FilibusterismoDeciphered - Kab14 - Sa Bahay NG Mga Estudyante

You might also like

Download as docx or pdf
Download as docx or pdf
You are on page 1of 16

Uncorrected Proof:

Kabanata 14
Ang Bahay Ng Mga Estudyante

 
            Napakahalagang bumisita sa bahay na tinitirahan ni Makaraig.
           
Malaki, maluwang, may dalawang patong na entresuwelo na may
magagarang salang bakal, na wari’y isang paaralan sa maagang oras ng
umaga at nagiging magulong lugar mula sa ikasampu.  Sa mga oras ng
paglilibang ng mga estudyante, mula sa pagpasok sa maluwang na
silong hanggang sa itaas ng kabahayan ay walang tigil ang tawanan, ang
kaguluhan at ang galawan.  May mga binatang nakadamit-pambahay na
naglalaro ng sipa, nangagsasanay sa pagpapalakas sa pamamagitan ng
mga trapesyong gawa lamang nila; sa hagdanan ay naglalabanan ang
walo o siyam, na ang mga sandata ay mga tungkod, mga sibat, mga
kalawit at silo, nguni’t ang mga sumasalakay at sinasalakay ay
karaniwan nang hindi nagkakasakitan; ang mga palo ay tumatama sa
likod ng Insik na nagbibili ng kanyang tindang mga kakanin at
nakasisirang kalamay,1 sa tabi ng hagdan.  Nakapalibotsa kaniya ang
maraming bata, binabatak ang kanyang buhok na kalag na’t gusot,
inaagawan siya ng isang kalamay, tinatawaran ang halaga, at ginagawan
ng isang libong biro.  Ang Insik ay nagsisisigaw, nagtutungayaw sa
tulong ng lahat ng wikang kanyang alam, pati ng kanyang sariling wika,
mag-iiyak-iyakan, tatawa, sasamo, isasaya ang mukha kung walang
mangyari sa kanya sa masama, o pabalik.

            “A, muasama yan!  Bo kosiesia.  Hienne kilistiano.  Kayo


limonyo, salamahe, tusu tusu.”
          
  Piph, pah!  Walang kailangan!  Ililingong nakangiti ang mukha;
kung sa kanyang likod lamang tumatama ang mga palo ay patuloy na
hindi nagagambala sa kanyang pangangalakal, sumisigaw na lamang
ng:  No hugalo e?  No hugalo (huwag kayong magbiro)!2  Nguni’t pag
tumama sa bilao ng kanyang mga kakanin ay saka susumpang hindi
na babalik, pupulas sa kanyang bibig ang lahat ng tungayaw at

1
MGA PALIWANAG

Indigestible
2
Nailarawan sa maikling pananalita ang kabuuang reaksiyon ng mga
mangangalakal na Tsino noon sa Pilipinas. Ang kanilang tunay na interes ay
ang kanilang kapakanang pangkabuhayan.
pagmumurang mahahaka;3 ang mga bata’y nagsusumidhi upang siya’y
galitin at pag nakitang naubos na ang masasabi ng Insik at sila naman
ay busog na sa hopya at buto ng pakwan, ay saka lamang siya
babayaran nang walang kadaya-daya, at ang Insik ay aalis na masaya,
tumatawa, kumikindat at tinatanggap na wari’y himas ang mahihinang
palo na ibinibigay ng mga mag-aaral bilang pinaka-paalam.
           
“Huaya, homia!!”
          
  Ang mga konsiyerto ng piyano at biyolin, at ng akordion ay
nakikisaliw sa tunog ng paluan ng baston ng mga nag-aaral ng eskrima.
Sa paligid ng isang malapad at mahabang lamesa ay sumusulat ang mga
nag-aaral sa Ateneo, ginagawa ang kanilang  mga sulating ihaharap,
niyayari ang kanilang mga proyekto katabi ng mga ibang sumusulat sa
mga papel na kulay-rosas at may palamuting ukit na batbat ng mga
guhit sa kani-kanilang mga iniibig; ang isa’y gumagawa ng melodrama
sa tabi ng isang nag-aaral na tumutugtog ng plauta, kaya’t ang mga
tula’y nalapatan na ng tugtog sa simula pa lamang.  Sa dako pa roon,
ang may nakakatandang estudyante, na mga sutlang medyas at
burdadong tsinelas ang suot, ay naglilibang sa panunukso sa mga
batang pinipitik sa tainga na namumula na tuloy dahil sa kapipingot;
dalawa o tatlo ang humahawak sa isang maliit na estudyante na
sumisigaw, umiiyak at ipinagtatanggol, sa pamamagitan ng
paninipa, ang tali ng kanyang salawal; ibig lamang na iwan siyang
kagaya noong sumipot sa liwanag… pumapalag at umiiyak.  Sa isang
silid, nakapalibot sa isang mesa velador, ang apat na nagrerebesino sa
gitna ng tawanan at biruang ikinayayamot ng isang kunwari’y nag-aaral
ng lisyon, nguni’t ang totoo, ay nag-aantay lamang na makahalili at siya
naman ang makasugal.  Ang isa’y dumating na wari’y nagugulumihanan
sa gayon, gulilat at lumapit sa mesa.

            “Napakamabisyo kayo!  Kaaga-aga ay sugal na!  Tingnan ko,


tingnan ko!  Tanga!  Ihatak mo ang tatlong espada!”

            At itinupi ang kanyang aklat at nakilaro naman.

