Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

September 24

Ikaw ay nakilala ko ng hindi sinasadya Salamin na suot mo ay hindi mawala sa gunita Pagtigil ng oras aking biglang naramdaman Hinihiling na wag na sanang mag uwian. Dumaan ang ilang araw at mas lalo kitang nakilala Walang hanggang kasiyahan ang aking nadama Ngunit pighati ay biglang umeksena Nang aking malaman na mahal mo pa rin siya. Sa mga mata mong kayganda ako'y nahumaling Di malaman ang gagawin ng ika'y tumitig sa'kin Para bang ako'y matutunaw sa tuwing magkakatinginan Kaysarap pala sa pakiramdam ng may hinahangaan. Ako'y kinikilig kapag naririnig ang tinig mo Sa kilos at galaw mong sa tuwina'y pinagmamasdan ko At sa unang pagkakataon na nadampian ko ang iyong kamay Tuwa at galak sa aki'y biglang nanalantay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin Na ikaw ang laging iniisip at sa tuwina'y nais makapiling Ngunit masakit man isipin na hanggang paghanga na lamang ako Sapagkat guro ka habang estudyante pa lamang ako.

Paglimot
Sa tuwing ikaw ay aking nakikita Naaalala ko ang mga araw na tayo'y magkasama Mga panahong ikaw at ako ay masaya Na para bang walang darating na problema. Ngunit isang araw ako ay nagulat Sa mga salitang iyong isinambulat Labis na nasaktan ang aking puso Anong nangyari at ika'y biglang sumuko? Hindi ko akalain na hahantong sa ganito Ako ba'y hangin na wala lang sa iyo? Bigyang halaga naman sana ang puso kong ito Na walang ibang minahal kundi ang isang katulad mo. Masakit man pero kailangan kong tanggapin Hindi ikaw ang tamang tao para sa akin Damdamin ko ay akin ng pipigilan Upang kirot ng puso ay mabawasan. Hanggang dito na lang siguro ang kwento nating dalawa Nais sabihin na ako'y masaya nang ika'y makilala Mga alaala ng ating nakalipas Basura man sa'yo, ngunit sa akin ay mahalaga pa sa perlas.

You might also like