Professional Documents
Culture Documents
PAUNAWA
PAUNAWA
PAUNAWA
mga Tagapangasiwa (admin) o ang ibang patnugot sa pahina ng Kapihan bago baguhin
ang isang artikulo.
• Buod ng
Nobela
• Mga
tauhan
• Buod ng
Bawat
Kabanata
:
• 1 : Isang
Pagtitipo
n
• 2 : Si
Crisosto
mo
Ibarra
• 3 : Ang
Hapunan
• 4 : Erehe
at
Filibuster
o
• 5:
Pangara
p sa
Gabing
Madilim
• 6 : Si
Kapitan
Tiago
• 7:
Suyuan
sa Azotea
• 8 : Mga
Alaala
• 9 : Mga
Suliranin
Tungkol
sa Bayan
• 10 : Ang
San
Diego
• 11 : Ang
mga
Makapan
gyarihan
• 12 : Araw
ng mga
Patay
• 13 : Mga
Unang
Banta ng
Unos
• 14 : Si
Pilosopo
ng Tasyo
• 15 : Ang
mga
Sakristan
• 16 : Si
Sisa
• 17 : Si
Basilio
• 18 : Mga
Kaluluwa
ng
Naghihir
ap
• 19 : Mga
Suliranin
ng Isang
Guro
• 20 : Ang
Pulong
sa
Tribunal
• 21 :
Kasaysay
an ng
Isang Ina
• 22 :
Liwanag
at Dilim
• 23 : Ang
Pangingi
sda
• 24 : Sa
Kagubata
n
• NK :
Elias at
Salome
• 25 : Sa
Tahanan
ng
Pilosopo
• 26 :
Bisperas
ng Pista
• 27 : Sa
Pagtataki
psilim
• 28 :
Isang
Sulat
• 29 : Ang
Kapistah
an
• 30 : Sa
Simbaha
n
• 31 : Ang
Sermon
• 32 : Ang
Panghug
os
• 33 :
Malayan
g Pag-
iisip
• 34 : Ang
Panaghal
ian
• 35 : Mga
Pala-
palagay
• 36 : Ang
Unang
Suliranin
• 37 : Ang
Kapitan-
Heneral
• 38 : Ang
Prusisyo
n
• 39 : Si
Donya
Consolac
ion
• 40 : Ang
Karapata
n at ang
Lakas
• 41 :
Dalawan
g
Panauhin
• 42 : Ang
Mag-
asawang
De
Espadan
a
• 43 : Mga
Balak
• 44 :
Pagsusur
i ng
Budhi
• 45 : Ang
mga
Inuusig
• 46 : Ang
Sabunga
n
• 47: Ang
Dalawan
g
Senyora
• 48: Ang
Talinhag
a
• 49: Ang
Tinig Ng
Mga
Pinag-
uusig
• 50: Ang
Mga
Kaanak
ni Elias
• 51: Mga
Pagbaba
go
• 52: Ang
Baraha
ng Patay
at Ang
Mga
Anino
• 53: Ang
Mabuting
Araw Ay
Nakikilal
a Sa
Umaga
• 54: Ang
Lahat ng
Lihim Ay
Nagbubu
nyag At
Walang
Di
Nagkaka
mit ng
Parusa
• 55: Ang
Pagkaka
gulo
• 56: Ang
Mga Sabi
at Kuro-
kuro
• 57: Vae
Victus
• 58: Ang
Sinumpa
• 59: Pag-
ibig Sa
Bayan
• 60:
Ikakasal
Si Maria
Clara
• 61: Ang
Barilan
Sa Lawa
• 62: Ang
Pagtatap
at Ni
Padre
Damaso
• 63: Ang
Noche
Buena
• 64:
Katapusa
n
Ang kahong
ito: tingnan • pag-usapan • b
aguhin
Ito ay ang talaan ng mga kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pati na rin ang mga
buod nito.
“ ...mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan... Kayong
mga makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang tanggapin, at
inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi! ”
–Elias, Kabanata 59[1]
[baguhin] 1. Isang Pagtitipon
Nagkaroon ng isang malaki at marangyang pagtitipon sa bahay ni Don Santiago Delos Santos o
mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Halos mapuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan
Tiyago sa Kalye ng Anluwage. Ang tanging tumatanggap ng mga panauhin ay si Tiya Isabel na
pinsan ni Kapitan Tiyago. Nakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Kabilang sa
mga dumalo sa pagdiriwang na iyon sina Padre Sibyla, kura paroko ng Binondo; si Padre
Damaso na nakikipag-agawan sa importanteng upuan; Tenyente Guevarra, ang tenyente ng
guardia civil at ang isang binatang kararating lamang mula sa Europa.