            Nadinig ang sigawan, kumalabog ang hampasan.  Ang dalawang


bata ang nag-away sa kalapit na silid:  isang estudyante na pilay na
pikon at isang kaawa-awang kagagaling pa lamang sa probinsiya.  Ito, na
nagsisimula pa lamang sa pag-aaral, ay inosenteng binasa ng malakas

3
Ang pagtutol ng mga Tsino sa pamahalaang kolonyal ay kapag nanganganib
ang kanilang interes pangkabuhayan.
pilosopiya at, walang balak ay napasama ang diin sa pagbigkas ng mga
banggit na: “Cogito, ergo sum!4

            Inari ng pilay na siya ay iniinsulto, ang ibang kasama’y umawat,


nguni’t ang katunayan ay nag-uulot pa nga, kaya’t sa huli’y
nangagpanuntukan.
            Sa lugar ng kainan, isang binatang may isang latang sardinas,
isang boteng alak at ang mga baong dala na galing sa kanyang bayan ay
namimilit na siya’y saluhan sa pagkain ng kanyang mga kaibigan,
samantalang ang mga kaibigan naman ay nagtutumigas sa pag-ayaw. 
Ang iba’y nangaliligo sa azotea at pinagsasanayan ang tubig sa balon sa
pagbubumbero, nangaglalaban ng sabuyan sa gitna ng katuwaan ng
mga nanonood.

            Nguni’t ang ingay at kaguluhan ay dahan-dahang natigil,


samantalang dumarating ang ilang mga natatanging estudyante, na
ipinatawag ni Makaraig upang mag-ulat sa progreso ng akademya ng
wikang Kastila.  Si Isagani ay sinalubong ng buong giliw, na gaya rin ng
taga-Espanyang si Sandoval,5 na kawaning dumating sa Maynila at
tinatapos ang kanyang pag-aaral, na kaisang lubos sa mga hangarin ng
mga nag-aaral na Pilipino. 6  Ang balakid na inilalagay ng pulitika sa
mga lahi ay nawawala sa mga paaralan na wari’y natutunaw sa init
ng karunungan at kabataan.7
4
Ang binabasa ng bagong dating na mag-aaral ay ang Sinulat ni Descartes na
ang saligang pananaw ay Cogito, ergo sum (Ako’y nag-iisip, samakatwid, ako’y
buhay). Subalit ang basa niya sa cogito ay cojito na ang ibig sabihin ay pilay.
5

Sandoval - Spanish: habitational name from any of the places named


Sandoval, in particular the one in Burgos, also those in Murcia and Málaga,
earlier called Sannoval, from Latin saltus ‘grove’, ‘wood’ + novalis ‘newly cleared
land’. http://www.ancestry.com/facts/Sandoval-name-meaning.ashx
Mula sa paggamit na ito ay pinalilitaw ni Rizal na si Sandoval ay isang puno na
naitanim sa bagong hawan na lupa.
6
Naging mapagbigay si Rizal ng pagkilala sa mga Espanyol na mayroong
hangarin sa pagpapabuti ng kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa
kaniyang kapanahunan.
7
Ang bahaging ito ng pananalita sa Kabanata ay may pagkakatulad sa
pananaw ni Rizal mula sa kaniyang tula na Por la Education recibe lustre la
patria

Wise education, vital breath


Inspires an enchanting virtue;
She puts the Country in the lofty seat
Of endless glory, of dazzling glow,
And just as the gentle aura's puff
Do brighten the perfumed flower's hue:
            Sa kawalan ng mga liceum at sentrong pang-siyensiya, sa
panitikan at pulitika ay sinasamantala ni Sandoval ang lahat ng
pagtitipon upang gamitin ang kanyang kakayahan sa pagtatalumpati, ,
pakikipagtalo sa kahit na anong paksa, at natatamo niyang siya’y
palakpakan ng kanyang mga kaibigan at mga nakikinig.  Nang mga
sandaling yaon, ang paksa ng salitaan ay ang pagtuturo ng wikang
Kastila.

            Sa dahilang si Makaraig ay hindi pa dumarating, ang mga haka-


haka ay siyang idinaraos.

            Ano kaya ang nangyari?  Ano ang ipinasya ng Heneral? 

Ipinagkait ang pahintulot?  Nagtagumpay si Padre Irene? 


Nagtagumpay si Padre Sibyla?8
           
Ito ang tanung-tanungan ng isa’t isa, mga tanong na ang tanging
makasasagot ay si Makaraig.

            Sa mga binatang nagkakalipon ay may mga may palagay na loob


na tulad ni Isagani at ni Sandoval na nakikini-kinita nang yari ang
bagay, at pinag-uusapan na ang pagkalugod at pagpupuri sa
pamahalaan, ang tungkol sa pag-ibig ng mga nag-aaral sa tinubuan, 9
mga mabuting bunga nag-udyok kay Juanito Pelaez upang kanyahin
ang malaking bahagi ng karangalan sa pagtatatag ng kapisanan.  Ang
lahat ng ito’y sinasagot ng pesismistikong si Pecson, isang mabilog na
binata na kung tumawa’y katulad ng bungo, sa pagsasalita tungkol sa
mga sulsol na makapangyayari, na ang Obispo A, si Padre B, ang
Provincial C ay pinagtanungan o hindi 10 at ang ipinayo o hindi ay ang
ipasok sa bilangguan ang lahat ng nasa kapisanan, balitang nagdudulot
nang di ikapalagay ni Juanito Pelaez, na nauutal naman sa pagsasabing:

