Professional Documents
Culture Documents
Pagpapaluho
Pagpapaluho
Ang pagiging “spoiled” ng anak ay hindi kusa at likas; ito ay ginagawa. May mga
nagsasabing, “Normal lang na maging spoiled ang bata, dumadaan talaga sa ganyan.”
Hindi ito normal at hindi rin ito “cute”. Ang pagiging pilyo ay likas sa bata pero ang
pananatiling ganito ay nagmumula sa magulang. Ang mga batang spoiled ay ginawa sa
pamamagitan ng pagpapalayaw at sobrang pagbibigay ng atensyon na nagiging dahilan
ng pag-abuso na dulot ng pagtanggap ng maling mensahe mula sa tagapag-alaga na ang
lahat ng bagay ay dapat niyang makuha at lahat ng damdamin ay dapat mapagbigyan.
Ang ganitong mensahe ang magiging simula ng baluktot na paniniwala ng bata tungkol
sa kanyang sarili at tungkol sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa halip na pagmamahal
ay panggagamit ang matututunan niya. Aakalain niyang may “karapatan” siya sa lahat ng
bagay at tao na gusto niya, kaya hindi siya papayag na “makuha” ito sa kanya, kahit ang
totoo ay hindi niya naman talaga ito pag-aari.
Maliit na bagay lang ba ito? Sino ba ang apektado dito? Hindi ito maliit na bagay o
usapin. Ang ugali ng bawat isang tao ay nakakaapekto sa lahat at sa buong lipunan. Ang
unang biktima ng pagiging spoiled ng bata ay ang kanyang sarili mismo. Maraming sama
ng loob ang pagdadaanan niya na hindi mararanasan ng isang batang nahubog nang tama.
He will always learn things in life the hard way. The worst is, kung hindi siya matututo
within his lifetime.
Apektado rin nito ang komunidad at lipunang ginagalawan niya. Society requires order.
Pero dahil sa maling ugali ng isang spoiled child, hindi siya magiging ambag sa
kaayusang ito kundi magiging isa sa mga sumisira nito. He will be part of the problem
instead of the solution. Sa umpisa, ang gulong dala niya ay sa loob lang ng bahay. Pero
habang lumalawak ang sakop ng kanyang pakikisalamuha, dumadami din ang gulo niya.
Mas madalas, ang mga taong makakasundo niya ay yung mga katulad niya rin – mga
taong nag-aakala na sa kanila ang mundo – kaya magiging dagdag na problema ito; dahil
sa halip na matulungan siyang mapabuti, tutulungan siya nitong lumala.
Educating a child cannot be too early. Lahat ng sinasabi ng magulang sa bata, kahit pa
noong nasa sinapupunan pa ito, ay bahagi na ng kanyang pag-aaral. Ang pagbibigay ng
maling mensahe sa bata sa pamamagitan ng pagpapalayaw dito ay pagbibigay din ng
mahirap na buhay sa kanya. May mga magulang na nagsasabing, “Ayokong maranasan
ng anak ko ang hirap ng buhay,” pero ang totoo, ang ganitong kaisipan ang mismong
magdadala sa kanilang anak sa isang mahirap na sitwasyon. They are being presented
with a false reality, and would eventually struggle to reconcile it with the “real” reality. It
is like being punished for a crime they didn’t commit. And obviously, that’s unfair.
“Ginawa nyo akong ganito e, bakit ako ang kailangang magdusa?” You don’t want to
hear that from your child.
Dapat lang na ibigay ng magulang ang lahat ng kailangan ng kanyang anak, pero hindi ito
dapat ipagkamali. His needs are different from his wants or requests. Hindi tungkulin ng
magulang ang pagpapaluho o pagpapalayaw. Sa kabaligtaran, dapat ituro sa anak ang
realidad ng buhay. Not all requests can be granted. Just because you can afford, it does
not mean you should avail. Pero sa kabilang banda, mali din ang sabihing, “Huwag ka
ngang hingi nang hingi, hindi tayo mayaman,” dahil naghahatid ito ng mensahe na
tanging kakulangan lang ng pera ang dahilan kung bakit hindi niya pwedeng makuha ang
lahat ng gusto niya. Refusing to grant a request must be an occasion for training.
