Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Gitnang Uring Fantasya

at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo:


Politikal na Kritisismo ng Kulturang Popular
Gitnang Uring Fantasya
at Materyal na Kahirapan
sa Neoliberalismo:
Politikal na Kritisismo
ng Kulturang Popular

ROLANDO B. TOLENTINO

UST PUBLISHING HOUSE


Manila, Philippines
2010
Introduksiyon

N ang magsimula ako sa pagsusuri at pagteteorya ng


kulturang popular, inakala kong kinakausap ko ang
mga estudyanteng nalugmok, tulad ko, sa mga karanasan ng
kulturang popular. Sa mga konsepto ng etnograpiya, urban
culture, subersiyon, identity formation, walking the city (Michel
de Certeau), post-modernismo, pluralidad ng identidad, multi-
plisidad ng katotohanan, at post-iiiiistrukturalistang pagbasa nag-
karoon ng konseptuwal na balangkas para bigyan-label ang
karanasan. Parang matching type na exam, o anatomy test na
pinagtatagpo ang aktuwal sa konseptuwal. Madalas kong maram-
daman sa klase, halimbawa, hinggil sa post-modernismo—
eklektisismo, pluralidad ng identidad, anti-metanaratibo, at iba
pa—bilang lente ng pagdanas ng kasalukuyan, nagkakaroon
ng empowerment ang estudyante dahil biglang may kidlat ng
epiphany sa kaniyang dinaranas. Na kahit pa guni-guni ko lamang
ito, kay hirap nang batakin ang estudyante lampas sa kaniya
nang ginagawa.

Sa akin din naman nanggaling ang metapora na hindi


naman puwedeng magdala ng maso’t piko sa Megamall para
literal na tibagin ang iistruktura ng kapangyarihan sa pang-araw-
araw. O magprotestang may megaphone, streamer at mob sa
Megamall, maliban na lamang kung unyon ito, at maging gayon,
wala namang lubos na nakapapansin sa kanilang ehersisyo ng

viii
Introduksiyon

sagradong karapatang magwelga, bagkus dini-disperse ng trak


ng militar at tinatanggal ang mga lider ng unyon, at nabubuwag
ni Henry Sy ang unyon. Ang espasyo ay nagpahihintulot lamang
ng subersiyon sa pang-araw-araw: pedestrian malling para
gawing tawiran ang aircon na espasyo ng mall tungo sa sasakyan;
window shopping na nagpaparagdag ng katawang nag-aagawan
sa lamig at hindi naman pala limitless na espasyo ng mall;
subkultural na formasyon, tulad ng estudyanteng nagka-cutting
classes kaya hindi na naka-uniporme, punkista, emo, ska at
iba pa; at subkultural na praktis, tulad ng cruising, sex work,
shoplifting, cellphone snatching, kidnapping at adbuction sa
kalangitan ng konsumerismo. Namulat ang estudyante sa
kalakaran ng malling, kulturang popular at limitadong aktuwal
na protesta, at kuntento na sila sa ganitong kamulatan bilang
self-reflexive gesture sa susunod nilang pagtungo sa langit,
kung sasagi pa itong edukasyonal na kaalaman at kakayahan na
magpabababa ng tama sa kasiyahan ng gitnang uring pagdanas.

Hindi rin miminsan na nagsabi ang mga estudyante ko


sa pelikula sa pagtatapos ng semestre na hindi na sila maka-
papanood ng sine nang lubos sa idioma ng kasiyahan, na ang
kanilang nakuha sa klase ay sumasagka na sa dati ay buong-
buong maligayang pagdanas ng aktibidad. O isang historian na
nagsabi sa kaniyang kolum ukol sa aking papel kay Lino Brocka
na kaniyang napakinggan na bakit hindi na lamang mag-enjoy
sa sine, bakit kailangan pang iangat ang pagsusuri sa lebel ng
di maiintindihang teorya? Sa isang banda, may kapangyarihan
din ang pag-alam sa operasyon ng bagay at karanasan sa pang-
araw-araw bilang orkestrasyon at governmentalidad ng aktuwal
na operasyon ng estado. Sa tuwirang antas, naibabalik ang
pasakit at pighati sa diskurso ng karanasang binubura ng
puwersa ng estado, na ironic dahil naisasalin nang may hawak ng
lehitimong fasismo ang karahasan ng malawakang kahirapan
at korupsiyon nito sa pribilehiyadong idioma ng kasiyahan na
produktibong lumilikha ng “docile subject” na pagkamamamayan

ix
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

o ang pagtanggap na lamang sa pinakamarahas na karanasan,


kahit normalisado ito, bilang exceptional, at ang manaka-
nakang pagdanas ng aktuwal na panlipunang pag-angat, kahit
kontraryo sa tunay na lagay, bilang normal at unibersal.

Sa kabilang banda, ang kaalaman ay kalakarang depoliti-


sisasyon din dahil hindi naiaangkop sa anuman sa labas nito.
Nakapaloob ang kaalaman—pati ang mga hanay ng subersiyon
—sa internal na dekonstruksiyon ng karanasan. Wala pang
konseptuwal na balangkas para pag-ugnayin ang internal at
external na dekonstruksiyon ng karanasan. Lampas sa pag-alam
at pagkadismaya, ano pa ang maaaring maging tuntungan para
tumumbas sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung ang kulturang
popular ay dinaranas sa idioma ng gitnang uring kasiyahan,
at ang pag-alam ay nakapagbabalikwas sa lebel ng imahinaryo
ng gitnang uring fantasya, paano sisimulan ang kontraryong
fantasy-production para sa aktuwal na pagbabalikwas? Kung gaya
ng tinalakay ng kultural na kritikong Neferti Tadiar, na ang
fantasy-production ay ang negosasyon sa aktuwal na kapang-
yarihan ng mga naisantabing mamamayan at sektor, paano
sisimulang aninagin at paunlarin ang pagsasalin ng fantasya
tungo sa politikal na transformasyon? Paano gagawing politikal
ang fantasya?

Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at kultural


na translasyon ng gitnang uring fantasya o ang panuntunan ng
pagkamamamayang nakabatay sa markers at mga muhon ng
gitnang uring buhay. Gaya ng tatalakayin sa “Melankolia at
Gitnang Uri,” ang istrukturang panlipunan ay may 20 porsiyentong
napapabilang sa gitnang uri, gayong 80 porsiyento ay kabilang
sa mahihirap at naghihikahos, at isang porsiyento lamang ang
kumikita ng lampas-lampasan sa 99 porsiyento ng mamamayan.
Ang gitnang uring fantasya ang sityo ng negosasyon sa pagitan
ng 99 porsiyentong manaka-nakang napapagkalooban ng entry
point at akses sa aktuwal na gitnang uring karanasan, at ng


Introduksiyon

isang porsiyentong aktuwal na may hawak ng pang-ekonomiko


at politikal na kapangyarihan. Ang access point ay tradisyonal,
tulad ng edukasyon, espesipiko ang nursing at ICT (information,
communication technology), kahit ang mga bokasyonal na
kursong caregiving, medical transcription at review school ng
oral communication sa Ingles; at di tradisyonal, tulad ng kamag-
anak na OCW (overseas contract worker), pagnanakaw sa
hanay ng lumpen proletaryado, paggamit sa katawan sa enter-
tainment at sex work, at iba pang service sector industries
para kumita.

Ang hinihikayat ng karanasan sa kulturang popular ay


ang pagpapasulyap sa gitnang uring buhay sa hinaharap. Ang
pagpupursigi sa kasalukuyan—sa kondisyon ng matinding
limitasyon sa oportunidad at aktuwal na akses—ay upang maging
di lamang aspirasyon kundi mantra ng kasalukuyang predi-
kamento (na lugmok nga sa kolektibo kahit may kaantasang
pagdanas sa malawakang kahirapan) ng pagpupursigi, at
kung gayon, ang disposisyon ng kasalukuyang buhay bilang
paratihang nagpupursigi, at ang pagtanggap sa disposisyong ito
bilang normal. Ang pag-ambon ng aktuwal na karanasan sa
gitnang uri ay nadadalumat bilang ang normal na kalakaran, at
kung gayon, ang gitnang uring fantasya ang epektibo at
makapangyarihang ethos at etika ng paggagap sa kolektibong
pagdanas sa kasalatan. Pribatisado ito gaya nang matutunghayan
sa libro. Epektibong napainternalisa ng estado—sa serialidad
ng gobyernong kumukupkop sa dayuhang kapital bilang langis
ng bangkarote at mangungurakot na pambansang sistema—ang
kawalang-kapangyarihan ng mamamayang makaranas sa labas
ng gitnang uring fantasya.

