naninilbihan si rona sa tiyahi. Nang makatapos ng high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa cebu city. Nagpatuloy sa pag-aaral si rona, nagging academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang may karangalan--- Magna cum laude. Muli siyang nag-aral--- tatlong kurso ang natapos niya at naging Doctor of Education. Naka pag-asawa siya ng isang abogado. Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si rona. Isa na siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak. Sino ang mag aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay at respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan na sa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag- aralan, ganoon pa rin ang buhay--- hindi umaasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng hirap din ang buhay.
Kilala sa bayan ng Taguig si Mang Gorio. Marami na siyang nahulaan na ayon
sa karamihan ay nagkatotoo. Dahil dito’y lubos ang tiwala sa kanya ni Aling Nenita, isang biyuda, walang anak, at may-ari ng maliit na Ladies ‘ Lodging House. Kadalasa’y sinasamahan niya ang mga kaibigang nais magpahula o kaya’y mga nawalan o ninakawan. May mga naisusuli ngunit mayroon ding hindi. Isang tanghali, duamting ang dalagang pamangkin ni Aling Nenita na si Litlit. Galling pa ito ng Batangas. May dalai tong handbag na ipinatong sa ibabaw ng TV at masayang kumain ng tanghalian kasabay ni Aling nenita. Anim lang silang lahat nang oras na iyon dahil sa ibang Lodger ay nasa trabaho. Ang tanging nasa Lodging House ay sina Aling nenita , 2 katulong, 2 dalagang estudyante na nag-aaral sa hapon at si Litlit. Mainit ang panahon, naisipan ni Litlit na maligo muna. Pumasok si Aling nenita sa kwarto upang kumuha ng tuwalya sa cabinet. Ilang sandali pa’y narinig niyang umiiyak si Litlit. Dali- dali siyang lumabas ng kwarto hawak ang tuwalya. “Bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari?” “ Nawawala po ang One thousand pesos ko po sa Loob ng handbag. Dito ko lang ito ipinatong sa TV..” nakadama ng galit si Aling nenita. Ayaw na ayaw niyang may nawawalan. Galit siya sa malilikot ang kamay. Kapagdaka’y inilista n’ya sa isang papel ang lahat ng pangalan ng mga naroroon, pati nga pangalan n’ya ay isinali – NENITA TORREFUENTE, para patas daw lahat. Pagkatapos ay pinasamahan niya sa isang katulong si Litlit upang magpahula kay Mang Gorio. :sige, pumunta kayo kay mang Gorio. Kung sino ang mahulaan n’ya na kumuha ng pera ay tiyak na mapapahiya. Ipapaskel ko sa dingding ang pangalan ng magnanakaw na iyon.” Magkalipas ang dalawang oras ay dumating sina Litlit at ang katulong sabik na sumalubong si Aling nenita at hiningi ang papel. Wari’y nag-aatubili si Litlit at may pagsusumamong nagwika: “Tiyang, kalimutan na lang natin, huwag na lang.. kasi.. baka hindi kayo maniwala.. “”Anong indi? Malaki ang tiwala ko kay Mang Gorio. Kung sino ang hinulaan n’ya sa listahan, tiyak, iyon ang kumuha ng pera mo. Malilintikan sa akin, ipapahiya ko talaga! Akina ‘yang hawak mong papel.” Nakikimaing iniabot ni Litlit sa tiyahin ang nakatiklop na papel. Sabik na binuksan at binasa ni Aling nenita ang pangalang lumabas sa hula ni Mang Gorio. Gayon na lamang ang kanyang pagkaginmbal! Diyata’t si Mang Gorio nal ubos niyang pinaniniwalaan ay pwede palng magkamali? Paano na ang mga kaibigan niyang nagpahula at naniwala rink ay Mang Gorio? Paano na ang kusinera ng kapitbahay niyang si Gina na pianalayas dahil sa hula ni Mang Gorio na ito raw ang nagnakaw ng singsing na diamante ni Gina gayung limang taon na n’ya itong kusinera at napakabait pa mandin? Paano na ‘yung isang sales clerk sa National Book Store na hinulaan din ni Mang Gorio na siyang nagnakaw ng 3 libong piso sa mesa ng Assistant Manager? Mabalik pa kaya ang magandang samahan nila sa loob ng tanggapan? Paano kung sa sampung hinulaan ni Mang Gorio, ang totoo lang pala ay lima? Nagsisi si Aling nenita. Hindi niya sasamahan pa ang mga kaibigan sa pagpunta kay Mang Gorio. Hindi naman siya talagang kilala ni Mang Gorio --- sa mukha lang at sa palayaw na Aling Nitang. Naipangako ni Aling Nenita na hindi na siya maniniwala sa hula. Sana’y mapatawad siya ng mga taong lihim niyang nilait at kinamuhian dahil magnanakaw ang mga iyon ayon sa hul ni Mang Gorio. Nagpaalam na si Litlit. Inabutan siya ng tiyahin ng 200 pesos para pamasahe. Siya man ay dir in naniniwala sa kinalabasan ng hula ni mang Gorio. Sa lood ng silid, malungkot na itiniklop ni Aling Nenita ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng magnanakaw ayon kay Mang Gorio: NENITA TORREFUENTE.