Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SANTA CRUZADA 2011

40 Araw na Pagninilay kasama ni Hesus sa “Taon ng Sentinaryo”

Pambungad na Pananalita sa Unang Araw:

Tulad ng mga nakaraang taon, sa bawat Sambayanan sa lahat ng Parokya, dito sa ating Arsidiyosesis ay
isinasagawa ang Sta. Cruzada sa panahon ng Kuwaresma. Ang ating Sta. Cruzada sa taong ito ay masasabi nating
napakahalagang bahagi ng kasaysayan sapagkat tayo ngayon ay nasa ika-100 taon o Sentinaryo ng ating Arsidiyosesis. Ang atin
nawang sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo, pag-awit ng Pasyon at higit sa lahat ang pagninilay at pagbabahaginan ng
Mabuting Balita ay maging daluyan ng ganap nating pagkakaroon ng Pagtatalaga at Pagpapanibago ng ating sarili bilang mga
Laykong Lingkod ng ating Simbahan, at tungo sa Kaganapan at Kabanalan ng ating mga Sambayanan.
1. March 9, 2011 (Miyerkules ng Abo)

Mt. 6:1-18

Ang tatlong haligi ng gawang Kabanalan nasa tuwina ay ipinaala-ala sa atin sa pagpasok ng panahon ng Kuwaresma ay
ang mga sumusunod, ayon sa malinaw na pagsasalarawan nito ang akmang paglilimos, ganap na pananalangin at tamang pag-
aayuno.

Sa araw na ito wala muna tayong bahaginan…sapagkat kanina sa Banal na Misa o ginawang liturhiya sa pagpapahid ng
Abo, nakapakinig tayo ng homiliya o pagbabahagi. Kaya nga sa sandaling ito magkaroon tayo ng katahimikan at itanong natin
sa ating sarili, sa tatlong haligi ng gawang Kabanalan…

Saan ako nahihirapan at Bakit? Sa katahimikan, isalin sa Diyos ang natatanging kahilingan.

2. March 10, 2011 (Huwebes)

Lk. 9:22-25

Sa Ebanghelyo sa araw na ito isinalarawan ng ating Panginoong Hesukristo ang detalyadong pamamaraan ng pagsunod
sa Kanya. Samakatuwid kung paano maging disipulo niya.

Siya ay nagpakasakit hanggang kamatayan para sa ating kaligtasan…

Ang atin ngayong itanong sa ating sarili… bilang umaangking kanyang taga sunod sa ating panahon… Paano naman ako
sumunod sa kanya para sa ikaliligtas ng iba?

3. March 11, 2011(Biyernes)

Mt.9:14-15

Sa binasang Ebanghelyo, bigyang-pansin natin ang tanong na “Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?”

Iyan ay isang katanungan na maaari rin natin itanong sa ating sarili. Bakit ba kailangan nating mag-ayuno? Ano ba ang
kahulugan at kahalagahan ng PAG-AAYUNO?

Una, ito’y nakikitang isang paraan ng pagbabayad sa mga kasalanan, pagdalisay sa kaluluwa at pag-aalay ng mga bagay
at gawaing maka-Diyos.

Ikalawa, ito ay tanda ng pagsisisi, pagpapakasakit at pagbabalik-loob sa Diyos.

1
Maraming paraan ang pagpapakasakit, halimbawa’y ang pananalanging may kasamang sakripisyo, ang paglilimos at
iba pang pagkakawanggawa, pampisikal at espiritwal na pangangailangan.

Ikatlo, ito’y nagpapalakas ng ating pag-asa at panalangin na ang Diyos ay maghahari sa atin at palalayain tayong
Kanyang mga anak.

Ibig sabihi’y mararanasan natin ang malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos at pagsunod sa Kanyang kalooban kung
ito’y gagawin.

Sa panahong ito ng Kuwaresma:

-Anong uri ng pag-aayuno ang ating gagawing magdadala ng katuwaan at kasiyahan sa mga taong
nangangailangan?

4. March 12, 2011 (Sabado)

Lk.5:27-32

Isinasaad sa ating Ebanghelyo ngayon… “Tumayo naman ito, iniwan ang lahat at sumunod sa Kanya”. Madaling sabihin
gusto nating sumunod kay Kristo, subalit hindi ito madaling gawin. May kaakibat na sakripisyo ang pagiging alagad. Dahil sa
mga sakripisyo ito, higit tayong nagiging kawangis ng ating Panginoon.

