Professional Documents
Culture Documents
Pagtanggap: Sa Reyna NG Langit
Pagtanggap: Sa Reyna NG Langit
SA REYNA NG LANGIT
Sa Reyna ng langit
Ina ni Hesus
Tayo na’t mag-alay
Magpuring lubos.
Ave, Ave, Ave, Maria
Ave, Ave, Ave, Maria
Sinat ka ng puso
Mahal kong Ina
Yaman at pag-asa
Niring kaluluwa
Ave, Ave, Ave, Maria
Ave, Ave, Ave, Maria.
Ang Tanda ng Krus: (Lumuhod)
V/. Halina Espiritu Santo at punin Mo ang mga tapat sa Iyo at papagningasin Mo sa kanila
ang apoy ng Iyong pag-ibig. Ipadala Mo ang Iyong Espiritu at sila’y malalang.
R/. At babaguhin Mo ang mukha ng sangkalupaan.
MANALANGIN TAYO
Aking Reyna at aking Ina, Iniaalay ko sa Iyo ang buo kong sarili. At upang patunayan ang
pamimintuho ko sa Iyo ay inihahandog ko sa Iyo sa araw na ito ang aking paningin, aking
pandinig, ang aking dila, ang aking puso, sa madaling salita, ang buo kong sarili. Yayamang ako’y
Iyong-Iyo butihing Ina, Ingatan Mo ako, ipagtanggol Mo ako na parang sariling pag-aari Mo.
Amen.
V/. Aba Ginoong Maria, napupuno Ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay Sumasaiyo.
R/. Bukod Kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala Ka naman ng Iyong anak na si
Hesus.
V/. Buksan Mo Panginoon ko ang aking mga labi.
R/. At purihin Ka ng aking bibig.
V/. Diyos Ko, Ako’y Iyong tulungan.
R/. Panginoon, magmadali Ka sa pagsaklolo sa akin.
V/. Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo,
R/. Kapara noong una, ngayon, at magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Siya Nawa.
ANG SUMASAMPALATAYA
Matapos ang Ikatlong Misteryo, tatayo ang lahat at aawitin ang sumusunod:
O BIRHEN NG FATIMA
KORO
Pangako Mo ay tupdin, hiling nami’y dinggin
Digmaan ay pawiin, lahat ay pag-isahin
Ina’y huwag siphayuin ang aming dalangin
Kaming lahat ay ampunin at itong Bayan namin.
ANG LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN FATIMA
(Tuwing Unang Miyerkules at Sabado)
Namumuno: Lahat:
Manalangin Tayo
Hinihiling namin sa Iyo, Diyos namin at Panginoon na ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong
mga lingkod na tamasahin main ang walang maliw na kalusugan ng kaluluwa at katawan; at
maligtas kami sa pamamagitan ng mapalad na laging Birheng Maria, sa mga kalungkutan ng
buhay na ito at magkaroon ng kasiyahang makamtan ang mga katuwaan ng buhay na walang
hanggan. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
ABA PO SANTA MARIANG HARI
Aba Po Santa Mariang Hari,/ Ina ng awa,/ Ikaw ang kabuhayan at katamisan./ Aba,
pinananaligan ka namin,/ Ikaw po ang tinatawagan namin,/ pinapanaw ng taong anak ni Eva./
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin,/ ng aming pagtangis dito,/ sa lupang bayang
kahapis-hapis./ Ay aba pintakasi ka namin,/ ilingon mo sa amin,/ ang mga mata mong
maawain,/ at saka kung matapos,/ yaring pagpanaw sa amin,/ ipakita mo sa amin,/ ang iyong
anak na si Hesus./ Santa Maria,/ Ina ng Diyos,/ maawain,/ maalam,/ at matamis na Birhen.
Manalangin Tayo
Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na
grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang-
tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa
krus ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit.
Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Siya Nawa.
PANALANGIN SA KRUSADA
Makapangyarihang Ama,/ isinasamo namin sa Iyo,/ sa Ngalan ni Hesukristong Anak mo,/
na pagpalain Mo,/ ang aming Krusada ng Rosaryo,/ sa sambahayan./ Pagkalooban Mo po kami,/
at ang aming bayan ng lakas ng loob,/ at biyayang gumawa ng pangako,/ na magdarasal ng
Rosaryo sa araw-araw,/ at matapat naming tupdin,/ ang kanilang pangako. Siya Nawa.
V/. Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
R/. Ipag-adya Mo ang sambahayang Pilipino.
V/. Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
R/. Iligtas Mo ang sambahayang Pilipino.
V/. Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo.
R/. Pagpalain Mo ang sambahayang Pilipino.
SA IYONG PAANAN
PAMAMAALAM
Salamat, Ina, salamat. Magbalik kang muli, sa aming mga piling sa ibang araw. Dito ay
hihintayin ka namin ng buong pananabik.
Sa iyong pagpanaog, baunin Mo ang aming pagmamahal. Isama Mo ang aming mga
puso. Huwag Mong itulot na kami ay makagawa ng anumang Iyong ikalulumbay at mawalay sa
Iyong pag-aaruga kailan man. Amen.
PAALAM
Paalam, Inang Birhen
Kasing ningning ng buwan
Paalam na, paalam
Kami ay bendisyunan
Kami ay bendisyunan
Kami ay pagpalain
Birheng maawain
Kami ay kalingain
Mahal na Ina namin
Paalam, Inang Birhen
Kasing ningning ng buwan
Paalam na, paalam
Kami ay bendisyunan
Kami ay bendisyunan.