Real Thesis.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

CYRIL KHERT R.

RAZO BSCOE

Tiyak na Paksa

PROSTITUSYON: Isang Negosyo

I. Rational

Sa ilang mga bansa, unti-unting nakikilala ang Pilipinas bilang isa sa mga pugad

ng prostotusyon. Samakatuwid, ang legalisasyon ng prostitusyon ay lumilikha ng

maugong na usapin. Ang mga mananaliksik, bilang mga mamamayan din ng nabanggit

na bansa, ay nais na mas maunawaan ang dahilan ng pagsulpot ng isyung ito.

Ang gobyerno ang inaasahang manguna sa pagsasagawa ng mga hakbang

hinggil sa prostitusyon. Subalit, hindi naman maiwasan ng mga mananaliksik na

kuwestiyunin kung sapat nga ba ang aksyon ng gobyerno. Samantalang, may mga

pagkakataong ang institusyon na mismo ang nagiging dahilan ng lalong paglaganap ng

prostitusyon.

Hindi maiwasang mabanggit ang mga masasamang dulot ng prostitusyon tuwing

ito ay mapapag-usapan. Minabuti ng mga mananaliksik na ipaalam ang ibang

dimensyon ng sensetibong paksa sa halip na makulong sa sarado at negatibong pag-

isip tungkol dito.

Marami parin ang hindi sasang-ayon sa legalisasyon ng prostitusyon. Naniniwala

ang mga mananaliksik na ang bawat sakit ng lipunan ay may karapatang lunas at nais

nilang alamin kung ano naman ang solusyon sa prostitusyon.


Ang mga prostitutes ay nagsasayang, hindi lamang ang buhay nila, kungdi ng

regalong kagandahan na biniyaya sa kanila ng Diyos. Bukod pa rito ay napakadali para

sa iba na husgahan ang mga taong ito base sa kanilang hanapbuhay. Nahahabag ang

mga mananaliksik at hindi na nila makayanang makita ang mga babaeng sumisira sa

sariling dignidad.

II. Layunin

1. Ano ang sanhi prostitusyon?

2. Ano ang pinagkaiba ng prostitusyon sa human trafficking?

3. Paano nakasasama ang paglaganap ng prostitusyon?

4. Makabubuti ba ang legalisasyon ng prostitusyon?

5. Paano mabibigyang lunas ang sakit ng lipunang ito?

III. Panimulang Haka

1. Labag sa mga karapatang pantao ang prostitusyon, kung kaya't ito ay dapat

ipagbawal.

2. Lumalaganap ang prostitusyon bilang sagot sa kawalan ng hanapbauhay.

3. Kailangang pigilan ang prostitusyon upang maiwasan ang pagkalat ng mga

sexually transmitted diseases tulad ng HIV at AIDS.

4. Hindi katanggap-tanggap ang prostitusyon, lalo na ang pakikipagsapalaran

dito ng mga menor de edad.

5. Ang prostitusyon ay bahagi lamang ng mas malaking suliranin sa kahirapan.


IV. Sarbey ng Sanggunian

Breaking Free, Inc. (2009). Philosophy Statement. Retrieved from

http://prostitution.procon.org/ viewanswers.asp? questionID= 000116

"We define prostitution as systematic sexual violence and oppression against women

and girls. This system is institutionalized in the sex industry: stripshows, nude juice

bars, massage parlors and saunas, brothels, adult book and video stores, peep shows,

live sex shows, sex rings, escort services, mail order brides, streetwalking, and

pornography. Each of these forms of prostitution provides men with unlimited sexual

access to women and girls based solely on their ability to pay."

Edlund, L., Korn E. (2007). Journal of Political Economy :A Theory of Prostitution.

Retrieved from http://prostitution.procon.org /viewanswers.asp?

questionID=000116

"Before proceeding, we need to define prostitution. Despite being known as the oldest

profession, a workable definition has proven elusive. From a dictionary we learn that

prostitution is the 'act or practice of engaging in sexual intercourse for money'. But a

prostitute cannot simply be a woman who sells her body, since 'that is done every day

by women who become wives in order to gain a home and a livelihood'. Promiscuity has

been proposed as another candidate. Medieval canon lawyer Johannes Teutonicus


suggested that a woman who had sex with more than 23,000 men should be classified

as a prostitute, although 40 to 60 would also do. However, promiscuity itself does not

turn a woman into a prostitute. Although a vast majority of prostitutes are promiscuous,

most people would agree that sleeping around does not amount to prostitution.

