Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Proyekto

Sa
Pluma
Ipinasa ni: [11] Tristan Medina Ipinasa kay:
I – Galileo Binibining Rose
Makapaghihintay

Ang

Amerika
“ Dionisio S. Salazar ”

UNANG TAGPO
Mga tauhan:
Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro
Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana
Nora marta, ina ni Fidel, nagging patnugot ng isang kawanihan at
sa kasalukuyan ay pensyunada na
Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya
Ilang Ekstra

Panahon: [Kasalukuyan]
Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila

P agbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang


aksesorya ng mga Cortez sa Sta. Cruz, Maynila. Maluwang ang
salas na kakikitaan ng mga mamamahali’t makabagong muwebles,
telebisyon, hi-fi, at iba pa. kaagad na mahihinuhang may mabuting
panlasa ang mga nakatira rito. Si Ligaya, na nakadamit pambahay,
ay nakasandal sa sopa at bumabasa ng isang pocketbook.
Propesor siya sa isang malaking pamantasan sa Maynila. May 35
taon na siya, kaakit – akit, at mukhang matalino.

LIGAYA: (Iaangat ang ulo sa binabasa at titingnan ang kanyang


orasan) Aba, mag – iikaanim at kalahati na’y wala pa sina Mama.
Tila sila nawili sa panonood. Si Fidel man ay wala pa rin. (Itutuloy
ang pagbasa .) ( Sa darating sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan,
si Nora Marta. Si Rosa ay siyam na taon, si Boy naman ay
magpipitong taon. Hahalik sa kanya ang dalawang anak. Siya
nama’y magmamano sa may 56 taong matanda.)
BOY: (Masigla) Mommy, ang ganda – ganda ng napanood naming.
Ganito “tsak, tsak, pak, bog!” (Ilalarawan ang labanang
napanood.)
ROSA: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang bait – bait po
niyan sa sine, talaga.
BOY: Pa’no ibig kong matuto ng karate.
ROSA: Kundi pa kami nag – aya ng loloa e ayaw pa niya.
MARTA: Ang totoo’y may kagandahan an gaming napanood, Gay.
Mahusay nang gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon…
Buweno, makapagbihis nga muna. ( Papasok sa pintuang nasa
gawing likod, gitna ng tanghalan. Maiiwan ang mag –iina.)
BOY: Ma, me pasalubong ako sa’yo. Heto, o… ( Aabutan ng isang
chocolate candy ang ina.)
LIGAYA: Salamat, anak, pero tataba ako nito. Anong sa ni Papa
n’yo? Huwag akong masyadong magkakain ng matatamis para
huwag tumaba.
ROSA: (Pabiro.) Hindi baling mataba, Mommy basta seksi.
BOY: Isa lang naman, Mommy, a. Saka, malapit na’ng pasukan,
papaya ka na naman pag nagturo ka.
ROSA: (Dudukot sa kanyang bag) Mommy, pustahan at gusting –
gusto mo’ng dala ko sa iy (Iaabot ang isang putting supot sa
naliligayahang ina) O, heto.
LIGAYA: (Matatawa pagkakita sa laman ng supot.) manggang
manibalang. At may kasama pang bagoong. Ku, talaga naming
napakamaaalalahanin ng aking mga anak. (Yayakapi’t hahagkan
ang mga anak.)
ROSA: Alam mo, Ma, paglabas naming sa sine, e nag – shopping pa
kami sa Abenida. May binili si Lolang regalo para s birthday ng
Papa bukas.
LIGAYA: Ano ba yon?
ROSA: Babarunging – tagalong, Mommy.
BOY: Ang ganda – ganda po… Ikaw, Ma, ano ba’ng regalo mo sa
Papa, ha?
LIGAYA: Bukas na n’yo malalaman. Baka pa masabi mo sa ‘yong
Papa… Saka, Boy, hindi dapat malaman kaagad ng reregaluhan
ang ibibigay sa kanya kung di sa oras ng pagbigay.
ROSA: S’yanga, Boy, para sorpresa, dib a, Mommy?
BOY: Ano ba’ng ibig sabihin ng “sorpresa?”
LIGAYA: Gulat na nakatutuwa. Boy, Isang bagay na hindi mo
akalaing darating.
BOY: A, gano’n pala… Ma, tama nab a ‘yung regaloi ko ke Papa?
LIGaYA: Oo. Natitiyak kong masisisyahan anng inyong Papa sa
inyong mga handog sa kanya bukas, lalo pa’t malalaman niiyang
ang inyong binili’y galling sa inyong mga piggy bank.
ROSA: Ako’y me sampung piso pa, Mommy. Bukas, e magpasyal
tayo sa Luneta, ha? Magbo- blowout ako ng drumstick.
LIGAYA: ‘Yan ang ibig ko sa ‘king anak, galante.
ROSA: Kasi kayo ng Papa, e galante rin, e.
BOY: ( May maiisip) Mommy, asan bang Amerika?
LIGAYA: Doon sa ibayong dagat. Malayo… bakit mo naitanong,
Boy?
BOY: Kasi nu’ng sang araw e sabi ng Papa, “ibig mong sumama sa
akin sa Amerika?
LIGAYA: O, ano naman anng wika ng Papa?
BOY: Do’n na raw ako mag-aaral…Mahusay ba’ng titser do’n, ha,
Ma?
LIGAYA: Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang
klaseng guro. (Haharapin si Rosa) Ikaw, Rosa, kung isasama ka
ban g iyong Papa ay sasama ka sa Amerika?
ROSA: Sasama ako kung kasama ka at si Lola.
