Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ALAMAT NG PINYA

Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag -inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang uto s ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait -mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak. Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina. Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito. "Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina. "Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak. "Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga -tiyaga," ang sabi naman ng ina. "Marami naman kayong sinisermon pa " ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita. Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw -araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandalin g iyon.

ALAMAT NG SAMPAGUITA

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa mattanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila. Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit -bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alin sunod sa utos ng kanikanilang puno. Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag -uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag -aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin. Nakapagtataka kung baki t gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag -ibig sa isa't isa. Marangal ang pag -ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan n g malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinan onood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang. Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.

"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw." Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno." Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan. Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin. Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang -bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag -aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag -usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo. Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa maka pal na damuhan. Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit

sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa -awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak. Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mg a dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halam ang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon. Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala.... Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing -irog.

Ang Alamat ng ILANG-ILANG

Noong panahong bagu-bago pa lamang sa lupaing ito ang mga Kastila, sa isang pook ng baying Malabon ay may isang dalagang tumutugon sa pangalang Cirila, kabilang sa angkan ng mga Gat kung kayat iginagalang at pinagpipitaganan ng madla. Ang kaniyang ganda, na ayon sa sabiy pinilas sa buwan, ay kinambalan pa ng isang kabaitang siyang nagbibinhi sa puso ng kaniyang mga kababayan upang pag -ukulan siya ng isang pagmamahal na wala nang makakatulad. Sa bayang ito ay may isang binata rin naman na ang pangalan ay Carlos na kung tagurian ay Lanubo, dahil sa kaniyang mga bisig na matitigas at matipuno; siyay may katapangan at lakas ng loob na kinagugulatan ng sino mang binata sa mga karatig n a bayan ng Malabon. Si Carlos at si Cirila, na ang palayaw naman ay Ilang, ay magkatipan sa pagibig. Ang kanilang pagmammahalan ay walang makakatulad. Hindi nila nakikilala ang lungkot; ang kapighatian ay kanilang hinahamak, ang luha at buntunghininga ay hinahalakhakan lamang nila kung ang mga itoy sinasambit ng sinumang kakilala na nakababatid ng timyas ng kanilang pagsusuyuan. Ang pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay hindi naman lingid sa kanilang mga magulang at ang mga ito naman ay hindi tutol sa pag -iibigan nila. Isang araw ay dumating sa Malabon at umahon sa dalampasigan ng Nabotas ang ilang mga dayuhang Insik na karaniwan na ring dumarating sa nasabing bayan. Ang Insik na ito, hindi nalaoy tinubuan ng pag -ibig sa dalaga, ngunit hindi siya nagpaha yag ng kaniyang niloloob marahil ay sa dahilang alam niya ang ugali ng mga babaeng Pilipina at ang isa pay nasisindak siya na baka itoy mabatid ni Lanubo na isang binatang lubos na kinatatakutan ng lahat ng lalaki sa bayan at sa mga pook na karatig. Sina rili ng Insik ang gayong pagnanais at naghintay na lamang ng isang mabuting pagkakataon na sa ganang kaniyay siyang lalong pinakamabuting magagawa. Ang katuparan ng pag -iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay malapit nang dumating. Sa pagkakasundo ng dalawang pa nig ay pinagkayarian ng mga magulang nila na ang kasal ay idaos sa pagliliwanag ng buwan. Noon ay gasuklay pa lamang ito at dahil diyay may panahon pa sila upang magawa ng bawat isa ang mga paghahanda sa lahat ng kinakailangan. Sa gayon, si Lanubo ay nagpaalam upang tumungo sa Limay, Bataan, upang makapanghuli ng usa na noong mga panahong yaoy isa sa mabuting handa sa pagsasalu-salo ng mga magkakaibigan. Apat na matatalik na katoto ng binata ang isinama at isang umagay sumakay sila sa isang lunday na patungo sa bundok na mausa. Makadalawang araw ng pagkakaalis ni Lanubo, sinamantala ng Insik ang pagkakataon at nagpahayag ng pag -ibig kay Ilang at naghandog pa ng mga kayamanan, datapuwat sukat isipin na ang mga paghahandog na itoy walang masasapit sa isa ng babae na dilamang sa marunong tumupad sa pangako kundi may isang puso pang malinis at marangal kayat isang kabaliwan lamang ang isinasagawa ng Insik sa pagtatapat ng pag-ibig na tiyak nang walang kasasapitan. Ang Insik ay