Moreover, any threshold number of sexual partners, be it 40 or 23,000, fails to identify

high end courtesans or call girls as prostitutes, although a reasonable definition would.

Instead, we argue that prostitution is the act of rendering, from the client’s point of view,

non-reproductive sex against payment."

United Nations Office on Drugs and Crime (2010). Human Trafficking: What is human

trafficking?. Retrieved from http://www. unodc.org /unodc /en/human-

trafficking/what-is-human-trafficking.html

"Article 3, paragraph (a) of the Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in

Persons defines Trafficking in Persons as the recruitment, transportation, transfer,

harbouring or receipt of persons, by means of the threat or use of force or other forms

of coercion, of abduction, of fraud, of deception, of the abuse of power or of a position

of vulnerability or of the giving or receiving of payments or benefits to achieve the

consent of a person having control over another person, for the purpose of exploitation.

Exploitation shall include, at a minimum, the exploitation of the prostitution of others or

other forms of sexual exploitation, forced labour or services, slavery or practices similar

to slavery, servitude or the removal of organs"


Manning, S. (2008). How prostitution affects society. Retrieved from http://www.

associatedcontent.com/article /694729/ how_ prostitution_effects_society.html

" Prostitutions is more then just a sexual related crime and can actually lead to more

crimes and violence on the streets. Prostitution began many centuries ago as a way for

women to earn money. Saloons used to be known for their beautiful women and liquor.

Over the years prostitution has become a threat to our society."

" Today there are men and women prostitutes. And they sell their bodies for many

reasons other then money. Drugs are becoming a common currency for prostitutes."

"Sexually transmitted disease, infidelity, violence, thefts and many crimes take place

with the average prostitute exchange."

na. (2007). Prostitution: Sex is their business. Retrieved from

http://www.sexwork.com/coalition/Economist.html

" If there's no evidence that it harms others, then the state should let them get on with it.

People should be allowed to buy and sell whatever they like, including their own bodies.

Prostitution may be a grubby business, but it's not the government's. "

"Plausible, but wrong. Criminalisation forces prostitution into the underworld.

Legalisation would bring it into the open, where abuses such as trafficking and under-
age prostitution can be more easily tackled. Brothels would develop reputations worth

protecting. Access to health care would improve—an urgent need, given that so many

prostitutes come from diseased parts of the world. Abuses such as child or forced

prostitution should be treated as the crimes they are, and not discussed as though they

were simply extreme forms of the sex trade, which is how opponents of prostitution and,

recently, the governments of Britain and America have described them."

V. Metodolohiya

Ano ang Prostitusyon?

Madaming nagsasabi na ang prostitusyon daw ay isang imoral na trabaho. Ito

raw ay nakakatanggal ng dignidad ng mga taong sumasabak sa trabahong ito. Ngunit,

ang pagbibigay kahulugan pa lang sa prostitusyon ay masasabing base sa pansariling

mga gunam-gunam. Iba't ibang depinisyon ang naibuo para rito. Minsa'y sumusuporta

sa prostitusyon, minsa'y kumokontra.

Una sa lahat, kailangan muna natin malaman kung ano nga ba ang kahulugan

ng prostitusyon. Itong salita ay masasabi nating subjective kung kaya maraming mga

depinisyon ang naisulat ukol dito. Isa na rito ang depinisyon mula sa Breaking Free,

Inc., isang non-profit na organisasyon sa America na lumalaban sa Prostitusyon. Ayon

sa Philosophy Statement ng kanilang organisasyon ang prostitusyon daw ay

"..systematic sexual violence and oppression against women and girls. This system is

institutionalized in the sex industry: stripshows, nude juice bars, massage parlors and
saunas, brothels, adult book and video stores, peep shows, live sex shows, sex rings,

escort services, mail order brides, streetwalking, and pornography. Each of these forms

of prostitution provides men with unlimited sexual access to women and girls based

solely on their ability to pay." (na, 2007). Mula rito, masasabi natin na ang panig ng

organisasyong ito ay ang puksain ang prostitusyon dahil naaabuso ang sekswalidad ng

mga kababaihan dahil pera ang ginagamit bilang isang susi para makamtan ito.

