Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gusto mo bang makaranas ng isang libreng trip?

Hindi mo na kailangan pang butasin ang iyong bulsa o kaya ay mag-impok ng maraming pera makapunta lamang sa mga kaakit-akit na pook dito sa Pilipinas. Dahil sa pamamagitan ng aking kwento, matutunghayan mo ang dalawa sa mga hindi lamang marilag ngunit makasaysayan ring lugar sa ating bansa. Ihanda mo na ang yong mga mata dahil sa ating paglalakbay, marami kang makikitang sorpresa. Tara na sa ating unang paroroonan, ang bayan ng Pilar. Isipin mong tayo ay nasa isang lakbay-aral at ako ang iyong magsisilbing patnubay. Habang ating tinutungo ang bayan ng Pilar, atin munang ungkatin ang pinagmulan ng pangalan nito. Ayon sa aking nasaliksik, ang pangalang Pilar ay galing sa mga Kastilang napadpad sa tabing-dagat ng bayan. Sila ay sakay ng isang galyon na patungo sa isang pook na may imahe ng isang birhen. Dahil sa malugod na pagtanggap at kabaitang ipinakita ng mga katutubo, ipinangalan nila ang lugar sa karangalan ng imahe ng Our Lady of the Pillar. Mula noon, ang bayan ay kinilala sa ngalang Pilar. Napakahistorikal talaga ng bayan ng Pilar. Sa pangalan pa lamang nito ay marami ka ng makukuhang impormasyon na nagpapatunay lamang na ang Pilipinas ay nakisalamuha sa maraming dayuhan. Mahaba-haba na rin ang oras na lumipas. Nakatitiyak akong malapit na nating makita ang krus ng kagitingan. Sa wakas ay narito na tayo. Ang bayan ng Pilar, Bataan ay naging tanyag dahil sa iskulturang ito, ang Dambana ng Kagitingan. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng Bundok ng Samat. Ito ay itinayo upang gunitain ang Martsa ng Kamatayan na naganop noong 1942. Maraming sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay makamit lamang ang kasarinlan na ating hinangad. Dahil sa kabayanihang ipinamalas ng mga sundalo, tuwing ika-9 ng Abril ay ating ginugunita ang Araw ng Kagitingan. Makikita mo sa museo ang nakasulat na kasaysayan ng Martsa ng Kamatayan. Makikita mo rin ang mga larawan ng mga sundalo, ang kanilang kagamitan, pati na rin ang kanilang mga armas. Kapag natungo mo na ang itaas ng krus, ay matatanaw mo naman ang buong bundok. Matatanaw mo rin ang malalaki, mayayabong, at luntiang mga puno. Malalanghap mo ang napakalamig at sariwang hangin.

Dambana ng Kagitingan

Mga armas ng mga sundalo noong World War II Atin munang iwan panandali ang Dambana ng Kagitingan. Sa ngayon ay ating tunguhin ang espada ng bayan ng Pilar, o mas kilala bilang The Flaming Sword. Ito ay simbolo ng katapangan at katatagan ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok sa ating kapayapaan at kalayaan.

The Flaming Sword Tunguhin naman natin ngayon ang simbahan ng Nuestra Seora del Pilar. Noong 1830, itoy pinamamahalaan ng mga dominikong pari. Iprinoklama ni Padre Damaso Salvador Lintag ang Our Lady of Pillar bilang patron ng bayan. Tuwing ika-12 ng Oktubre ay idinaraos ng mga mamamayan ng Pilar ang pista nito.

Nuestra Seora del Pilar Parish Church

Matapos nating masaksihan ang simbahan ng Pilar, atin naming tuntunin ang isa sa mga pinakabantog na talon dito sa Bataan, ang Dunsulan Falls. Kung ikaw ay naghahanap ng lugar na mapaglilibangan o lugar na kung saan maaari kang makapagpahinga kasama ang iyong pamilya, dito ka na sa Dunsulan pumunta. Dahil sa napakalamig na tubig ng talon na ito ay siguradong mawawala ang inyong pagod.

Dunsulan Falls Dito na natatapos ang ating paglalakbay sa bayan ng Pilar, ngunit..

You might also like