Wala itong safety net para sa historikal at mayoryang


naghihikahos. Maging ang aktuwal na gitnang uri ay natali na sa
produksiyon ng pagkakakitaan, ang maksimisasyon ng kaniyang
intelektuwal at panlipunang kapital, maging ang korporeal na

xi
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

kapital, para mamintina ang padaos-daos na pagluwag ng


kaniyang pang-ekonomiyang kalagayan. Hinihikayat ng estado
ang mga negosyo na patagusin ang gitnang uring panun-
tunan pati sa nagdarahop. Nakabibili ng load sa cellphone sa
barya-baryang halaga. Nakabibili ng mga butil ng paminta at
bawang. Lahat ng popular na produktong kosmetiko—sabon,
gel, shampoo, whitener, toner, at iba pa—ay nabibili sa sachet.
Kundi man, nakahuhulagbot ng pampormang damit sa
sampayan ng iba, ng bagong cellphone mula sa naglalakad na
nagkamaling sumagot nito sa mataong lugar, nakapapamakyaw
ng cellphone mula sa mga pasaherong tinutukan sa FX, o
natitirang alahas mula sa naglakas-loob na maglakad at
mamasaheros na may abubot sa katawan. Sa tindi ng soft sell—
na maaari nang ituring na hard sell sa panlipunang kondisyon ng
bansa—ng multimedia advertising sa media conglomorates, pati
ang epektibidad ng niche marketing, araw-araw na nadidiin ang
paggamit ng mga bagay na mula sa luho ay naging pang-araw-
araw na pangangailangan. Paano nga ba tayo nabuhay sa panahong
walang cellphone?

Ang mga kabanata sa libro ay pumapaimbalot sa paksang


materyal na kahirapan at gitnang uring fantasya sa neoliberalismo.
Sa una pa man ay sinasaad na ang pangunahing psychical
disjuncture kung saan ang kondisyon ng posibilidad ng
kapangyarihan ng estado—gobyerno at malalaking negosyo—ay
nakapapaghari. Ang tema ng libro ay ang pag-angat sa politikal
na pagsusuri sa kulturang popular bilang lunsaran ng dalawang
bagay: una, ang pagtukoy sa kondisyong sumisikil sa aktuwal na
materyal na kondisyon, pagwaksi sa pagiging kulang sa materyal
na lagay at marka ng gitnang uring panuntunan, at kung mag-
kagayon, ang pribatisadong paghahabol sa panahon na walang
sistemikong serbisyo publiko at pagtulong na mahihita sa estado,
o ang gitnang uring fantasya bilang otokratikong sistema ng
pag-eetsapuwera sa nakararami nang hindi man lamang nila
mulat na matutukoy ito; at ikalawa, ang politikal sa pagsusuri

xii
Introduksiyon

ng kulturang popular sa orkestrasyon ng estado ng pagkuku-


mahog ng mamamayang naitsa na lamang mula sa barko, para
lumangoy ng sarili nila, habulin ang barko tungo sa ginintuang
sunset, at kung magpakaganito man, ang posibilidad ng
korelatibong pagsusuri at pagkilos batay sa analitikal na
perspektiba ng politikal sa kulturang popular para sa pagmu-
mulat, pagpapakilos at pag-oorganisa ng mamamayan para sa
rebolusyonaryong adhikain.

1. Karaoke Koersiyon: politikal na protesta sa


kulturang popular

Ilang beses kong natagpuan ang aking sarili sa open


forum matapos ang panayam na nandadaot sa pagmamaniobra
ng estadong nagpapahirap sa nakararami kung ano ang maaaring
gawin sa nakadidismayang kondisyon ng bansa. Noong una,
madalas ay wala akong sagot. Para bang hindi pa sapat na
pinagbuhusan ko ng panahon na paglimian ang pagsusuri para
maging matalas ang politikal at kultural na komentaryo.
Binanggit pa ng isang iskolar na guro, hindi papel ng kritiko na
mag-prescribe ng solusyon sa loob ng poder ng estado. May
tendensiyang pumurol ang anumang bagay na nais maging
solusyon, kayang tapatan ng mas nasa loob ng establisyimento
na may valid points ang pagsusuri pero masyadong makitid,
kundi man walang halaga, ang preskripsiyon sa pagbabago. O
maaari ring maging suntok sa buwan, magiging band-aid lamang
dahil paratihang sistemiko ang antas ng kahilingan sa pagbabago.

Sa kalaunan—ngayong mga panahon—ay nag-iisip na rin


ako ng korolaryong metapora at trope ng pagbalikwas sa
teksto-konteksto ng kulturang popular na maaaring umalingawngaw
sa aktuwal na lipunan. Na tulad ng metapora, madulas at hindi
lamang iisa ang tinutumbok, na ang rosas ay hindi lamang
pagsisinta at pag-ibig, pagdurugo rin at katapangan, kahiwagahan
at kaginhawaan. Trope naman ang mga imahen, tulad sa pani-

xiii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

tikan, na maaaring makapagbigay-liwanag at makapagpaliwanag


sa mas malaking kahulugan ng mga bagay at aksyon, na ang
kayamanan sa loob ng baul na itinapon ni Padre Salvi sa El
Filibusterismo, halimbawa, ay ang pagkupkop sa posibilidad ng
rebolusyon, ng pagkahinog ng mamamayang yaman ng bansa
para sa mas mataas na rebolusyonaryong gawain. Na ang pag-
uudlot ng awtor na si Rizal sa rebolusyon ay hindi rin naman
pagpanig sa reformismo kundi ang pagkilala ng mas kahandaan
at preparasyon para sa rebolusyonaryong gawain. For better
or worse, ang mismong buhay ni Rizal bilang exemplar ng
kolonialismong Kastila, at higit pa rito, ang kaniyang kamatayan
sa kamay ng kaayusang nagbigay-posibilidad sa kaniyang
natatanging pagkatao ang naghudyat ng hangganan ng
reformismo, at mala-kahandaan ng mamamayan para sa
rebolusyon. “Mala-” dahil epektibo ring naipasa ang pamunuan
ng rebolusyon mula sa ranggo ng anakpawis tungo sa lokal na
elitista, na kung gayon, ang “mala-”kahandaan para sa sariling
pagsasabansa ay kay daling inudlot ng pasahan ng namumunong
kolonialismo, mula sa Kastila tungo sa mas makapangyarihang
Amerikano.

In retrospect at hindsight ang pagsusuri ng metapora


at trope sa teksto ng kulturang popular. Parang sa film class,
nakapanood na ang mga estudyante bago pa man sila pumasok
sa klase. Alam na nila kung paano manood ng sine kahit
walang formal na nagturo nito. Ang inilalahok na lamang ng
pagsusuri ay ang bokabularyo ng disiplina, maging ang paraan
ng pagbasa—formal at kontekstuwal—sa mga pelikula. Na tulad ng
pag-angat ng “kulturang popular” bilang mala-formal na disiplina
(may mga klase na ukol rito, ginagamit na ang mga paksa para
sa formal na papel, maging sa tesis at disertasyon pero walang
mga departamento ng kulturang popular) at kahit magpaka-
ganito, may interdisiplinaryong paraan ng pagbasa at pagsusuri
sa mga teksto (karanasan) sa kulturang popular. Nagmo-malling
ang mga estudyante; may mga preferensiya sa tugtog na pina-

xiv
Introduksiyon

pakinggan, damit na sinusuot, gupit ng buhok, gimik places,


modelo ng cellphones, at iba pa; ito ang henerasyong pinaka-
babad sa kulturang popular sa global na diin sa mga industriya
ng service sector, tulad ng entertainment, fashion, edukasyon,
kalusugan, turismo, at iba pa. Sobrang babad na hindi na nila
alam ang pagkulubot ng kanilang balat, pagtubo ng fungi at
iba pang blemishes na lumilikha ng di perfektong karanasan, at
ng amnesia sa anumang pasintabi sa pasakit at pighati.

Sa karaoke, etika ng partisipasyon ang paglahok ng lahat.


At least once ay kailangang kumanta dahil hating kapatid
naman ang bayad. Kaya whether-you-like-it-or-not, kakanta ka
kahit wala kang boses, kahit nga sapilitan kahit pa alam naman
ang etikang ito bago pa man pumaloob sa karanasan ng karaoke.
Peer pressure gaya ng pagpili sa karaoke bilang bonding mode
ng barkada o office mates. Peer pressure na nga na pinili itong
lugar, peer pressure pa rin sa loob ng lugar. At ayaw ni Peer na
may nagmamaganda, ayaw kumanta. Maaari lamang magmaganda
sa tampok na aktibidad sa karaoke, ang pagkanta. O kundi man,
hinihikayat ang pagkulot ng mga nota, pagiging song bird na
bine-belt ang lahat ng bahagi ng kanta o parang acoustic music,
the-mellow-touch.

Koersibo ang karaoke kahit walang nakatutok na baril.


Hindi nakapapanghimok ito ng kontraryong pagkilos sa loob ng
kuwarto ng karaoke o sa lounge. Kahalintulad ng pag-alinsunod sa
kalakaran sa karaoke ang substansiya ng politikal na protesta sa
kulturang popular. Hanggang guni-guni lamang ito, at maraming
salamat po, doktor. Walang ibang magagawa kundi sumunod sa
kalakaran. Ang politikal na protesta ay sa antas ng kamalayan
lamang—pagkamulat tungo sa mas malaking konteksto ng
partisipasyon at resepsiyon sa karanasan ng kulturang popular.
At kahit magpakaganito, ang protesta ay hindi lubos na naga-
ganap: wala namang “eksteriorisasyon” ang guni-guni maliban sa
pagkibit-balikat, pag-ismid, paglampas lalo sa tono, at iba pa na

xv
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

maaaring masapantaha bilang guni-guni o hindi. Malay at paki!


Ang nag-aalumpihit ay ang nasa upuan, at sa utak lamang niya
nagaganap ang rali. At tunay na wala ngang natigbak kahit isang
bloke sa kingdom nina Sy, Gokongwei at Ayala.