Sa kabilang dako naman, may mga depinisyon ang prostitusyon na masasabi

nating walang bayas. Mula kina Lena Edlund, PhD. at kay Evelyn Korn, PhD. ang

depinisyon ng prostitusyon ay isang aktong sekswal na ginagawa ng mga babae o lalaki

kapalit ng pera. Ayon din sa kanila, kahit na ang isang babae ay magkaroon ng sekswal

na koneksyon sa 23,000 na kalalakihan, hindi siya maitatawag na prostitute dahil wala

namang perang kapalit.

Sa pangkalahatan, masasabi natin na ang prostitusyon ay isang propesyon. Yun

nga lang, hindi ito basta-bastang propesyon dahil malaki ang sinasakripisyo ng mga

prostitutes para lang lunukin ang mga masasamang epekto na dulot ng prostitusyon.

Ano ang Sanhi ng Prostitusyon?

Kahirapan ang kadalasang itinuturo na puno ng paglaganap ng prostitusyon.

Ang kahirapan ng isang tao ay maaring matukoy sa kanyang kawalan ng sapat na

pagkain, lupang maaaring pagtayuan ng matitirhan, disenteng trabaho, edukasyonn at

kasalatan sa mga bagay na ninanais gaya ng karangyaan at bisyo.


Upang makamit ang mga pangangailangan sa araw-araw, likas lang na

maghanap ang isang tao ng paraan upang kumita sa pamamagitan ng hanapbuhay.

Subalit, pababa ng pababa ang employment rate dulot na rin ng pandaigdigang

pagbagsak ng ekonomiya. Samakatuwid, iilan lang ang pinapalad na magkaroon ng

magandang propesyon samantalang ang iba ay swerte na’t sapat ang kinikita sa

marangal na trabaho. Sa kasawiang-palad, mas marami pa rin ang hindi nakakakuha

ng marangal na trabaho; iilan sa kanila ang napipilitang mangalakal, kung saan pati ang

sarili ay maaaring pagkakitaan.

Sa kabilang banda, may uri din naman ng tao na madaling makuntento: porke’t

nabubuhay ay ayos na sa kanila. Minsan, tuluyan nang nakalilimutan ng iilan ang

aspetong moral ng pagtatrabaho (moral dimension of human work). Ang iba naman ay

mediocre, tinatanggap na lang ang kasaklapan ng kanilang kapalaran na kahit papaano

ay may panlamang-tiyan at nabubuhay pa.

Isa pang sanhi ng problema ay ang kawalan ng pagpapahalaga at pagpipitagan.

Bunga ito ng di-kaayaayang pagpapalaki sa kanilang pagkabata Maaaring hindi

napahalagahan o naturo man lang ng kanilang pamilya, paaralan, at ng relihiyon.

Maaari rin namang mulat sila sa kahalagahan ng dangal ngunit nagrerebelde.

Kung walang nagpapaapi, walang naaapi. Gayundin, kung walang naglalako ng

laman, walang mga parukyano nito. Pera lang ang katumbas sa madaling pantawid ng

kanilang mga sekswal na naisin. Dahil patuloy na may mga nagpo-prostitute at patuloy

na may mga tumatangkilik sa ganitong gawain, hindi natatapos ang paulit-ulit na

problema ng prostitusyon.
Hindi masasabing walang ginawa ang gobyerno alinsunod sa suliraning ito.

Subalit hindi rin naman sapat ang kanilang mga hakbang sa pagtugis nito. Mali kasi

ang sistema ng gobyerno: malambot ang pagpapatupad ng batas laban sa

prostitusyon. Matapos paghirapang gawin, pagtalunan, at pagkagastusan ng pera ng

taumbayan, nananatili pa ring walang bunga ang pagpapatupad ng batas dahil sa hindi

pagtangkilik nito.

May mga nagsasabing kung hindi rin naman kayang wakasan, ipagpatuloy na

lang. Marami na rin ang sumasang-ayon sa kaisipang tangkilikin na lamang ito at

gawing legal dahil hindi naman mapigilan.

Sa makabagong panahon, napakalaki ng papel na ginagampanan ng internet

gawa na rin ng pagiging madaling puntahan at gamitin nito. Kasabay ng pag-usbong ng

teknolohiya (digital camera, webcam, atbp.) ang paglaganap ng prostitusyon sa internet

o cybersex. Para sa ibang kababaihan, mas tinatangkilik nila ang ganitong anyo ng

prostitusyon dahil walang physical contact.

