Ordinance No 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

CITY OF MANILA
BARANGAY 123—ZONE 9
District I, Manila

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BARANGAY

ORDINANCE NO. 001

IMPLEMENTASYONG IPATUTUPAD SA BARANGAY 123

1. Bawal gumala o lumabas ng bahay ang lahat ng kabataang edad 18 pababa mula
alas 10 ng gabi hanggang alas-5 ng medaling araw. Ang sinumang mahuhuling
kabataan ay may kaukulang parusa:
a. Unang Paglabag- Pagbibigay sa bata ng babala at sa magulang nito ukol sa
pagkakahuli at paglabag sa ordinansa.
b. Ikalawang Paglabag – Pagbibigay parusa sa kabataan sa pamamagitan ng
pagtulong sa barangay (Community Service). Magkakaroon siya ng
ikalawang babala ukol dito.
c. Ikatlong Paglabag – Pagbibigay ng kaso o karampatang parusa sa kabataan
na naaayon sa batas. Ayon sa City Ordinance 8046 ang sinumang lumabag
sa batas ay maaaring makulong ng 6-10 araw at multang P2000.00.
2. Bawal ang kabataan sa anumang uri ng sugal lalo na sa kalsadang nasasakupan ng
barangay na nakakasagabal at nakakaperwisyo sa tao. Kaugnay nito, bawal ang
mga menor-de-edad sa mga computer shops, video games at iba pang palaro na
nakakaperwisyo sa gabi.
3. Bawal uminom sa kalye ng walang permit sa barangay at walang okasyon.
Hanggang alas-dose lang ang ibibigay na pahintulot ng barangay sa lahat ng
mayroong permit. Kapag lumagpas na sa nasabing oras maaaring sa loob ng
bahay na lang mag-inuman.
4. Bawal ang nakahubad o walang suot na damit sa labas ng kalye.
5. Bawal ang magtapon ng basura sa kalye at sa kahabaan ng R-10 Marcos Highway.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CITY OF MANILA
BARANGAY 123—ZONE 9
District I, Manila

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BARANGAY

6. Bawal ang “DOUBLE PARKING” sa mga kalsada ng R-10, Moriones, Masinop at


Concha St. na sakop ng Barangay 123.
7. Ang lahat ng tindahan at mga establisiyementong nasasakupan ng barangay ay
nararapat na kumuha ng BARANGAY BUSINESS PERMIT.

Ang ordinansang ito ay nilagdaan at inaaprubahan ng Sangguniang Barangay sa


ika- 12 ng Mayo, 2011 sa Barangay Hall.

ELENA M. ARGA
Punong Barangay

RICARDO A. CARAVANA JR. JOSE T. BARLAM


Kagawad Kagawad

MARIANO HUBAHIB JR. MARCIANO AGRAVA


Kagawad Kagawad

MARLON C. BANAL MARCELINA D. QUIJANO


Kagawad Ingat Yaman

OLIVIA GALANG LOVELY LUGOD


Kagawad Punong SK

Attested by: Witnessed by :

ALEXIS MARIE P. HERIDA JOSEFINA PIOQUID LYDIA BRONIOLA


Barangay Secretary Lupon, President Lupon, Secretary

You might also like