Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSASALAYSAY Sa mga batayang anyo ng pagpapahayag, ang pagsasalaysay ang pinakagamitin o pinakamadalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang

kapwa. Ang layunin nito'y magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari. Ang mga pang-araw-araw na karanasan ng tao, ang mga pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay at sa kanyang kapaligiran, ang mga binabalak niyang gawin, ang mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng ligaya't tuwa; ang lahat ng ito'y ikinukuwento niya sa iba. Potensiyal na materyal sa isang pagsasalaysay ang bawat pagkilos at pagsasalita ng tao, bawat pagbabago sa kanyang kalagayan at bawat pangyayari sa kanyang kapaligiran. Ang pagsasalaysay ay bahagi na ng pang-araw araw na gawain ng tao. Isa ito sa pinakagamitng uri ng pakikipagtalastasan. Ito ay paglalahad ng isang pangyayri o kawil ng mga pangyayari, tunay man o likhang-isip lamang. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad nito ang pagkukwento ng mga kawili-wiling mga pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinaka-masining, pinaka-tanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinaka-matandang uri ng pagpapahayag sapagkat ditto nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong-bayan.

You might also like