Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Graduation Song:

Araw ng Pagtatapos

I- Ngayo’y tanda ng katapusan ng mahabang daan

Ng isang hangaring makatuntong sa rurok ng tagumpay

Ang pagtatapos ay sagisag ng paunlad na hakbang

Sa hagdanan ng karunungan,katatagan at kaunlaran

Refrain:

Karunungang natutunan tanging kayamanan

Manglingkod sa kapwa’t sa inang bayan

Ang lahat na ito’y lubhang matutuhan

Sa mutyang paaralan at sa mga gurong pinakamamahal

Chorus:

Ligaya’t,lungkot hirap at saya lagging nararanasan sa buhay

Sa mga taong lumipas sikap at tiyaga lagging karamay

Laging babaunin dakilang aral na magpakasipag at magpakahusay

Hangad na pipiliin ang wastong daan ng tagumpay

Sa tulong ng Maykapal

II- Malungkot lisanin ang paaralang puno ng pag-asa

Na taglay sa puso ang kaligayahang walang kakumpara

Mga taong lumipas ngayo’y natapos na

Gugugunitain mga alaalang lipos na makulay sa puso at diwa

Refrain:
Malungkot lisanin ang paaralang humubog sa katauhan

Ang paaralang gumabay sa pangunahing kaalaman

Pag-uugali at kasanayan

Mga kabataang pinangarap ng mga guro’t magulang

(Repeat Chorus)

(Reapeat Chorus Change Key)

Coda:

Hangad na pipiliin ang wastong daan ng tagumpay

Sa tulong ng Maykapal,Maykapal,Maykapal…

You might also like