BOY: Sana, Mommy, Lahat tayo magpunta sa pinupuntahan ni
Papa, kahit saan ‘yon.
ROSA: Saan – saan nab a napunta ang Papa, ha, Mommy?
LIGAYA: Sa Amerika, napinagdalubhasaan niya sa panggagamot,
sa Vietnam at sa Laos nang sumama siya sa Operation
Brotherhood… sa Hapon, Hongkong, Thailand, espanya, Italya,
Pransya, at marami pang iba.
BOY: Talagang sikat si papa. E, di ang dami – daming perang
nagastos ng Papa, ha, Ma?
LIGAYA: Kaunti lang, kasi’y nakakuha siya ng tinatawag na
fellowship grant at travel grant.
ROSA: Ano ba,’yon, Mommy?
LIGAYA: Libre, may gumasta para sa kanya.
ROSA: Dahil marooning siya?
LIGAYA: oo.
ROSA: Sana magbalediktoryan din ako paris ng Papa.
BOY: Ako man.
LIGAYA: Masipag mag – aral ang inyong Papa. Kayo man ay mag –
aral na mabuti at malamang magtapos na baledektoryan din, o
kaya’y ibang mataas na karangalan. (Daratingn si Aling Martha na
nakadamit pambahay na.)
MARTA: Aba’y hindi pa pala nakapagpalit ng bihisan ang dalawang
yan, a… O, sige, mga apo, bihis muna. (Susunod ang dalwang
bata, makikita ang aklat na ibinaba ni Ligaya sa sopa.
Dadamputing iyon at babasahin ang pamagat.) The Invisible
Government.
LIGAYA: Iyan, Mama, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency
o CIA, ang “Pamahalaang hindi nakikita. “ Bilyun-bilyong dolyarhu
pala ang ginagasta niyan. At laganap pala sa buong daigdig ang
mga ahente niyan.
MARTA: Huwag mong sabihin, gay, na mayroon niyan dito sa atin.
LIGAYA: Marami hu.
MARTA: Ha!… Nakapagtataka.
LIGAYA: HUwag kayong magtaka, Mama. Talagang ginagawa ng
Amerika ang lahat ng paraan upang mapalaganap at mapanatili
ang kanayang impluwensya at kapangyarihan sa lahat ng dako.
MARTA: Pawang mga Kano ba ang ahente niyan?
LIGAYA: Hindi hu. Iba’ ibang uri ng tao ang mga tauhan niyan.
Ngunit mahirap silang makilala. Marami raw galamay sa Pilipinas
ang CIA.
MARTA: (Isang mapait at makahulugang ngiti ang sisilay sa labi)
May katwiran nga ang nagsasabing ang Pilipinas ay hawak pa rin
ng Amerika. Daang milyon nang utang natin sa kanya… Hindi tayo
makakilos nang di muna sasangguni sa Amerika. May suliranin
tayo, kuha agad ng mga “ekspertong” kano gayong tayo ang higit
na nakauunawa sa ating mga suliranin mat mga lunas dito. Anong
klaseng bansa tayo?… Republikang basahan?… maiba ako, anak,
nasabi mo na ba kay Fidel ang tungkol sa telegramang galling sa
Malakanyang?
LIGAYA: Pagkabasa ko’y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong,
okupado ang linya. Nang ulitin ko ang tawag pagkaraan ng
sampung minute ay wala nang dalayton. Hayaan at hanggang
ngayo’y wala pa rin…
MARTA: Kakatwa naman talaga ang teleponong yan. Mas Madalas
pang kasya buo. Dumayal ka ng isang numero at iba ang sasagot.
Uulitin mo, iba na naman. Suwerte mo nang makonekta sa unang
dayal. Ku, kung di nga lamang kailangan ay mabuti pang ipaputol
na yan. kunsumisyon lang ang inaabot mo.
LIGAYA: (Ibabalik antg paksa sa dati.) Palagay kaya n’yo, Mama,
ay may pag –asa si Fidel na makakuha yung puwesto.?
MARTA: Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang
kinakailangang papeles ay baka sakali.
LIGAYA: Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta
na ang naipadala niya roon.
MARTA: Alam mo naman, Gay, an gating gobyerno: maraming
rekutitos na hinihingi sa mga aplikante.
LIGAYA: Mama, hindi hu kaya magbago ang loob ni Fidel kukng
sakaling siya ang palaring mahirang na pangalawang patnugot ng
South General Hospital?
MARTA: Aywan ko nga bas a taong ‘yan.
LIGAYA: Ano hu ba’ng napag – usapan n’yo kahapon?
MARTA: Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw
siya sa dami ng red tape. At kailangan pa raw ng de – padrino.
Mas malakas daw ang padrino. Mas malakas daw ang padrino, mas
madali ang entra.
LIGAYA: Sakit ‘yan ng bayan.
MARTA: Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong ‘yun ay wala
na siyang pakialam. Itutuloy raw niya’t itutuloy ang pagpunta sa
Amerika.
LIGAYA: Talagang napakatindi ng hinanakit ni Fidel sa
pamahalaan. At, suyang – suya na siya. Kaya ibig niyang layuan
ang ayon sa kanya’y talamak at palala nang palalang mga kanser
ng lipunan.
MARTA: May katwirang magkagayon ang iyong asawa. Ang isang
tulad niyang mapagmasid, mapanuri, matalino, at ideyalista ay
hindi magkagusto sa uri ng lipunang ginagalawan: marumi,
mapagkunwari, materyalista, magulo…
LIGAYA: Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako, Mama, na
mababago ko ang kanyang loob. May ilan pa akong alas na hindi
naisusugal, halimbawa’y ang tungkol sa pagkapunta ko sa klinika
ni Doktora Samonte kaninang umaga. (May ibubulong sa biyenan
na ikaliliwanag ng mukha ng huli.)