hindi lamang tumanggap nga ng malaking pagkabigo kundi kinapootan pa ng dalaga sa gayong kapangahasan na sinamantala ang pag -alis ng kaniyang minamahal na katipan. Sa pagkapahiya ng Insik ay minabuti ang umalis sa baying yaon at huwag nang paabot pa sa pagdating ni Lanubo, ngunit siya ay naming pagdating ng dalawang pangkat ng mga tulisang Insik na siyang sinamantala ng nasiphayo upang ang hindi niya nakuha sa mabutihan ay daanin sa masamaan. Nakipagsabwatan sa kaniyang mga kababayan, at isang gabing umuunos ay sinalakay nila ang tahan an ng dalaga at matapos na itali ang mga magulang nito ay kinuha si Ilang at dinala sa isang malayong pook. At doon ay pinilit ang babae na mapasang -ayon sa kanilang maitim na nais; ngunit si Ilang ay hindi napahinuhod ng Insik gaano mang pananakot at pagbabanta ang kaniyang gawin. Nang inaakala na ni Ilang na siya ay sapilitang mapapasa-kamay ng Insik ay minabuti na ang mamatay kaysa mawalan ng puri, at sa isang pagkakalingat ng salanggapang na Insik ay inagaw niya ang sundang nito at sa pag -aagawan nila, sinamang-palad na natarak ang sundang sa tapat ng puso ni Ilang na ikinamatay nito noon din. Nang gabi ring yaon ay dumating ang pangkat ni Lanubo at nang mabatid ang mga nangyari ay hinanap ang taksil na maygawa ng gayong kapaslangan, at sa gitna ng dagat na sinisiklot ng malalakas na alon ay naghamok ang mga tulisang Insik at ang pangkat ni Lanubo, at dahil sa nagngangalit na kapootan ng binata at ng kaniyang mga kaibigan ay halos walang iniwang buhay sa pangkat ng masasamang-loob. Kinabukasan, ang bangkay ni Ilang na tinatangisan ng binata at ng baying nagmamahal sa dalaga ay inilibing sa tabi ng isang malaking punungkahoy na di namumulaklak. Buhat noon, gabi -gabi, sa harap ng puntod ng kaawa-awang si Ilang, sakbibi ng walang kaparis na pagdadalamhati, ay lumuluhod si Lanubo at sa buong magdamag ay walang tinatawag ang pangalan ni Ilang. At pagkaraan ng mahabang araw, isang umaga, nagisnan na lamang ng buong bayan na si Lanubo ay bangkay na ring malamig. Marahil ay upang matapos na ang kaniyang pagdada lamhati. Nang inililibing na si Lanubo sa pook ding kinalibingan ni Ilang, ang kura na isang pareng Kastila na lubhang nakatatalos sa mga nangyari ay nagsabi sa kaniyang mga kausap ng ganito: Kaawa-awang binata! gabi-gabi siyay walang isinisigaw kundi Ilang Ilang na siyang pangalan ng dalagang sasamahan niya ngayon sa hukay. Isang araw, pagkaraan ng ilang panahon ng pagkalibing ni Lanubo sa kinalibingan din ni Ilang, ang mga tao ay ginulat ng mabangong amoy na nagbubuhat sa libingan ng magsing -irog at nang pagsadyain ng mga tao ay nagtaka sila nang gayon na lamang sapagkat ang punung -kahoy sa libingan ng dalawa na matagal na panahong di namumulaklak ay naghandog ngayon ng mga talulot na may bangong kahanga -hanga. Ang bulaklak na yaon ay tinawag na Ilang-ilang bilang paggunita sa dalawang pusong nagsimpan ng lalong dalisay at tapat na pag -ibig.