So education with a wise, guiding hand,


A benefactress, exalts the human band..
8

Balik-aralan natin ang paninindigan ng dalawang dominicano si Padre sybila


ay tutol at si Padre Irene naman ang kakampi ng mga estudyanteng Pilipino.
9

Si Isagani at si Sandoval – ang larawan ng batang papanaw ni Rizal sa


posibilidad ng pagtutulungan ng mga liberal na Espanyol para sa pagsulong ng
adhikain ng mga Pilipino.
10

Makikita na ang mga matataas na pinuno ng simbahan ay tutol sa mungkahi


ng mga estudyante.
“Aba, huwag ninyo akong isali diyan…!”11

            Si Sandoval, dahil sa kanyang pagka-Kastila at liberal ay nag-


iinit.12

“Nguni’t p…!” anya, “ang ganyan ay isang paghihinala ng masama


laban sa Heneral!  Alam ko ngang napaka-makaprayle, nguni’t sa mga
ganyang bagay ay hindi napasusulsol sa mga prayle !  Maaring bang
sabihin sa akin, Pecson, kung ano ang katunayan ninyo sa
pagsasabing walang sariling pasya ang Heneral?”13

            “Hindi iyan ang sinasabi ko, Sandoval,” ang sagot ni Pecson na
sa pagtawa’y ipinatatanaw halos ang kanyang huling bagang,14 “sa
ganang akin, ang Heneral ay may sariling kapasyahan, alalaon baga’y
ang kapasyahan sa lahat ng nasa abot ng kanyang kamay… Ito’y
lubhang maliwanag!”

            “At sulong pa rin!  Nguni’t turan ninyo sa akin ang isang
pangyayari,” ang sigaw ni Sandoval, “iwasan natin ang mga pagtatalong
walang katuturan, ang mga salitang walang kabuluhan, at tumungo tayo
sa mga pangyayari,” ang dugtong na sinabayan ng makiyas na kilos ang
pagsasalita.  “Mga pangyayari, mga ginoo, mga pangyayari; ang hindi
gayon ay mga palagay di ko ibig tawaging pilibustero.”

            Si Pecson ay tumawa at sinabat siyang:

“Lumabas na ang pilibusterismo!  Nguni’t hindi na ba


mangyayaring makapangatwiran nang hindi sasapit sa masasamang
bintang?”15

11
Talagang oportunista – sasakay kung may pakinabang at aalis kung may
kasakunaan.
12
Pansinin na ang ginamit na tagapagsalita ni Rizal ng kaniyang kaisipan ay
isang tauhang Espanyol.
13
Ito ang isa sa malupit na isitilo ni Rizal sa pag-atake, dinadaan niya sa
tanong. Kaya kung ikaw ay may kinaiinisang tao dahilan sa kabobohan –
huwag mong sasabihin Tanga siya, itanong mo ay “Tanga ka ba?”
14

Ito pala ang dahilan kung bakit sinabing si Pecson kapag tumawa ay parang
bungo – isipin mo ang isang tao na bilog sa katabaan ang mukha at kung
tumawa at tanaw mo hanggang bagang.
15

Ito ang pangit na mukha ng lipunang Pilipino – ang mangatwiran ay


mapagbintangan.
            Si Sandoval ay tumutol at humingi ng mga pangyayaring tunay
sa pamamagitan ng isang munting talumpati.

            “Hindi pa nalalaunang dito’y nagkaroon ng usapin ang ilang


taong-bayan at ilang prayle, at pinasyahan ng pansamantalang Heneral,
na, ang humatol ay ang Provincial ng mga paring kausap,” ang sagot ni
Pecson.16
           
At muling nagtawa na wari’y walang kabuluhan ang pinag-
uusapan.  Tumukoy ng  mga pangalan, araw at nangakong magdadala
ng mga kasulatang magpapatunay ng paraang ginamit sa pagkakapit ng
katwiran.

            “Nguni’t saan mananangan, sabihin ninyo sa akin, saan


mananangan upang huwag pahintulutan ang maliwanag na maliwanag
na ikabubuti at kailangan?” ang tanong ni Sandoval.

            Ikinibit ni Pecson ang kanyang balikat.

            “Na mapapanganib ang tibay ng tinubuang lupa…” ang tugon na


ang pagsasalita’y kagaya ng isang abugado na bumabasa ng isang
alegato.17
16
Ang binbanggit na Pansamantalang Kapitan Heneral ng Pilipinas sa bahaging
ito ay si Antonio Molto na namahala noong 1888. Sa kaniyang panahon ay
nagkaroon ng petisyon ang 810 prominenteng Pilipino upang palayasin ang
prayle at maging ng arsobispo, pinanukala rin ng mga ito ang sekularisasyon
ng mga parokya, at ang pagkumpiska ng kolonyal na estado sa mga malalawak
na lupain na pag-aari ng mga orden relihiyoso.

