Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Background of the study

Nasubukan nyo na bang gumawa ng sariling suka? Madali lang ito at maaari ninyong
maging hanapbuhay. Ito ay isang produkto ng baktirya. Kung naiwan mong bukas ang isang bote
ng alak sa isang maliit na silid sa loob ng isang linggo, ito ay magiging isang maasim na suka.
Paano nangyayari ito? Bueno, ito ay gawa ng pagkakaroon ng balok sa ibabaw ng alak. Ang
balok na iyon ay binubuo ng siksikang mga selula, mga mikroorganismo na nasa hangin. Ang
mga ito ay napupunta sa alak sapagka't iyon ay isang mabuting kapaligiran upang sila'y
makapagparami.

Ang suka maraming naitutulong sa atin. Hindi lamang ito pampalasa ngunit ito rin ay
pinagkukunan ng pera lalo na kung ang paggawa nito ay ang iyong hanap buhay. Ineeksport din
ito sa abang bansa na lalo pang nakakatulong sa pagtaas ng kita ng mga mangangalakal at
nakakatulong narin ito sa pagkakakilanlan ng ating bansa.

Sa pagaaral na ito, nakapaloob ang mga paraan ng paggawa ng suka at kung mabisa ba
itong panghanap buhay.
RRL

Ang suka ay isang likido na dumadaan sa prosesong pagbuburio para mabuo. Ito ay may
acetic acid. Ang mga natural na suka ay mayroong mga tartaric acid, citric acid at iba pang asido.

Nagagamit na ito kahit noon pang sinaunang panahon. Ito ay importanteng elemento sa mga
lugar kanluranin, European at Asean at sa iba pang traditional na mga lugar.

Ang ingles ng suka na vinegar ay galling sa salitang Old French na “Vin aigre” ibig
sabihin, maasim na alak. Noong 1864, pinatunayan ni Louis Pasteur na ang suka ay nabubuo sa
pamamagitan ng pagbuburo. Marami ang klase ng suka ngunit ang mga karaniwang suka ay
galling sa tubo at niyog. Ang mga ito ang kadalasan ginagamit sa paggawa na suka lalo na ditto
sa Pilipinas. Ang suka na galing sa niyog o ang coconut vinegar ay galing sa katas nito. Ito ay
malawakang ginagamit sa pagluluto sa mga lugar sa timog silangan gayundin sa India. Ang suka
naman na galing sa tubo ay kilalang kilala sa hilagang bahagi ng pilipinas particular na sa
Ilocos. Ito ay tinatawag nilang sukang Iloko. Ang paggawa ng suka galing sa tubo ay unang
nangyari sa France at United States. Ito ay may kulay na dilaw o dika’y kulay ginto at ito ay may
lasang manamisnamis pareho ng rice vinegar, ngunit mas sariwa lamang ang suka ng tubo.
Salungat sa inaakala, hindi naman ito masyadong matamis gaya ng ibang suka. Ditto sa Pilipinas,
karaniwan itong tinatawag na sukang maasim.

You might also like