Sa kabila ng pagiging iligal, imoral, at labag sa karapatang pantao o relihiyong

kinabibilangan, may mga napapasuong pa rin at nagpapatuloy sa ganitong gawain dahil

sa kahirapan, pangangailangan ng mapagkikitaan, kababawan ng kontentment,

kawalan ng pagpapahalaga sa sarili, kinagisnan sa paglaki, pagtangkilik ng parukyano,

kahinaan ng pag-aksyon ng gobyerno, kaisipang pagpapalegal, at pag-abuso sa gamit

ng teknolohiya.
Ano ang Human Trafficking?

Atin nang nabigyan ng depinisyon ang prostitusyon na isang propesyon. Tayo

naman ay dumako sa Human Trafficking. Ayon sa United Nations office on Drugs and

Crime, ang human trafficking daw ay sapilitang pagrerekrut, paglilipat at pagtanggap ng

mga tao sa pamamagitan ng pagpilit o pag-kidnap upang sila ay pakinabangan bilang

mga alipin. Dito, sila ay binibigyan ng iba't ibang mga trabaho, kabilang na rito ang

sapilitang paggawa sa mga pabrika at prostitusyon.

Pag-aalipin ang ginagawa sa human trafficking. Ang mga biktima nito ay hindi

binabayaran. Ang kanilang mga karapatang pantao ay natatapakan. At higit sa lahat,

madaming namamatay dahil sa mga pang-aabuso na sanhi nito

Ano ang Masasamang Epekto ng Prostitusyon?

Ang ilegal na prostitusyon ay madalas makikita sa mga malalaking syudad.

Lingid sa ating kaalaman, ang pinaka problema natin sa prostitusyon ay hindi natin

alam kung saan nagaganap o nagmumula ang mga prostitute. Ang mga prostitute ay

makikita sa mga iskwaters area ng mga syudad, maliit man o malaki, kung saan

napipilitan ang mga babae, menor de edad man o hindi, na pasukin ang mundo ng

prostitusyon dahil sa kahirapan sa buhay. Malaking porsyento ng kababaihan na ito ay

gumagamit ng bawal na gamot na humahantong sa sex.


Una sa lahat, hindi matatanggal ang ang malaking banta ng pagkalat ng mga

Sexually Transmitted Diseases dahil sa prostitusyon. Hindi pa rin isang kasiguraduhan

ang proteksyon ng paggamit ng kondom. Kadalasan pa nga ay tumatanggap ng

ekstrang bayad ang mga prostitute sa kanilang parukyano kapalit ang sex condom free

o walang paggamit ng kondom. Minsan ay nagiging biktima rin ang mga batang

prostitute ng rape kung saan walang proteksyon ang mga ito sa lalaking kanilang katalik

o sa kung anumang sakit na dala nila. Itong mga sakit ay wala pang lunas at

nakamamatay.

Pangalawang banta naman ay ang pagtaas ng proporsyon ng krimen sa bansa.

Dahil sa prostitusyon, maraming iba't ibang krimen ang maaring maganap tulad na lang

ng pagkalat ng droga, pagnanakaw, pagpatay at pagsasamantala. Dahil sa paggamit ng

droga ng mga prostitute, nakadaragdag sila sa pagtaas ng porsyento ng paglaganap ng

droga sa bansa na dumudulot sa malawakang distribusyon nito. Marami rin ang

naghihirap dahil sa pag-abuso sa droga na humahantong sa pagkakabilanggo sa

kulungan o sa isang rehabilitation center. Ito rin ay dumudulot sa pagkasira ng katawan

at pagiisip ng isang tao.Kung saan madalas ang prostitute ay merong nag-iinuman at

hindi maiiwasang magkagulo o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng

mga lasenggero na humahantong sa isang malagim na pangyayari.

Dahil sa hindi sinasadyang pagkabuntis ng mga prostitute, hindi nila

pinananagutan ang kanilang mga sanggol. Sa halip, nauuwi sa hindi makatarungang

paglaglag, pag-abandona, o pagbenta ng anak.


Sa Pilipinas, hindi legal ang prostitusyon ngunit ito ay isang masaganang trabaho

na makikita natin sa halos lahat ng mga lugar. Masagana na nga, wala pang buwis.