Nagaganap ang pangkamalayang protesta dahil sa antas


ng edukasyon hinggil sa pagdanas ng kulturang popular. Sa
higit na marami, hindi masisilayan ang pagpula ng silangan
dahil nga walang ibang environment na ipinadadama sa mall
maliban ang sterile na perfektong pananghaliang panahon sa
mala-kahong establisyimentong na nanliligaw ng aktuwal na
panahon sa labas ng mall. At sa kamalayang protesta, di lubos
ang kasiyahan sa resepsiyon sa mall kahit pa ito rin naman ang
sentimiento ng sinumang dumaranas sa kulturang popular.
Parating may sabit para muli’t muling tunghayan ang ideal na
perfeksiyon sa ritualisasyon ng karanasan. May hibla ang sweater
ng karanasan na napapansin pero hindi sapat para hugutin ito
dahil baka ito ang hiblang makapapagdekonstrak sa karanasan.
Kaya nananatiling lantad na hibla kahit nakakubli ito o sapilitang
itinatago. Ano ang hiblang natutunghayan para lamang itago
mo? Ano ang pinaniniwalaan mong hiblang bumubuo ng iyong
panlipunang relasyon sa kasiyahan ng karanasan?

Sa punto ng industriya ng kultura na humuhubog ng


mga produkto at serbisyo ng karanasan, hindi kakatwang ang
lahat ay ibinabagay tungo sa higit pang eksplorasyon ng
kasiyahan ng gitnang uring karanasang makakapanghimok ng
higit pang pagbababad, pagtangkilik at kontraryong kamulatan
(tungo sa pinakabagong produkto at serbisyong mabibili para
madanas ang gitnang uring panuntunan, at ang kamulatan—
literasi sa konsumpsiyon—ay uhay na magpapatindi ng pagna-
nasa sa higit pang konsumpsiyon). Na kahit libre ang malling
ay hindi pa rin nakatatakas sa kakatwang ritwalisasyon ng
konsumpsiyon: nalalaman ang bago para mapasa-konsumer ito
bago maluma. Retrospect din ang pagdanas ng mayorya ng

xvi
Introduksiyon

mamamayan sa konsumerismo at karanasan. Napag-aralan na ng


industriya ng kultura na ang kulay pula ay nakapagpapagutom
kaya ito ang kulay ng mga higanteng fastfood, o sadyang nililito
ang mga disenyo ng mall para makadanas ng pagkaligaw at
nang sa gayon ay mas maraming shops ang mapasadahan at mas
malakas ang pagkakataong mag-impulse buying, na nasa gitnang
seksiyon ng shelf sa groseriya ang pinaka-premium na brands
dahil ito ang unang matutunghayan ng mamimili bago
matunghayan ang ibang mas murang opsyon sa mas di hayag
na bahagi ng shelf. Paano magpoprotesta kung ang bawat
saglit at lunan ng karanasan ay napag-aralan na tungo sa higit
na konsumerismo ng gitnang uring buhay at produkto?

Ang politikal ay higit pang mataas na rekisito ng protesta


—nanghihimok ito ng transformasyon lampas sa sarili ng
indibidwal. Na parang oxymoron ang terminong “politikal na
protesta sa kulturang popular” dahil paano mo itatransforma
ang isang karanasan na ang ahensiya lamang ay sa indibidwal na
antas, at magpakaganito, paano mo naman gagawing radikal
ang isang bagay na pinuntirya ng industriya ng kultura at ng
gobyerno bilang depolitisadong karanasan at pagninilalang—
ang pagdanas ng langit ng kasiyahan ng gitnang uring fantasya?
Na hindi nga maaaring ipolitisa ang kasiyahang ito dahil ito na
ang tripleng negation ng karanasan: una, ang supplanting ng
manaka-naka at panandaling kasiyahan para sa mas malaking
kalakaran ng wika sa pasakit at pighati sa karanasang kahirapan
at elitismo, na ang espasyo ng pagtunghay sa karanasan, tulad
ng mall at sine, ay tunay na relief sa historikal at panlipunang
realidad; ikalawa, ang pagpapalit ng ahensiya ng indibidwal
sa pagdalumat ng karanasan sa estado na tila partnership ang
isinasaad gayong wala namang pakialam ang estado kundi ang
paglikha ng produktibong docile subject sa mamamayan nito;
at ikatlo, ang replacement ng karanasan sa kulturang popular
sa utopia at praxis ng pagrerebolusyon.

xvii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

Na kahit nga magkaroon ng kritikalidad sa karanasan,


ang mismong kolektibidad ng indibidwal na dumaranas nito ay
mayroon nang self-reflexive na postura sa karanasan: inside out
o may kamulatang panlabas sa pagpaloob, at outside in o may
kamulatang panloob sa panlabas. Isang paa ay nasa labas ng
pinto ng pagdanas gayong ang isa ay nananatiling nasa loob.
Sino ang may powers na kayanin ang sukdulang disavowal ng
karanasan? Sa bansa, ang mga katutubo at mamamayan na
lamang na namumuhay sa sekluded na espasyong di pa rin
nababahiran ng karanasan sa modernidad, o ang mga nagre-
rebolusyong di nakapasok sa mantra ng gitnang uring fantasya
ang pagdanas sa kulturang popular. At kung gayon, may
kontraryong kosmopolitanismo na isinasaad ng di pagdanas
sa idioma ng karanasan ng pambansang modernidad.

Ang kontraryong kosmopolitanismo ang nagpapatunghay


sa kontra-produktibong kalidad ng kosmopolitanismo ng
pambansang modernidad. Ang pambansang modernidad ay
nakaangkla sa pagpapadanas ng gitnang uring fantasya bilang
kalakaran para maitago ang perpetwasyon ng kahirapan at
elitismo, kasama ang korupsiyon at siste ng patronahe. Ang
kalidad ng kosmopolitanismo ay tungo sa pagkakaroon ng
kawing sa aktuwal na may hawak ng kapangyarihang politikal at
ekonomiya, at ang pagpapalaganap ng pamamatronahe bilang
kalakarang panlipunan. Ang panlipunang kapital (social capital)
na nagbibigay-diin sa indibidwal na pag-angat sa pamamagitan
ng network ng kakilala ang pangunahing kalakaran para sa
pagnanasang kumalas/tumakas sa kasalukuyang mababang
predikamento. Maghahanap ng patron na makatutulong ang
mayoryang nasa ibaba gayong ang mga idolo at politiko ay
nangangako lamang ng posibilidad ng pag-angat, hindi ng
aktuwal na pag-angat. At nakasasapat na ang pangako para sa
posibilidad para mamintina ang hegemoniya ng kalakarang
kosmopolitanismo.

xviii
Introduksiyon

Ang masamang balita, kung gayon, ay walang kalakarang


politikal na protesta sa kulturang popular. Walang matagumpay
na consumer group sa bansa, walang nagtagumpay na boykot
ng mga produkto at serbisyo ng mapanupil na korporasyong
nagmamay-ari nito. Napatay si Ka Fort, ang lider-unyon sa Nestle,
pero hindi naging malawakan ang panawagan para boykotin
ang mga produkto ng kompanyang nagpapalaganap ng karahasan
sa manggagawa at unyon nito. Nagwelga ang manggagawa ng
ShoeMart (SM) at Kowloon Siopao pero hindi napatumba ng
panawagang boykot ang mga mapanupil na kalakaran ng mga
negosyo. At ito ang napagtagumpayan ng negosyo, ang pagdanas
sa produkto at serbisyo bilang materyalisasyon ng gitnang uring
fantasya. Paano mo iisipin na mapanupil ang kalakarang sub-
contracting at union busting sa SM gayong invisible naman
ang operasyonalisasyon nito sa establisyimento? Kaya ba wala
tayong nagiging kaibigang dispatsadora, barista, crew, at iba
pa? Dahil naliligwak na sila bago pa man tayo magkaroon ng
pantaong relasyon sa kanila, o hindi rin naman araw-araw ang
pagtangkilik sa negosyong pinagtatrabahuhan nila.

Sa aking childhood memory ng pasalubong na siopao


mula sa Kowloon (kahit mas personal kong naging paborito
ngayon ang Ma Mon Luk, na iba pa ring nostalgia sa mas
matandang edad), o ang manaka-nakang pagmo-malling at ang
panonood ng sine at pagpapalipas ng oras sa loob ng mall sa
panahong may limang oras na blackout sa bansa, at sa ibang
pinalaki ng Disney channel, treat ang panonood ng Disney film
o ang pagkain ng kiddie meal na mayroong laruan mula sa
pinakabagong pelikula ng Disney, ang pasalubong na mahal na
Disney na damit mula sa kamag-anak na nakapagtrabaho sa
labas ng bansa—paano magiging exploitative at pang-uring
kaaway ang negosyong nagpapadaloy ng gitnang uring fantasya?
Ang kontraryong kosmopolitanismo ay di lamang nagpapamulat
sa operasyon ng gitnang uring fantasya kundi pinapatid mismo
ang fantasyang ito, nagbibigay ng alternatibong direksiyon

xix
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

sa produktibong fantasy-ideal na sumasaklaw sa kolektibong


pagpupursigi para sa kabutihan ng nakararami. Saan mabibili,
este, matatagpuan ito?

Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa labas ng


karanasan ng kulturang popular. Hindi ito reaksiyon sa
operasyonalisasyon ng kulturang popular, pero kabahagi rin ito.
Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay pagdadala ng
agenda (fantasy-ideal) ng organisadong mamamayan para sa
pagpapatupad ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan, at
politikal na empowerment, mga bagay na wala sa pangunahing
purview ng estado. Hindi rin ito “asersiyon” (kung matatawag
ngang ganito) ng kasalukuyang civil society, ang paggigiit sa
estado ng karapatan para sa civil na karapatan na nakabatay sa
definisyon at kalakaran pa rin ng gitnang uring fantasya ng
pagkamamamayan. Ang politikal na protesta, kung gayon, ay
matatagpuan sa lansangan, kanayunan, kabundukan, sa mga
pabrika, komunidad at paaralang nagsusulong ng kilusang
mamamayan.

Hindi ko iniisip na hardline ang ganitong panuntunan ng


politikal na protesta. Kung iisipin, walang ibang makakapatid
sa gitnang uring fantasya kundi ang literal sa pangunahin at
figuratibo sa pangalawang usapin na gawaing rebolusyon, ang
pagtatalaga ng utopia ng hustisya sosyal, ekonomiyang kagalingan
at politikal na empowerment para sa mamamayan, across-the-
board o para sa lahat. Kung iisipin pa nga, hardline na naporma
at nasubstansiya ang produktibong docile subject na mamamayan
sa pamamagitan ng gitnang uring fantasya. Na gaya ng aking
paliwanag, ito ay hindi maitatatwa ng simpleng pagtatatwa
lamang dahil sa pananakop ng karanasan sa lahat ng spero ng
modernong buhay. Na ang mismong kamalayan ay nakolonisa
na rin, at hindi rin makakaranas ng lunan na hubad sa
karanasan, hubad sa kasiyahan.

xx
Introduksiyon

Sa karaoke, dalawa ang isinasaad ng pagbabago ng kulay


ng sinusundang titik—ang kapasidad na sumabay, at ang pag-
alinsabay na may lakas o tikas ng paninindigan (tandaan ang
karaoke score ay nakabatay din sa lakas ng boses). Maging ang
politikal na protesta ay itinalaga na lamang sa praxis ng pang-
araw-araw at pagtanggap na nga sa pluralidad ng identidad at
subject position. Pinasasabay ang hine-herald na identidad para
sa asersiyon ng ahensiya, hindi ng indibidwal kundi ng aspekto
ng kaniyang pagiging subject. Ang identity politics ay nakatalaga
para bigyang-resonance ang alingawngaw ng sarili na hindi ito
lubos na natimpi, kahit pa ang episodikong binibigkas nito ay
bahagi na ng script sa pagiging—at hindi kailanman magiging
lubos—mamamayan. Nasa domain ng kilusang masa ang
imahinaryong makababaklas ng gitnang uring fantasya, nakasalig
sa utopia ng pagbibigay-diin sa kontraryong kosmopolitanismong
hindi binibigyang-ngalan ng gitnang uring fantasya, ang utopia
ng sambayanang nakikibaka para sa tunay na ikakalaya at
ikakabuti ng mamamayan nito.

2. Melankolia ng Gitnang Uri

Ang melankolia ay isang mental na estado ng pagluluksa


(mourning). Ang sintomas ay depression, at mas matindi raw
ito tuwing umaga. Nagigising pa nga ang may melankolia
dalawang oras bago ang normal na oras ng gising nito. At
aarangkada na naman ang depression, magnanais ulit matulog,
may tendensiyang maging anorexic, at kinatatampukan ng labis
na o maling pag-ako ng guilt.

Sa psychoanalysis, mayroong tanging puwang ang


melankolia. Paratihan ang pagluluksa sa love object, at hindi
magawang ilibing ito. Ang patay (love object) ay maaaring
naunsyaming pag-ibig (na kahit wala na ay iniisip na mayroon
pa rin o ang posibilidad nito), aktuwal na namatay na magulang
(at kung gayon, hindi maibsan ang guilt kung ano pa ang dapat

xxi
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

ginawa bago namatay ito), kamusmusan (childhood), at kung


ano pang bagay o pangyayari na hindi pa handang maiwalay
sa pagkatao.

Sa politika, ang melankolia ay ang sistematisasyon ng


pag-aabang sa nais dumating kahit mas malaki ang posibilidad
na hindi ito makakarating. “Waiting for Godot” ang tipo nito,
tulad ng dula ni Samuel Beckett ukol sa dalawang tauhang
nag-uusap ukol sa inaantay ng isa, at sa katapusan ng dula,
hindi dumating ang pinakaaasam. Sa politika, tayo ay nagka-
karoon ng substansiya ng pagkamamamayan sa pamamagitan
ng paratihang pag-aantay. “All that we are is in the waiting,” wika
sa isang pelikula.

Nag-aantay tayo ng tunay na pagbabago. Isang pangulong


hindi magiging gahaman, hindi lubos ang pangungurakot,
may kapasidad na mag-moderate ng greed. Isang pamahalaang
pinahahalagahan ang serbisyo publiko, hindi ang pananaw na
ang publiko ang magseserbisyo sa kaniya. Isang pamayanang
ligtas sa kapahamakan, maunlad at makatao. Isang lipunang
may trabaho, katarungan at nakasasapat na kita para sa lahat....
“Gumising ka, Maruja!”

Kahit si Maruja ay hindi gigising. Paratihan na lamang


nag-aantay sa pagbabago ang mamamayan. Manaka-naka, sa
charity work ng gobyerno ni Gloria Arroyo, o sa sachet economy
ng negosyo, ang underclass ay makakaranas ng pagbubukas ng
gate ng gitnang uring buhay. Panandaliang luluhod ang mga tala,
at makakabangon at makakaganti ang sistematikong inapi sa
kasaysayan. At dahil madalang magbukas ang gate, madalas kaysa
minsan, natatagpuan ng mamamayan na nag-aantay at nag-aabang.

Para mapabilang sa gitnang uri, ang taunang kita ay


dapat nakapaloob sa ₧251,283 hanggang ₧2,045,280. Sa sosyo-
ekonomikong katangian, ang gitnang uring pamilya ay dapat
nakapasok sa lahat ng sumusunod na mga requirement: “1) whose

xxii
Introduksiyon

housing unit is made of strong roof materyals; 2) who owns a


house and lot; 3) who owns a refrigerator; and 4) who owns
a radio.” Natagpuan ng pag-aaral ng National Statistics Office
na ang pangkalahatang populasyon ay gumagasta ng mga
sumusunod: 1) pagkain, 46.58 porsiyento; 2) pabahay at pag-
kumpuni, 16.8 porsiyento; 3) transportasyon at komunikasyon,
7.52 porsiyento; 4) gasolina, ilaw at tubig, 6.95 porsiyento; at
5) edukasyon, 3.83 porsiyento.

Batay pa rin sa pag-aaral, ang pinakamababang pinagka-


kagastusan ay ang mga sumusunod: 1) libangan, 0.38 porsiyento;
2) iba pang bagay, 1.04 porsiyento; 3) tabako, 1.19 porsiyento;
4) kalakaran sa bahay, 1.23 porsiyento; at 5) gamit at kasangkapan
sa bahay, 1.76 porsiyento. Maging ang gitnang uri sa bansa ay
hindi rin nakapaglulustay nang lampasan. May pagkakahalintulad
ang kaniyang paggastos sa nakararami sa populasyon.

Makitid ang gitnang uring populasyon at buhay sa bansa.


Ayon sa isang pag-aaral ng National Statistical Coordination
Board, may dalawang porsiyentong puntong pagbaba sa
populasyon mula noong 2000 hanggang 2003. Bumaba rin ng
4.6 porsiyentong punto ang bilang ng gitnang uring pamilya
na may overseas contract worker na miyembro. Nauna nang
lumiit ang mataas at gitnang uri sa bansa mula 1997 to 2000.
Noong 2003, isa sa isang daang pamilya ay kabilang sa uring
may mataas na kita; 20 porsiyento lamang ang gitnang uri, at
80 porsiyento ay kabilang sa mababang uri.

Sa anim na taon mula 1997 hanggang 2003, sa bawat 100


pamilya na nasa gitnang uri, tatlong pamilya ang nalaglag sa
mababang uri. Ang penomenon ng “collapsing middle class” ay
nagaganap di lamang sa Pilipinas kundi maging sa U.S., bumaba
mula 48.2 porsiyento tungo sa 44.3 porsiyento sa nakaraang
dalawang dekada. Bakit at paano nag-aastang mayaman si Juan
Maralita?

xxiii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

Astang mayaman si Juan at Juana dahil hindi sila aktuwal


na mayaman. Ang “asta” ay artifice sa gitna ng malawakan at
malalimang kahirapan sa bansa. Ito ay panlabas na posisyon
dahil ang panloob ay hindi aktuwal na gitnang uri. Umaasta dahil
ang substansasyon ng gitnang uri ay napatagos bilang aura
(sabayang pagkalutang sa ere at pataasan ng ihi) ng kontem-
poraneong buhay.

Mayroong melankolia ang gitnang uri dahil sa dalawang


bagay. Una, intermittent ang gitnang uring buhay, na sa isang
aksidente, trahedya, matinding pagkakasakit o sabayang enroll-
ment ng mga anak ay hindi na nakakayanang matustusan ng
sariling kita, nangungutang na kundi man nakapagsasangla at
nakapagbebenta ng mga ari-arian (kaya rin hindi nakapagtataka
na ang sobrang kita ng gitnang uri ay nauuwi sa mga bagay na
mapreprenda: alahas, magic mike, appliances, I-pod at MP4
player, at iba pa). Serialisadong melankolia dahil panandalian
lamang ang posisyon ng gitnang uri. Paratihang nagsisimula
na naman sa sikliko ng pagtratrabaho, pagtustos sa malakihang
gastos, pangungutang, pagbabayad-utang, at muling pagtatrabaho.

Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang “gitnang uri.”


Mas tukoy pa ng “gitnang uri” ang substansiya ng formasyon
ng mamamayan: oratiko lamang ito kahit pa ito ang lente ng
pagdanas ng kasapatan, hindi kasalatan dulot ng paghihikahos.
Substansiya ito na siyang bumabalot sa ubod at artifice, na kahit
nga mas mababa sa gitnang uri, mas mayorya sa gitnang uri,
mas hindi kaysa lubos na gitnang uri, napapaastang gitnang
uri ang gusto—lifestyle, kalakaran, operasyonalisasyon, tunguhin
at kalidad ng buhay—ng hindi aktuwal na gitnang uri.

Melankolia dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di


gitnang uri—ang mayoryang underclass—ang gitnang uri. Na
kahit saglit at panandalian itong nadaranas, kahit mas matagal
ang kinakailangang paggawa para kumita, itinuturing na ito
bilang preferensiya ng kalidad ng buhay. Ayaw ilibing dahil sino

xxiv
Introduksiyon

ang gustong tumanaw sa sarili sa tumpok ng basura? Ang


bundok ng basura ay tinatanaw lamang, mula sa pinakamalapit,
sa tarangkahan ng tahanan. Sa loob ng tahanan, maitatatwa pa
ang kahirapan.

Ano pa ang kapasidad ng sarili na makapagtatwa ng


kahirapan? Sa lente ng buhay ng gitnang uri, ang uring afiliasyon
ay nagbabago. Nagkakaroon ng pagtatraydor (betrayal) sa uring
pinagmulan (class origin) para ang identifikasyon ay pumanig sa
abstraksiyon at materyalisasyon ng gitnang uri. Abstraksiyon ito
dahil nga sa mas maraming pagkakataon ay dinaranas lamang
ito sa malawakang antas ng fantasya, ng imahinaryong
makakamit din ang gitnang uri sa di malayong hinaharap.
Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng sachet
economy, charity at casino public service, manaka-nakang
napaparating ang pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri.

At ito ang kondisyon ng posibilidad para aktuwal na


madanas ang gitnang uring fantasya ng mga nagdarahop.
Nililikha ang gitnang uri bilang ideal. Na dahil nalikha ito ng
fasismo at industriyang pangkultura bilang ideal, kahit hindi
ito perfekto at muhon ay napapaniwala ang sarili sa ego-ideal
na ito: ito ang panuntunan ng kontemporaryong buhay, ng
posibilidad ng kalidad ng buhay ng modernong mamamayan.
Maigting ang kolektibong fantasya kaya wala nang nakikitang
ibang direksiyon ng buhay sa labas ng imahinaryong ito. Tulad
ng imahinaryo, ang gitnang uri ay nililikha bilang abot-kamay,
abot-tanaw na panuntunan. Parang kay daling abutin kahit hindi.

May isang bata na nagsabi sa kaniyang magulang, “Sana


sa mall na lang tayo nakatira.” Malamang, ang bata ay nasa
loob pa lamang ng mall nang sambitin niya ito. At kakatwa na
ito. Una, alam niyang temporal lamang ang saglit na kasiyahan,
at ito ay wish-fulfillment pa nga dahil sa mas mabigat ang
kondisyon ng materyal na kahirapan. At ikalawa, hindi pa nga
patay, pinatay na ng bata ang karanasan. Dinaranas pa nga

xxv
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

lamang niya ang kasiyahan ay nagkakaroon na ito ng pagluluksa


sa katiyakan ng lahat ng malling, ang pagtatapos nito.

Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan


ng gitnang uring panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding
sabihin, kailangang tumbasan ng lakas-paggawa—para makaranas
ng kulturang popular. Gitnang uring panuntunan ito dahil ito
ang kayang abutin ng 80 porsiyento ng populasyon, at willing
din bumaba ng makapangyarihang isang porsiyento. Kailangan
ding magtrabaho para makapagsine, makakain sa fastfood,
makapanood ng laban ni Manny Pacquiao, makapag-yaya ng
cartoon at animal channel, magkaroon ng higit pang kultural
na kapital sa cable channel na pang-animé at fashion TV, dahil
hindi libre ang mga ito.

Pribadong pinararanas ang akses dahil sa naturalisasyon


ng gitnang uring panuntunan. Nagtratrabaho (kasama ang
pagnanakaw ng lumpen prolet) ang lahat para kumita. Ang
kinita ay ginagasta, at tayong nagtatrabaho ay nagbabayad para
sa pinakamalawak na libangan—ang pag-alinsabay sa fantasya
ng gitnang uri. Para makapag-malling nang libre, kailangang may
gitnang uring suot na gagastusan din. Para makapanood ng
free channels, o makapakinig sa radyo, kailangang may pambili
ng appliances.

Parang libre kahit hindi. Parang magaan lamang ang


pagtatrabaho para matustusan ang libangan kahit hindi. Parang
magaan kahit mabigat. Parang buhay kahit pamatay. Parang
oo kahit hindi. Parang dahil hindi aktuwal. Ang pagpostura ng
fantasya ng gitnang uri sa malawakan at maramihang idioma
ng kasiyahan ay nagsasaad din ng melankolia. Sa gitnang uri,
may sabayang realisasyon ng imahinaryo ng pag-angat at ng
aktuwalidad ng mabigat na paghihirap at kahirapan.

Nagpapaalam tayo sa pasakit at pighati para matagpuan


ang kasiyahan. Hindi naman kasiya-siya ang pagiging KJ (kill

xxvi
Introduksiyon

joy) o pabigat sa grupo. Ano ang ligayang nadarama habang


kumakain ka sa mamahaling restaurant na alam mong ginagasta
mo ang huli mong pera sa wallet? Ano ang ligayang dulot
ng pakikipagrelasyon kahit pa alam mo rin namang hindi ito
magtatagal? O ang pinangasawa ay dahil lamang kumbinyente
at hindi dahil true love? Alam pero dedma na. Dedma na
para hindi alam.

May ligaya sa kamangmangan ang umaastang gitnang uri.


Kahilingang i-off ang switch ng aktuwalisasyon ng kahirapan
para madanas ang ilang saglit na may kuryente sa kuwarto,
matanaw ang sarili sa salamin na buo naman at hindi asiwa,
matanaw ang bundok ng basura mula sa bintanang maaari
namang maisara. Ito pa lamang ay pamumulubi na dahil sa pag-
aasta—na malamang ay ito na ang realisasyon ng panuntunan—
naririnig pa rin ang kalansing ng pagkahulog ng barya-baryang
biyaya ng gitnang uri.

Dahil napakatahimik ng kuwarto, lahat ay nag-aabang sa


kalansing kaya hindi naririnig ang kumakalam na sikmura, ang
bumibigat na paglunok sa lalamunan, ang sinisikil na paghinga
o ang mga ugat sa kamaong tumitigas. Sa bawat saglit ng
abang buhay—ang kolektibisasyon ng 80 porsiyentong mababang
uri at 20 porsiyentong gitnang uri—napapaindayog sa kumpas
ng tugtog ng isang porsiyento. Para walang marinig, walang
ibang madaranas kundi ang nakapanghahalinang paghehele ng
mga sirena ng gitnang uri.

Patay na ang gitnang uri, mabuhay ang gitnang uri!

3. Materyal na Kahirapan, Gitnang Uring Fantasya

Ang nostalgia ay isang sakit ng “home sickness” na unang


binanggit na umaatake sa mga mandaragat (sailor) na Griyego.
Dumaranas ng matinding kalungkutan ang nagno-nostalgia, at
ang nasa isip nito ay ang kaniyang tahanan. Ang tahanan ang

xxvii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

sityo ng alaala, ang inaakalang angkla ng buhay. Pero ang irony


nito ay wala namang perfektong tahanan o alaala nito.

Ang kakatwa sa kasalukuyang mobilisasyon ng nostalgia


sa kulturang popular ay ipinapaako ang alaalang hindi naman
sa indibidwal, o hindi aktuwal na dinanas ng indibidwal. Ang
kulturang popular ay may kapasidad na humulma ng ideal
na mamamayan at indibidwal. Ipinapaako nito ang menu ng
serbisyo at produkto sa indibidwal bilang sa kaniya. At ang
indibidwal naman, inaako ito dahil ang mga tinatangkilik
niyang kulturang popular—brand ng damit, cellphone model,
Facebook page, at iba pa, halimbawa—ay tagni-tagning substan-
sasyon kung sino siya, kung ano ang halaga niya, na nakabatay
naman sa mga panuntunang itinakda rin mismo ng kulturang
popular.

Ang mas kakatwa pa rito, ang kulturang popular, sa klase


ng mobilisasyon nito ng nostalgia sa gitnang uring karanasan
ng pagkabata, pagbibinata at pagdadalaga, at pagtanda,
halimbawa, ay epektibong napapatangkilik—kahit hindi aktuwal
na napapabili sa mga serbisyo at produkto, puwede na muna
ang literasi lamang sa menu—kahit sa abang uri. Itong “puwede-
puwede na muna” ng estado ng indibidwal na abang mahirap
ay mahalaga pa ring investment ng industriyang kultural dahil
inaako na ng indibidwal ang mga gitnang uring panuntunan kung
paano siya maging tao at magkaroon ng modernong pagkatao.