17
4 July 1888
 Mr. José Rizal
 My very esteemed Friend,
The Philippines is going through a crisis.  According to what my
friends tell me, they are making an effort to give news of robbery, hold-ups,
and assaults which the newspapers are stressing, especially La Oceanía,
which hardly carries any other thing daily.  All this is to be able to declare
Manila and other provinces in a stage of siege for the purpose of driving
away reputable residents and enlightened citizens.  They send me a copy of
the communication that Acting General Moltó sent to the provincial
governors, immediately after Terrero had life, which is as follows:
“The religious orders are constituted under the protection of the
laws, of tradition, and of national sentiment.  It is the duty of my office to
guarantee their rights so that their mystic character may be respected and
their high prestige may be maintained so long as their rights are confined to
their own sphere, in the atmosphere of concord and evangelical peace with
which priesthood surrounds them.
The General Government is inspired by this criterion.  Without
concealing from you the fact that for sometime now the respect and
            “Iyan ang malaking bagay!  Ano mayroon sa integridad ng
tinubuang lupa ang mga kaparanan sa mabuting pagsasalita?”

            “May mga doktor ang Santa Madre Iglesia… Ano ang malay ko? 
Marahil ay natatakot mabatid namin ang mga batas at aming
masunod…18 Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas sa araw na ang isa’t
isa sa amin ay magkaantiluhan?”

            Hindi naibigan ni Sandoval ang ayos na sagutan at pagbibiro sa


kanilang pag-uusap.  Sa paraang iyon ay hindi maaaring sumipot ang
isang talumpating may kaunting kabuluhan.

            “Huwag ninyong idaan sa biro,” ang sabi, “ang pinag-uusapan ay


mahalaga.”

            “Diyos ko, iligtas mo ako, sa pagbibiro kung saan


nakapagitna ang mga prayle!”19
veneration that the natives owe their parish priest have weakened, I advise
Your Lordship through the means at your command and by the methods
you deem convenient, as by means of persuasion, or admonition, in the
province under your command, to endeavor to raise the prestige of the
clergy to the height that it always occupied in this Archipelago, not only for
the august mission that its sacred ministry represents but that it would be
impolitic any way to impair the prerogatives of an element that symbolizes
so many glories (!) and through whose Christian (!!) endeavors the peoples
submitted willingly that the sword of our conquerors subjected by force.
I leave to Your Lordship’s clear judgment, recognized zeal, and
patriotism the enforcement of my instructions in the form and manner that
will not give the clergy a motive to go beyond the limit in matters alien to
their ministry that Your Lordship with your customary energy would know
how to repress.  This Superior Government wishes at the present time to
identify itself with the design of the Government of Her Majesty whose
policy, frankly liberal, ample, and progressive but adapted to places and
circumstances, is always of attraction, assimilation, and concord.  Please
advise me in the shortest possible time of the receipt of this present
communication.

M. Ponce
 

18
Natatakot ang mga taong simbahan na matuto ang lahat ng mga Pilipino ng
iisang wikang Espanyol, kung saan ang mga batas ay nakasulat. Ang dahilan
nito, ang mga batas ay hindi lamang pag-uutos, kundi pati ang pagbibigay ng
mga karapatan sa mga tao. Ang pinakamatandang dokumento na nagbubunyag
ng 1821 Indio Agraviado.
19
Isang panunudyo ni Rizal na ingatan siya ng Diyos sa ginagawa niyang
pagbibiro sa mga prayle.
            “Nguni’t saan mananangan…?”

            “Sa dahilang sa gabi ang pag-aaral,” ang patuloy ni Pecson na


gayon din ang ayos, na waring ang pinag-uusapan ay kilala na’t alam,
“ay mangyayaring banggitin na pinakasagabal ang imoralidad, gaya ng
sa paaralan sa Malolos…”20

            “Isa pa!  Hindi ba sa ilalim din ng balabal na  madilim ng gabi
idinadaos ang Academia de Dibujo21 at ang mga nobenaryo at mga
prusisyon?”22

            “Makakasira sa karangalan ng unibersidad,” ang patuloy ng


mataba na hindi pinuna ang paalaala.23

            “Lumalabag!  Ang unibersidad ay yumuko sa pangangailangan


ng mga estudyante.  Kung hindi ganoon ay ano kung gayon ang
unibersidad?  Isa ba itong institusyon na laban sa ikatututo?24 
Nagkakasama baga ang ilang katao na nagtataglay ng katanyagan, sa
siyensiya at pagtuturo upang humadlang sa ang iba na matuto?”25

            “Hindi ba’t ang mga inisyatibo mula sa ibaba ay tinatawag na


diskontento.”26

20
Ang isa sa mga dahilan ng pagtutol ng mga prayle sa pagtatayo ng paaralan
ng mga kadalagahan ng Malolos ay dahilan sa ang panukala ay isang pang-
gabing paaralan (night school) na maaring sa kanilang pananaw ay maaring
maging eskandoloso.
21
Academia de Dibujo y Pintura – Paaralan na nagtuturo ng mga pag-guhit na
nagtuturo ng pagpipinta itinatag noong 8 de Octubro de 1823 na matatagpuan
noon sa kalye Cabildo sa loob ng Intramuros. (Las islas Filipinas en 1882;
estudios históricos, geográficos, estadísticos y descriptivos,
Author: Moya y Jimenez, Francisco Javier de.)

