Filipino Report - January 24,2011

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 11

1

2
 Si FranciscoBaltazar y dela Cruz (Abril 2,1788
- Pebrero 20,1862), kilala rin bilang Francisco
Balagtas na kaniyang tunay na pangalan, ay isang
kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda
ng Florante at Laura. Tinaguriang “Hari ng
Makatang Tagalog," siya ay nagsulat ng
mga tula, awit, komedya, at korido na siyang
nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan
sa dambana ng mga makatang Tagalog.

3
 Si Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa,
Bulacan noong 2 Abril 1788. Ang kaniyang mga magulang
ay sina Juana dela Cruz at Juan Balagtas na isang panday.
Siya ay may palayaw na Kiko at may tatlong kapatid: sina
Felipe, Concha, at Nicholasa.
 Matapos na makapag-aral ng katekismo, nagtungo
siya Tondo noong 1799 upang manilbihan sa kanyang
tiyahin na si Doña Trinidad, na siyang nagpaaral sa kanya
sa Colegio de San Juan de Letran at sa Colegio de San
Jose. Nagpakadalubhasa sa mga kursong Latin, Español,
humanidades, at batas, si Baltazar ay nakapagtapos pag-
aaral noong 1812. Malaki ang naging impluwensiya
ni Jose dela Cruz (o Huseng Sisiw), kilalang makata mula
Tondo at magaling na guro ni Baltazar, sa kanyang
pagsusulat ng mga tula, awit, at moro-moro.

4
 Noong 1835, sa edad na 47, si Baltazar ay
nagtungo sa Pandacan, Lungsod Maynila at dito
nakilala niya si Maria Asuncion Rivera. Umibig
siya kay Maria ngunit naging mahigpit na karibal
niya ang isang mayamang cacique na si Mariano
Capule. Ginamit ni Capule ang kanyang yaman
at impluwensiya upang maipakulong si Baltazar.
Pinaniniwalaang isinulat niya ang kanyang
pinakamahusay na akda, ang Florante at Laura,
sa loob ng piitan.

5
 Nang makalaya siya noong 1838, siya ay
nagtungo sa Balanga, Bataan upang maging
kalihim ng isang hukom. Nakilala niya ang
mayaman at mestisang si Juana Tiambeng na
siyang nagtustos sa paglalathala ng Florante at
Laura sa palimbagan ng Kolehiyo de Santo
Tomas. Sinasabing sa bayan ng Orion, Bataan,
sumapi si Baltazar sa isang lihim na pangkat ng
mga rebelde na lumalaban para sa kasarinlan.
Bagamat isang Bulakenyo, si Baltazar ay
nakahugot ng inspirasyon sa Bataan upang
sumulat ng mga pinakamahuhusay na literatura.
6
 Taong 1849 ng simulan niyang gamitin ang apelyidong
Baltazar, matapos na ipag-utos ni Gob. Hen. Narciso
Claveria sa mga Pilipino na gumamit ng apelyidong
Español o Tagalog mula sa isang listahan.
 Sa ikalawang pagkakataon ay nakulong si Baltazar nang
akusahan siya ng paggupit ng buhok ng kaniyang
kasambahay. Ipinagbili ni Baltazar ang kanilang lupain at
nagbayad ng malaking halaga upang makalaya. Dahil dito,
naghirap ang kanyang pamilya. Ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat ng mga awitin at moro-moro hanggang sa
kanyang kamatayan noong 20 Pebrero 1862 sa edad na
74. Ipinagbilin niya sa kanyang mga apo na iwasang
maging makata’t manunulat upang hindi sila maghirap.

7
 Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula
kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na
kinikilalang pinakabantog na makata sa
Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing
hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang
pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit
na dinakila si Kiko sa larangan na panulaan.

8
 Ang Orosman at Zafira, Mahomet at
Constanza, Almanzor y Rosalina, Clara
Belmori, Abdol y Miserena, Auredato y
Astrone, Bayaseto at Dorsalica, Rodolfo at
Rosamunda, Florante at Laura, Nudo
Gordiano, La India Elegante y El Negrito
Amante

9
 Ang karamihan sa mga sinulat ni Baltasar ay
tungkol sa aping kalagayan ng Pilipinas noon. Ang
pinakabantog sa mga ito'y ang kanyang "Florante at
Laura," isang nobelang patula tungkol sa isang
kaharian sa Europa, at di-tuwirang tumatalakay sa
kahabag-habag na kalagayan ng bansang ito noong
panahon ng mga Kastila.
Ani Mariano Ponce, "Si Balagtas ang prinsipe ng
mga makatang Tagalog." Sinabi ni Dr. Jose Rizal
nang tukuyin ang walang-kamatayang awit ni
Balagtas, "Ang Florante at Laura ay isang katha sa
wikang Tagalog na lumusog at dumingal."

10

You might also like