Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 48

Oo nga pala, panahon na naman ng SONA. Bago namin makalimutan, huwag kalimutang magdala ng payong sa mga panahong ito.

Panahon kasi ito na umuulan ng mala-bubog na kasinungalingan. Panahon na binabagyo tayo ng mga dinoktor na istatiska at lumilipad-sa-signal#7-na-hanging mga programa ng kung sinumang pangulong nagpapahayag ng kanyang State of the Nation Address sa Kongreso. Kumakalat ang balita, ipapahayag daw ng bagong halal na si GMA ang kanyang SONA sa saliw ng tugtog ng Chacha. (Kapareha si Angelo dela Cruz?!) Or so they say. Nakahanda ka na bang sumayaw sa bubog? Kung hindi pa, pakinggan at sumayaw na lang muna sa naiibang indak ng mga berso ng mga tagakilometer64 sa ikaapat na isyung ito ng kanilang chapbook.

sana noon pa man ay sinabi na sa iyo kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko - Eraserheads

[1]

[2]

|| PREGNANCY ni Dweighn Baltazar Ngayong gabi, makikipagtalik ako sa mga bituin. Sanggahin man sila ng ulap pilit ko itong hahawiin. Makikipaglaro ako kasama ng hangin. Panandaliang lilisanin yaring apat na sulok na kumupkop sa akin. Sa karimlan, magiging kaibigan ko ang Haring Buwan. Babasbasan niya ako ng mga punlang itatanim ko sa sanlibutan. Iduduyan niya ako sa kanyang mga awit. Makikipagsayaw sa saliw ng kanyang halakhak at tinig na kayrikit. At sa pagpikit ng mundoy gigising ako. Makikipaghabulan sa kalawakan ng haraya at alon ng tugma. Siya kong isasabog yaring mga salita sa blangkong kalangitan, Nang sa pagbuhos ng ulan, kaluluwa moy aking madiligan.

[3]

|| TUKLAS ni Joshua de Luna Nasusukat ang pagkatao sa lalim ng hinga. Kung mababaw, siyay maaari nang kalimutan. Kung malalim, siyay lubusang kahina-hinayang. Ganitong pilit kang nililimot nitong isipan, Anot bakit walang maramdamang panghihinayang Ganitong panay akong napapabuntonghininga.

[4]

|| DREAM ni Demish Villaruel I dance in this sweet melancholy Invisible music only I can hear. In this peculiar soliloquy, No one can understand me. I melt in your succinctness. You swallow my being. I succumb into this ennui. And as I slowly give in, You take hold of my hand. Well go dance under the bright moon, Wish upon a star And think of surreal moments. Because this time, Together, Well surrender to the night.

[5]

|| TOCINO ni Dhanelle Pag nakikita ka Di na mapakali. Di maintindihan, Kinikilig ako. Ngitiy abot hanggang tenga, Ngipiy kitang-kita; Yun palay may tinga. Galing kasing six-six. Tumigin ka sa kin Parang nangungusap At akoy natuwa. Ngunit hindi pala. Kaya nahiya ka, Umalis nang biglat Tumatawang tago Namumulang pisngi. Di alam kung tama, Nahihiya ako. Wala na akong mukhang Ihaharap muli. Nang dahil sa six-six Wala nang pangarap, Pangarap kong ikaw Na iibigin ko.

[6]

|| AWIT NG PAG-ASA ni Prex Umiihip ang hangin, Kumukumpas ang dahon, Pag gising ko, wala ka pa. Nagniniig ang apoy, Nanunuot ang hamog, Pag mulat ko, wala ka pa. Sisikat ang araw, Lalambingin ang mga ulap, Pag sulyap ko, wala ka naman. Sisilip ang kulimlim, Babati sa ganda ng mga tala, Pag pikit ko, hayun ka. Napawi ang hapo, Pati hiningang angkin, Pag ngiti ko, kapiling na kita.

[7]

|| SUNDO ni Lei Sales Maghihintay ako Abutin man ng dapithapon, Sumikat man ang araw O bumuhos ang ulan. Dito lang ako. Uupo. Magyoyosi Sa ilalim ng mayabong Na puno ng mangga Piping saksi Sa pagbuo ng ating mga pangarap Na kastilyo sa hangin. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Mananalig sa katuparan ng isang pangakong Binitiwan sa puso ng Mendiola. Pangako ng pagbabalik. Pangako ng pagmamahal. Batid kong akoy susunduin, Ilalayo sa marahas na mundong Tila ba sumisikip Sa bawat indayog ng panahon. Pupunta duon sa lugar ng mga diwatang Puti ang pakpak. Oo, sa lupain kung saan nakatayo Ang ating mga kastilyo sa hangin, Kung saan ang diyos ay magsasaka, Kung saan tayoy mga panginoon Ng bukirin sa ilalim ng mga ulap, Kung saan nahabi ang ating mga pangarap. Dapithapon na pala; Di ko namamalayan At nariyan ka na rin, Kasama ang diwatang puti ang pakpak. Hindi nga ako nagkamaling Akoy iyong susunduin. Ngayon, sabay nating babagtasin Ang daan tungo sa ating mga pangarap. Hindi na tayo maghihiwalay Sapagkat tapos na ang panahon Ng pananaghoy, Ng pagtangis.
[8]

[9]

|| SHES USING A DRUM MACHINE ni Gerald Casia shoe gazing as the night collapses. redmoon bids goodbye. farewell to thee. farewell. blood is flowing immensely as the day breaks. teasing the night to come again.

