Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 60

Mga Pilipino sa South Korea

Mula 1950 hanggang ngayon

Sa Amerika, tinaguriang “The Forgotten


War” ang Korean War na sumiklab noong
June 25, 1950 dahil mas nabigyang
atensiyon sa publiko ang World War II at
Vietnam War.

Maging sa Pilipinas, iilan lamang ang


nakakaalam na tayo mismo ay lumaban sa
Korean War. Sa ilalim ng United Nations,
nakilahok tayo upang ipagtanggol ang
kalayaan ng South Korea.

1
Wika ni Gen. Carlos P. Romulo, Pangulo
ng UN General Assembly mula 1949
hanggang 1950, sa isang talumpati sa UN
noong September 25, 1950, “The
Philippine Government… has given
concrete proof of its support of the
principle of collective security by
sending troops to help the UN forces in
Korea.”

Nagpadala ang Pilipinas ng limang


batalyon mula 1950 hanggang 1955: ang
10 th Battalion Combat Team (BCT) noong
September 1950; ang 20 th BCT noong April
1951; ang 19 th BCT noong April 1952; ang
14 th BCT noong March 1953; at ang 2 nd BCT
noong April 1952. Bawat batalyon ay
naglagi sa Korea ng isang taon.

Sa pinadalang 7,420 sundalo, mahigit


100 ang nagbuwis ng buhay para sa South
Korea. Tumulong din ang mga sundalo
natin sa pagbuo muli ng mga kanayunan,
sa pag-angat ng isang lipunan na winasak
ng digmaan.

2
Ang mga sundalo ng Philippine
Expeditionary Force to Korea ay
masasabing unang Pilipino sa South
Korea.

Naglayag ang
barkong
Antolak mula
Manila Bay sa
katanghalian
ng September
16, 1950,
kasama ang
10th Battalion
Combat Team.

3
Bago umalis, nagparada ang mga magigiting
nating sundalo sa Luneta.

Dumaong sa Busan ang Antolak noong


September 19, 1950 matapos ang
tatlong araw na paglalayag.

4
Sa limang taong paglagi sa Korea,
nagpakitang-gilas ang mga sundalong
Pilipino. Nakilala ang kanilang
kagitingan sa mga importanteng laban
tulad sa 1951 Battle of Yultong, kung
saan maraming Pilipino ang namatay
habang pinagtatanggol ang South Korea sa
paglusob ng Chinese Volunteer Army;

sa Battle of Miudong, ang unang digmaan


na nilabanan ng sundalong Pilipino sa
ibang bansa; sa Battle of Hill Eerie, na
matagumpay na pinangunahan ni Pangulong
Ramos para makuha ng UN ang isang
mahalagang lokasyon malapit sa border;
sa Battle for Hill Arsenal, at sa iba
pang digmaan.

5
A soldier of the 10th BCT

6
The 10th BCT in
Waegwan

7
Lt. Col. Dionisio Ojeda of the 10th
BCT, one of the heroes of the 1951
Battle of Yultong during the Chinese
Spring Offensive

Members of the 19th


BCT search light
team illuminate the
battlefront at night

8
9
10
By the Imjin River

BGen Victorino
Azada, one of
the eventual
presidents of the
PEFTOK
Veterans
Association

11
“Thru These Portals Pass the Most Seasoned and Fightingest Soldiers in the World”

12
13
On their second day in Suwon in mid-December of 1950, the Filipinos had
two fierce encounters with enemy units.

14
At sa pagtupad nila ng tungkulin na
bigyang suporta ang South Korea,
makikita ang iba’t ibang aspeto ng
buhay sundalo. Sa gitna ng lungkot,
pagkahiwalay sa pamilya at lamig,
pinakita ng Pilipino ang kanilang
kakayahan na:

Makisaya,

15
Maging mapamaraan,

16
Makisama,

Alalahanin at sumulat sa pamilya,

17
Maalala ng, at makatanggap ng sulat mula sa,
pamilya,

Tumulong sa kapwang nasugatan dahil


sa giyera,

18
At manampalataya.

19
20
May mga pinagkatiwalaan ng mahahalagang
tungkulin,

21
The first Philippine
military court to convene
outside the Philippines
held its session by the
Han River in May 1951.

May mga pinarangalan,

22
May mga napaibig sa Korean,

At may mga nag-alay ng buhay sa altar ng


kalayaan.

23
24
Umuwi ang unang batalyon noong 1951
at binigyan sila ng malaking
parangal: nakiisa ang Pilipinas sa
kanilang pagbalik at tagumpay.

25
Defense Secretary
Ramon Magsaysay
boarded the returning
ship to meet the
soldiers.

26
Pres. Elpidio Quirino
decorated the heroes of the
10th Battalion Combat Team.

27
Staff Sergeant Juanito
Magno, the first prisoner of
war to be released, returned
to the Philippines on May 8,
1953.

28
The first batch of released prisoners of war arrived in Manila on August 7, 1953,
after more than two years of captivity.

Pvt. Alipio
Ceciliano, the
first Filipino to
fall in South
Korea

Nakiramay din ang bansa sa mga binawian


ng buhay.