Nagkaroon ang bawat pangkat ng panauhin ng kani-kanilang paksa. Ang mga paksa ng mga
tauhan o mga panauhin ni Kapitan Tiyago ay tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa
Parokya ng San Diego matapos magsilbi ng matagal na panahon sa bayan ng San Diego. Naging
usapin din ang tungkol sa pulbura at ang pagiging Indio ng mga Pilipino, kabilang na rin ang
tungkol sa monopolyo ng tabako.
Sa kalaunan ng kapistahan ay dumating ang mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Ang mga pamilyang Bagayao ang dahilan kung bakit hindi sila nagkaintindihan, bansag ng mga
tao sa kanila sa San Diego ay mga plastik at walang mga pinag-aralan.
[baguhin] 2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan
ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil
sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay
dahil sa at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero,
ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang
nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang
ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng
kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga
babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.
Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit nang tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
[baguhin] 3: Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga
mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang banas na
banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya
ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na
nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya
Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang
pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang
pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng
pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing
“huwag mo akong alalahanin.”
Si Crisostomo ibarra ay isang mabait at magarang tao sya ay ginagalang ng maraming tao ang
kagalit nya ay si padre damaso ngunit kaibigan ng ama ni ibarra si Padre damaso. Sinimulan ng
idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang
tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro
masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para
kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan
niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa
Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa
halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita
tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay
ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
“Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon”, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika
ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya
ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang
kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay
na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan
at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan
ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling
madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang
hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang
bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang
babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na
makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang
pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi
sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
[baguhin] 4: Erehe at Pilibustero[2]
Hindi alam ni Ibarra kung saan patungo. Binaybay ang plasa ng Binondo, tumingin-tingin sa
paligid kung may mga nagbago. Sinundan siya ni Tinyente Guverra at nagkuwento ang tinyente
tungkol sa ama ni Ibarra. Pinakamayaman si Don Rafael sa San Diego. Maraming gumagalang at
nagmamahal kay Don Rafael, marami rin namang galit at naiinggit dito. Inakusahan si Don
Rafael ng hindi pangungumpisal dahil maraming nakaaway na mga pari ng Katolikong
Simbahan. Ginawang kulektor ng inyong ama ang isang Kastilang walang alam na pakalat-kalat
sa daan. Lagi itong pinagtatawanan ng mga tao roon. Isang araw, binigyan ito ng dokumento,
nagdunung-dunungan ito sa pagbasa. Pinagtawanan ng mga bata ang artilyero dahil sa inaasta
nito. Sa galit, hinabol niya ito, nang hindi niya mahuli ang mga bata, binato niya ang mga ito ng
baton. Natamaan ang isang bata sa ulo at natumba ito, pinagsisipa pa ito ng artilyero.
Nagkataong dumaraan si Don Rafael, hinawakan niya kaagad ang artilyero. Sa matipunong
katawan ni Don Rafael, may nagsabing nasaktan nito ang artilyero. Sa pagpalag ng artilyero,
umitsa ito at tumamaang ulo sa isang malaking bato. Binuhat ni Don Rafael ang bata patungong
bulwagang bayan. Sa kabilang dako, sumuka ng dugo ang artilyero at tuluyan ng namatay. Nag-
imbestiga ang mga pulis, ikinulong si Don Rafael at naglabasan kung saan-saan ang mga lihim
na kaaway. Inakusahan siyang erehe at pilibustero. Inakusahan siyang nagbabasa ng El Correo
de Ultramar at ilang ipinagbabawal na babasahin. Nagtago rin ito ng mga larawan at sulat mula
sa binitay na pari. Nagsusuot ito ng barong tagalong sa kabila ng pagiging Kastila. Inakusahan
ding nakikipagkaibigan sa mga tulisan. Inakusahan ding nangangamkam ng mga lupain.
Ipinagtanggol ni Tinyente Guevarra si Don Rafael kaya maraming nagsabi na siya ay nasisiraan
na ng bait. Isang Kastilang abugado ang ipinakuha ni Don Rafael kay Tinyente Guevarra.
Mahusay ang abugado subalit napakaraming kalaban ni Don Rafael. Sa kabuuan, naging
napakasalimuot ng kaso. Sa dalamhati at hirap na dinanas sa loob ng rehas, ginupo ito ng
karamdaman. Namatay ito sa loob ng bilangguan na walang mahal sa buhay ang nakiramay.
[baguhin] 5: Isang Tala sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na
tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at
naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang
paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang aso maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang
kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang
naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na
diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang
Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa
pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok
ng dalagang hinahangaan ng pari.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at
nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Franciscano.
[baguhin] 6 : Si Kapitan Tiyago
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa Binondo dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-
arian. Tanyag din siya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang
lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong
nasa gobeyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na kastila at hindi Pilipino. Kasundo nIya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabanalan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.
Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa
kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina sta.lucia, san pascual
bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miguel, sto. Domingo,
hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda ng mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-
puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, siya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod niya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip
din siya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan,
lagi siya mayroong handog na regalo.
Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa
kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring
dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia
alba na isang magandang dalagang taga santa cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang
sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman
sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng
pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa Obando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara
at sa nuestra sra de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay
magdalangtao. Pag kapanganak niya siya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa binyag at
ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang
pintakasi sa obando, kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay
maria. Lumaki siya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si maria, nang siya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan siya nag paalam
kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapasok ni maria
sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga
anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag iisahing dibdib.
Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
[baguhin] 9 : Mga bagay-bagay ukol sa Bayan[3]
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito
ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Pari
Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa
Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa
bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong
minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang
kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang
sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento
ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang
paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding
pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na
pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong
mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa
mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay
lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng
panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan
lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga
ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang
Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa
kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa
Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan
ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Pari Damaso ay
napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari
Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya
ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni
Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila
kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
[baguhin] 10 : Ang bayan ng San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at
my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa
kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-
mura sa tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng
bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa
pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa
umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at
nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit,
alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap
nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na
nakabitin sa isang puno ng balete. Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan
sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang
tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing
sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng
namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat.
Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na
tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan
siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay, si Padre Damaso na ang pumalit at naging
kura pareho ng bayan.
[baguhin] 11 : Ang mga Makapangyarihan
Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego?
Bagamat si Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng
mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin,
siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng
masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,kapag siya ay nakatalikod, siya ay tinatawag
na Sakristan Tiyago.
Ang kapitan sa bayan (gobernadorcillo) ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o
makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang
sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa
kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Padre Bernardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang
mag-ayuno at parang mahina ang katawan. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay
mabait at maingat sa tungkulin.
Katunggali naman ni Pari Salvi sa kapangyarihan ang Alperes. Ang alperes ang puno ng mga
guwardiya sibil. Kasama ng Alperes ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina
na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tumitingin si Donya Consolacion sa
salamin kaya kanyang ipinagpapalagay na siya ay maganda. Ang pagkakapangasawa ng Alperes
ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa
init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-
kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang Alperes at si Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila
ay mga casique.
[baguhin] 13 : Mga babala ng bagyo
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang tagahukay. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagahukay. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng tagahukay na kanyang
sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ng isang matabang kura.
Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot
at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya
ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
[baguhin] 14 : Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na
direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang
hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang
taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa
dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na
mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay
magpari. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman,
pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa
pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat
ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang
ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga
lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng
delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili
nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok
at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay
mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng
kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-
asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung
nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya
itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita
ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay
undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay
mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at
dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng
namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng
matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat
nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-
asawa.
Pag-aaral sa
Ateneo Maligayang Bati • Isang Alaala sa aking Bayan • Sa Sanggol na si
Municipal de Jesus • Ang Tanglaw ng Bayan
Manila
Pag-aaral sa
Unibersidad Sa Kabataang Pilipino • Sa Tabi ng Pasig • Konseho ng mga
ng Santo Diyos-Diyosan
Tomas
1
Ibinilang na rito ang mga sinulat niya pagkabalik niya mula Europa hanggang sa kanyang
ikalawang pangingibang-bansa. 2 Isang nobela. 3 Silipin din ang kinaltas na kabanata ng Noli me
Tangere, ang Elias at Salome. 4 Para sa kanyang makontrobersiyang ikatlong nobela, tingnan ang
Makamisa.
Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan_ng_mga_kabanata_sa_Noli_me_Tangere"
Mga kategorya: Jose Rizal | Mga sulatin ni Rizal | Noli Me Tangere
Mga pansariling kagamitan
• Lumagda / tumala
Mga ngalan-espasyo
• Artikulo
• Usapan
Naiiba pa
Mga tingin
• Basahin
• Baguhin
• Kasaysayan
Mga gawain
Hanapin
Top of Form
Natatangi:Maghan
Maghanap
Bottom of Form
paglilibot
• Unang Pahina
• Mga nilalaman
• Napiling nilalaman
• Mga kaganapan
• Alin mang artikulo
pakikihalubilo
• Patungkol
• Pamayanan
• Kapihan
• Mga huling binago
• Magkaloob
• Tulong
Mga kagamitan
• Mga nakaturo rito
• Kaugnay na mga pagbabago
• Mga natatanging pahina
• Bersyong maililimbag
• Palagiang kawing
• Sumangguni
• Huling pagbabago: 03:40, 1 Pebrero 2011.
• Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-
Alike; maaaring mailapat ang karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa
mga detalye.
• Patakaran sa paglilihim
• Tungkol sa Wikipedia
• Mga pagtatanggi
•
•