MARTA: (Ngagalak) Makakapulitana ka riyan. Tama, bukas mo na
sabihin sa kanya. Natitiyak kong malulundag siya sa tuwa.
LIGAYA: (Lalamlam ang magandang mukha) Ngunit, Mama, tila
hindi hu mapaglabanan ni Fidel ang nakararahuyong alok ng isang
ospital sa California.
MARTA: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan.
Lubhang makapangyarihan ang salapi, anak.
LIGAYA: Biro n’yo, isang libo’t limang daan dolyar isang buwan. At
libre pasahe pa. bukod sa iba pang pribelihiyo.
MARTA: Katumbas na ‘yan halos ng anim na libong piso. ‘Yan ang
isang bagay na maipupuri mo sa Amerika, matatas
magpasuweldo…O, e ano, papayagan mo ba siyang umalis na
naman?
LIGAYA: ‘Yan ngna hu ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit
kailangan pa niyang mangibang bansa ay sa hindi naman tayo
kinakapos. Aming kita, siya sa panggagamot at ako sa pagtuturo,
ay sapat naman sa ating pangangailangan.

MARTA: Iba si Fidel, Gay. Nais niyang habang bata pa makaipon,


makapagsarili, at makapag – ukol ng mahabang panahon sa
pagsasaliksik at pagtukalas ng gamut. Di ba’t mallimit niyang
sabihing hindi magiging ganap ang kanyang tagumpay hanggat
hindi nakatutuklas ng mabisang gamut sa kanser?
LIGAYA: Sino hu bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na
pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mag aklat, at iba pa ay
medyo may kahirapang makaipon.
MARTA: Kumusta ang inyong plano tungkol sa bahay?
LIGAYA: Kung si Fidel ang masusunod, Mama, ay mahihirapan
tayong magkaroon ng sariling bahay. Takot siyang mangutang
MARTA: Ang ibig nga raw niya’y yung kikitain sa Amerika ay
siyang ipapatato ng bahay sa inyong lote sa Quezon City.
LIGAYA: Ngunit ang paglayo…(Magbubuntunghininga) Kayo,
Mama, matitiis ba n’yong hindi Makita at makapiling sa loob ng
tatlong taon o higit pa, ang iyong kaisa-isang anak na si Fidel?
MARTA: Ako’y isang matanda na. anuman sandali’y maaaring…
Ngunit kung ibig ni Fidel, at papayagan mo naman, sino akong
pipigil?
LIGAYA: Sa dalawang pangingibang bansa ni Fidel ay hindi ako
tumutol, at ni hindi ako nabagabag. Ngunit ngayon, Mama, para
akong kinakabahang kung paano.
MARTA: Ano’ng pinag-aalala mo, anak?
LIGAYA: Iba nap o ang panahon ngayon, Mama. Baka matukso si
Fidel. At makalimot. Marami na akong nabalitaang mag-asawang
naghihiwalay…
MARTA: Nangangamba kang matulad sa iba si Fidel, gano’n ba?
LIGAYA: Isang kaibaigan ko’t dating kamag-aral sa UP, si Nenette,
ang ngayo’y nagdadalamhati. Naghiwalay silang mag-asawa,
pagkatapos na matira ng dalawang taon sa Amerika si Ruby, na
isang doctor.
MARTA: Hindi gagawa ng gano’n si Fidel.
LIGAYA: Mama, marami hu ang humahanga sa pamamahalan ni
Nenette at ni Ruby. Kaya, hindi kami makapaniwala na ang
kanilang pagsasama’y hahantong sa paghihiwalay. Si Ruby, paris
ni Fidel, ay isa ring siruhano.
MARTA: Tila balak ni Fidel ay pasunurin tayo sa Amerika kung
naroon na siya.
LIGAYA:Hindi ako mawiwili sa ibang lupain, Mama. At isa pa’y
hindi ako makaalis sa aming pamantasan. Masisira ang
programang aking inihanda para sa aming kagawaran. (Tutungo
sa bintana at tatanaw sa malayo; halatang kinakainipan ang
pagdating ni Fidel.)
MARTA: (Titindig at maglalakad-lakad upang mag-unat ng tuhod)
Kung naro’n ka’y maari ka ring makapagturo. At makapag-arl.
Maaaring doon mo na tapusin ang iyong doctorate sa edukasyon.
LIGAYA: Matay ko mang isipin, Mama, ay nakatatawa rin ang
bansang Amerika. Mapagkunwari rin. Magulo rin. At wlang
pagkakaisa. Nahahabag ako sa kalagayan ng mga Negro at ng mga
Negro at ng mga Indiyan doon. At, alam n’yo, saisang nabasa kong
magasing Ingles ay nabatid kong patuloy ang pagdami roon ng
mga dalagang-ina.
MARTA: Dito man sa atin, ayon kay Fidel, ay dumadami rin ang
mga sawimpalad na dalaga.
LIGAYA: Hindi sila sawi, Mama. Mga hangal sila. Mga uhaw sa
kamunduhan. At karamihan sa kanil’y nabibilang sa mataas na
lipunan. Dapat silang kasuklaman, sapagkat sila’y batik sa
kapurihan ng kababaihang Pilipina.
MARTA: Isa yan sa bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan,
anak.
LIGAYA: Oho, Mama, makabagong mapangwasak… Beatniks…
hippies… a-go-go… mini-skirt… Ano pa kayang putaheng Amerika
ang pagkakamatayan ng mga Pilipino?