Mga gamit na argument ni Rizal sa pag-ayaw ng mga prayle na magsagawa ng


22

pag-aaral sa gabi.
23
Ang pagkakaroon ng isang akademiya para turuan ng wikang Espanyol ang
mga kabataan ay makakasira sa dangal ng unibersidad, dahilan sa ang
eksistensiya nito ay magpapakita ng kawalang kasapatan ng itinuturo sa
paaralan.
24
Retorikal na katanungan ni Rizal
25
Sa kasaysayan ng pagkakatatag mga matatandang unibersidad ng mundo, ito
ay produkto ng
26
Pasaring sa Pilipinas
            “At mga panukala ang tawag sa nanggagaling sa itaas,” ang
dunggit ng isa, “nariyan ang paaralang Artes y Oficios.”27

            “Dahan-dahan, mga ginoo,” ang sabi ni Sandoval, “hindi ako


makaprayle, kilala ang aking mga malayang pagkukuro, nguni’t ibigay
natin kay Cesar ang kay Cesar!  Ang paaralang iyan ng Artes y Oficios,
na ako ang una-unang magtatanggol, at ang araw na siya’y matayo ay
babatiin kong wari’y unang liwayway na ikagiginhawa ng Kapuluang ito,
ang paaralang iyan ng Artes y Oficios ay mga prayle ang siyang
nangagsumikap…”

            “O ang aso sa sabsaban na kagaya rin nila,” ang dagdag ni


Pecson na pinutol na muli ang talumpati.

            “Nguni’t p…!” ang sabing pagalit ni Sandoval sapagka’t dahil sa


pagputol ay nawala tuloy ang tuwid ng pagsasalaysay, “samantalang
walang masama tayong nalalaman ay huwag tayong mag-akala nang
masama, huwag tayong magkamaling maghinala sa kalayaan at
pagkamasarili ng pamahalaan…”

            At sa pamamagitan ng magagandang pangungusap ay inihanay


ang mga pagpupuri sa pamahalaan at sa balak nito, bagay na hindi
napangahasang hadlangan ni Pecson.

            “Ang pamahalaang Kastila,” ang sabi sa gitna ng ilang bagay, “ay
nagbigay sa inyo ng lahat ng kailangan, walang ipinagkait sa inyo.  Sa
Espanya ay nagkaroon kami ng kapangyarihang alinsunod sa kaibigan
ng iisang tao, at kayo’y nagkaroon ng gayon ding pamahalaan; kinalatan
ng mga prayle ng kanilang kumbento ang aming mga lupain at
kumbento ng mga prayle ang laman ng isang katlong bahagi ng
Maynila;28 sa Espanya ay pinalalakad pa ang bitay, at ang bitay ay
siyang huling kaparusahan dito; kami ay Katoliko at ginawa namin
kayong Katoliko; kami’y naging escolastico at ang escolasticismo ay
siyang nananagumpay sa inyong mga paaralan; sa isang sabi, mga
ginoo, umiiyak kami kung kayo’y umiiyak, nagtitiis kami kung kayo’y
nagtitiis, iisa ang dambana natin, iisa ang ating hukuman, iisang
kaparusahan, at nararapat na ibigay namin sa inyo ang amin ding mga
karapatan at ang amin ding mga katuwaan.”29
27
Ang matandang paaralan sa panahon ng pananakop ng Espanya na
nagtuturo ng mga araling pang-hanapbuhay. Sa panahon ng mga Amerikano
ay itinatag naman nila ang Philippine School of Arts and Trade na ngayon ay
kilala bilang Technological University of the Philippines.
28
Tinnan ang matandang mapa ng Intramuros at makikita na 1/3 ng kabuuan
ng matandang lungsod ng Maynila ay pag-aari ng mga korporasyong relihiyoso.
29
Ginamit ni Rizal si Sandoval upang maging tagapagsalita ng mga liberal na
pangkatin ng mga mamamayan ng Espanya.
            At sa dahilang walang humahadlang sa kanya ay sumigabo nang
sumigabo ang kalooban hanggang sa tinukoy na ang sasapitin ng
Pilipinas.

            “Gaya ng sinabi ko, mga ginoo, ang liwayway ay hindi malayo,
binubuksan ng Espanya ang kasilanganan sa kanyang iniibig na
Pilipinas, at ang mga kapanahunan ay nag-iiba at batid kong ang
ginagawa’y higit kaysa inaakala natin.  Ang pamahalaang iyan, na, ayon
sa inyo ay gumigiwang at walang sariling kalooban, ay nararapat na
ating udyukan sa pagpapakilala ng ating pagtitiwala, ipakita na tayo’y
nag-aantay sa kanya; ipaalaala natin sa ating kilos (kung nakalilimot,
bagay na hindi ko pinaniniwalaang mangyayari) na tayo’y nananalig sa
kanyang magagandang hangad at hindi siya dapat umalinsunod sa
ibang palakad, liban doon sa sadyang katwiran at ikabubuti ng kanyang
mga pinamamahalaan.  Hindi, mga ginoo,” ang patuloy na lalo’t lalo
pang umayos ang pagtatalumpati, “hindi natin dapat tanggapin man
lamang, sa bagay na ito, ang pangyayari, marahil, na nagtanong sa
ibang taong laban sa panukala, sapagka’t ang sapantaha lamang ay
makatitimbang ng pagpapaumanhin sa pangyayari; ang inyong inaasal
hanggang sa ngayon ay matapat, malinis, walang pagmamaliw, walang
agam-agam; humihiling kayo sa kanya ng maliwanag at walang palikaw-
likaw; ang inyong mga pinagbabatayang katwiran ay lubhang karapat-
dapat dinggin; ang inyong layon ay ang awasan ng gawain ang mga guro
sa mga unang taon, at maging madali ang pagkatuto ng daan-daang mga
nag-aaral na pumupuno sa mga klase, na hindi mangyayaring
magampanan ng iisang guro.  Kung hanggang ngayon ay hindi pa
napasisiyahan ang kasulatan ay dahil sa alam kong maraming gawaing
naiimbak; nguni’t inaakala kong ang pag-uusig ay nagtagumpay, na
anga sanhi ng tipan ni Makaraig ay upang ibalita sa atin ang pananalo,
at bukas, ay makikita nating magtatamo ang ating mga pagsusumikap
ng papuri at pagkilala ng bayan; at sino ang makapagsasabi, mga ginoo,
kung hindi ipalagay ng pamahalaan na kayo’y dulutan ng mabuting
condecoracion dahil sa kayo’y karapat-dapat sa papuri ng inyong bayan!”