Ikinalulugi rin ito ng gobyerno dahil walang napupunta sa kanila na pera at kasabay

nito, maraming lumalabag sa batas.

Ano ang Mabubuting Dulot ng Prostitusyon

Ang prostitusyon ay nakakabuti, kahit papaano, dahil ito ang nagiging daan ng

ibang mga babae upang makaahon sa kahirapan. Sa maiklikng panahon lang ng

pakikipagtalik ay malaking pera na ang kanilang mapapasakamay. Ito ang nagsisilbing

agarang solusyon sa halos pangaraw-araw na kahirapan. Ito rin ang nagiging daan sa

pag-aasawa nila ng mga dayuhan o tagaibang bansa na kadalasan ay mayayaman at

mga may kaya. Sa ganitong paraan ay maaari silang makaalis ng bansa at makalayo

na rin sa kahirapan ng kanilang bayan. Nakakakuha sila ng panghabang-buhay na

sustento, mamuhay ng isa lang ang kinakasamang lalaki, at bumuo ng pamilya sa mas

magaan na buhay

Hindi lamang sex ang naibibigay ng mga prostitute, maaaring maging kapalit sa

isang kaibigan ang isang prostitute na makikinig sa problema ng isa at makakatulong sa

kahit anong paraan, at ang sex ay nakakatulong sa mga ibang problema ng mga tao

dahil ito ay nakakalabas ng kanilang stress. Masmabuti pa ang pagbenta ng katawan sa

halip na gumawa ng ibang krimen kagaya ng pagnanakaw, pangingidnap, o pagpatay

ng tao.
Bakit ito Dapat Gawing Legal?

Hindi naman talaga maiiwasan ang prostitusyon. Ito ay isang trabaho na

nagtagal ng matagal na panahon. Kung papipiliin ang mga kababaihan kung nais ba

nilang maging prostitute o hindi, kung isasang-alang-alang ang mabuting estado ng

edukasyon, mga sapat na trabaho at ang kawalan ng kahirapan, mas pipiliin pa nila ang

maging doktor, abogado, o tagapamahala ng sariling negosyo. Ngunit ito nga ang

pangunahing tunggalian: malawakan ang kahirapan sa ating bansa at wala nang ibang

solusyon na naiisip ang mga prostitutes na ito kung hindi ibenta ang kanilang katawan.

Kung ating susuriin, marami sa kabataan ang hindi nakakapagtapos ng kahit

sekondaryang paaralan dahil mas bubutihin nila na wag nalang pumasok ng

eskwelahan kung wala rin naman silang pera. Dahil dito, hindi sila nakakakuha ng

trabaho at dahil din dito mas lalong lumalala ang estado ng kahirapan sa ating bansa.

Sa mga panahong ito, kinakailangan maging matalino mag-isip ang ating mga

pulitiko. Maituturing na isang service sector ang prostitusyon dito sa bansa. Sa ganitong

dahilan, mapapabuti ng legalisasyon ng prostitusyon ang ekonomiya ng bansa. Ang

antas ng mga brothel ay magiging katulad na ng ibang mga negosyo rito sa Pilipinas.

Susunod na rito ang pagpapabuwis sa mga kikitain ng mga brothel owners at

prostitutes na mapapasailalim ng Capital Gains Tax, Income Tax, Percentage Tax, at

Value Added Tax na napupunta sa pondo ng gobyerno. Sa kalaunan, lalaki ang pondo

ng gobyerno na siyang makatutulong sa ekonomikong sitwasyon ng bansa.


Ang pagpatong ng malaking vice tax ay paraan din upang mabawasan ang mga

tumatangkilik sa bisyong ito. Kung ating susuriin, dahil nga iligal at mura ang

prostitusyon, madaming tumatangkilik nito at mas napapabilis ang pagkalat ng sinasabi

nilang mga sexually transmitted diseases.

Bilang tugon naman sa mga organisasyon na tagapagtanggol ng karapatang

pantao ng mga babae, dahil nga ang prostitusyon ay magiging isang propesyon, maari

namang tumawag sa pulisya ang mga naaabuso at nalolokong mga prostitutes. Kung

ating susuriin, mas natatapakan ang dignidad ng mga prostitutes na ito kapag iligal ang

prostitusyon dahil hindi sila mismo makapagsumbong sa mga pulis ukol sa mga

pagmamaltrato sa kanila ng kanilang mga kliente.