Si Levi, isang kilalang publikano, kinamumuhian ng lipunan, ay sumunod kay Kristo. Ang pagsunod niya ay hindi lamang
bunga ng kanyang pagkahalina at pag-iisip. Kumilos siya tumindig at iniwan ang lahat at ito ang kanyang naging sakripisyo
kaya’t siya ay naging Apostol.

Gayundin tayo sa ating buhay, tinatawag tayong maging alagad ni Hesus. Sa pagbasa natin ng tungkol sa buhay ni
Hesus, maari tayong mahumaling sa Kanya.Subalit hindi lamang sa mga bagay at mga taong malapit sa ating puso. Sa
pagsasakripisyong ito, higit nating maiaalay ang ating buong sarili kay Kristo.

-Itanong natin…Ano ba ang maari kong isakripisyo sa pagsunod kay Hesus?

5. March 13, 2011 (Linggo)

Lk.4:1-11

Ngayon po ay unang Linggo ng Kuwaresma at ipinahahayag sa binasang Ebanghelyo na si Hesus ay naglilibot sa


disyerto sa loob ng apatnapung araw na puspos at akay ng Espiritu Santo. Wala siyang kinain anuman sa loob ng mga araw na
iyon kaya’t siya’y nagutom at dito siya tinukso at sinubok ng diyablo. Pero nakita natin ang katatagan ng ating Panginoon. Sa
panahon ng kanyang pagkagutom, o ito ang masasabi nating krisis ni Hesus, ipinakita niya kung anong kapangyarihan mayroon
siya at kung ano ang kaya niyang gawin bilang Anak ng Diyos.

Ang pagtukso kay Hesus ay hindi pagtukso sa atin, bagamat marami rin tayong nararanasang iba’t ibang uri ng
pagsubok o tukso sa ating buhay, sa mga anak, sa ating kapwa o kung kanino pa man.

Sa ganito, alalahanin natin na kung hindi si Hesus ay Anak ng Diyos, tayo rin ay may isang Amang buong pagmamahal
na nagsasabing “Anak rin kita, Hindi kita pababayaan anumang pagsubok ang dumating sa buhay”.

-Itanong natin…Naniniwala ka ba na hindi nagpapabaya ang Diyos sa atin? Ibahagi ang karanasan na naramdaman
mong ang Diyos ay mapagmahal at mapagkalinga?

2
6. March 14, 2011 (Lunes)

Mt. 25:31-46

“Ang Paghuhukom… ito ang paunang salita na ating matutunghayan bago ang mga talatang ito ng Mabuting Balita.
Hindi isang pananakot, manapa’y pagbibigay sa atin ng isang paghahanda; paghahanda di panandalian…kundi habang tayo ay
naglalakbay pa sa buhay na ito… Kaya, muli natin basahin sa dahan-dahan at malakas na tinig ang mga talata 35 hanggang 46,
pagkatapos pag-usapan natin…

-Ano ang kongkretong mensahe ng Diyos sa akin sa Ebanghelyong ito?

7. March 15, 2011 (Martes)

Mt. 6:7-15

Sa Ebanghelyo natin ngayon, bigyang pansin natin ang sinabi ni Hesus, “Pag manalangin kayo…” Balikan natin ang apat
na mahahalagang elemento ng panalangin na ating natutunan.

Una, PAGPUPURI sa Diyos, na siyang lumikha ng langit at lupa, na pinagmulan ng lahat ng kabutihan na umagos sa
kanyang walang hanggang pag-ibig. Sa Diyos Anak na nag-alay ng kanyang sarili para sa ating kaligtasan at kabanalan. At sa
Diyos Espiritu Santo na patuloy na namamatnubay at nagbibigay liwanag sa atin.

Ikalawa, PAGSISISI sa di pagmamahal, di pagpapatawad at di pagbabahagi ng sapat, sa pang-abuso sa kabutihan ng


Diyos at kapwa at maging sa sarili, sa di pagsusumikap na maging banal.

Ikatlo, PASASALAMAT sa lahat ng biyayang natamo, tinatamo at tatamuhin pa.

Ikaapat, PAGHINGI ng mga kinakailangang biyaya upang maging lakas sa pagsasagawa ng mga misyong ipinagkaloob ng
Diyos.

Itanong natin sa ating sarili…

Pag ako’y nananalangin, isinasagawa ko ba ito nang may apat na mahahalagang elemento ng panalangin?