[ 10 ]

|| WALA NANG SAPIN ANG KAMA PAGGISING KO ni Maria Roma Tarranza Patay na oras ang alas dos ng umaga. Ang limang hapong katawang katabi ko ay sabay-sabay nang naghihilik. Pero sa akin, mailap ang antok. Babalikwas mula sa pagkakaunat na puwesto, Kapagdakay mamaluktot At mamaya pa dadapa. Babagtasin ng mga daliri ng paa Ang bawat tupi ng kubrikama, Gugusutin at aalisin sa pagkakaayos. Susubok ng ibang puwesto. Baka sakaling suwertihin at antukin. Ikakawing ang hita sa dantayang unan. Pipikit sandali. Pero wala. Ayaw talaga. Naalala ko tuloy yung sinabi mo sa akin dati: Naniniwala ka ba na kapag di ka makatulog sa gabi may nag-iisip sa yo? Alas tres bente na. Nakakainis. Ang lakas pa din ng hilik ng kapatid ko. Malamang sa oo, walang nag-iisip sa kanya.

[ 11 ]

|| MEGAPHONE ni Kiara Ragos Wala akong ibang ginawa kundi magsalita, Magkwento at kumanta nang wala sa tono. Ni hindi ako nakikinig sa titser; Kahit nagtuturo, dumadaldal ako. Walang library-library sa akin; Wala akong paki sa patpat ng librarian namin. Kahit natutulog, Nagbabanggit pa rin daw ako ng kung anu-ano. Lagi akong nahuhuli pag nagtataguan kami. Di ko kasi mapigilang tumawa habang pinapanood ang taya sa paghahanap. Di na bagong mapagalitan ng matatanda Sa pakikisabat sa kanilang mga usapan; Ang ingay-ingay ko, sabi nila. Habang ikaw, tahimik lang. Tahimik na nagbabalak at Nagnanakaw ng pagkatao; Ihinihinga ang mga salitang sumisira Sa mga nagtuturing sa yong kasama. Di nila pansin, Mas maingay ka kaysa sa kin.

[ 12 ]

|| BATUGAN ni Boy Labandero isang umaga na naman parang ayoko pang bumangon at harapin ang ating mga suliranin kay sarap mahimbing lalo nat nananaginip at ikay kasama hay kay sarap gusto ko pang matulog at matulog hanggang sa hindi na ako magising sa katotohanan ayoko pang bumangon sa aking kinahihigaan at tiklupin ang ating pinaghigaan kagabi para ano pa para san pa hindi naman kailangan hindi naman mahalaga sa araw araw na ginagawa ng panginoon wala tayong napapala walang pinapupuntahan pagkagising ko pagkabangon san ako pupunta san ka papunta hihiga ulit matutulog ulit magmumuni muni mananaginip lagi bang ganito parati bang ganyan ayoko na magbago na tayo
[ 13 ]

mananaginip na lang ba tayo matuto naman tayong mangarap para sa atin din naman ito gumising na tayo gising na!

|| ON INDIFFERENCE ni Dom kapag walang akong pakialam dumadaan ang araw nang napakabilis pagkagising ng alas siyete babangon, kakain, maliligo sasakay sa sasakyan nang walang nakikita sa dinadaanan mag-away man ang dalawang driver sa mga gitgitan sa kalye hindi pumapasok sa utak dahil wala akong pakialam. tambak ang trabaho sa lamesa gagawin ko naman ang mga iyon pero hindi ko na iniisip ang ano, saan, paano bakit ko kailangang matapos ang araw na sinimulan nang walang permiso sa akin. kakain sa tanghali magtatrabaho ulit sa hapon. kung may tumawag man sasagutin ang mga tanong nang walang alinlangan pero may naintindihan ba ako? pagkauwi sa bahay hihiga ipapahinga sa kama ang pagod na mga kalamnan sa ibat ibang pangyayaring naglabas-pasok lang sa mata & katawan & isip na parang walang pagkakaiba-iba. magbabasa, manonood, makikinig ng mga nagaganap sa paligid pero ang matay walang nakikita ang tengay walang naririnig kundi ang sinasabi ng isip sa katawan na meron pang bukas at sana sa susunod matuto nang mabuhay nang totoo.
[ 14 ]

|| BAYANI SA BILAO ni Jarvis Wala akong masyadong magawa. Hawak ang boteng tekila, Saksak ang plaka at headphone sa tenga: You were meant to be mine, Intertwined. Telenovela, melodrama Astig ang iskrip; paulit-ulit. Naging korni na nga Hindi pa rin itigil kahit saglit. Masyado daw kasi tayong mapili. Hindi na tayo nakuntento; Mahilig magreklamo. Pero bakit nariyan ka pa rin sa isang tabi? Hayskul evergreen, Forever as my queen. Sinabi mo sa akin mahal mo ako. Dati yun sa puno ng makopa. Pero ngayon sa punong pinagbitayan ni Hudas, Halik na may kamandag. Nais ko pang mabuhay. Lahat ng pagsisisi ibaon sa paglisan sa mundong ito. Hindi bat kaysarap masaktan? Kaysarap humiga sa tinik ng paghihirap ng madla.

[ 15 ]

|| WINDOW SHOPPING ni Marc Crimson de Guzman Lagi kong nakikita si Ben sa Recto, maging sa Lepanto. Minsan nakakasabay ko siyang sumakay sa dyip. Pero saglit lang bumaba na rin siya matapos punasan ng kanyang dalang basahan ang sapatos ng mga pasahero at manghingi ang kanyang grasang kamay ng kapalit sa pagpunas nito. Naupo siya sa gilid ng isang restoran; nanghihingi ng kahit konting kanin at ulam upang magkaroon man lang ng laman ang kanyang nilalamig na tiyan. Siyay naglakad-lakad. Naglalakad nang walang tsinelas. Naglalakad nang walang damit. Naglalakad na hindi alam kung ano ang kanyang magiging kinabukasan.