Disiplina ang pinag-uusapan dito at hindi dami o konti ng pera. Also, a child must learn
how to earn his requests. As early as five years of age, dapat matuto na ang bata ng
tungkol sa pera – not how to squander it but how to earn it and use it wisely. Ang
problema, isa o dalawang taon pa lang, tinuturuan na ng magulang kung paanong
maglustay, tapos tuwang-tuwa pang sinasabi, “Aba, marunong na ng pera ah!” Kaya
paglaki ng bata, iba na ang isinisigaw ng magulang: “Puro ka pera, puro ka pera!” E sino
bang may kasalanan?
Sa halip na pagpapaluho, dapat turuan ng magulang ang anak kung paano makakapag-
ambag sa ikabubuti ng buong pamilya sa lahat ng aspeto para maalis sa kanya ang likas
na pagkamakasarili. Kasama dito ang aspetong pinansyal. Itatanong ng iba, “Hindi ba
yun child labor?” Sinabi ko bang ipasalo sa bata ang tungkulin ng magulang na mag-
provide? Financial education is not child labor. It is an introduction to the world of
money and how it works. Aminin man o hindi, halos lahat ng magulang ay nagtuturo sa
kanilang mga anak ng tungkol sa pera even before the first birthday. Yun nga lang,
kadalasan mali ang itinuturo. Parents should be mindful about how they teach their
children. Walang kakayahan ang isip ng bata na tanggihan ang itinuturo sa kanya, tama
man o mali. Kung kalayawan ang ituturo ng magulang, yun nga ang matututunan.
I suggest that high school and college students must have an entrepreneur’s mindset.
Learn, apply. Learn, apply. Learn, apply. Parang Computer subject din yan. Kung hindi
mo agad gagamitin ang natutunan mo, makakalimutan mo din agad at mawawalan lang
ng silbi ang pinagpaguran mo at pinag-aksayahan ng oras. Sa panahon ngayon, hindi na
akma ang payong, “Mag-aaral kang mabuti para magkaroon ka ng magandang trabaho.”
Reality check: May magandang trabaho nga ba ang may matataas na grades sa school?
Ito ang pagkakaiba nating mga pangkaraniwang Pinoy sa mayayamang Intsik. Tayo,
pinag-aaral para magtrabaho sa kompanya ng iba. Sila, pinag-aaral para magtayo ng
kompanya nila. Tayo, sabik na sabik sa paghihintay ng sweldo. Sila, sa kanila
nanggagaling ang sweldo. Bakit? Dahil ba mas malaki ang opportunity nila? Dahil ba
mayaman sila ipinanganak? Dahil ba mas matalino sila? Not necessarily. The truth is it’s
all in the mind. Magkaiba lang tayo ng kaisipan. Tinuruan silang magtipid, tinuruan
tayong maglustay. Tinuruan silang pagyamanin ang maliit, tinuruan tayong ubusin kahit
gaano kalaki. Tinuruan silang maniwala na kaya nilang magnegosyo kahit laway lang ang
puhunan, tinuruan tayong ang magagawa lang natin ay magtrabaho para sa iba. It’s time
to change our mentality. Spoiled ka man o hindi; maluho ka man o matipid; kahit ano pa
ang lifestyle mo ngayon, think about your future. Think about your parents and your
family. Kung naturuan ka kung paano gumastos, matuturuan mo rin ang sarili mo kung
paano kumita, magtipid, at magkaroon ng sariling kabuhayan. Panahon na para tigilan
ang pagluluho. Panahon na rin para turuan ang mga anak na tumulong sa pagpapaunlad
ng pamilya at hindi sa pagpapabagsak nito. In today’s worldwide financial crisis, ang
pakikiuso sa mga taong walang pagpapahalaga sa kinabukasan ay pagiging totoong tanga.
Kasama ka nila ngayon sa saya, kasama ka rin nila bukas sa dusa. Hayaan mo silang
magsaya ngayon para pag napagyaman mo na ang sarili mo, mga katulad mo na rin ang
makakasama mo – mga taong may kinabukasan, may sapat na yaman, at matagumpay.