MARTA: Nakakahiya, ngunit totoong an gating panahon ay
henerasyon ng panggagaya, panghuhuwad, panloloko, krimen,
pagsasamantala…
LIGAYA: Tingnan n’yo ang bansang ibig puntahan ni Fidel, ilan
nang mabubuting lider ang kanilang pinatay?
MARTA: Kung sabagay, Gay, bawat bansa’y sadyang may
kapintasan. Bawat lahi ay may kahinaan. Bawat panahon ay may
kanyang sakit.
LIGAYA: (Pagkaraan ng saglit na katahimikan.) Bata pa si Fidel,
Mama. Bukas ay kwarenta na siya. Makisig siya. At malapit sa
kanya ang mga babae.
MARTA: Ngunit matibay ang kanyang puso. Nakita mo, sa loob ba
ng labindalawang taon ng inyong pagsasama’y naglukko na siya?
LIGAYA: Hindi nga ho, ngunit… Sa Amerika’y labis ang kalayaan
ng mga babae, at alam nating ang lalaki’y lalaki kailanman… At isa
pa’y hindi ako payag na doon pag – aaralin ang mga bata.
MARTA: Kaisa mo ako riyan. Sabihin nang ako’y makaluma ngunit
ibig kong sa sariling bayan tayo mabuhay at mamatay. (Maririnig
nila ang kiriring ng telepono.)
LIGAYA: Ayan, umandar na naman an gang sumpunging telepono.
(Matatawa silang magbiyenan. Tutunguhin niya’t iaangat ang
awditibo ng telepono.) Hello… Oo, ito nga.. Oy, Ched, ikaw pala…
Kailan ka dumating? O, kumusta ang biyahe?… Mabuti naman…
Wala, wala pang liwanag ang lakad ni Fidel… Oo,, tatlong buwan
na ngayong nakabitin na wika nga’y “balag ng alinlangan at
pananabik”… Si Fidel nga ang most qualified sa tatlong kandidato
ngunit siya ang bukod tanging walang padrino. Nanghahawak siya
sa kanyang sariling kakayahan… Yun nga ang hirap sa asawa ko,
ayaw kumuha n glider… Oo, Ched, malalakas ang padrino ni Dr.
Loban, dalawang cabinet members… Yung inaaanak ng Pangulo?
Inutil daw, ngunit alam mo na sa ating gobyerno, hindi kung sino
ka kung di kung sino ang kinakapitan mo.” Di ba? …Mabuti nga.
Siyanga pala, dine kana mananghali bukas, birthday ni Fidel…
Makakarating. Aasahan ka naming bukas, ha?… Babay…
(Haharapin ang biyenan) Si Ched, Mama. Kararating lang niya
buhat sa paglilibot sa Amerika at Europa. Sabi ko’y pumarito siya
bukas.
MARTA: Mabuti… Tungkol sa kaso ni Fidel. Talaga bang mahigpit
ang kanyang laban sa puwestong yaon?
LIGAYA: Mahigpit, Mama, bagaman siya ang rekomendado ng
kanilang director sa South General Hospital.
MARTA: Para ko nang nakikiatang hindi si Fidel ang
mahihirang.Maganda man ang kanyang record at rekomendado
man siya ng kanilang director ay mahihirapan siya. Basta’t
pinasukan ng pulitika. Alam mo na.
LIGAYA: Ipinagkakapuri ko si Fidel sa kanyang paninindigan,
Mama.
MARTA: (Makahulugan) Maniwala ka, anak, habang anng pulitika’y
nakapangyayari sa ating bansa, hindi tayo lalakas ni uunlad. Ang
ating pulitika, na napakarumi, at balitang kapag hindi nasawata ay
siyang lilingkis at kikitil sa ating lahi. Ano na ang sabi ng isang
kinatawang Muslim? “Na silang mga pulitiko ang sanhi ng
paglaganap ng krimen dito.”
LIGAYA: Tama sina Roces, Tanada, at iba pa sa pagsasabing
“kailangan ang isang rebolusyon ng pagbabago.” (Gagambalain
niya ang pintuan. Lilitaw ang kanyang kabiyak, si Dr. Fidel Cortez.)
(Matikas, masigla, at may malakas na personalidad si Fidel.
Nakabarong tagalong siya. Masuyo niyang hahagkan anng asawa
at pagkatapos ay magmamano sa ina.)
MARTA: (Sa gawing silid nakatingin) Rosa! Boy! Narito nang
inyong Papa. (Patakbo naming lilitaw ang mga tinawag. Nag –
uunahan silang magmamano sa kanilang ama.)
FIDEL: KKUmusta’ng panonood ng sine? Maganda ba’ng inyong
napanood?
BOY: Ang ganda, Papa. Ang husay – husay pos a karate nung bida.
Ganito ( ilalarawan) “tsak, tsak, pak, bog.” Bagsak ang
kontrabida. Gusto mo, ibibida ko sa’yo, ha, Papa?
MARTA: Komiks! Di ba’t napag – uusapan nating puwera komiks
muna?
FIDEL: Opo, Mama. Ngunit iba ang komiks na uwi ko. Akin na nga
muna, Boy. (babawiin sa anak) O, tingnan n’yo. (aabutan ng tig –
iisa angn ina at ang asawa.)
LIGAYA: Noli Me Tangere. Mayro’n pala nito.
MARTA: At ire nama’y El Filibustirismo, isa sa mga nobela ni Rizal.
At maganda nag pagkakadibuho, a.
FIDEL: Makatutulong yank ay Rosa at kay Boy nang maagang
pagkaunawa sa mga sinulat ng ating bayani.