Ang kaniyang materyal na kahirapan ay napapalitan ng


imahinaryo ng abot-tanaw (puwede-puwede na muna), at abot-
kamay na gitnang uring panuntunan ng buhay. Ang kalitatibong
buhay ay nadadalumat naman sa kantitatibong pagtangkilik
sa panuntunan ng gitnang uri. Ang imahinaryo ng abang
indibidwal, kung gayon, ay naka-project sa hinaharap dahil nga
ang kasalukuyang materyalidad ng abang lagay ay hindi akma
bilang receptacle ng gitnang uring. Ang pinabibili lang sa kaniya

xxviii
Introduksiyon

ay ang reformistang ethos dulot ng paniniwala at pagsasabuhay


ng gitnang uring fantasya.

Ito ang mirage at oasis ng materyal na kahirapan, na


mayroon pang mas magandang buhay lampas nito. Na mayroon
naman, ang hindi isinasaad sa litrato, tulad sa oasis ay kung
paano tutungo rito. May gintong yaman nga bang nag-aantay
sa dulo ng bahaghari? O kaya bang hindi tulugan ang paghele
ng nakapanghahalinang pag-awit ng Ibong Adarna? Ano ang
“kalamansi sa sugat,” ang folklorikong tugon ng mabuting
prinsipe nang hindi siya ipaghele ng ibon, sa kulturang popular?

Ang nangyari sa edad ng neoliberalismo ay ang pag-


tanggal ng welfare na aspekto ng estado, ang pag-alis ng
inaasahang tulong ng mga mamamayang nawalan ng kabutihan
ng buhay dulot ng masibong ekonomiyang maniobra ng
pamahalaan at negosyo. Kung nawala ito, ang direksiyon ay
tungo sa kaniya-kaniyang pagsagip ng sarili. Wala nang katiyakan
ang bukas, o kundi man, wala nang maasahan sa gobyerno
dahil nagsisiste na ito sa sariling papel sa global na buhay—
ang buksan ang landas para sa pagpasok ng dayuhang kapital,
at ang pagsasabatas ng mga alituntuning kaugnay nito.

At dati nang walang pretensyon ang negosyo na may


pakialam pa sila sa kanilang empleyado at mamamayan. Gawad
Kalinga mode, o tax shelter sa pamamagitan ng pagtatanim ng
puno o suporta sa child abuse na foundation, na pawang
beautification na pinangungunahan din naman ng opisina ng
mga higanteng korporasyon naghahanap di lamang ng tax
shelter kundi ng panlipunang branding, nang higit pa sa
kanilang korporatisadong naratibo. “In the service of the
Filipino people” kumbaga, na holistikong lapit dahil nga
mayroon pa ring kung anong mas egalitaryong adhikain na
ipinapatupad. Egalitaryo pero para kanino?

xxix
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

Charity case ang tingin ng negosyo sa anumang proyekto


sa labas ng kalakarang negosyo. Ipinapatupad bilang bonus
lamang, o pagkatapos kumita batay sa tinarget. Kaya walang
maasahan ang abang indibidwal kundi lumapat sa kaayusan
ng neoliberalismo. Pribatisado na ang gitnang uring fantasya,
tulad ng pagsasapribatisado ng ekonomiya ng estado—ipinindeho
na ang mga pampublikong serbisyo, tulad ng tubig, kuryente,
petroleum, transportasyon, at iba pa—sa kamay ng malalaking
negosyo.

Ang rekurso ng abang mamamayan ay manalig na rin


sa gitnang uring fantasya—ito o ano pa? Wala nang lampas pa
rito. Ito na ang kaniyang light at the end of the tunnel, ang
single spark sa panahon ng bagyo, ang biglang lumabas na
nakatagong kuwarta nang inakalang wala nang pera. Isinusugal
niya ang kaniyang kinabukasan dahil ang materyal na
kasalukuyan—kasama ng historikal na uring pinanggalingan—
ay hindi nakasasapat. Araw-araw siyang tataya sa jueteng,
lingguhan sa lotto, peryodiko sa karera, paminsan-minsan sa
casino ng gobyerno.

Nadadale siya sa pyramiding scheme na get-rich-quick


na modalidad na pang-ekonomiyang pag-angat. At pati ang
mababang gitnang uri, pati nga ang mismong gitnang uri, ay
nakasasanayan na rin ito. Intermittent lang ang posisyonalidad
ng gitnang uri sa bansa. Hindi ito panghabangbuhay, walang
kontratang pinirmahan. Bagkus, mas madali pa ngang bumaba
ang gitnang uri sa abang uri dahil sa klase ng panlipunang
materyalisasyon ng krisis at disaster, na maging ang domestikong
larangan ay naapektuhan.

Nalulugi siya sa negosyong pinasok. Natatalo sa mga


isinugal. Nangungutang kapag may nagkakasakit sa pamilya.
Nagkakandakumahog kapag may naaksidente. Slide siya mula sa
kaniyang tore tungo sa kalakaran ng kalsada o mas liblib pa, at
sa poder sa labas ng opisyal na estado. At kahit magpakaganito,

xxx
Introduksiyon

ang kaniyang loyalty ay sa sinumpaang nakaaangat na uri.


Hindi niya kagyat na marerealisa ang estadong nouveau poor.
Magkakandakumahog pa rin itong panatilihin ang kaniyang
pagiging gitnang uri.

Na kahit ang isinasaad ay sa gitnang uri, sa materyalidad


ng kaniyang ekonomiyang lagay, nananatiling fantasya ang ethos
ng kanilang kolektibong buhay. Silang gitnang uri ay naniniwala
sa imahinaryo ng gitnang uring fantasya. At bahagi ng gitnang
uring fantasya ang ilang perks ng civil society: liberal na
demokrasya, People Power, citizens’ assembly, pressure politics,
civil rights, at iba pa. Dahil sa apropriasyon ng gitnang uri sa
civil society, sila ang nagtakda ng substansasyon nito sa pama-
magitan ng pagtukoy ng mga aktibidad na magmimitolohiya sa
sibilyan na aspekto ng lipunan, na parang may papel nga ito sa
pamamalakad ng pamahalaan at kontrol ng kalabisan ng negosyo.

Kinarir nila ang civil society na nawalan na ng politikal


na bisa. At ang nangyari ay ang “bourgeoisifikasyon” ng civil
society, kundi man, ang middle-classification nito. Magka-
kabahay ka, pero huwag kang mag-reproductive health.
Magkakabahay ka, babae, pero sa asawa mo ipapangalan ito.
Tutulong pero may strings attached. Tutulong dahil may
relihiyo-politikal na agendang nagtataguyod ng burgis na interes.

Hindi isinasaad na walang politikal na gitnang uri. Hindi


magtatagumpay ang dalawang People Power nang walang
masibong suporta ng gitnang uri. Ang una ay dahil sila mismo
ay naetsapuwera na sa burukrata kapitalismo ni Marcos na
nagbigay-pribilehiyo sa kanilang cronies. Ang ikalawa, ayon
sa ilang sosyologo at siyentista ng politika, ay dahil hindi
nakayanan ng gitnang uring panuntunan ang labis na pamba-
babae, pagsusugal at iba pang bisyo at imoralidad ng “masang”
pangulo. At nagtagumpay ito sa patuloy na vigilance ng gitnang
uri. Kaya sila mismo ang nakaranas ng “People Power fatigue,”
ang inaakalang sakit sa malamyang partisipasyon ng malawakang

xxxi
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

hanay ng gitnang uri at kritikal na masa sa pagpapatalsik ng


bangkaroteng pagkapangulo ni Arroyo.
Kung gayon, may politikal na gitnang uring fantasya rin.
Ang naging swing ng neoliberalismo ng ekonomiya ay neokonser-
batismo ng politika, at ang patunay nito ay ang neokonserbatismo
ng kultura. Kulturang popular na lamang ang malawakang
tinatangkilik, at dito na lamang naghahanap ng subersibong
kahulugan at pagbasa na taliwas sa hegemoniya ng naghaharing
uri. Akademiko ang treatment, at alam natin na walang nabago
ang akademya sa praktika ng pag-iisip at pagkilos ng malawakang
mamamayan.
Negosyo ang nagpabuti ng buhay sa pamamagitan ng
komersyalisasyon ng mga syentifikong pagtuklas ng akademya.
Ang Weberian analysis na binabanggit sa kolum sa diyaryo ay
walang katumbas na praktika ng good governance na account-
able sa mamamayan. Sa aking palagay, tanging ang panlilimi ng
akademya sa nosyon ng imahinaryo ng rebolusyon at sa pagtuturo
nito bilang rebolusyonaryong gawain matutumbok ang politikal
na gitnang uring fantasya, isang fantasyang nakikiisa sa mas
malawakan at makauring pagbabago ng lipunan.
Hindi ito nakasalig sa reformistang pananaw, na mababago
pa ang sistema. Kung mababago pa nga ito, nagbago na sana ito
sa klase ng pressure politics na isinagawa ng gitna at abang
uri. Pero makapangyarihan ang politika ng bansa batay sa
makauring katangian ng namumuno nito. Sa imahinaryo ng
rebolusyon magbubukas ang alternatibong kondisyon ng posibi-
lidad: na mayroong magagawa, may pag-asa kapag nagbuklod
ang mamamayan at nilabanan ang sistematikong kaayusang
nagpapahirap—at kabahagi at kapanalig ng sistemang ito, ang
kulturang popular, bumubulag, nagpapahele, nagpapabingi at
nagpapapipi at pilay sa tumatangkilik nitosa mayorya ng bansa.
Kung babawasan ng gitnang uri ang pagmamahal sa
kaniyang uri, magkakaroon ito ng pagmamahal sa iba. Kung

xxxii
Introduksiyon

matitigil ang pagmamahal sa gitnang uring fantasya, magka-


karoon ng pagmamahal ang abang indibidwal at kolektibo sa
kanilang hanay. At aasa sila, hindi na sa imahen ng salbasyong
inaalok ng gitnang uring fantasya, kundi sa kanila nang sarili.

