Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKA-17 NA LINGGO SA PANAHONG ORDINARYO - MARTES

Itinuro ni Hesu-Kristo sa atin kung paano makakapasok sa Kaharian ng


langit. Ating ipagdasal ang pagdating ng Kanyang Kaharian, sa patnubay ng
Banal na Espiritu na sa atin ay nakapaloob, tumutulong sa ating pagdarasal.

PANGINOON, DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN

1. Para sa mga tagapaglingkod ng simbahan na sana ay sundin nila ang


kagustuhan ng Diyos at hanapin ang kabutihan para sa kanilang mga
pinaglilingkuran. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Para sa mga pinagkatiwalaan sa pagbibigay ng hustisya at magbigay


ng kahulugan sa batas na sana ay si Kristo ang gawing batayan ng
kanilang karunungan. Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Na sana ay ating magawang hintayin ang oras ng pag-ani ng Diyos at


tayo’y hindi gumawa ng maligasgas ng panghuhusga sa iba.
Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Para sa mga matatanda na sana ay sila ay magtagal sa pamamagitan


ng ating pagkamaalalahanin at pagkakaibigan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

5. Para sa mga pumanaw na sana ay magtipon sa pag-aani ng Kaharian.


Manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng langit at lupa, pakinggan mo ang kahilingan ng iyong


sangkatauhan. Ito ay aming hiling sa pamamagitan ni Kristo aming
Panginoon. Amen.
IKA-16 NA LINGGO SA PANAHONG ORDINARYO - MARTES

Sa pagtitipon ng lahat bilang isang komunidad, tayo ay humiling sa Diyos


ating Ama para sa ating mga pangangailangan.

AMA, SA PANGALAN NI HESUS, PAGPALAIN MO KAMI

1. Para sa simbahan nawa ay maging isang tunay na pamilya, tapat sa


kalooban ng Ama at sa mga pagtuturo ni Kristo. Manalangin tayo sa
Panginoon.

2. Para sa mga opisyal ng pamahalaan nawa ay huwag silang gumawa ng


batas o magsimula ng programang salungat sa ating pananampalataya
at moral. Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Para sa magkakapamilya nawa ay maging tunay na magkakapatid sa


pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa ayon sa kagustuhan
ni Hesus. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Para sa ating lahat nawa ay maging mapag-alala sa mga taong


nakakadanas ng iba’t ibang anyo ng paghihirap, na sana tayo ay
makakatulong na gumaan ang kanilang mga pasanin at tulungan sila
sa pagpapanatili ng tiwala sa Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Para sa mga pumanaw na sumasampalataya nawa sila ay dumating sa


kanilang tahanan sa buhay na walang hanggan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Mapagmahal na ama, tulungan nyo kaming maging tapat ninyong anak na
masunurin sa inyong banal na kagustohan. Ipagkaloob nyo po ito sa amin sa
pamamagitan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

JMJ Marist Brothers


Notre Dame of Marbel University
Alunan Avenue, City of Koronadal

PRAYERS OF THE FAITHFUL


(Filipino and Ilonggo Translations for the month of July)

A project in RE 107

Submitted by:
Ermelyn Jane Celindro
Racie Marquez
Frederic Ian Madres
Weannie Demayo
Cyndi Dema-ala

Submitted to:
Mrs. Petrocil Manzano
Instructress

1st Semester
2010

You might also like