[ 16 ]

|| DRIVE-THROUGH ni Ayan Mula sa taas ng Jollibee Ang sarap tumingin sa baba Sa mga sasakyang Bumabagtas sa kahabaan ng Vito Cruz Ang sarap pagmasdan Ang mga sasakyan Na para bang walang kahirap-hirap Na gumugulong sa kalye ng buhay Ang sarap sigurong Magkaroon ng sasakyan Nang hindi ko na kailangang maglakad Nang hindi ko na kailangang mag-commute Nakakapagod na rin kasi Ang ganitong buhay Ang lakad, para, sakay, Bayad, baba, at lakad ulit Samantalang silang may sasakyan Hindi na nangangailangang dumaan sa ganito Kung ayaw nila sa isang lugar, Sa isang bagay, Sasakay na lang sa kotse At aalis na Magda-drive Sa kung saan nila gusto E ako Nakastuck lang dito Sa taas ng Jollibee Wala kasing pera, di makaalis Wala ring pupuntahan kung mayron mang pera Wala ring kikitain kung mayron mang pupuntahan Kaya dito lang ako Nakatingin sa baba Naiinggit sa mga taong may sasakyan Na Na Na Na may may may may pera kikitain pupuntahan kinabukasan
[ 17 ]

|| NIGHT SHIFT ni Ayi dela Cruz Kompyuter ang nasa harap ko, sa tabi ko telepono, tapos may papel, maraming papel, sa kaliwa, sa kanan. Ang kape, nanlalamig na. Ang mga mata, nanlulumlom na. Dilim pa rin ang bumabalot sa kalawakan. Ika-apatnapung palapag. Tanaw ko ang kalsadang tahanan ng mga drayber, tindero, manggagawa, empleyado, estudyante, isnatser, at tambay. Labing-apat na oras araw-araw. Ngunit sa oras na ito, sa himbing ng kanilang tulog, tinig ko ang naghahari. Pagsapit ng bukang-liwayway, dito sa aking kama akoy magkukubli.

[ 18 ]

|| WINSTON LIGHTS ni CJ Pasahol butil butil na pawis nilalamig na balat di na mapakali isip ng isip. apat na oras na paghihintay. isip, isip... [kakapagod] kung bakit naghihintay usok, usok, usok... kailangan ng usok, usok... apat na oras na puro kausukan. puro pag-uusok. ito ang karamay sa lahat ng paghihintay. sa saya, lungkot, gutom at pagkabusog. lagi ka na lamang kahalikan ng labing tigang sa halik ng mahal.

[ 19 ]

|| YOUNG GUNS ni Mikko Goco Sunog sa ihip ni pebo, Lahat kami tumatakbo. Mas maaga ang gising, Mas maraming lalaruin. Lima isang dangkal, tres ang isang dakot. Salapi noon, sa text itinatapon, Yung ilan sa lata nakatuon. Syato, kalog at sipa, tantsing, piko at dampa. Maiba taya, litanya ng kabataan noon. Tangina mo! litanya ngayon. Ang bilis ng panahon. Tuyo na ang mga dahon. Mababaw na ang balon. Kung dati, maaga gumising. Ngayon, pauwi pa lang at lasing. Yosi sa kanto, tambay dito. Abuso, mapang mabalis, Lantad sa masamang elemento. Asan na kaya ako? Heto na kaya ang tinatawag na mundo?! Magulo! Asan na kaya sila? Asan na ang pandilya? Miss ko na sila. Miss ko na ang pagkabata, Ang estado ng malaya, walang iniisip, walang Problema.

[ 20 ]

|| BALISONG ni Shadow of Twilight Tumulo ang luha sa mga mata mo. Hinigpitan mo ang hawak sa kamay ko. Mainit pero masarap. Dahan-dahan mo kong niyakap. Tumulo na rin ang luha sa mga mata ko. Ganun tayo sa loob ng Tatlumpung Segundo. Parang ayoko ng umalis sa pagkakayakap ko sa yo. Hinalikan mo ko sa labi. Parang wala akong marinig. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makakita. Sa mga sandaling yun ay wala akong naramdaman kundi ikaw lang. Nakita ko ang pagkatao mo sa isang iglap. Maganda ka talaga. Biglang bumagsak ang mga kamay mo sa lupa. Tumigil ang tibok ng puso mo. Malamig na ang mga kamay mo. Puno ng dugo ang damit mo. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa yo. Pinahid ko ang dugo mo sa mukha ko. Tanggap ko na ang lahat. Wala ka na. Hindi na uli kita mararamdaman. Tuluyan ka nang nawala sa akin. Kinuha ko ang balisong. Desidido na ko. Ang hawak ko ngayon ang tatapos sa buhay ko. Pero ito rin ang magbibigay ng panibagong simula upang makasama ka muli. Wala ng atrasan to. Tinusok ko ang patalim sa puso ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Ganito pala ang nararamdam ng taong sinaksak. Pero tinulak ko pa rin ang patalim hanggang sa maubusan ako ng lakas. Binaba ko ang balisong sa gilid ko. Naramdaman ko sa aking dila ang lasa ng sariwang dugo. Nakasusuklam. Nakakadiri. Kinuha ko ang kamay mo at pinatong ko sa puso ko. Pasensya na kung nabahiran ng dugo ko ang kamay mo. Kahit papaano ay gusto kong maramdaman mo ang buhay ko na unti-unti ng nawawala sa akin. Bigla kong nakita ang mga eksena ng aking buhay. Mula sa aking pagkabata, hanggang ngayon, hanggang sa sandaling ito. Binaba ko na ang aking kamay sa lupa. Panginoon ko, sa inyong mga kamay, inaalay ko ang aking buhay.
[ 21 ]

