Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas}

Lungsod ng Quezon} s.s

KARAGDAGANG SALAYSAY - DEMANDA

Ako po si Mr. Romeo R. Contreras sibilyan nars nagtratrabaho dito sa V. Luna General
Hospital AFPMC matapos makapanumpa ng ayon sa batas ay kusang loob na nagsasalaysay ng
mga sumusunod bilang aking karagdagang salaysay. Ganito po pangyayari sa gate pa lamang ay
magkasunod na kami ng Toyota Munich white taxi na may plaka TWG 546. Pagkatapos
inspeksyonin ng security sa unang guard house.

1.Mabilis na pinatakbo ng driver ang minamaneho nya white taxi at malinis ng driveway na one
way bago ko binitawan ang clutch ng motor na Suzuki Raider na may plaka 6070PT.

2. Pagdating ng motor ko sa may linya ng karatulang ”NO PARKING FOR


MOTORCYCLE”.Mga 20 hanggang 25 metro ang layo ng sinasakyan ko mula sa nasabing taxi
ay nakita ko na nakaabang ang taxi sa pinaka kanan ng kalsada hindi sa kaliwa o gitna.

3. Paglapit ng motor ko sa kaliwa ako dumaan kasi nga nakabara ang white taxi sa kanan.
Sumabay nagpatakbo ang taxi nauna lang sya ng kaunti sa akin mga 1-2 metro.

4. Sabi ng taxi driver ay sumisignal sya pakaliwa, pero ang ipinagtataka ko talaga bakit
nakarehistro sa pinaka kanan ng kalsada at saka tiyempo na sabayan pa ako sa pag takbo
samantalang may pasahero na sya papuntang E.R. Dapat nakarating na sya sa E.R. na hindi nya
na kailangan pang sabayan ako.

5. Sinabi din ng taxi driver na di raw nya ako nakita. Obligasyon ng sino man driver ang suyurin
ng tingin ang kaliwa, kanan, harapan at likuran sa pamamagitan ng side mirror ng sasakyan nya.

6. Biglang overtake ang white taxi sa akin kaya tumilapon ako sa E.R.driveway 4-5 metro layo
sa taxi.

7. Sinapol o tinamaan ng white taxi ang pisgi ng motor ko damay pati calipers kanan bahagi
pareho. Sa pagkakadikit na yon ng unahan bahagi ng taxi kaliwa parte nya sa motor ko nawalan
ng balanse at humampas sa kaliwa bahagi ng taxi ang motor kaya nagkaroon ng lubog sa
pinaghampasan.

8. At tumalbog ang motor kaya humagis papuntang E.R.

9. Kung ako nga ang nagumpisa ng banggaan ay semplang kaagad ang motor mababasag ang
buong headlight, fender, nag otso ang unahan gulong subalit hindi nga nag kaganon, at isang
indentation lamang ang meron ang taxi kaya lang hindi nga ako ang nagumpisa kundi si white
taxi kasi nag umpisa sa pinaka unahan ng taxi ang gasgas may guhit pa nga na itim. Si Mr
Villaspin ang unang dumikit sa motor ko na bigla syang kabig pakaliwa, di nga daw nya ako
nakita samakatuwid nakalimutan nya i exercise ang obligasyon nya na tumingin sa side mirror
samantalang nasa pinaka kanan sya ng kalsada na may plano pala sya lumiko pakaliwa halos
magkatabi lang kami. Na nagresulta sa aksidente.

1
10. Hindi na lang ako nagtatalak dahil kaunting galos at pagkalamog ng katawan lamang ang
tinamo ko. Pero kung walang helmet, posibleng basag ang panga ko at may malalalim na sugat
ang kaliwang pisngi ko makikita sa gasgas ng helmet ko. Hinihingian pa nga po ako ng 500
pesos dahil may tataryahan pa sya taxi hindi naman ako nagbigay. At ng sinabi ko sa kanya na
mag papatingin ako sa doktor ay hwag na daw, na umayon naman ako kasi nga kaunting galos
lang naman ang meron ako. Pero kinabukasan naramdaman ko ang sakit ng mga kalamnan.

11. Naputol ang kanan side mirror, basag ang headlight pati buong casing. Kanan fender at putol
ang lock ng left fender gasgas ang tail light, kambyo at mga tapakan bumaluktot dispalinghado
na. Pinaunat ko lang pero dispalinghado pa. Gasgas ang kanan calipers, kaliwang clutch set,
handle, Zeus helmet at handrail sa likuran.

12. Umaandar yung motor pero delikado ng gamitin kasi dapat matignan ito ng professional
Suzuki mechanic bago ito patakbuhin ng normal.

13. Ginagawa ko ang salaysay na ito bilang dagdag salaysay demanda laban kay Mr Ferdinand
Villaspin ng kasong reckless imprudence resulting to damage of property.

Sinumpaan at pinatotohanan ko ngayon ika 18 ng Abril 2011 dito sa Quezon City.

ROMEO R. CONTRERAS

2
3
4
5
6
7

You might also like