31 Mier

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

31 MIER, ANGELICA I-LILA

ASPEKTO NG PANDIWA
Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ikinagaganap, ikagaganap, o
ikinaganap ng kilos.

1. Aspektong PERPEKTIBO o naganap – nagsasaad ng kilos na nasimulan na o ng kalagayang nangyari na.

Halimbawa: Napanood ko ang pagsayaw ni Clare kanina.

2. Aspektong IMPERPEKTIBO o nagaganap – nagsasaad ng kilos na ginagawa sa kasalukuyan o ng kilos


na palagiang ginagawa.

Halimbawa: Napapanood ko ang pagsasayaw ni Clare ngayon.

3. Aspektong KONTEMPLATIBO o magaganap- nagpapahayag ng kilos na gagawin o mangyayai pa


lamang.

Halimbawa: Mapapanood mo ang pagsasayaw ni Clare sa Linggo.

Uri ng panlapi
Ang mga sumusunod ang mga uri ng panlapi na ginagamit sa wikang Filipino (at Tagalog):

1. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, paalis, makahuli


2. Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot,
ginawa
3. Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan,
gabihin, isipin
4. Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa
hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
5. Laguhan - Kapag mayroon sa unahan,gitna at hulihan. Halimbawa : pagsumikapan

You might also like