BALINTAWAK Ang Balintawak ay isang pook sa Kalookan na napabantog sa buong daigdig sapagkat diyan naganap ang makasaysayang Unang Sigaw ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ni Andres Bonifacio bilang hudyat ng pagsisimula ng himagsikan noong 1896. Kung papaanong napangalang Balintawak ang pook na iyan ay siyang mababatid natin sa alamat na ito. Si Baleng ay isang magandang dalaga na naninirahan sa pook na iyan maraming taon na ang nakalilipas. Siyay isinilang na may kakambal na isang ahas na kung tawagiy Tawak. Dahil sa ahas na iyon ay nakagagamot si Baleng ng mga taong natutuklaw ng ahas. Si Baleng ay may kasintahang ang pangalan ay Arsenio. Pagk araan ng ilang buwan nilang pag-iibigan ay nagkasundo silang pakasal. Napabalita sa buong nayon ang nalalapit na pag-iisandibdib ng dalawa. Ngunit isang masakit na biro ng kapalaran ang nangyari. Ang kasalay hindi natuloy sapagkat nagtaksil si Arsenio. Na pakasal ito sa ibang babae. Gayon na lamang ang paghihinagpis ni Baleng. Magkahalong galit at pagdaramdam ang namugad sa kanyang dibdib. Taksil na lalaki! and nagngingitngit na sabi ni Baleng. Salamat na lamang at nakilala ko agad ang uri ng kanyang p agkatao. Darating ang panahon na magmamakaawa siya sa akin. Hindi nagkabula ang sinabi ni Baleng sapagkat isang araw ay dinala ni Arsenio sa bahay niya ang asawa nito at ng ilang mga kasama. Namaril daw si Arsenio sa gubat at doon ay natuklaw ng ahas. Baleng, parang awa mo na, gamutin mo ako, ang sumasamong sabi ni Arsenio. Ikinalulungkot ko, ang sabi ni Baleng na halatang -halata ang pagdaramdam. Wala akong magagawa. Humanap na kayo ng iba na makagagamot sa kanyoa, baling niya sa mga kasama ni Ar senio. Baleng, maawa ka kay Arsenio, ang sabi naman ng asawa nito na nooy umiiyak. Gamutin mo siya. Kung tunay mang siyay nagkasala sa iyo ay patawarin mo na siya. Ang Diyos na ang bahalang gumanti sa iyo. Dinaramdam ko, ngunit hindi mo magagawa ang ipinagagawa ninyo sa akin pagkatapos na akoy inyong apihin, ang matigas na sagot ni Baleng. Subalit Baleng, nasaan ang damdamin mong makatao? anang mga taong nangaroon at nakapaligid sa napahamak na si Ars enio. Dahil lamang

ba sa iyong hinanakit ay titiisin mo nang pagkaitan ng tulong ang isang taong ang buhay ay tanging sa mga kamay mo lamang nakasalalay? Nagmatigas pa rin si Baleng. Datapwat nang makati niyang nangingitim na ang agaw-buhay na si Arsenio, ang kanyang pusong umiibig pa rin sa lalakiy kusang naantig. Kayat dali -daling hiniwa niya ang bahaging natuklaw ng ahas at sinipsip niya ang dugo upang maalis ang lason. Pagkatapos ay tinapalan niya iyon ng dahong gamut sa natutuka ng ahas. Gumaling si Arsenio ngunit ang kahabag -habag na si Baleng naman ang napahamak. Ang kawawang dalagay namatay sapagkat siya ang nalason ng kamandag nang sipsipin niya ang dugo ni Arsenio. Nagdalamhati ang buong nayon nang mamatay si Baleng. Bilang alaala sa kanya ay tinawag ang lugar na pinaglibingan sa kanya ng Baleng -Tawak na nang malaunan ay nauwi sa pangalang Balintawak ng nayong iyon.

Ang Alamat ni Bernardo Carpio

Nuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay mayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subalit sila ay mabait, masipag, matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun p a man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak. Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang. Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag -isa kaya minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo. Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo Carpio sa Pilipinas. Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila -gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na kagubatan ng San Mateo. Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo

sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan. Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahi lan upang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo. Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag -ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila. Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikan ng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo ang napipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sa pambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapan silang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpay pa eto. Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas ay nabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang maging matagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito ay gumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulong ng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi na makapamuno sa himagsikan. Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila ay may nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim sa eksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upang sugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado. Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu na sumapi sa engkantado na ititigil nila ang ekso rsismo (exorcism) kung tutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mga Kastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ng agimat na taglay ng engkantado.

Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilang inanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandang bitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib ay naghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis na naglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado ang kanyang agimat upang pag -umpugin nito ang naglalakihang bato sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo. Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti -unting siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado. Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa may paanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayari kay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upang humingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bago naunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga halinghing at pagaalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawala ni Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahil lagi silang magkasama. Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangka nila etong pasukin. Subalit nang sila ay papa lapit na ay sinalubong sila ng nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilang kalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag -uumpugang mga bato at nuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ng engkantado. Sila ay nangatakot at buma lik sa kapatagan ng hindi nakita si Bernardo. Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng naguumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi eto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo. Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuong himagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas at matapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo ang loob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila. Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ng Pamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila ang unang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila

You might also like