Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising na si Langgam Nagluto
siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng
bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka
nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ngpagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay
magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang
panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang
panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi
umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng
malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahan
ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso.
Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!" Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya.

"Aba! Ang aking kaibigan," wika ni Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang
mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na
siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.
Si Unggoy at si Paru-paro

Isang araw, sa taas ng puno na malapit sa bundok, pinagmasdan ni unggoy ang kanyang paboritong bulaklak
habang kumakain ng saging.

“ang ganda- ganda talaga ng bulaklak na iyon. Gusto ko siyang pagmasdan araw-araw,” wika ni unggoy sa
kanyang sarili.

Pagkatapos niyang kumain ng saging, itinapon ni unggoy ang balat ng saging sa lupa at humiga sa kanyang
sanga. Nakita ito ni paru-paro at linapitan niya si unggoy.

“Unggoy napansin kong nahulog mo ang balat ng saging na iyong kinain sa lupa.”

Ang wika naman ni unggoy, “naku sadya iyan paru-paro. Lagi kong itinatapon ang mga pagkain ko sa lupa.

“Kaya pala ang daming basura dito. Hindi mu dapat basta-basta na lamang tinatapon ang mga basura mo kung
saan-saan lamang unggoy. Maari kang makadulot ng trahediya. Meron namang mga basurahang malapit dito
ah. Doon mo nalang itapon ang mga basura mo,” paliwanag ni paru-paro.

Hai nako paru-paro, tigilan mu nga ako, ang tagal-tagal ko ng ginagawa yan ah, wala namang nangyayaring
masama,” galit na sagot ni unggoy. “Umalis kana nga, sinisira mo araw ko,” dagdag pa nito.

Lumipad si paru-paro ng walang imik.

Isang madilim na gabi habang natutulog si unggoy sa taas ng kanyang puno, ay biglang bumuhos ang malakas
na ulan. Hindi niya ito pinansin at sinusubukan muling matulog.

Ngunit sa halip na makatulog ay napatayo pa si unggoy dahilan sa may bigla siyang narinig na malakas na
tunog. Nagsimulang manginig ang kanyang puno at muntikan na siyang mahulog.

Napatalikod siya at nabigla na lamang sa kanyang nakita.

Lupang bumubuhos pababa mula sa bundok.

“Isang landslide!”

Walang magawa si unggoy kung hindi sumigaw.

“Tulong! Tulungan ninyo ako,” sigaw niya.

Tumumba ang kanyang puno at nahimatay si unggoy.

“Ito ang resulta ng pagtatapon mo ng mga basura mo sa kalikasan unggoy. Ito ag trahedyang sinasabi sa iyo,”
paliwanag ni paru-paro.

Napansin ni unggoy ang lupa kung saan nakatanim doon ang paboritong bulaklak ni paru-paro. Natabunan ito
ng lupa at basura.

“Paru-paro patawad. Nagsisisi na ako sa kasalanang aking ginawa. Magbabago na ako. Hindi na ako
magtatapon ng basura sa kapaligiran,” umiiyak at nagmamakaawa sa unggoy.

“Kung kaya mong magbago unggoy at hindi muna talaga ito gagawin pa ulit, pinapatawad na kita. Pero tulungan
mo ako at ang iba pang mga hayop para mabigyan muli ng buhay ang ating tahanan at patawarin ka rin ni Inang
Kalikasan.”
Simula noon, hindi na muling nagtapon si unggoy ng basura kung saan saan na lamang at unti-unti ay muling
nabigyan buhay ang kanilang tirahan, malinis at mapayapa.

Ika ng mga matatanda: Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.

S kwento na ito, matututunan ang pagtatanim ng mabuting gawa ng sa gayon ay magiging mabuti rin ang
bunga. Tulad na lamang ng pagtanggap natin ng ating mga panauhin na kaiba sa ibang nasyon. Ito ay bahagi na
ng ating kultura. Dahil dito, nakapagtanim tayo ng mga mabubuting gawa sa ibang tao at kasunod nito ang
mabuuting bunga o maidudulot na iyong ginawang kabutihan.

You might also like