4. Kasiyahan sa Kultural na Imperyalismo

Tinuturing na wala nang reli (relevance) o cache ang


“kultural na imperyalismo.” Paano ka naman masasakop ay
malaya naman ang mamamayan at bansa? Paano ba manakop
ng utak at kamalayan? Wala namang mind snatchers, di tulad
sa pelikulang science fiction. Dahil sa pagbagsak ng Berlin
Wall na naghudyat diumano ng pagbagsak din ng sosyalismo,
wala nang empire at imperyalismo dahil nakapagbabalikwas
naman pala ang mamamayan. Pero hindi ito totoo.

Ang mas mabigat at operative term pa rin ay “imper-


yalismo,” at descriptive qualifier ang “kultural.” Ang imperyalismo
ay ang “pinakamataas na yugto ng kapitalismo” (Lenin) na
pumapatungkol sa mas matinding kalakaran tungo sa konsen-
trasyon ng kapital sa iilang makapangyarihang bansa; at kung
gayon, mas matinding anyo ng panunupil at exploitation. Ang
naunang panahon ng imperyalismo ay ang direktang kolonisasyon
ng mga “primitibo” at may likas-yaman na mga bansa.

Lalo na sa nakaraang ika-dalawampung siglo, matapos


makalawang ulit makipagdigmaan ang mga natitira at umu-
usbong na kapitalistang mga bansa, naging matindi ang literal
na karahasang dinanas ng sangkatauhan. Milyon-milyon ang
namatay. Ang teknolohiyang pinaunlad ay tungo sa higit pang
militaristikong kapangyarihang upang maprotektahan ang
lumalawak na interes, at pangangailangan sa mas malakihang market.

Sa nakaraang siglo rin may pinakamaraming bilang ng


mga bansang naging independiyente. Hindi pa ito, sa pang-
kalahatan, dahil sa nagbabagong-anyo ng mundo tungo sa higit

xxxiii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

na egalitarianismo, at paggalang sa karapatang pantao at


pambansang soberanya. Ito ay mas pumapatungkol pa sa bagong
taktika ng mga imperyalistang bansa na hindi naman pala
kailangang pisikal at literal ang pananakop.

Na kayang panatilihin ang imperyal na relasyon kahit wala


na ang naunang empire, kahit nasa post-kolonyal na yugto na
ang mga dating nasakop at ngayon ay napalaya nang mga
bansa. Ang politikal kontrol ay ginagawa, para sa Pilipinas
halimbawa, sa Washington, D.C., at ang ekonomiyang kontrol
ay mula rin dito, at sa mga bangkong ang headquarters ay
nasa New York at Paris.

Hindi naman nawawala ang militaristikong pamamayagpag


sa imperyalismo. Ang huling pinakamatingkad na pamama-
yagpag ng U.S. ay ang panlulusob nito sa Iraq, isang dating
malayang bansa. Sa Pilipinas, parating may paalaala ang U.S. sa
sinusuportahan nitong pangulo—mga pinalipad na air fighters
nang mag-coup ang RAM kay Cory Aquino, ang pag-endorso
ng ambassador ng U.S. kay Gloria Arroyo, at ang pagbabalik at
pamamayagpag ng mga U.S. na sundalo sa Visiting Forces Agreement.

Pero ang kakatwa sa kasalukuyang substansiya ng


imperyalismo, sa ground level ng mamamayan, ay ang katambal
na kasiyahan na nadadanas sa kultural na karanasan. Epektibong
naisalin ang marahas at opresibong kalikasan ng imperyalismo
sa idioma ng kasiyahan. At nagawa ito sa pamamagitan ng
proliferasyon ng mga komoditi ng industriyang pangkultura.

Hollywood ang namamayagpag na cinema sa buong


mundo. At isinasalin nito ang pang-araw-araw na karanasan sa
pag-ibig, pagkamuhi, pagkamatay, at pagligtas sa mundo at iba
pa, sa hegemonikong kamalayan ng U.S. Sinasabing “white Anglo-
Saxon middle-class male heterosexual” ang lenteng binibigyang-
pribilehiyo sa panonood ng sine, at maging sa pagbabasa ng
pop novels. Na visceral tayong nakararanas ng pag-ibig sa

xxxiv
Introduksiyon

pamamagitan ng sinisiwalat ng karakter na hindi hiwalay sa


substansiya ng pagkatao ng pangkaraniwang dayuhang puti at
mayamang bida.

Isipin na lamang ang pagbabago ng panahon at pananaw


hinggil sa Hapon. Matapos ang marahas na karanasan na
kaugnay nila, sa ikalawang pandaigdigang digmaan—comfort
women, pagsampal kapag hindi tumungo ang mga Filipino,
sanggol na inihahagis sa ere at sinasalo ng bayoneta, at
pagwawala ng mga Hapong sundalo nang makubkob na sila
sa Maynila—ay talaga namang galit at kinamumuhian ng
mamamayan ang Hapon. Makapapatay sila ng Hapon kapag
nakakita sila nito, gaya ng nabanggit ng aking lola.

Flashforward sa nakaraang huling tatlumpung taon. Sa


pamamagitan ng ODA (overseas development assistance) ng
Japan, naitayo ang maraming infraistruktura ng bansa, kasama
ang Philippine-Japanese Friendship Highway, ang kaisa-isang
kalsadang bumabaybay mula Luzon hanggang Mindanao; flyover
at underpasses; Light Rail Transit; at maging ang isa sa pinaka-
malaking dam sa Asia, ang San Roque. Package deal nga lang
na sila ang magtatakda ng serbisyo, paraan ng paggawa,
Hapong kompanyang gagawa, Hapong consultants—na kahit
environmental havoc ang mga dam, halimbawa, ito pa rin ang
kanilang preferred upgrade sa supply ng kuryente dahil ito
ang espesyalisasyon ng kanilang mga constuction companies.

Sa nakaraang tatlumpung taon din nagkaroon ng ground level


flow ng mga babae sa Japan, entertainers na nakapag-uwi ng mga
marka ng makabagong teknolohiya at perang malalapad (kaya nga
“lapad” ang tawag dito), at mga konsumeristang produkto. Dagdag
pa ang introduksiyon ng mga unang animé sa panahon ni Marcos,
pinakasikat dito ang Voltes V. Na ang conspiracy theory matapos itong
i-ban ni Marcos nang huling bahagi ng 1970 ay nagsipaglakihan na ang
henerasyong ito, kaya nang mag-alsa sa EDSA ng 1986 ay masayang
sumali itong pinagkaitan ng diktador ng kabuuang pagkabata.

xxxv
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

Sa U.P., may grupong pang-estudyante na Nihonggo-


language exchange. Sa weekend, may nag-ko-cosplay o pagbihis
(damit, makeup, buhok, at props) na halaw sa animation
characters. May peryodikong convention na ginagawa ito sa
mall. May animé channel din sa cable. Mabenta rin ang animé
sa pirated DVD stalls. Hindi naman lubos naidiin ang naunang
trauma sa mga Hapon sa mga librong gamit sa paaralan, kaya
walang alaala ang sumunod at kasalukuyang henerasyon hinggil
dito.

Tanging ang karanasan sa kultural na imperyalismo ang


salin sa antas ng kasiyahan. At sa kasalukuyang henerasyon,
tunguhin ng kultural na imperyalismo ang kultural na
integrasyon sa bawat yugto ng buhay ng indibidwal (life cycle).
Noong bata pa, pinapanood na nila ito, ginagamit na “yaya”
ang mga Disney at cartoon channels. Kilala na nila ang mascots
ng fastfood outlets bago pa man sila makapagbasa. Marunong
na silang mag-play sa computer o pindutin ang DVD player.

Nostalgia ang diin ng konsumpsiyon sa kultural na


imperyalismo. Na sa pag-abot nila ng teenager at young adult,
kahit alam na nilang karumal-dumal ang kolesterol at junk
food quality ng fastfood, hindi pa rin sila titigil. At bakit
naman? Sa tuwing kumakain sila, unconsciously ay nasasambit
din ang masasayang alaala noong dinadala sila ng magulang
at lolo at lola nila sa fastfood at mall.

Minsan ay tinanong ko sa klase kung ano ang kanilang


“soul food” o pagkaing nagpapa-relax sa kanila. Di iisa ang
sumagot na french fries, na mayroon pang childlike variety ang
pagkain nito—isinasawsaw sa catsup at ice cream, ang iba
ay mayonnaise, ang iba ay inuulam. Na sa pagtanda nila at
pagiging sariling magulang, ire-reproduce nila ang cycle ng
pagnanasa at konsumpsiyon. Dadalhin nila ang kanilang mga
musmos sa fastfood para madanas ang kasiyahang nadanas

xxxvi
Introduksiyon

nila noong sila ay minsang naging bata.