MARTA: Tila may nabasa akong manunulat na nagsabing “basura”
raw ang komiks ngunit marami rin angn kapupulutan ng
mahalagang aral at kaisipan. (Ibabalik sa dalawang bata ang mga
komiks magasin.)
MARTA: O, tena kayong dalawa sa loob. (Aakbayan ng dalawang
apo at sila ay papasok. Maiiwan ang mag – asawa.
LIGAYA: Hindi ka ba muna magpapalit ng samit, Del?
FIDEL: (Matappos tabihan at akbayan ang kabiyak) Alam mo,
mayroon…
LIGAYA: (Mabibigla.) Ha! Sino? I-kaw?
FIDEL: Hindi. Si Dr. LOban.
LIGAYA: Hindi ka ba nagbibiro, Del?
FIDEL: Nanumpa na siya ngayong hapon. Buaks ay tiayk na nasa
mga pahayagan ang balita. (Malulungkot ang kausap) Huwag kang
malungkot, Gay… ganyan lang talaga ang buhay.
LIgaya: Ngunit bakit tinelegramahan ka pa ng Malakanyang?
FIDEL: Kailan? Nahan?
LIGAYA: Kanina. Heto ( sabay dulot sa bulsa at abot sa asawa ng
telegram).
FIDEL: (Babasahin nang malakas) “ Please come to Malacanang
soonest with necessary papers re position applied for.’… Alam mo
‘ling maging sa Malakanyang ay walang koordinasyon, kung
minsan.
LIGAYA: Bigla naman yata ang pagkakahirang kay Dr. LOban, ha?
FIDEL: Mangyari’y nabigla raw ang Pangulo. Bukod daw sa
dalawang miyembro ng gabinete ay isang malaking delegasyon ng
mga lider ng partido ang isinama ni Dr. Loban sa Malakanyang. At,
nagsama pa rind aw ng maraming reporter. Alam mo na, malapit
na naman ang eleksyon.
LIGAYA: (Tatangong may mapait na ngiti) Ano naman ngayon ang
gagawin mo sa telegramang yan?
FIDEL: (Magkikibit ng balikat.) “ Come to Malacanang… “Para ke
pa. itong sinasabing iniinsulto ka na’y sinasaktan ka pa. ang
nakatatawa’y mapapailalim ako sa aming bagong assistant
director na sa akin lamang nangongopya noong kami’y nag – aaral
pa sa U.P. at, kung hindi pa rin “nilakad” e, hindi pa papasa sa
board exam.
LIGAYA: (Parang wala sa loob) Mapalad si Dr. Loban.
FIDEL: Kaya, Gay, masisiis mo ba ako, kung naisin kong umalis sa
Pilipinas? Dito, kahit saan ka tumingin ay wala kang makikita
kundi ang marungis na mukha ng pulitika.
LIGAYA: (Parang wala sa loob) Sa harap ng mga kasalukuyang
pangyayari, hindi ko maubus – isipin kung paano “mulling
dadakila” ang Pilipinas.
FIDEL: Maaari, bakit hindi, ngunit tinitiyak ko sa yong hindi sa
panahong ito. (Titindig at kukuha ng sigarilyo sa isang lalagyan.
Alam mo, Gay, nagkasundo na kami ni Dr. Bugarin na mag – sabay
na tumungo sa Amerika. At si Dr. Sitjafr nga pala, na isa ring
disgustado, ay nagbaballik sumama sa amin. (Hindi kikibo si
LIgaya, mapapabuntinghininga lamang. Daraan ang ilang saglit na
katahimikan.)
LIGAYA: Hindi kita masisisi, Del, na maghinanakit. Ngunit isip –
isipin mo, ang paglayo mo ba, at ng mga pang “disgustado” ay
makabubuti sa mga “karamdamang” nais ninyong takasan?
FIDEL: Hindi ko na masikmura ang mga kabuluka’t katiwalliang
aking nakikita, nadara, nababasa… Sayang at hindi ako nagging
nobelista, o mandudula. Kung nagkatao’y baka isang Noli rin, o
isang Kahapon, Ngayon at Bukas ang masusulat ko.
LIGAYA: At sapagkat hindi mo na masikmura ay lalayo ka, gano’n
ba?(Magiliw na kakawitin sa bisig ang kausap upang mapaharap
sa kanya).
FIDEL: (Makahulugan) Ang Pilippinas ay nasa bingit na ng
malaking panganib. Dito’y hindi na “lakas ng katwiran” ang
nananaig kundi “ katwiran ng lakas.” Ang mga batas ay wala nang
ngipin. Lumuluha na ang katarungan..
LIGAYA: Hindi ako nawawalan ng pag – asa.
FIDEL: Natatandaan mo bang sinabi ni Roces? Sabi niya, “Maging
ang mga hukuman ay hindi nalilligtas sa mga mantas ng
kurapsiyon.”
LIGAYA: Ikaw ay isang tanyag na siruhano. Di ba’t ang isang
maysakit,anuman kalubha ang karamdaman, ay may pag – asang
gumaling?
FIDEL: Depende sa karamdaman, Gay. Nakita mo, ako’y hindi
nandiri kelanman sa anumang sakit, datapwat ang nana n gating
lipunan ay totoong napakalansa, nakaririmarim, nakasusuka!
LIGAYA: At ang naiisip ninyong mga doctor, sa harap ng ganyang
mga sakit, ay mangingibang – bansa? Angn gayon ba’y
makatitighaw sa karamdamang inyong pinandidirihan? Ayokong
marinig na tayo’y katulong sa tinatawag na brain drain.
FIDEL: Kailangan natin, kung baga sa makina, ay complete
overhaul. Kailangan ay pagbabagong – buhay ng mga namumuno
at pinamumunuan.