[ 22 ]

|| MAKATA AT ANG KANYANG TULA ni Che dela Cruz Ang tula ay may ibat ibang anyo. May mga tula na pansarili; ginagawa ng makata para ipahayag ang kanyang sariling saloobin tungkol sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang personal na damdamin. May mga tula naman na tungkol sa pag-ibig; pag-ibig sa karelasyon, tatay, nanay, kapatid, kaibigan o kung sinumang tao na minamahal sa buhay na pinag-aalayan ng tula. Mayroon ding tula na iba ang pinatutungkulan; tungkol sa kalagayan ng kanyang bayan, isinasalarawan ang buhay ng kanyang mamamayan at ng bayang kanyang sinilangan. Ngunit alam ng bawat makata na ang tula ay isang sining; na ang sining ay may pinagsisilbihan at hindi para sa kapakanan ng sining lamang. Kapag ang isang makata ay lumikha ng tula at ang kanyang tula ay para sa kanya lamang, siya ay makasariling makata sapagkat sa kanya lamang nagsisilbi ang kanyang tula. Kapag ang isang makata ay lumikha ng tula at ito ay para sa kanyang bayan, siya ay makabayang makata sapagkat ang kanyang tula ay naglilingkod sa kanyang bayan. Kapag ang isang makata ay lumikha ng tula at nagsasalarawan sa tunay na kalagayan ng sangkatauhan, siya ay MAKATA sapagkat alam niya ang dapat niyang likhaing tula. Sapagkat ang isang tula, higit pa sa pagburda ng mga salita at pagtatahi-tahi nito para makagawa ng tula, ay ang sining ng paglalarawan at paglilingkod. Wika ng isang dakilang makatang taga-Asya: Walang bagay na sining para sa kapakanan ng sining lamang. Ang sining at tula ay may pinagsisilbihan kaya dapat ang makata at ang kanyang tula ay ganoon din.
[ 23 ]

|| HINDI NAKAPAGTATAKA Alexander Martin Remollino I Bawat patak ng pawis ni Ka Linong tumulo sa pinapasukang pabrika ay kalansing ng ginto sa sako ng dayuhang kumpanya, ngunit sa bawat matapos na araw ay baryang parang limos lang ang naiuuwi niya. II Bawat punlang itanim ni Ka Selo ay luntiang gintong inaani ng propitaryong sumososyo sa banyagang negosyante, habang ang kanyang kinakain ay sindami ng kangkong sa tuyong lupa. III Madalas sa hinding ang timbangay pumapanig sa negosyantet propitaryo, kayat pagtatakhan pa ba na ang martilyot asarol nina Ka Linot Ka Selo ay naging mga baril? Magtaka ay parang pagkagulat na ang araw ay maliwanag.

[ 24 ]

|| HAI(NA)KU(!!!)* mga tula hinggil sa tipikal na problema ng masa ni Pedro Ocampo 1. pera namin yan! walang laman ang tiyan ng taumbayan habang ang magaling nating pamahalaan imbes na tayo ang makinabang ng pera ng bayan pinambayad-utang sa mga dayuhan 2. buwisit na kartel ng langis! noong hunyoy humiling ang mga tsuper ng pagtaas ng pasahe P1.50 na dagdag mabigat sa ating bulsa dapat ibunton sa kartel ng langis ang sisi sa taong itoy nagtaas, mahigit dalawampung beses na 3. mahal na batayang serbisyo, mababang sahod kuryente, tubig at iba pang batayang serbisyo sabay-sabay ang pagtaas, dulot ay perwisyo paano ba natin ito mababayaran kung ang sahod natin ay ni singko ay di nadaragdagan 4. kami ang nagsaka, iba ang umani tuloy ang trabaho sa bukirin, umaraw man o bumagyo pagdating ng anihan, kami pa rin ang dehado kaming mga kasama ang hirap sa pagtatrabaho ngunit ang gumiginhawa lamang ay ang mga apo** 5. for sale: edukasyon may pera sa gera at pambayad utang, sa edukasyon wala kaya naman pala bulok ang pasilidad sa eskwela patuloy na pribatisasyon at lalong pagkokomersiyalisa edukasyon ay di karapatan, pribilehiyo na lang pala

* ekspresyon ng mga tao tuwing may problema ** salitang Ilokanong ibig sabihin ay panginoon

[ 25 ]

|| MALAPIT NA ni Roy Monsobre Pagmasdan Wala kang Akala ko, Ang lahat Pangakong mo ang iyong ginawa; awa... wala... wala. kaya mong panghawakan ng iyong pangako, labas lang sa ilong.

Tingnan mo ako ngayon, Wala kang isang salita... wala... wala. Sinungaling ka; isang mandaraya. Lahat ng iyong binitiwang salitay Mga kalokohan na siya kong pinaniwalaan. Titigan mo akong mabuti: Wala kang kwenta... wala... wala. Ngayon natitiyak ko, alam ko, At sisiguraduhin kong darating Ang araw ng iyong pagbagsak. Malapit na.

[ 26 ]

|| COUNTERSTRIKE ni Kristoffer Berse hanggang saan aa bot ang paglalaro natin sila bilang terrorist at tayo, counter-terrorist kung hindi matutong tumalon ayon sa iyong hilig, o tumak bo nang nakapikit, o sumayaw, sumunod sa anino mong hambog? malapit na, ilang laro pa at ma pa pa tid na nang tuluyan ang ating alyansa. matagal na kitang gustong matira sapagkat ikaw, hindi sila, ang terorista.

[ 27 ]

|| LAGUSNILAD CONFRONTATION ni Rustum Casia mapulis ang daan papuntang us embassy. nag-aasul ang buong paligid sa tila bakod na mga shield na nauuso yatang ipamalo. mababangis ang mga mukha nilang nagtatago naman sa kanilang mga helmet. tulad ng kanilang mala trosong katawang nababalutan ng mala-robot na kasuotan. siyempre di nila sasabihing takot sila sa aming mga ipinaglalaban. mas masakit nga naman ang sampal ng katotohan kaysa hambalos ng kanilang kapangyarihan. mapiit, masaktan, mapaslang, talo namin silaalam namin ang aming paninindigan.

