Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAY 2, 2011

DATE
NR # 2392C

REF. NO.

Pagtatapos ng kahirapan sa taong 2024, posible -- Belmonte

Isa si Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa mga nangungunang mambabatas na nakikipag-ugnayan


sa iba’t ibang partido sa Kamara upang isulong ang panukalang “Filipino Volunteerism in National
Building (VNB) Act of 2010,” na mag-aahon sa bansa mula sa labis na kahirapan sa taong 2024.

Ayon kay Belmonte, sa ilalim ng panukalang House Bill 4374 na isinusulong ng mga makabayang
mambabatas, “hindi madali ang hangaring ito, subali’t magagawa nating mapaunlad ang bawa’t
mamamayang Pilipino at maging tagapagtaguyod ng ating bansa.”

Ang hamon ay tugon sa “napakataas na antas ng kahirapan na umaabot sa 26 por syento,


katumbas ng 34 por syento ng populasyon na walang trabaho, at pambansang utang na umabot sa Php
325-bilyon sa pagtatapos ng taong 2010,” na may negatibong epekto sa anumang programang
kasalukuyang ipinatutupad upang maiangat ang antas ng pamumuhay.

Layunin ng HB 4374 na hikayatin ang pribadong sektor na “tulungan at suportahan ang


pamahalaan, imbes na tumuligsa, upang maibalik ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-uganayan at pakikipagtulungan ng pribadong sektor, at ang
pagsasaisantabi ng usaping pulitika, relihiyon, ideolohiya at paniniwala, at kumpitensya sa negosyo.”

Nakatakda ng balangkasin ng Committee on People’s Participation, na pinamumunuan ni Rep.


(Dr.) Benjamin Asilo ang unang pagdinig hinggil sa usapin sa ika-11 ng Mayo, dalawang araw matapos
ang muling pagbabalik ng regular na sesyon ng Kamara.

Ginagarantiya ng Saligang Batas at ng Local Government Code ang mahalagang tungkulin ng


sambayanan, mga non-government organization, volunteer groups at people’s organizations ang paggamit
ng limitadong likas-yaman sa paklikibaka laban sa kahirapan at iba pang suliraning panglipunan.

Inihalimbawa ni Belmonte na sa Pilipinas ay ipinatutupad ang programang Gawad Kalinga o GK


na naglalayong “paigtingin ang socio-economic-political frontiers sa pamamagitan ng kakaibang sistema
na tinawag na “Social Engineering”, kahalintulad ng tradisyong Pinoy na bayanihan o pagboboluntaryo
na may kasamang kalinga, na maiuugat natin mula sa ating mga ninuno.

Ang GK ay isa na ngayong Asian “Model of Development”, at naging sanhi ng “converging point
for multi-sectoral partnerships” at “Template for Good Governance” dahil sa pagtataguyod ng mga
komunidad sa pamamagitan ng proyektong pabahay at imprastraktura, pangangalaga sa kalusugan ng
mga kabataan at nagdadalang-tao, edukasyon ng mga kabataan, samu’t-saring kabuhayan at pamuhunan,
sapat na pagkain, pantay na karapatan ng kasarian at kapangyarihan ng kababaihan, pagsusulong ng
kapayapaan, kultura, turismong pangkalikasan at pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.

“Ang lahat ng ito ay alinsunod sa walong puntos ng Millennium Development Goals (MDGs) na
kasamang itinataguyod ng bansa batay sa nilagdaang United Nations Millennium Declaration ng mga
nagkakasundong bansa, at naghahangad na maisasakatuparan sa taong 2015,” ani Belmonte.

Kasama ng Speaker sa nagtataguyod ng HB 4374 sina Reps. Freddie Tinga, Neptali Gonzales, II,
Rufus Rodriguez, Rodollfo Valencia, Juan Edgardo Angara, Hermilando Mandanas, Deputy Speakers
Raul Daza Jesus Crispin Remulla and Ma. Isabel Climaco, Minority Leader Edcel Lagman, Reps., Lucy
Torres-Gomez, Winston Castelo, Henedina Abad, Amado Bagatsing, Jorge John Banal, Jr., Bernadette
Herrera-Dy at Fatima Aliah Dimaporo. ### jm

You might also like