            Nag-umugong ang masisigabong palakpakan; naniniwala na ang


lahat sa pananalo at ang marami ay sa condecoracion.30


 Ang talumpati ni Sandoval ay halos katulad ng unang bahagi ng talumpati
ni Rizal sa Brindis para kina Luna at Hidalgo
30
Marami rin sa mga estudyante ang mga oportunista, higit nilang
pinahahalagahan ang condecoracion o mga medalyon ng pabuya kaysa sa
interes pangbayan.
            “Dapat makilala, mga ginoo,” ang sabi ni Juanito Pelaez, “na
ako’y isa sa mga unang nagpanukala!”

            Ang di mapaniwalaing si Pecson ay hindi nagagalak.

            “Pag hindi nagkaroon tayo ng condecoracion sa binti!” ang


sabi.31

            Salamat na lamang at hindi nadinig ni Pelaez ang banggit na


iyon dahil sa lakas ng palakpakan.  Nang mahintu-hinto nang kaunti ay
sinabi ni Pecson na:

            “Mabuti, mabuti, mabuting-mabuti, nguni’t isang palagay…


Kung sa lahat ng iyan, ang Heneral ay sumangguni rin, sumangguni at
sumangguni, at pagkatapos ay ipagkait sa atin ang kapahintulutan?”

            Ang palagay ay bumagsak na wari’y tubig na malamig.

            Ang lahat ay napatingin kay Sandoval; ito natitigilan.

            “Kung gayon…” ang sabing paurong-sulong.

            “Kung gayon?”

            “Kung gayon,” ang bulalas ni Sandoval na sumusulak pa ang


dugo dahil sa mga palakpakan at sa isang udyok ng sigabo, “sa dahilang
sa mga kasulatan at sa mga limbag ay ipinahahayag na iniibig niya ang
inyong ikatututo nguni’t pinipigil at ipinagkakait ang gayon, pag sumapit
na ang pagsasawa, kung gayon, mga ginoo, ang inyong mga
pagsusumikap ay hindi nasayang, natuklas ninyo ang hindi natuklas ng
sinuman, na maalis ang maskara at ihagis ang guantes!”32

            “Mabuti, mabuti!” ang masigabong sigawan ng ilan.

            “Purihin si Sandoval!  Mabuti ang tungkol sa paghamon!” ang


dagdag ng iba.

            “Hamunin tayo!” ang sagot ni Pecson na hindi binibigyang-


kabuluhan ang gayon, “at pagkatapos?”

31
Condecoracion sa bukong-bukong – kadena sa bilanggo.
32
Guantes – ang pagbabagsak ng gwantes sa panahong medyebal ay
nangangahulugan ng paghamon.
            Sa gitna ng kanyang pananagumpay ay napatigil si Sandoval,
nguni’t sa katalasang taglay ng kanyang lipi at dahil sa kanyang dugong
mananalumpati ay agad nakabalikwas.

            “Pagkatapos?” ang tanong, “pagkatapos, kung walang Pilipinong


makapangahas tumugon sa hamon ay ako, si Sandoval, sa ngalan ng
Espanya ay sasaluhin ko ang guantes, sapagka’t ang gayong paraan ay
isang pagpapabulaan sa mabuting hangad na kailanma’y tinaglay ng
Espanya sa kanyang mga lalawigan, at sa dahilang sa gayong asal ay
sinasalaula ang katungkulang ipinagkatiwala sa kanya at
nagpapakalabis sa kanyang walang sagkang kapangyarihan, hindi siya
karapat-dapat sa pag-aampon ng Inang-Bayan ni sa pagkupkop ng
sinumang mamamayang Kastila.”33

            Ang kagalakan ng mga nakikinig ay halos naging kahibangan. 


Niyakap ni Isagani si Sandoval, bagay na ginayahan ng iba; nabanggit-
banggit doon ang Inang-Bayan, ang pagkakaisa, ang pagkakapatiran,
ang pagkamatapat; anang mga Pilipino’y kung wala kundi pawang
Sandoval sa Espanya, ang lahat ng tao sa Pilipinas ay magiging Sandoval
na lahat;34 nagniningning ang mga mata ni Sandoval at
mapapaniwalaang kung sa mga sandaling iyo’y hinagisan siya ng sino
man ng isang guantes na tanda ng paghamon ay sumakay sana sa kahit
aling kabayo upang magpakamatay nang dahil sa Pilipinas.  Ang tubig
na malamig lamang ang nagwikang:

            “Mabuti, mabuting-mabuti, Sandoval; ako man ay


makapagwiwika nang ganyan kung ako’y taga-Espanya; nguni’t sa
dahilang hindi gayon, kung ako ang nagsabi ng kalahati man lamang ng
sinabi ninyo, kayo man ay magpapalagay na ako’y pilibustero.”

            Nagsisimula na sana si  Sandoval ng isang talumpating taganas


na pagtutol nang mapigil.

