Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kulang Na Kulang Ba – Repablikan Song and Lyrics Code

(verse 1):

Nung minahal kita alam mo kung gaano to kawagas

nang magtanong mga dasal ngunit pano to nagwakas

bigla na lang di nagpakita saan ka ba nagpunta?

may nagsabi sakin sa cebu ay nandoon ka

bakit hindi ka nagpaalam?

ano ba ang aking nagawat biglang iniwan

ang akiy pusong nagdurugo dahil sayo

hindi ko malaman kung bakit nagkaganito

inibig kita ng tapat ang lahat naman ay ginawa

ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit ba bigla ka na lang nawala

biglang pumatak sa pag iyak ang aking luha

na hindi na matiyak kung makukuha ko pa bang makapangiti

sabihin mo kulang pa ba ang mga sandali

ikay kasama habang kayakap sa magdamag

ngayon iniwan mo akong nag iisa

chorus:

Kulang na kulang ba

hindi pa ba sapat inubos kong lahat panahon ko sayo

anong gagawin di mo pinapansin hetong damdamin

aking paglalambing

(verse 2):
Salubong na naman ang kilay mo ano ba na naman nagawa ko

lahat naman ng pinangako ko sayo ay nagawa ko

dahil ayoko na magalit ka at akoy bitawan

ng mga salita na masakit pagkatapos babasagan

pakinggan mo naman sasabihin ko wag mo kong sabayan

kung ganyan ka ng ganyan sakin pano ko sisimulan

pano mo maiintindihan kung palagi ka nalang mainit

minura mo na at nakapanakit tapos sasabayan pa ng lait

oo may kulang ako hindi ba pwede ka magpasensya

sa ginagawa mo saking hindi ka pa ba nakonsensya

puro pasa na ang inabot ko siguro mga trenta

pano ako makakapalag kung may nakatutok na lanseta

grabe ka.. mahal ba talaga ang turing mo sakin

bat pag nagagalit ka muka ko gusto mong wasakin

kung alam ko lang ang buhay ko sayoy parang sinumpa

edi sana nag aral na ako ng boxing noon pa

(repeat chorus)

(last verse):

Bakit ba hanggang ngayon ay nasa isip pa kita

kahit na ikaw mahal ay di ko na nakikita

nang magising ako na wala ka na sa ‘king tabi

halos di na ko makatulog tuwing sasapit ang gabi

tila wala na kong silbi nang simula kang mawala


wala na rin akong pangarap at palaging tulala

at ngumiti man ako’y laging may kahalong pighati

ano ba aking kasalanan bakit ba ’ko nasawi

sa pag-ibig na inakala ko magiging maligaya

pagsasama natin ngunit mahal bakit nawala ka

sa piling ko at ang puso ko ay iyong sinugatan

iniwan mo man ako ay di ka makalimutan

di ko na rin magawa na magmahal pa ng iba

dahil sa puso ko sinta ikaw lamang nagiisa

ikaw ang una at huli yan ang aking pinangako

at kahit kailanman pag-ibig ko’y di maglalaho

coda:

Ginagawa ko naman ang lahat

upang malaman mong ako’y tapat

tunay bang karapat-dapat sa isa’t isa

ngunit bakit ba ngayon ika’y ibang-iba..

umaasa

kahit ang puso’y nagdurusa

tila ba ang mundo ko’y puro parusa

ngayon nag-iisa walang kasama

at ang mga pangako mo ngayon ay nasaan na

Di na mabilang ang mga luha na ipinatak sa lupa

at ang pag-ibig na inaasam ay hindi ko na makuha


ngunit bakit ganito na lang ang pag-ibig ko sayo

ginagawa ko naman ang lahat ngunit ako’y niloko mo

nasan na ba ang mga salita na noon ay tayo pa

tunay bang tinalikuran mo na ang pag-ibig sa iyo sinta

walang iba..

alam mo namang ika’y mahal

akala ko pa naman na tayong dalawa ay magtatagal

(repeat chorus 2x)

Listen to Songs: http://videokeman.com/repablikan/kulang-na-kulang-ba-


repablikan/#ixzz1IS3YLmrw

You might also like