Ano ang Posibleng Solusyon sa Prostitusyon

Ang prostitusyon ay buhay na noong sinaunang panahon pa, at sa katotohanan,

ito ay pinapagbabawalan ng autoridad. Gayunpaman, patuloy pa rin itong ginagawa

bilang sagot sa kawalang laman ng bulsa at pansuporta sa pang-araw-araw ng pamilya.

Sa kabuuan, walang mabuting moral na epekto ang prostitusyon. ito ay isang

masamang gawain para sa kahit sino. Kaya naman, kung hindi gagawing legal,

kailangang maghanap ng ibang solusyon na katanggap-tanggap para sa gobyerno at

simbahan.

Ang pagpapabuti ng ekonomiya ay isang paraan upang hindi na mapunta ang

mga dalagang babae sa ganitong klasing trabaho. Maaari ring ibahin ang tingin ng
kalalakihan sa kababaihan. Kung mas mataas ang tingin ng mga lalaki sa mga babae

na hihigit sa isang bagay na pang kasiyahan lamang, maaaring mabawasan ang mga

babae na magiging prostitute. Tataas din ang tingin nila sa sarili at mas pahahalagahan

ang pagkatao’t dignidad.

Ang mga ito ay maaring mahirap matupag, subalit nananatili parin ang

posibilidad. Kapag ito ay binigyang katuparan, kahit na unti-unti, sa paglipas ng

panahon ay posibleng mawala na ang trabahong pagiging prostitute.

VI. Konklusyon

Ang prostitusyon ay masasabing isang trabaho na nakakapagbaba ng pagkatao

ngunit bago pa man isipin ng ating mahal na pamahalaan ang mga masasamang

epekto ng prostitusyon, bakit hindi nila muna pag-isipan ang tanging dahilan kung bakit

sumasabak sa ganitong trabaho ang mga kababaihan, pati na rin ang mga kalalakihan.

Kahirapan ang siyang dahilan ng prostitusyon sa bansa. Itong kahirapan na hindi

maitanggal-tanggal sa katayuan nating mga Pilipino. Sumusunod na rito ang

kakulangan sa edukasyon, kakulangan ng trabaho, at maling pag-iisip ng mga opisyal.

Sa pangkalahatan, kinakailangan munang labanan ang kahirapan sa bansa.

Hindi maiiwasan ang prostitusyon ng ganyan-ganyan na lamang sapagkat maraming

mga sanhi ang nagdudulot sa mga tao na pumasok sa ganitong trabaho. Sabay-sabay

natin labanan ang kahirapan at sana, sa susunod, magkaroon ng mas malawak na pag-

intindi ang mga opisyal patungo sa isyu na ito.


VII. Rekomendasyon

Bilang tugon sa paglaganap ng prostitusyon at sa posibilidad na gawin itong

legal, minumungkahi ng mga mananaliksik na alamin muna ang ikabubuti o ikasasama

ng mga bagong panukalang maaring ipatupad ng gobyerno hinggil sa isyung ito.

Sa mga organisasyon na nanghihikayat na wag suportahan ang prostitusyon

dahil ito ay nakakatanggal ng dignidad ng mga kababaihan, kinakailangan nilang

lubusang maintindihan ang pinaka-rason kung bakit sumasabak ang mga kababaihan

sa ganitong klaseng trabaho. Malaki ang ipinagkaiba ng prostitisyon bilang isang

propesyon at ang prostitusyon na dulot ng malawakang "human trafficking" ng mga

sindikato. Maaari na ang human trafficking ay siyang dapat puksain, hindi ang

prostitusyon sapagkat ang mga prostitutes mismo ang nagkukusa na sumabak sa

trabahong ito; hindi naman ito sapilitan at sila naman ay kumikita ng malaki dahil dito.

VIII. Pasasalamat

Sa pagtatapos ng koseptong papel ukol sa isyung prostitusyon, nais bigyang

pasasalamat ng mga mananaliksik ang UMDC Engineering at ang Departamento ng

Filipino sa pagkakataong lumikha ng proyektong ito. Pinasasalamatan din namin si

Gng. Anania sa pagsubaybay sa mga mananaliksik habang binubuo ang konseptong

papel.

You might also like