            “Matuwa na tayo, mga kaibigan!  Tagumpay!” ang sigaw ng isang


binatang pumasok at niyakap ang lahat.

            “Matuwa na tayo, mga kaibigan!  Mabuhay ang wikang Kastila!”

33
Iniiumpluwensiyahan ni Rizal ang mga Espanyol na maging mapagmalasakit
sa kapakanan ng Pilipinas, dahilan sa ang kalaban noon ay hindi ang
gobyerno, kundi ang mga dayuhang kaparian ng simbahan.
34
Isang hindi direktang panggaganyak ni Rizal na ang mga Espanyol sa
Pilipinas ang magpakita ng pangangailangan na magkaroon ng mahusay na
pamamalakad ang pamahalaan kolonyal.
            Isang maugong na palakpakan ang sumalubong sa balita; ang
lahat ay nagyayakapan, ang lahat ay maningning ang mata dahil sa
luha.  Si Pecson ang tanging nagtataglay ng kakaibang ngiti.

            Ang dumating na may dala ng mabuting balita ay si Makaraig,35


ang binatang tagapamuno sa kilusan. Ang tinitirahan ng nag-aaral na
ito, sa bahay na iyon, ay dalawang silid na napapalamutihang mabuti
para sa kanyang mag-isa lamang, mayroon siyang alila at kutsero na
mag-aaruga ng kanyang sasakyang arena at sa kanyang mga kabayo. 
Ang tindig niya’y makiyas, ugaling banayad, magara’t mayamang-
mayaman.  Kahit nag-aaral ng pag-aabugado upang magkaroon lamang
ng isang titulo academico ay may kabantugan siya sa pagkamasipag
mag-aral, at kung sa pagsasalita ng alinsunod sa turong paaralan ay
hindi na mahuhuli sa ibang mapaghamon sa pagtatalo sa loob ng
unibersidad.  Hindi rin naman nahuhuli sa mga akala’t bagong mga
pagkasulong; sa tulong ng kanyang salapi’y nagkakaroon siya ng mga
aklat at pamahayagan na hindi mapigil ng previa censura.  Dahil sa mga
taglay na ito, sa kanyang kabantugan sa katapangan, sa kanyang
mapalad na pakikitunggali noong kanyang kabataan, at sa kanyang
maganda’t mabuting ugali, ay hindi dapat pagtakhan na panuntan siya
ng kanyang mga kasama at siyang mahalal upang maisagawa ang
gayong kahirap na balak na pagtuturo ng wikang Kastila.

            Makaraan ang mga unang sigabo ng kagalakan, na sa kabataan


ay nagkaroon kailan man ng kasagwaan dahil sa maganda ang kanyang
malas sa lahat ng bagay, ay siniyasat kung papaano ang nangyari.

            “Kanginang umaga’y nakipagkita ako kay Padre Irene,” ang sabi
ni Makaraig na wari’y palihim.

            “Mabuhay si Padre Irene!” ang sigaw ng isang nagagalak na nag-


aaral.

            “Inihayag sa akin ni Padre Irene,” ang patuloy ni Makaraig, “ang


lahat ng nangyari sa Los Baños.  Tila isang linggo silang nagtatalo,
ipinaglaban at ipinagtanggol niya ang ating usap, nang laban sa lahat,
kay Padre Sibyla, kay Padre Fernandez, kay Padre Salvi, sa Heneral, sa
Segundo Cabo, sa mag-aalahas na si Simoun…”36
Ang pangalang Makaraig ay nangangahulugan na palaging nanalo o palaging
35

nakakaraig sa kaniyang katunggali (tao man o iba pang sirkumastansiya ng


pakikihamok).
36
Ang kuwento ni Padre Irene kay Makaraig ay may halo ng malabis na
kayabangan. Pansinin ang tagal ng sinasabing paglalaban na umabot ng isang
linggo, at paglaban kay Padre Fernandez na sa katotohanan ay siyang nagsalita
sa Los Banos.
            “Ang mag-aalahas na si Simoun!” ang putol ng isa, “nguni’t ano
ang ipinanghihimasok ng hudyong iyan sa mga bagay-bagay ng ating
bayan?  At pinayayaman natin iyan sa pagbili…” 37

            “Tumigil ka nga!” ang sabi ng isa na naiinip sapagka’t ibig


mabatid kaagad kung papaano at tinalo ni Padre Irene ang mga
nakasisindak na kalabang iyon.

            “Mayroon pa manding matataas na kawaning laban sa ating


panukala, ang namamahala sa pangasiwaan, ang gobernador sibil, ang
Insik na si Quiroga…”

            “Ang insik na si Quiroga!  Ang bugaw ng mga…”38

            “Tumigil ka na, tao ka!”

            “Sa kahuli-hulihan,” ang patuloy ni Makaraig, “ay itatago na


sana ang kahilingan at babayaang makatulog doon ng ilang buwan,
nang maalaala ni Padre Irene ang kataas-taasang lupon ng paaralan at
ipinalagay niyang ang kasulatan ay nahulog sa lupong iyon, upang
magbigay ng mungkahing nararapat, yamang ang tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila ang pinag-uusapan…”

            “Nguni’t ang lupong iyan ay malaon nang hindi kumikilos,” ang
tukoy ni Pecson.

