Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsulat ng Burador

Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng unang burador ng sulating pananaliksik kung ang
mga datos at mga materyales ay kumpleto. Isaalang – alang ang mga sumusunod na paalala.

1. Ihanda ang mga talaang pinag – sulatan ng mga mahahalagang ideya o konsepto na hango sa
mga kaugnay na literature.
2. Isaayos ang mga datos na nakuha sa tagatugon na gamit sa paksang pinag – aralan.
3. Suriin mabuti ang mga datos na nakuha at bigyan ito ng interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinagawang pananaliksik.
5. Itala ang mga hakbang na ginamit sa pananaliksik.
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik.
7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiisip at huwag munang pansinin ang
kamaliang nagagawa.
8. Balikan at basahing muli ang ginawang sulating pananaliksik. Tingnan kung ano ang dapat na
idagdag at ibawas sa sulating pananaliksik.

You might also like