Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Ano ang Masining na pagpapahayag. Ang Masining na pagpapahayag ay sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.

2. i.

Ipaliwanag ang mga sumusunod; Semantika A. Sa payak na kahulugan, ang Semantiks, Semantiko, o Semantika ay ang pag-aaral ng kahulugan. Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng mga tagapagpabatid o tagapagkahulugan (mga signifier sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ang ganyang mga tagapagpabatid ay ang mga salita, pananda, at mga simbolo. Samakatuwid, ang Semantiks ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. Ang Sementiks ay isa sa tatlong bahagi ng may mas malawak na kontekstong Semiotiks, ang pangkalahatang teoriya ng wika.

B.

Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.

C.

Ito ay binubuo ng sintaks at salitang ugat.

D.

Ang semantika ay pag-aaral hingil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika.

ii.

Sintaks

A.

Sa lingguwistika, ang palaugnayan o sintaks ay ang sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.[ Ito ang pag-aaral ng mga prinsipyo at mga patakaran sa pagbubuo ng mga pangungusap sa loob ng likas na mga wika. Maaari ring tumukoy ang salitang palaugnayan sa mismong mga batas o patakaran, katulad ng "palaugnayan ng isang wika". Ang makabagong pananaliksik sa palaugnayan ang sumusubok na ilarawan ang mga wika ayon sa ganitong mga panuntunan, at, para sa maraming mga tagapagsagawa, upang makahanap ng pangkalahatang mga patakarang magagamit sa lahat ng mga wika.

B.

Ang sintaks ay kombinasyon nga mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga praseng ito upang makabuo ng pangungusap o sentens. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical.

C.

Ang sintaks ay mayroong konotasyon sa iba't ibang larangan tulad ng agham, pilosopiya, at matematika, ngunit ang mga kahulugan nito ay magkakahalintulad. ang ibig sabihin ng sintaks ay ang wastong pagkakaayos ng mgavariables o impormasyon upang makapagpaliwanag ng isang bagay. tulad ng isang pangungusap, hindi ito maiintindihan kung wala sa tamang ayos ang mga salita - ang paksa, panaguri, pandiwa, pang-uri, atbp.. dpat ay nasa tamang sintaks ang mga salita upang makabuo ng isang diwa.

D.

Ito ay tumutukoy sa set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaaring pagsama-samahin o pag-ugnay-ugnayin ang mga salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap.

iii.

Retorika

A.

Ang sayusay o retorikaay isang uri ng sining ng paggamit ng wika o isang pag-aaral tungkol sa kaalaman sa mga salita o lenguwahe. Ginagamit ang retorika ng isang tao upang mapasunod at magkaintindihan ang dalawang magkausap, upang maipakita ng bawat isa ang kanilang kagalingan sa pakikipagtalastasan.

B.

Ayon impormasyon sa ibat-ibang aklat, isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag ng ang retorika kung saan tinutukoy kung maganda o kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita ng isang tao. Maaaring isa itong kahusayan ng nilalang sa pagpili ng mga salitang nais niyang iparating. Susi sa mabisang pagpapahayag ng nauukol na kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat ang retorika at isa ring pag-aaral upang makabuo ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng pili at wastong pangungusap na may maangkop na layunin. Bilang isang sining, isa itong sining na kooperatiba, temporal, limitado at nagsusupling. Ilan sa mga gampanin nito ang pagbibigay daan sa komunikasyon, pag-aabala, pagpapalawak ng pananaw, pagbibigay ngalan, at pagbibigay kapangyarihan.

You might also like