Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bagong Paraiso

ni Consolacion P. Conde

I. Layunin
a. Napahahalagahan ang mga pangyayaring kaunay sa mga kaganapang napapaloob
sa akda sa pamamagitan ng iba’t ibang Gawain.
b. Nakapagbibigay ng sariling reaksyon/katwiran sa mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa akda.
c. Nakabubuo ng mga sariling ideya/paraan hinggil sa pagkakasundo ng anak at
magulang.

Dating Kaalaman

Ang mga magulang ay walang karapatan na panghimasukan ang personal na


buhay ng kanilang mga anak lalung-lalo na kung tungkol sa pag-ibig.

Bagong Kaalaman

Ang mga magulang ay walang karapatan na panghimasukan ang personal na


buhay ng kanilang mga anak lalung-lalo na kung tungkol sa pag-ibig.Ngunit dapat pa ring
igalang ang mga payo/paalala at kagustuhan ng mga magulang dahil sila parin ang mas
nakakaalam sa iyong ikabubuti at ikauunlad lalung-lalo na tungkol sa pag-ibig.

Mahalagang Kaisipan

Walang magulang na naghangad ng masama para sa kanyang anak.Ang lahat ng


sinasabi at ipinagagawa nila para sa iyo ay mga bagay na alam nilang makabubuti at
makatutulong sa iyong pag-unlad.Bagama’t minsan ay hindi mo nauunawaan ang mga
bagay na ito kaya’t sinusunod mo pa rin ang iyong sariling kagustuhan na kadalasan
naman ay di nagiging mabuti ang kinahihinatnan.

Nilalaman

Sa araling ito mababatid ng mga estudyante na walang mga magulang na


naghangad ng masama para sa kanyang anak.Ipinapakita rin sa araling ito, ang
kinahihinatnan ng mga anak na padalus-dalos sa pagdedesisyon at ang mga posibleng
magiging buhay ng mga kabataang maagang namulat sa isang relasyon.

II. Paksang –aralin


a.Kwento:Bagong Paraiso ni Consolacion P. Conde
III. Kagamitan: Sandigan 3-Batayang Aklat/Cassette Tape
IV.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Ilahad sa Klase:
1. Nasuway mo na ba ang kagustuhan ng iyong magulang?Ano ang iyong
naramdaman sa ginawa mo?
2. May kaibigan ka ba o kakilala na napahamak dahil sa pagsuway sa kagustuhan ng
magulang?Ano ang nangyari?
Pagbabahaginan ng karanasan

B. Paglalahad
C.
Mungkahing Gawain:Pagtatanghal Panradyo
1. Pagpili ng mga mag-aaral na babasa.Itatakda na ito sa kanila upang mapag-aralan
ang pagbasa.
2. Pagbibigay ng paalala sa mga makikinig.
3. Pagpapabasa ng akda sa harap ng klase.
4. Pagtalakay sa nilalaman ng kuwento

D. Pangkatang talakayan

Pangkat 1 & 2:Mungkahing Gawain(Pagtatalo)

Makabubuti kaya ang maagang pagkamulat ng relasyong babae at lalaki sa mga


kabataan?

Pangkat 3 & 4:Mungkahing Gawain (Pagpapakita ng Paghahambing)

Bagong Paraiso Sa Ibang Akda

Tauhan
Pangyayari

Pangkat 5 & 6:Mungkahing Gawain (Pagpapakita ng pagtataya)

1. Pagpapapili sa bahagi ng akda na nag-iwan ng bisa sa damdamin at kaisipan ng


mga mambabasa.
2. Pagpapaliwanag sa mga ito.
3. Pagbibigay halimbawa
Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang gawain.
Pagkuha ng feedback mula sa mga nakinig
Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback

IV. Paglalapat
Pagpapalawak ng Karanasan
1. Pagpaparinig ng awit “Batang-bata Ka Pa”
2. Pagbibiggay ng Mensahe ng awit
3. Pagtatala sa pisara
Hal. Gawing masaya ang kamusmusan o kabataan.

V.Paglalahat
VI.Ebalwasyon
Upang kayo’y magkasundo umisip o magbigay ng mga paraan kung ano ang maaring
gawin ng iyong mga magulang upang maunawaan nila ang iyong kalagayan bilang
kanilang mga anak at ang mga bagay na dapat mo namang gawin upang unawain ang
kanilang mga payo o kagustuhan para sa ikabubuti mo.

Para sa aking sarili Para sa aking magulang

VII.Takdang-aralin

You might also like