LIGAYA: Sang – ayon ako sa mga sinasabi mo, ngunit hindi ba
higit na mabisa at kanais – nais ang pamunuang may kasamang
panlunas?
FIDEL: Tama, ang paggamot sa isang sakit nito at ito ang
pagbuhusan ng lakas upang tuluyang mawala.
LIGAYA: Ikinagagalak kong marinig yan sa iyo.
FIDEL: Tayo rito’y salita nang salita ng demokrasya ngunit
kakatwa an gating pagkakilala, at pagpapahalaga sa diwa ng
demokrasya.
LIGAYA: Matanong kita. Sa bansa bang pupuntahan mo’y may
pagkakaisa? May pagkakapantay-pantay ba? May pagkakapatiran?
… (Bigla silang gugulantangin ng mga sigaw at pagpapagibik na
mula sa anki’y nangaghahabulang tao. Mapapatindig sila at sisilip
sa bintana. Lahat ng salitang maririnig nila ay magmumula sa
llikod ng tabing, mula sa kaliwa, pakanan.)
MGA TINIG –LALAKI: Harangin ang isnatser nay an!
TINIG – BABAE: (Halos paos na) Magnanakaw!… Saklolo!…
IBA-IBANG TINIG: Isnatser!… Isnatser!… Kawatan… Harangin…
Gulpihin…
ISANG TINIG – LALAKI: Hayun! Hayun ang walanghiya! Bilisan
n’yung tugis!…
TINIG – BABAE: Dali kayo mamang pulis!…
TINIG – PULIS: Sa’n! Sa’n nagsuot?…
TINIG – BABAE: Do’n hu! Hayuuuuun!… Daliin n’yo! Ang bag ko!…
Naro’n ang aking suweldo! O, Diyos ko!…
ISANG TINIG – LALAKI: Lumiko sa iskinita! Hayun!… Harangin
n’yoo!… (Makaririnig ang mag – asawa ng tatlong sunod – sunod
na putok ng baril. Magpapalitan sila ng tingin.)
FIDEL: ( Sa tabi pa rin ng bintana) Nakita mo na, Gay… Pasasaan
ka sa buhay na ito? … Nakawan at patayn kabi-kabila… Lubhang
malala na ang kasamaan.
LIGAYA: Kung tayo ba’y may sarili nang bahay sa UP Village…
FIDEL: Tingnan mo, ‘ling. Labindalawang taon na katang
nagsasama, suballit nakaipon nab a tayo nng sapat para
ipagpatayo nng sariling bahay? Mangyari’y palaki nang palaki an
gating mga gugulin; pataas ng pataas at parami nang parami an
gating pinagbabayaran ng buwis.
LIGAYA: Kkung nakinig ka sa akin, nakautang na tayo sa GSIS o sa
SSS, nakapagpatayo na ng bahay, at baka nabayaran na yon.
FIDEL: Anh kikitain ko sa Amerika sa loob ng isang taon lamang ay
sapat nang makapagpatayo ng isang bungalow. At gaano pa kung
aabutin ako roon ng mga tatlo o apat na taon?
LIGAYA: (Lalakad na marahan patungo sa tabi ng “hi-fi” at
hahawakan ang isang larawan ni Fidel na kasam ang ilang paring
taga – laos.) Del, napagwawari mo bang tuwing mangingibang –
bansa ka’y nagiging hungkag at tuyot ang buhay naming mag –
iina? Noong magpakadalubhasa ka sa Amerika ay ilang taon
kaming nakibaka sa kalu ngkutan? At noong nasa Vietnam ka at
Laos na kabilang sa Operation Brotherhood ay dalawang tao’t
kalahati kaming nagrorosaryo upang maligtas ka sa mga viet Cong
o mga Pathet Lao.
FIDEL: (Lalapit kay Ligaya, pasiste) Panay naman ang pauwi ko ng
pera.
LIGAYA: Del, ang salapi’y hindi siyang lahat sa buhay ng tao!
FIDEL: (Pabiro.) Alam ko ‘yan, mahal kong propesor!
LIGAYA: Kahit sapat lamang sa ating pangangailangan ang
kinitang sinasahod ay di ba’t higit tayong maligaya kung tayo’y
palagiang magkasama?
FIDEL: Tami, ‘ling, sa alok sa ‘king isang libo’t limang daang dolyar
sambuwan ay makukuro mo na kung gaano ang maiipon ko roon.
Pa’no ko kikitain ang gayong halaga rito?
LIGAYA: (Pipisilin ang palad ni Fidel at magiliw ring mamalasin
ang kabiyak.) Kailangan ka naming dito, Del!… Lumalaki ang mga
bata. At saka – (mangingiti subalit biglang mauudlot.)
FIDEL: Saka, ano?
LLIGAYA: A, wala! Kailangan nating subaybayan sina Rosa at
Boy…
FIDEL: Kahit ako’y wala… Malaki ang tiwala ko sa iyo, Gay. Isa
kang ulirang ina at guro!
LIGAYA: Mahal mo ako, Del, diba?
FIDEL: (Tatawa ng maikli.) Kailangan pa bang itanong yan ay sa
alam mo naming ikaw ang aking buhay at inspirasyon.
LIGAYA: (Kukurutin sa pigi ang katabi) Talagang mahusay kang
magpataba ng puso.
FIDEL: Kung akong masusunod ay ibig kong tumigil ka na sa
pagtuturo. Sabi mo nga’y madali kang tatanda dahil sa pahina
nang pahina ang ulo ng mga estudyante ngayon.