[ 28 ]

|| ANG DATING PARAISO Alay sa mga taga Pikit, Cotabato ni Jowel Joyno Naglaho ang lahat na munting pangarap; Paraisong nagisnan ngayon ay nawasak; Liwanag ng apoy sing-init ng araw; Ulap ay umitim sa usok na pumaibabaw. Init ng labanan ng magkabilang panig; Di mo matiyak ang tunay nilang hangarin Perat kapangyarihan, pansariling kapakanan? Prinsipyong magkaiba ang dulot ng hidwaan. Lupa ay yumanig sa Amoy ng pulbura sa Berdeng palayan ay Karahasang namulat lakas ng pagsabog; hangin lumalason; nadilig ng dugo; sa mata ng musmos.

Pag-asa ng ama sa kaniyang kabuhayan; Luhay inialay sa naglahong sakahan; Balisang mga anak sa yakap ng ina; Ilaw niyay lumiwanag na nagbigay pag-asa. Tanong sa isip ng bawat kabataan: Maibabalik pa ba ang masayang tahanan? Ang damuhang berdeng madalas takbuhan? At ang ilog na paliguat mapangisdaan? Sigaw ay katarungan ng mga taong bayan. Kapayapaan lamang ang tangi nilang hangad. Iyak ng mga sanggol sa gitna ng kaguluhan, Hudyat sa pangambang magdidilim nilang bukas.

[ 29 ]

|| BOSES ni Lecter Napakaingay ng lungsod: jeep, pabrika, radio, TV, umuugong na usapan tungkol sa Marina, Spiderman2, pagka-champion ng Ginebra sa PBA, kahit yung simpleng tunog ng cellphone ay sumasapaw sa tinig ko. Kayat akoy napapahinto, tumatahimik sa isang tabi, umaalingawngaw ang inis na kumukubkob sa aking mundo. Pahingi ng airtime nyo. Hinawakan ko ang bolpen at ako ay nalibang sa mga naging imortal kong boses mga sumisisigaw na tintang tila mapa ng aking utak. Bawat papel na nililimbag ay hinagpis ng anak na wala daw kwenta. ... At pangit ang penmanship kayat hindi nila naiintindihan, at wala silang balak intindihin. Sana pakinggan nyo ako Pahingi ng airtime nyo. Kayat humawak ako ng gitara at sinubukang haluan ng musika ang tinta. G - D/F# - Am C Em Em+M7 Em7 - Em6 (bass riff intro) G|D|A|56 E|-30-003-0-5677-567 Ako na mismo ang naglathala ng boses ko sa tainga nila inaawit ng mga daliri at baga ko ang aking utak, puso at kaluluwa ang bobong anak ngayon ay may sarili nang musika pero ingay sa kanila ang aking obra obra na gabi-gabiy pumapaos sa utak ko di bale, wala naman akong kwenta ... Ang tambol ng galit ay umuugong sa aking dibdib kumukulingling, nakakarindi, poot na nare-record at nagple-play nang mag-isa sa aking tainga gabi-gabi, paulit-ulit, nangungulit. ... Nang akoy muling tumahimik, ako ay nakarinig
[ 30 ]

sari-saring ingay na sa lunsod nakukubli: 1) busina ng jeepney driver nanghihingi, nag-iingay sapat na bayad na pamasahe sana ay ibigay 2) langitngit ng makina sa pabrika at pagawaan kasabay ng mga manggagawang pinagkakaitan ng nakabubuhay na sahod at mga benepisyo inaabuso, niloloko, inaalipin ng kanilang amo 3) sa radio kung inyong didinggin di hamak na namamayagpag ang tunog na hindi sa atin ang pinoy ngayon ay walang pagpipilian kultura at himig natin tayo din ang kumikitil 4) ugong ng tv ay nakakabingi kilos protesta, noise barage, poetry reading, rali punumpuno ng ingay, pero di tinutugunan kasi itong si GLORIA, lubos ang pagtulong kay UNCLE SAM Akoy nabigla sa mga napakinggan; paligid ko pala ay naghuhumiyaw, hinaing na mas makabuluhan at dapat na mas marinig kung ikukumpara sa makasarili kong hinaing. Sila ang mas karapat-dapat isigaw; boses nila ang dapat lumitaw mga binabalewalang nakakarami, mga buhay ay pinapaikot ng mga iilang naghaharing uri. Mas kailangan nila ang tulong ko. Kaya pahingi ng airtime nyo. Napaka-ingay ng lungsod para marinig ang aming tinig at nakararami pang mga kabataan natutuon pa sa iba ang pansin telenobela, pelikula at tsismis at iba pang trip na makasarili. Di ko naman balak tuligsain ang kanilang malayang tinig, pero hindi ba mas maigi kung mas ang nangangailangan muna ang unahin? Mas iingay sana ang lunsod kung nagkakaisa ang ating mga tinig, kumikilos ng masigasig, isinisigaw ang ating hinaing sa daan, eskwelahan, pabrika entablado, tinta at awitin. Sabay-sabay, iisang himig magtanghal magmulat magparami, magpakilos para sa ating dalisay na hangarin. Mag-ingat ka dahil naghaharing uri ay handang sirain, pigilan ang pag-alingawngaw ng hinaing ng nakararami. Maging matapang ka dahil buhay ang binubuwis upang ang boses ay marinig. Pahingi ng airtime nyo. Pahingi ng airtime nyo.
[ 31 ]