8. March 16, 2011 (Miyerkules)

Lk. 11:29-32

Bigyang-diin natin ang sinasabi sa Ebanghelyo ngayon, “Dito’y may MAS DAKILA PA”. May mga tao tayong
hinahangaan. Marahil dahil sa kanilang talino, kakayahan, ugali, paraan ng pakikitungo sa kapwa, pagdadala ng sarili at kung
ano-anu pa. Madalas sinasabi pa natin sa ating sarili na sana maging tulad nila tayo. Sila ang mga tinatawag nating idolo.

Noong panahon ni Hesus, at kahit noong panahong bago siya nakipamuhay sa atin, ang mga propeta ang ilan sa mga
hinahangaang tao. Hindi nakakapagtaka na kadalasang kung ano ang sinasabi ng mga Propeta, iyon ay pinaniniwalaan ng mga
tao sapagkat naniniwala sila sa sugo ng Diyos ang mga Propeta.

Hindi masamang humanga at mangarap na maging propeta o maging idolo sila.Hindi masamang sila’y kilalanin. Subalit
hindi dapat natin kalimutan na may “higit pa sa isang Propeta”…na ang bawat Kristiyano’y maghangad na tularan at kilalanin,
at iyon ay walang iba kundi si Hesukristo ating Panginoon.

-Kaya bilang Kristiyano, paano ba tayo magsisikap kilalanin ang kadakilaaan ni Hesus bilang Panginoon?

3
9. March 17, 2011 (Huwebes)

Mt.7:7-12

Narinig natin sa pagbasa ngayon ang ganito… “Tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat
naghahanap at pagbubuksan ang kumakatok”. Nais ipahatid ng Ebanghelyo ngayon na ang Diyos ay mabuti at mapagbigay.
Kinakailangan lamang magtiwala at magpakababa upang tanggapin ang Kanyang kabutihang walang hanggan.

Kadalasan sa sobrang paghahanap natin kung ano ang ideyal para sa atin, nalilimutan nating tangkilikin ang mga simple
at maliliit na biyaya na natatagpuan natin sa araw-araw. Hindi natin natututunang tangkilikin ang mga biyayang ito, at
kadalasan ay hindi natin napapansin na ang mga ito na pala ang pupuno sa mga kakulangan natin, sa mga puwang sa puso
natin. Kailangan lang nating magpakababa at umamin sa pangangailangan natin, at ang Diyos ang tutugon sa atin.

Sa ating buhay…

-Marunong ba tayong magpakababa at umamin na kinakailangan natin ang Diyos?

-Paano tayo humihingi, humahanap at kumakatok upang madama natin ang pagkalingang ito ng Diyos?

10. March 18, 2011 (Biyernes)

Mt. 5:20-26

Maliwanag na sinasabi sa Ebanghelyo natin ngayon na “Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid”. Ang
galit ang ugat ng lahat ng masasamang asal natin sa kapwa. Kung hindi ito mapaglalabanan sa pamamagitan ng pagpapatawad
at kababaang-loob, unti-unti tayong lalamunin nito hanggang sa maaaring umabot ito sa katapusang hindi natin
magugustuhan.

Narinig natin sa binasa na “Huwag kang papatay ng kapwa mo”. Hindi lamang pisikal na pagpatay ang tinutukoy nito,
sapagkat minsan sa pamamagitan ng masasakit na salita ay pinapatay din ang damdamin ng kapwa. Kaya laging ipinaaalala sa
atin na makipagkasundo sa kaaway upang maiwasan ang higit na kapahamakan ng bawat isa. Maisakatuparan lamang ito sa
pamamagitan ng pagmamahal at pagpapatawaran tulad ng ginawa ni Hesus.

-Paano natin napagpapasensiyahan ang mga taong mahirap pakisamahan?

-Paano tayo magiging instrument ng pagkakasundo o pagkakabaha-bahagi sa tahanan, sa parokya at sa


sambayanan?

11. March 19, 2011 (Sabado)

Mt. 1:16, 18-21, 24

Kapistahan ngayon ni San Jose ang Patron ng ating Arsidiyosesis ng Lipa. Tayong mga Batangueño ay madaling
“manggaya” hanggang di natin namamalayan na ang tinutularan natin ang Idol na natin. Tanungin natin ang ating mga sarili
ngayon? Sino nga ba ang Idol ko ngayon. Pero, makabagong linggwahe ang salitang Idol. Dalhin natin sa pananalitang
Batangueño “Huwaran”.

-Sino nga ba ang huwaran ng mga Batangueño sa ating Panahon…Sana si San Jose…mangyari lamang iyan kung
kikilanin natin si San Jose...

You might also like