LIGAYA: (Matatag) Magtuturo ako, Del, hanggang ako’y may
lakas!… (wala sa loob ay mahahawakan ang pahayagang uwi ni
Fidel at mababasa ang ulo ng isang balita.) Ano!? Limampung
namatay sa kolera? (Patuluyan nang babasahin ang balita.
Mapapailing at mapapakagat – labi.)
FIDEL: Isa pa ‘yang bunga ng kababayaan – ng
pagwawalangbahala. Magpapakilos ‘yan, Makita mo. Ngunit
pagkaraan ng sigabo ay babalik sa dati…
LIGAYA: Ningas – kugon.
FIDEL: Tama, ningas – kugon. Isa pang sakit nating Pilipino’y ito:
kaya lamangn magsususbaybay ng bahay ay kung hinahagupit na
ng bagyo.
LIGAYA: (May magugunita) Siyanag pala, Del, Kumusta ang balak
ng Knoghts of Rizal na magpadala ng mga doctor sa mga baryo?
Ano’ng nangyari sa usapan n’yo ni Dr. Peralta, ang kanilang
pangulo?
FIDEL: Tuloy ang kanilang balak. At ibig pa nga ni Dr. Peralta’y
ako ang mamuno sa team na pupunta sa Cagayan.
LIGAYA: Payag ka ba?
FIDEL: Sabi ko’y pagbalik ko na mula sa Amerika. (Tutunguhin ang
isang cabinet at may kukuning liham.)
LIGAYA: Del, may kasabihang tayong “Aanhin pa ang damo kung
patay na ang kabayo.”
FIDEL: (SA tabi pa rin ng cabinet; hawak ang liham) Ang
kapalara’y bihirang kumatok. Ibig mong mangyariy tanggihan ko
ang alok na ito? (Itataas ang liham na air mail.)
LIGAYA: (Tatayo at maglalakad – lakad) Nag –iiba ang panahon,
Del…Noon, pinayagan kitang sumama sa Operation Brotherhood
sa Vietnam at Laos – makatao ang misyon ng O.B. ngunit ngayon,
sa ‘ting baya’y dumarami ang naghihikahos, ang nagugutom, ang
may sakit.
FIDEL: Na walang ibili ng gamot? Na walang makain dib a?
LIGAYA: Matitiis mo ba sila?… Natatandaan mo ba yung nabasa
natin sa “Y” noong minsang magbadminton tayo noon?
FIDEL: Allin? Yun bang “ When the great Scorer pens your name,
he writes not if you won or lost but how you played the game.”
LIGAYA: Yun nga. Kayganda ng mensahe niyon, ano?
FIDEL: Guro ka nga , Gay.
LIGAYA: (Hahawakan sa balikat si Fidel) Del, naghahamon ang “El
Tor,” ang malaria, ang “Vietnam Rose,” at iba pang karamdaman
sa buong Kapuluan. Sumama ka sa pangkat ng Knights of Rizal!
FIDEL: (Patudyo.) Akala ko ba’y ayaw mo na ‘kong malayo sa
piling ninyong mag – iina?
LIGAYA: Hindi bale kong dito sa Pilipinas, madlli tayong
magkikita… A, lumalawig an gating usapan, mabuti’y makakain
muna. (Pipihit at akmang tutungo sa gawi kusina.)
FIDEL: Medyo nga kumakalam nang aking sikmura, e.
LIGAYA: Pihong gutom na rin ang Mama at ang mga bata.
FIDEL: Ibig kong mag – shower muna sandal, pwede ba?
LIGAYA: Walang tubig.
FIDEL: Ano! Walang tubig?
LIGAYA: May bagong sira raw na tubo.
FIDEL: Na naman! (Halatang yamot.) Kailan pa?
LIGAYA: Kaninang makapananghali lamang.
FIDEL: Teribleng talaga ang Nawasang ‘yan! Mabuting nmaniningil
at maagap puputol ng koneksyon, subalit kulang na kulang sa
serbisyo!… Ngunit kung magpa-press release. A, paano ka bang
maniniwala sa kanila!…
LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas. (Biglang lilitaw ang
magkapatid na Rosa at Boy. Iba na ang kanilang suot.)
ROSA: Ma, Pa, kakain na raw, sabi nng lola.
BOY: (Hahawakan sa kamay ang ama) Tena, papa. Magbibidahan
tayo pagkakain diba?
LIGAYA: Maliligo daw muna sandal ang inyong Papa.
FIDEL: Kung gutom na kayo’y mauna na kayo.
ROSA: Pero, Pa, walang tubig sa gripo!
LIGAYA: Magpapapasok ako kay Karyas sa kanto.
ROSA: O, sige, antayin na natin anng papa.
Boy: Basta bilisan mo, ha, Pa?
LIGAYA: (Kay Rosa). Sabihin mo, Rosa, kay Karyas na sumalok ng
tubig. Dalian n’ya kamo, ha?
BOY: Pa, sunduin mo ako sa iskwelahan, Ha?
FIDEL: Oo, anak, tuwing may panahon.
BOY: Anong ibig sabihin, Pa, ng “tuwing may panahon?”
FIDEL: Hindi sa lahat ng araw, Boy.
BOY: Ba’t gano’n. gusto ko araw – araw. Paris ni Budyoy. Paris ni
Jun. hinahatid pa sila at sinusundo ng kanilang daddy.
FIDEL: Ibig na ibig ko nga sana, anak, ngunit ang dami – dami
kong Gawain. Nar’yan naman si Karyas, a.
LIGAYA: (Aakbayan ang bunso.) Hamo, Boy, at pipilitin ng iyong
Papa na siya nag makapaghatis at makasundo sa inyong
magkapatid.