            “Iyan din nga ang isinagot kay Padre Irene,” ang patuloy ni
Makaraig, “at sinagot niyang mabuti ngang pagkakataon upang muling
mabuhay, at sinamantala ang pagkakaparoon ni Don Custodio, na isa sa
mga kasangguni, at nagpalagay noon din ng isang lupon, at sa dahilang
kilala ang kasipagan ni Don Custodio ay siyang tinakdaang magpalagay
ng ipapasya, kaya’t ngayo’y nasa kamay niya ang kasulatan.  Ipinangako
ni Don Custodio na lulutasin niya sa loob ng buwang ito.”

            “Mabuhay si Don Custodio!”

            “At kung ang ipasya ni Don Custodio ay laban?” ang tanong ng
di mapag-asang si Pecson.

37
Mapansin na kritikal ang mga estudyante sa mga dayuhang mangangalakal
na nagpapayaman sa dugo at pawis ng mga Pilipino.
38
Tinapos ni Rizal ang pariralang “bugaw ng mga ….” Na ang ibig sabihin ay
nagbebenta o nagbibigay ng mga upahang babae. Malalaman kung sino ang
kaniyang binibigyan ng mga upahang babae sa mga susunod na kabanata.
            Iyan ang hindi nila naalaala dahil sa kahibangan sa akalang
mabuti ang lakad ng usap.  Lahat ay napatingin kay Makaraig upang
mabatid kung ano ang sasabihin.

            “Ang bagay ding iyan ang sinabi ko kay Padre Irene, nguni’t
sinabi sa akin, na kasabay ang kanyang palabirong tawa, na:  ‘Malaki na
ang ating tinamo, nagawa nating ang usap ay makarating sa isang
kapasyahan, mapipilitan ang kalaban na tanggapin ang pakikihamok…’ 
Kung mangyayaring mapakiling natin si Don Custodio, upang sa pag-
alinsunod sa kanyang malayang hilig ay magpasya ng sang-ayon, ay
nanalo na tayo; ang Heneral ay nagpakilala na walang kikilingan.”
           
Si Makaraig ay huminto.

            “At papaano natin maiinpluwensiyahan?” ang tanong ng isang


inip.

            “May sinabi sa aking dalawang paraan si Padre Irene…”

            “Ang insik na si Quiroga!” ang sabi ng isa.

            “Ba!  Hindi pinapansin si Quiroga…”

            “Isang mabuting handog!”

            “Lalo pa, ipinagmamalaki ang na hindi siya puwedeng maging


tiwali.”39

            “Ay, nalalaman ko na!” ang bulalas na tumatawa ni Pecson, “ang


mananayaw na si Pepay.”40

            “A, oo nga!  Ang mananayaw na si Pepay…!” ang sabi ng ilan.

            Ang Pepay na ito’y isang pasikat na dalaga na kilalang matalik


na kaibigan ni  Don Custodio:  sa kanya lumalapit ang mga kontratista,
ang mga empleyado at ang mga intregero kung may nais na tamuhin sa
bantog na konsehal.41  Si Juanito Pelaez na kaibigan din ng mananayaw
ay humahandog na siyang lalakad ng usap; nguni’t si Isagani’y umiling

39
Hindi natanggap ng suhol si Don custodio.

Pansinin na nagmamalinis sa suhol, ngunit ang kahinaan ay babae.


40

41
Nakakalungkot na ang mga babae na kabit ng mga matataas na tao sa
pamahalaan ay nagkakaroon ng inpluwensiya sa likod ng kapangyarihan.
at nagsabing sukat na ang pagkakagamit kay Padre Irene at magiging
kasagwaan ang lapitan si Pepay sa ganitong bagay.

            “Tingnan ang isa pang paraan!”

            Ang isang paraan ay lumapit sa sangguniang legal, si Ginoong


Pasta, na ang sinasabi ay niyuyurukan ni Don Custodio.

            “Ibig ko pa iyan,” ang sabi ni Isagani, “si Ginoong Pasta ay


Pilipino, naging kaklase ng aking amain.  Nguni’t papaano ang gagawin
upang mainpluwensiyahan siya?”

            “Nariyan ang kid,” ang sagot ni Makaraig na tinitigan si Isagani,


“si Ginoong Pasta ay may isang mananayaw, itong… isang
mambuburda…”42

            Iniiling na muli ni Isagani ang kanyang ulo.

            “Huwag kayong maging puritano,” ang sabi sa kanya ni Juanito


Pelaez, “ang layunin ay nagbibigay-matuwid sa mga kaparaanan! 
Kilala ko ang mambuburda, si Matea, na may isang pagawaang
pinapasukan ng maraming dalaga…”43

            “Huwag, mga ginoo,” ang putol ni Isagani, “unahin muna natin
ang mga mahusay na paraan … Paparoon ako sa bahay ni Ginoong
Pasta, at kung wala akong mapala ay saka na ninyo gawin ang ibig
gawin sa mga mananayaw at mga mambuburda.”

            Napahinuhod sila sa palagay at nagkasundong si Isagani ay


makikipag-usap kay Ginoong Pasta, sa araw ding iyon, at sa
kinahapunan ay ipababatid, sa kanyang mga kasama sa unibersidad,
ang kinalabasan ng pakikipag-usap.
 

42
Ang kahinaan rin ni G. Pasta ay babae. Sa tekstong Espanyol ay una
bordadora – sanay sa labas pasok ang babaeng ito.
43
Mararamdaman na si Juanito Pelaez ay mahilig din sa mga babae. Maalala-
ala na siya ay isinama ni Padre Camorra sa adbenturang amoroso.

You might also like