|| HININTAY KITA SA HARAPAN NG US EMBASSY NOONG HULYO A-KUATRO ni Lualhati Hinintay kita sa harapan ng US Embassy noong Hulyo a-kuatro. Hindi ka naman dumating. Ang apoy ba ng iyong paninindigay nasubhan na? Baka naman abala ka lang sa gawaing masa? Umuulan noon, Masungit at makulimlim ang kalangitan, Singsungit ng mga pulis sa barikada Na may dala-dalang truncheon at bakal na panangga, Panakot at pantaboy sa lumalabang masa. Basang-basa ako kasama nila Ngunit di ko alintana ang pangangatal ng katawan. Sabi ko nga, itoy para sa yo. Para sa bayang matagal nang api at pinagsasamantalahan. Ngunit kasabay ng pagbuhos ng ulan Di rin mapigilan ang paglatang ng hinanakit sa dibdib, Ang pagdagsa ng tanong sa isipan, Na di alam kung kailan mabibigyan ng kasagutan. Bakit hindi ka dumating Ayaw mo na bang makibaka? Sawa ka na ba sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos? Ayaw mo na bang makihamok laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo? Nangako kang babalik ka. Basang-basa man sa ulay naghintay pa rin ako Doon sa dagat ng mga kasama. Bakit hindi mo ibinulong sa mapagpalayang hangin ang di mo pagdating? Kasabay ng pagbuhos ng ulan, Nilalamig may nagliliyab pa rin sa militanteng paligid. Nandoon pa rin ako, Naghintay sa hindi mo pagdating noong Hulyo a-kuatro.

[ 32 ]

|| KUNG BAKIT HINDI AKO DUMATING SA HARAPAN NG US EMBASSY NOONG HULYO A-KUATRO ni Shagami Alam kong naghintay ka o aking sinta Sa harap ng US Embassy Upang dooy makaniig kasama ng masa Sa pakikibaka laban sa imperyalistang dikta Umuulan man noon ay mainit Ang militansya ng organisadong magsasakang Nakikilaban para sa lupang sakahan at demokrasya Doon sa erya na aking nililigiran Marahas man ang militar At madugo man ang daan tungo sa sonang tagpuan Di ko na rin inalintana ang kabi-kabilang opensibang militar Sabi mo nga, itoy para sa yo, para sa bayang pinagsasamantalahan Kasabay ng nakakatustang init ng araw Ay ang di masawatang pag-aalala at panlulumo Ang pagragasa ng tanong sa isip ay tulad Ng pagdaloy ng dugo ng magsasakang pinaslang sa FSQ Dahil nangangailangan ang masa Ng tunay na taliba tungo sa demokrasya Na siyang magmumulat, mag-oorganisa at makikibaka Para mabago ang lipunang mala-kolonyal at mala-pyudal Magbabalik pa rin ako Kahit mainit ang lugar na ito Dito sa gitna ng kagubatan Ibinubulong ko sa hangin ang di ko pagdating Sa init ng sonang gerilya Nag-iinit at nagliliyab sa pakikibaka Nandito pa rin ako Nais dumating sa piling mo noong Hulyo a-kuatro

[ 33 ]

|| ANG PANUKALA NI MAMA SAN ni Usman Abdurajak Sali Sundan daw ng indak ang tugtog, Ng sirang plakang ngumangawa, Mula sa bahay-aliwang magara, Na si Impeng Sam ang nagtatag. Sumayaw daw kayong nakapikit, Dahil madali lamang kabisahin, Kung saan ang hakbang at diin, Maliban pa sa itoy paulit-ulit. Dalawang hakbang na pasulong, Upang tayo daw ay umunlad. Di bale na raw kung may kasunod, Na dalawang hakbang paurong. Bukas ang palad pati ang palda, Makipagsayaw raw sa banyaga. Isuko daw kaagad ang bandila, Kapag dolyares ang perang dala. Ito raw ang modernong buhay, Kailangang umasa sa delihensya Mula sa nakikipaglandiang dayo. Magbihis daw ng medyo mahalay. Tiyak daw malaki ang ating kikitain, Sa mungkahing engrandeng pasayaw. Inaanunsiyo na nga ito araw-araw, Ng mga sugo at bata ni mama san. Hindi na raw kailangan magpraktis, Dahil madali lamang ang atras-abante, Abante-atras sige lang nang sige, Tiyak daw hindi magmimintis. Magaling talaga magturo ng sayaw, Si mama san na taga-bahay-aliwan. Magaling maghanap ng pagkakakitaan. Garapalan nga lang ang pambubugaw. Ayokong sumayaw ng Chacha Mas maganda kase ang tinikling. Mas tipo ko rin ang sayaw itik-itik. Mas nakakatuwa ang sayaw-palaka. O kaya ang sayaw kapag may caao. Pero ang gusto ko talagang sayaw, Medyo marami na ang nakalimot, Sa dakong timog bansag nitoy saut,* Magiliw na sayaw bago ang pangayaw!** * sayaw pandigma ng mga lumad sa Bukidnon ** pakikidigma ng tribo
[ 34 ]

[ 35 ]

|| IN PRAISE OF MARTYRS BENJALINE BENG HERNANDEZ, 22 November 21, 1979 - April 5, 2002 [Ang sumusunod ay hango mula sa atikulong Remembering Beng: An Atenean Who Became a Peoples Poet ni Dayami Flores ng www.bulatlat.com]