29
Pansamantala silang inilibing sa South Korea;

pero umuwi din sila, sundo ng mga


naghihintay na kamag-anak at kaibigan.

30
31
Pero hindi lang sa pagtulong sa gitna ng
digmaan naramdaman ang impluwensiya ng
Pilipino. Matapos mapirmahan ang
Armistice Agreement—o ceasefire—noong
July 27, 1953, nagpatuloy ang paghulma ng
lipunang Korea kaakibat ang Pilipino.
Malaki ang naitulong natin sa
“reconstruction and rehabilitation
efforts.” Tumulong ang ilang Pilipinong
misyonaryo sa pagtulong sa mga naulila ng
Korean War.

32
picture from the Internet

Ang kasalukuyang US Embassy at Ministry of


Culture, Sports and Tourism ng Korea ay
gawa naman ng mga Pilipino noong 1962. Sila
ang dalawa sa pinakamataas na gusali sa
Korea noong panahong ito.

picture from the Internet

Itinayo din naman noong 1963 sa tulong ng


mga Pilipino ang Jangchung Gymnasium sa
Dongdaemun na nagsilbing pangunahing lugar
sa sports. Dito ginawa ang Judo at
Taekwondo noong 1988 Summer Olympics.

33
picture from the Internet

Nangibabaw ang “Anak” ni Freddie


Aguilar sa mga radyo noong 1970s,
isang awiting nagkaroon pa ng
sariling bersyon sa Korea.

Itinayo ng South Korea ang Philippine


Monument sa Goyang City noong October
1974 bilang pasasalamat sa tulong ng
Pilipinas na mapagtanggol ang kalayaan ng
South Korea.

34
Sa Yeoncheon, kung saan naganap ang
Battle of Yultong, makikita rin ang
dalawang maliliit na monumento.

Itinayo ang mga ito ng South Korea noong


1966 bilang paggunita sa katapangang
pinakita ng mga Pilipino sa gitna ng digmaan.

35
36
Pinaganda na ngayon ng Yeoncheon ang lugar
at pinagsama ang dalawang magkahiwalay na
monumento sa isang altar.

37
Sa Busan naman
makikita ang
Philippine
Marker na
itinayo ng
Philippine
Embassy noong
2009 sa tulong
ng Department
of National
Defense.

38
Dahil isa tayo sa mga nagpadala ng sundalo
sa Korean War, may lugar na inalay sa atin
ang UN at South Korea.

Sa Pilipinas
makikita rin ang
ilang paggunita
sa Korean War:
ang PEFTOK
Memorial sa Fort
Bonifacio; ang
Marikorea
Monument sa
Marikina, kung
saan nag-training
ang mga sundalo
natin bago
ipadala sa Korea;
pictures from the Internet

39
at ang lumang P500 kung saan makikita si
Sen. Ninoy Aquino bilang isang batang
journalist ng Manila Times na nagsulat
tungkol sa Korean War.

May mga isangdaang libong Koreano ngayon


sa Pilipinas. South Korea ang Top 1
pagdating sa dayuhang turista. Isa rin
ang South Korea sa may pinakamalaking
investments sa Pilipinas.

May humigit-kumulang na 50,000 Pilipino


naman ngayon sa South Korea. Bukod sa
tulong sa Pilipinas dahil sa remittances,
malaki rin ang tulong nila sa ekonomiya
ng South Korea. Gusto nga ng maraming
employer na Pilipino ang kasama sa
trabaho dahil ang Pilipino ay
mapagkakatiwalaan at magaling tumupad ng
responsibilidad.

40
41
42
44
Maging mapamaraan,

Makisama,

45
Tumulong sa kapwa,

46
At manampalataya.

47
48
49
50
May mga napagkakatiwalaan sa mahahalagang
tungkulin,

May mga pinarangalan,

51
At may mga napaibig din sa Korean.

Isang komunidad ang mga Pilipino sa South


Korea. Tulad ng nauna sa kanila, patuloy
silang magsisilbi para sa Diyos, sa bayan,
sa kapwa, sa sarili, sa kalikasan.

52
53
54
55
56
57
58
Bayani. Ito ang Pilipino sa South Korea

59
Mga Pilipino sa South Korea
Mula 1950 hanggang ngayon

Ang impormasyon dito ay halaw sa mga sumusunod: The


Fighting Tenth: War Account of the First and Most
Embattled Filipino Unit Ever to Fight on Korean Soil
ni Mariano Manawis; The War in Korea: Heroism and
Gallantry of the First Filipino Combat Troops in a
Foreign Country ni Brig. Gen. Victorino Azada; at
Finding Jose Rizal in South Korea: Reflections by
Filipino Migrants, isang kompilasyon ng mga sanaysay
ng Pilipino sa South Korea, kasama ang akda ni dating
Pangulong Fidel Ramos.

Ang mga karagdagang larawan ay mula sa rekord ng


Philippine Embassy o pinili mula sa Photography
Contest na ginawa ng Philippine Embassy noong July-
August 2010.

Huling update: February 2011

60

You might also like