Pinoy Weekly's Response On "On The Alleged STFAP Restructuring' "

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

(Editor's note: The following was a direct message (DM) sent to Senior Web Editor Sam Sanchez by the

EIC of Pinoy Weekly, who posted the article about the STFAP issue which Pres. Pascual answered and was reposted as a note on our Facebook page)

Pinoy Weeklys response on On the alleged STFAP restructuring


Kenneth Roland A. Guda UP Pres. Pascual, Pagbati! Ako po si Kenneth Roland A. Guda, editor ng Pinoy Weekly (www.pinoyweekly.org). Nagsusulat ako bilang tugon sa isang artikulo na sinasabing sinulat ninyo na sagot sa artikulong sinulat ko para sa Pinoy Weekly. Hindi po kumpirmadong sinulat ninyo ito, at nabasa ko lang sa isang Facebook note ng isang mukhang taga-UP. Appended sa mensaheng ito ang artikulo na sinasabing mula sa inyo. Laman ng sinasabing artikulo ninyo ang tugon ninyo sa artikulong nilabas namin na pinamagatang "Bagong taas-matrikula sa UP?" na pinost noong Hunyo 3, 2011 (Heto ang URL: http://pinoyweekly.org/ new/2011/06/bagong-taas-matrikula-sa-up/). Sinasabi rin sa artikulong ito na bagamat sinabi sa artikulo na hiniling namin ang tugon ng inyong opisina kaugnay ng alegasyong nagkaroon ng taas-matrikula sa UP Diliman ngayon sa uri ng pagbabago diumano sa "default bracket" sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), sa pagkakaalam ninyo'y hindi namin kayo nakontak para sa reaksiyon o sagot sa nabanggit na mga alegasyon. Para po sa kaalaman ninyo, bago inilabas ang artikulo ay kinontak namin sa pamamagitan ng text (SMS) at email si Prop. Danilo Arao, Assistant Vice President for Public Aairs at direktor ng System Information Oce. Malapit ang ugnayan namin kay Prop. Arao dahil matagal na namin siyang kaibigan bilang kapwa mamamahayag at kolumnista siya sa aming pahayagan. Sa email, binanggit namin ang laman ng naturang artikulo at kung saan nanggaling ang impormasyong pinagbatayan ng artikulong ito. Agarang tumugon si Prop. Arao sa aking email noong gabing iyon, Hunyo 5. Sabi niya, may binubuong pahayag ang tanggapan ng Pangulo ng UP hinggil sa naturang isyu. Pero mukhang hindi aabot sa tinakda naming paglabas ng artikulo.

Nabalitaan namin sa pamamagitan ng Facebook post ni UP Student Regent Krissy Conti ang diyalogong naganap sa pagitan ninyo at ng mga lider-estudyante ng UP. Pero sa kasamaang palad, hindi kami nakatanggap ng opisyal na pahayag mula sa inyong tanggapan at sa tanggapan ni Regent Conti. Nais sana namin kumpirmahin mula sa inyo, Pang. Pascual, kung ang artikulo/tugon na ito ay galing sa inyo. Kung kumpirmado nga, makakaasa kayong ilalabas namin ito nang buo sa aming website. Maraming salamat! Sumasainyo, Kenneth Roland A. Guda Editor in Chief, Pinoy Weekly

You might also like