She was an Atenean, a literature student, a young journalist, a poet -- needless to say, compassionate. She had pains, lots of it. Growing up in a family ripped by class contradictions and the painful contradictions of life surrounding it -- having a father coming from an upper class family who married someone of the lower class, her mother, life must be tough for her and she had to grow up with the grandparents. She grew up quite ordinarily. Yet, Benjaline Beng Hernandez was no ordinary person. What kept her apart from the preoccupations of her generation soaked in electromedia escapism is the part of her that made her follow her passions. ... While everyone was forced to live the lifestyle of a kolehiyala na may kaya, she was confronted with the reality that she could hardly live with the sum sent by an overseas contract worker aunt -- another contradiction that she had to deal with. Little wonder then that Beng, as her activist colleagues would put it, was not difficult to convince to join marches and demonstrations that slammed the school for the skyrocketing tuition fees and underpaid teachers. She felt poverty right in her very gut and she felt it more when surrounded by her filthy rich classmates. Aching to understand society further, Beng finally went out of the university and decided to learn more about the world she was in. ... While still a student, she volunteered for the human rights alliance Karapatan. There, her eyes were opened to more realities. Beng learned about rampant killings by military and paramilitary elements. And she wondered why those killed were always the poor, the peasants, the landless and the perpetrators were always
[ 36 ]

the private armies of landlords and the military with connections to the ruling class. Beng saw these and she searched for more. Not only did she choose to deal with the families of those killed by the military for senseless reasons. She was with them in times when they demanded justice for their loved ones. Beng walked with them, even if it meant a great deal of sacrifice for her. When there were needs for Karapatan volunteers to go out to the areas for fact-finding missions, she was always there with a ready Yes, I will go! It was at that time when she heard of peasants massacred in Tababa, Arakan Valley. ... She went there to know about what happened to the peasants in Arakan valley and the kind of lives they live under conditions of abject poverty and oppression. Poor as they were, these peasants live to be able to eat and eat to be able to live. They live very simple lives. At daytime, she would teach their children songs, and tell stories, for she had this certain fondness for children. On starry nights, she would just be there hanging around with the folks and talking with them about anything - their dreams, their aspirations under constellations whose names she took time to teach them, as one farmer would later recount. And such was the life that drove Beng to learn more, search more until that fateful day, on a day like today, April 5, when Cafgu paramilitary men and elements from the 12th Special Forces surrounded the house where she was about to eat with peasants, that fate met her. The dry, cogon-covered rolling hills which spelled hunger for the people was witness to how she was felled by bullets from Cafgu and military elements. These men took away a life of a very young human-rights advocate who just sought to walk along the people in their struggles for land and justice. And yet, months after, she had to come back in a cold coffin. What could have Beng done that deserved the ire and recklessness of these men who fired M16 bullets into her lithe body at close range? This is the question that human-rights advocates have been asking. Indeed, in a country where an economic order yields massive oppression, siding with the poor has come to mean death. And yet, our lives continue to be touched by people like Beng who was brave enough to take the side of the poor. It was a life that will continue to lead others to follow her path. She lived a life that is an inspiration to many who, until now, are still crying out for justice.
[ 37 ]

Ang akong unibersidad Gidumalahan sa mga hesuitang pari Gitudluan kami bahin kang Kristo Gitudluan sab kami unsaon magpadato Diay mao ang pagpangawat sa kusog pamuo Ug dili ang pag-inisig-katawo Ang akong unibersidad Marmol asta kasilyas Asta kasilyas gimentenar Aron maipasigarbo nga kuno klas ug pang dato Sa akong unibersidad Estudyante Bawal mag tsinelas Bawal mag sando Bawal mag shorts Ang walay ID dili kasulod Katarungan sa mga pari Dapat pormal ang pamarog ug panagway Aron husto ang pagtuon Niining pangdato nga unibersidad Sa akong unibersidad Bawal mangutana o magtuki O mangatarungan Instructor nga perte ka istrikto Mao ray pirmi sakto Ang pagtuon murag pagkaon Nga diretso pagatunlon ug dili paga-usapon Ang akong unibersidad Usa ka komedya Ang angay matun-an, wa matun-a Ang angay tudlo-un, wa tudlui Ikaw nay nagbayad, ikaw pay ulipon Sa mga paring hesuita Ug magtutudlong nagpaka-aron-ingnon

[ 38 ]

My university Is run by Jesuit priests We are taught the life of Christ We are taught how to get rich To steal the labors of workers And not to be men for others In my university Even toilets are made of marble Even toilets are well-maintained So they can proclaim proudly That we have class and we are for the rich In my university Students are prohibited From wearing slippers From wearing sando From wearing shorts No ID, you cant go in The priests would say We should look formal So we can learn well In this university for the rich In my university You cant ask questions nor discuss Nor reason out Instructors are much too strict They think they are always right Learning here is like eating Without masticating My university Is like a comedy You dont learn things you ought to know They dont teach things they ought to teach You pay yet you feel like the slave To the Jesuit priests And pretentious instructors

[ 39 ]

Samtang ang inyong unibersidad Unibersidad sa katawhan Nagtudlo unsaon pagpukan Ang dunot nga sistemang Nag-ulipon sa kadaghanan Inyong unibersidad Walay bongbong Walay lingkuranan Walay mesa Walay pertahan Blakbord mao ang taffeta Apan nagmatinud-anon Simple lang ug dili magarbo Inyong unibersidad Estudyante mayukmok gyud Sul-ob ang tsinelas, shorts ug sando Sa inyong unibersidad Ang instruktor muhagit Nga tukion ang katilingban Tun-an ang pagpahimulos Ug barugan ang pakigbisog Sa inyong unibersidad Ang instruktor dili binayran Dili masuko kung pangutan-on Ug sukit-sukiton Ibalos ang pag-esplikar ug pahiyom Mainantoson, maalam, nangalagad, nagserbisyo Ang inyong unibersidad Usa ka drama Walay yuta nga katikaran anak nga dili ka-eskwela pananom nga walay bili kapobrehon, pagkaulipon Kini nagpamatuod ang tinoud nga pagtuon wala sa dagkong unibersidad kon dili diri sa kabukiran gihisgutan ang kasinatian sa katawhan

[ 40 ]