Nanonood tayo ng sine dahil may personalisadong


nostalgia itong nahihimok kahit pa maramihan tayong nano-
nood. Nakikinig tayo ng musika at may naaalaala at
nararamdaman tayo. Nagsusuot tayo ng retro na damit, o
naninigarilyo at ginugunita ang karanasang naidulot ng
seduksiyon sa advertising. Hip ang sigarilyo, counter-authority,
at rebelyon sa diin ng sterile na pangangalaga sa katawan.
Minsan ka lang mabuhay!

At kahit ang mga bagay na ipinagkait sa indibidwal sa


kaniyang kamusmusan o kabataan, tulad ng laruan, damit, trip
to the zoo, at iba pa ay isinasaalang-alang din ng industriyang
pangkultura. Ayon sa designer ng Sanrio, ang deprivation ng
mga batang walang pambili ng produkto ng Hello Kitty ang
siyang batayan kung bakit mabenta pa rin ang kanilang
produkto sa matatanda. Napagkaitan ang indibidwal sa isang
panahon, at sa panahong may kakayahan na itong bumili,
bibili ito with a vengeance.

Kung kasiyahan ang itinatampok, ang alaala ng karanasan


sa mas mabigat at malawak na sakop ng pasakit at pighati ang
binubura. Hindi hip ang pagiging party pooper o KJ. Na kahit
na nakaw ang cellphone, baka pa nga may namatay sa pagsanla
nito sa stall sa Greenhills, ay may cellphone pa rin na magagamit
bilang lunduyan ng kasiyahan, hindi ng anumang alaala ng
pasakit at pighati—kung bakit nagpapalit ka ng cellphone, dahil
lumang modelo ba ito, nanakaw o naiwala ito?

Ang soft selling ay nangyayari dahil mas nakakukumbinsi


ito ng preferensiya at pagpili ng indibidwal. Hindi rin ito hiwalay
sa mga ekonomiko at politikal na polisiya mula sa mga gobyerno
at malalaking negosyo. Ang imperyalistang globalisasyon ang
kalakarang nagpapabiyaya sa maraming malls na itinatayo, itina-
tampok ang mga produkto at serbisyong matatagpuan sa ibang

xxxvii
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

bansa sa isang banda; at ang dahilan kung bakit sampung


porsiyento ng populasyon ng bansa ay nagtratrabaho sa labas
ng bansa, na dahilan pa rin para sa higit na konsumpsiyon.

Kaya ang paglaban sa kultural na imperyalismo ay hindi


lang sa antas ng pang-araw-araw at kamalayan: pedestrian
malling at window shopping na hindi pinapakita ang mall
developer, wala pang successful na boycott ng mga produkto
at serbisyo sa bansa, wala pang nabalikwas na kalakarang pang-
estado ang pinakaradikal na term paper na isinumite sa klase.

Politikal na pagkilos ang katugunan—sa antas ng indibidwal,


ang pagtaas ng kamulatan, at pag-ugnay nitong mataas na
kamulatan sa kilusang masa tungo sa mobilisasyon at
organisasyon. Ang ginawa ng pagtampok sa kasiyahan sa kultural
na imperyalismo ay gawing pang-araw-araw na lamang ang
kalidad ng pagbabalikwas gayong wala namang sistemikong
nababago sa sistemang kalakaran.

Ang binubura ng kontemporaneong kultural na pagsusuri


ay ang panlipunang politika (social politics) para paboran ang
politika ng pang-araw-araw (politics of everyday life). Sa mga
pagsusuri ng kulturang popular, lalo na ang urban na kultura,
ang diin ay sa mga kalakaran ng pang-araw-araw na pagba-
balikwas. Paano maituturing na pagbabalikwas ang mga pagkilos
at kaisipan kung ito ay adaptasyon lamang ng namamayaning
hegemoniya, tulad sa krisis ng politika at ekonomiya?

Ang pangangailangan sa panlipunang politika ay magtitiyak


sa pang-uring pagsusuri sa kultural na imperyalismo at ang
galamay nito sa kulturang popular. Bago maimapa ang antas
ng pagbabalikwas, kailangan munang imapa ang kapangyarihan.
At sa pagmapa ng kapangyarihan matutunghayan ang talab at
purol ng mga pagbabalikwas sa pang-araw-araw na politika.

xxxviii
Introduksiyon

Sa bigat ng papasanin ng kultural na imperyalismo—kahit


pa ang imahen ay ang maligayang tagabuhat at kargador—ay
hindi nakasasapat ang pagplantsa ng subersiyon sa pang-araw-
araw. Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri
bilang tunay na kahandaan sa politikal na transformasyon—
ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng
imperyalismo.

Tungo sa isang kultura na naninilbihan sa interes ng


sambayanan. q

xxxix
Pasasalamat

A ng paggawa ng anumang libro ay kolektibong pro-


duksiyon. Nais kong pasalamatan ang mga sumusunod sa
pagbibigay ng oportunidad na mapag-isipan ko ang mga paksa,
at mapag-ugnay sa mas malaking temang inaako ng libro: sina
Janet Tauro at John Toralba ng Departamento ng Filipino ng
De La Salle University; Vim Nadera, Elay Nadera, at Philippine
Psychiatric Association; Rosario Torres Yu at Eugene Evasco ng
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad
ng Pilipinas; Matanglawin at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo
de Manila University; Fidel Nemenzo at ang Science, Technology
and Society Program ng College of Science, U.P.; Caloy Piocos,
Reagan Maiquez, at ng Departamento ng Humanidades ng U.P.
Los Baños; Lourdes Portus, Mae-Anne Pernia, Ricky Francisco
at ng Lopez Museum; Bong Antonio at ng Development
Academy of the Philippines; Fanny Garcia, Rhod Nuncio at
Rowena Festin; RC Asa, Kenneth Guda at Soliman Santos ng
Pinoyweekly.org; Benji Oliveros at Bulatlat.com; Jennifer Padilla,
Luchi Perez, Paul Manzanilla, at ng Amado V. Hernandez
Resource Center; Ramon Guillermo, Bienvenido Lumbera,
Arnold Alamon, Sarah Raymundo, Rommel Rodriguez, Jasmine
Icasiano, Jonnabelle Asis, at Judy Taguiwalo ng Congress of
Teachers and Educators for Nationalism and Democracy
(CONTEND-U.P.); Iji Rodriguez, Karen Flores at Tutok
Karapatan; at Lady Ann Salem, at Jewel Maranan at ng Tudla

xli
Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo ...

Productions. Nais ko ring pasalamatan sina Karl Castro para sa


disenyo ng pabalat at section breakers, Arceline Galang para
sa disenyo ng loob ng libro, John Jack Wigley at Tots Aguila
ng UST Publishing House, at Linda Bulong sa copy-editing ng
manuskrito.

Hindi mabubuo ang librong ito kung wala ang aking


mga kinabibilangang komunidad ng aktibista at intelektuwal:
kina Mykel Andrada, Kat Macapagal, Lanie Abad, at Grace
Concepcion ng All U.P. Academic Union; Noli Anoos, Buboy
Cabrera, at Felix Parinas, Jr. ng All U.P. Workers Union; Tonchi
Tinio at France Castro ng Alliance of Concerned Teachers; at
Carol Araullo, Bibeth Orteza, Fr. Joe Dizon, Mother Mary John
Mananzan at iba pang mabubuting mamamayan ng Pagbabago:
People’s Movement for Change. Sa mga estudyante, mam-
babasa, mamamayan at aktibistang nagbibigay ng feedback para
masustina ang proyekto, taus-pusong pasasalamat.

Ang ilan sa mga sanaysay ay unang nalathala sa Culture


and Governance (Development Academy of the Philippines,
2004), Malay (DLSU, 2008), Mula Tore Patungong Palengke:
Neoliberalismo (Ibon Publishing, 2007), pinoyweekly.org, at
bulatlat.com.

xlii
Kulturang Popular
at Pakiwaring Gitnang Úri

I bang uri ang edukasyon mula sa kulturang popular. Ito


ay informal na kaalaman dulot ng media (telebisyon, radyo,
sine, DVD, cellphone, Internet, videoke, cable at iba pa) o
kasangkapang pangmedia (mall, coffee shops, shawarma, sago
drinks, gin pomelo, gimik na lugar, droga, prom nights, at
iba pa). Sa katunayan, may shelf life ang anumang artifact ng
kulturang popular, sikat lamang ito sa kasalukuyang pagdanas
ng fad kahit pa may paratihang media at genre na nagsisiwalat
nito. Pero hindi mauubusan ng bagong uso, at sa pagtangkilik
ng bago, minamarkahan na rin ang pagkaluma at pagiging
obsolete ng mga komoditi ng kulturang popular. Si Martin
Nievera at Ariel Rivera ng malayong noon, si Sam Milby
ngayon—mga Filipino Amerikanong naging phenomenal ang
pagkatanyag pero minarkahan din ng fans ng taning ang career.
Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Hindi nauubusan
ng hot pandesal ang 24/7 na Pugon de Manila o ang ating
friendly neighborhood panaderya.

Magpakagayunman, ang kulturang popular ay nilalahukan


na may kaakibat na paninindigan sa katotohanang sinisiwalat
nito. Hindi man natin mapagpag ang ating nakaraan, lalo na
ang mga ginawa sa ngalan ng pagtangkilik ng mga komoditi

30

You might also like