BOY: Saka pala, Pa, bakit sina Jun, ang dalas nilang magpasyal sa
Luneta? Tayo hindi.
LIGAYA: Magaan ang trabaho ng daddy nina Jun, di tulad ng
inyong Papa. (Babalik si Rosa.)
BOY: Ate, dib a sina Budyoy, e madalas sa Luneta at sa Zoo, ano?
ROSA: Oo, sige, Pa, sa Lilnggo, e pasyal naman tayo sa Luneta.
Saka sa Children’s Park, ha?
FIDEL: O, sige, sige… ( May magugunita) Hintay! Sa lingo nga pala
ang pulong n gaming Medical associuation sa Hilton.
ROSA: (Mananamlay) Meron akong sasabihin, pa, pero h’wag kang
magagalit, ha?
FIDEL: Ba’t ako magagalit, Ano yun anak?
ROSA: sa tingin ko, mas mahal mo pa’ng trabaho mo kesa sa amin.
FIDEL: Uy! (Pangiting nailing, sabay pisil sa pisngi ni Rosa) Maliit
pa’y sanay anag pumuna ang aking magandang prinsesita!
LIGAYA: E kanino pa ba magmamana yan?
BOY: Ako, Ma? Ayokong maging doctor paglaki ko.
LLIGAYA: At bakit?
BOY: Kasi lagging wala sa bahay. (magkakatawanan sila.)
ROSA: Tama si Boy. Kahit gabi, umaalis. Kahit holiday, gano’n din.
FIDEL: (Pabiro.) Hala kayo, pagtutulungan na naman ninyo ko.
Pero, hindi bali. Kahit n’yo ko kalabanin ay kayo pa rin ang
pinakamamahal ko sa bundong mundo!
ROSA: Artista ang Papa!
BOY: O.A.
LIGAYA: Teka nga pala, Boy. Sabi mo’y ayaw mong maging doctor.
Ano’ng ibig mo paglaki mo?
BOY: Ibig ko Meyor, paris ni Meyor Villegas. O kaya’y president,
paris ni Marcos! (matatawa na naman ang lahat.)
FIDEL: Nakagugulat pala ang ambisyon ng aking anak. Dale nga,
Boy, kung gatpuno ka na’y ano naman anng gagawin mo, aber?
BOY: (May pagmamalaki) Siyempre, yayariin ko ‘ng anderpas.
Saka yung mga kalye, aayusin ko para hindi nasisira’ng ating
kotse.
Rosa: Yan lang? Mahina kang klasengn alkalde!
BOY: Hindi pa ko tapos, Ate! Pahuhuli kong lahat – lahat ng
magnanakaw, saka mandurukot, saka yung nambabaril ng tao,
saka – a basta lahat nng masama, pahuhulli ko sa pulis! (Habang
nagsasallita si Boy ay magtitinginan at magkakalabitan ang
kanyang mga magulang.)
ROSA: Halilmbawa, BOY, e me nahuli kang magnanakaw. E, kunng
suhulan ka?
BOY: Ano yung suhulan ka?
ROSA: Di suhol. Pabagsak. Lagay. Bibigyan ka ng maraming pera.
BOY: (mauunawaan; lalabi.) Hindi ko kukunin. Basta ibibilanggo
ko’ng masasamang tao, tapos.
LIGAYA: Kahit na mga anak ng mga big shoot?
BOY: Miski na sino pa, Mommy!
ROSA: E, kung bigyan ka ng sanlaksa? O kaya sang milyong piso?
BOY: (Haharapin ang ina.) Ga’no ba karami yun ha, Mommy?
LIGAYA: Napakarami, anak, hindi mo kayang bilangin.
BOY: Kahit ‘sang milyon, Ate, ayoko rin. Kasi sabi ng Lola at ng
Mommy masama raw yung masyadong matakaw sap era, diba?
FIDEL: (Mangingiti nang lihim; si Rosa naman anng haharapin.)
Ang prinsesa ko naman, anong ibig mong trabaho paglaki mo?
ROSA: Titser s’yempre, paris ng Mama. Pero ayoko sa iskul na me
lalaki.
FIDEL: At bakit naman?
ROSA: Kasi nakakatakot ang itsura ng ibang lalaki. Ang hahaba po
ng buhok, ang kikipot po ng pantaloon.
LIGAYA: E, saan mo ibig magturo, anak, kung sakali?
ROSA: Sa isk’welahan ng mga babae, syempre. Saka ibig kong
turuan, e mga bata.
BOY: Ayaw mong maging doctor, Ate? Bakit?
ROSA: Kasi natatakot ako sa dugo. Saka sa malalaking sugat.
MARTA: (Buhat sa loob; malakas) Rosa, Boy! Hindi na kayo
bumalik?
ROSA: (Magugulantang.) Senga pala! Inutusan tayo ng Loloa!
Kakain na raw.
LIGAYA: Sige, balik na kayo sa Lola. Sabihin n’yung patakpan
muna kay Toyang ang pagkain.
FIDEL: Sabihin nyo sa Lolang malilligo lang ako sandal. Sige, lakad
na kayo. (bago makatalikod ang magakapatid ay biglang- bigla
mamatay ang ilaw. Mapapasigaw ang dalawang bata. Maririnig
din, buhat sa kusina, ang isang “Ay”)
BOY: (Patakbong kakapit sa ama, hintakot.) Papa!…
ROSA: (Takot din.) Mama! Ang dilim!… natatakot ako!
FIDEL: (Magsisindi ng lighter. Huwag kayonng matakot, mga anak.
(Kay Gay) Tamo, Gay, ba’t di ka mainis sa buhay na ito. Ni walang
abiso ay nag – blackout

You might also like