While your university Is the university of the people They teach you how to destroy A rotten system That enslaves the people Your university Has no roof No chairs No tables No doors You have taffeta for blackboard But your university is for real Its simple and not proud In your university The students are poor They wear slippers, shorts and sando In your university Your teachers will challenge you To discuss society To learn why there is oppression And to stand up and fight In your university The instructors are not bought They wont mind questions And discussions They answer you with knowledge and a smile They are patient, learned They serve Your university Is like a drama: No land to till Children cant go to school Crops are rendered useless Poverty, subjugation This only proves That true knowledge Cant be found in big universities But here in the mountains Where the life of our people Are taught and learned

[ 41 ]

[ 42 ]

|| RENGGA KONTRA SONA Orihinal na nasulat bago magSONA si GMA noong 2003 nina Alex Martin Remollino, Bijux de Bijux, Joshua de Luna, Marcus, Noyarbry, Rustum Casia Minsan sa isang taon, dinudumog ng tao ang Kongreso at ang dala-dala nilang baon diwang buong buo at mga polyeto, polyetong inilimbag ng dugot pawis, pabubulaanan ang kasinungalingan ng pangulo, polyetong nagsasabi ng totoo, dinanas ng nakakarami at di ng nasa pwesto. Silang naglulunoy sa luha ng sambayanan, kampanteng nakaupo sa airconditioned na bulwagan, pumapalakpak sa bawat numerong binibitiwan, mga numerong sila lang ang nakakaalam, sila lang ang nakakaramdam. Sapagkat ang kanilang utak at puso ay di na nasisikatan ng araw at kanilang kabahuan ay sagad na sa buto ng bulok na sistemang sila ang namumuno. Pero tayo ay kabuting dadami, tayo ay lalakas pa sa malakas na bagyo at tayo ay lalaban ng walang suko at walang sawa harangan man ng cyclone wire na pagkahaba-haba o trak ng bumberong sa atiy bumabasa; batuta ng pulis ay di alintana Sapagkat sama-sama nating ipaglalaban karapatan, demokrasya at kalayaan. Sa araw ding ito, titigil ang mga makina, mauulila ang mga upuan ng mga silid aralan. ang mga artista ay di na magtatanghal sa mga bulwagan; sa lansangan nila ilalarawan ang mukha ng sambayanan. Sapagkat gutom ang sambayanan, at ika nga ng mga tindero sa may trabaho: di nakakain ang survey. Ang mga makata ay tutula, ang mga mang-aawit ay aawit, di upang magkwento ng habulan ng mga paruparo, o ng ligawan ng mga diyos ng kalangitan. o di kayay, kung gaano kabango ang sampagita, at gaano kalayo ang buwan.
[ 43 ]

Di bat pag-ibig din naman ang paglilingkod sa sambayanan? Pag-ibig ito, pag-ibig na kumitil sa hininga ni Bonifacio sapagkat ang mga dugong-bughaw ay natakot sa panaginip niyang isang bayang walang gapos. Natakot sila, sapagkat kung walang gapos ang bansa ay paano ang kanilang balaking humalili sa Kastilang bantay ng selda? Ngunit pag-ibig din itong tumawid sa tulay ng mga dekada at paulit-ulit na sumisindak kina Tiyo Samuel at kanyang mga alila sa Kongreso at maging sa Malacaang, at pag-ibig na isang araw, kundi hahayaang pumanaw ay puputol sa kuko ng Higanteng Limbas ng Hilagang Amerika. Sa araw ng Sona, lunurin natin ang mga pader ng Heriko ng ating bansa sa mga titik ng pag-ibig ni Bonifacio. Sumaatin sa araw ng Sona ang kaluluwa ni Mabini nang ang tinig niya ay maitapal sa matatamis na kabulaanan ng mga Aguinaldo at Paterno sa Kongreso at Malacaang.

[ 44 ]

[ 45 ]

[CHACHA]SAYAW.SA.BUBOG/CHAPBOOK[#4][HULYO2003]

N I L A L A M A N Pregnancy| Dweighn Baltazar Baltazar[3] Tuklas| Joshua de Luna[4] Dream| Demish Villaruel[5] Tocino| Dhanelle Dhanelle[6] Awit ng Pag-asa| Prex [7] Sundo|Lei Sales[8] Shes Using a Drum Machine| Gerald Casia[10] Wala Nang Sapin Ang Casia Kama Paggising Ko| M a r i a R o m a T a r r a n z a[ 1 1 ] a Megaphone|Kiara Ragos[12] Batugan|Boy Labandero[13] On Indifference|Dom Dom[14] Bayani Labandero Dom sa Bilao|Jarvis[15] Window Shopping|Marc Guzman[16] Drive-Through|Ayan[17] Crimson de Guzman Nightshift|Ayi dela Cruz[18] Muchas Grasa|Lecter[19] Winston Lights|CJ Pasahol[20] Young Guns|Mikko Goco [21] Balisong| S h a d o w o f T w i l i g h t t[22] Makata at a n g K a n y a n g T u l a |C h e d e l a C r u z [ 2 4 ] H i n d i Nakapagtataka| Alexander Martin Remollino Remollino[25] Hai(na)ku(!!!)|Pedro Ocampo[26] Malapit Na| Roy Monsobre Monsobre[27] Counterstrike|Kristoffer Kristoffer B e r s e [28] Lagusnilad confrontation|R u s t u m Casia[29] Hinintay Kita sa Harapan ng US Embassy noong Hulyo a-Kuatro/Kung Bakit Hindi Ako Dumating sa Harapan ng US Embassy noong Hulyo a-Kuatro|Dancing Red Flag[30] Ang Dating Paraiso| Jowel Joyno Joyno[32] Ang Panukala ni Mama San|Usman Abdurajak Sali[33] IN PRAISE OF MARTYRS: Benjaline Beng Hernandez[35] Rengga Kontra SONA[43]

http://groups.yahoo.com/groups/kilometer64/

You might also like