Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SI PAGONG AT SI MATSING

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. "Halika Matsing, kainin natin ang pansit" nag-aayang sabi ni Pagong "Naku baka panis na yan"sabi ni Matsing "Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n'yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain" dagdag pa nito. "Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning" sabi ni Pagong "Kahit na, ako muna ang kakain" pagmamatigas ni Matsing Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong. "Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain" paliwanag ng tusong matsing. Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging. "Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito" masayang sabi ni Pagong "Gusto ko rin ng saging na 'yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin"sabi ni Matsing "Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin." "Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?" nakangising sabi ni Matsing "Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong "Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte"sabi ni Matsing Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. "Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo"sabi ni Matsing "Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat" paliwanag ni Pagong "hmp kaya pala nalanta ang aking tanim"nanggigil na sambit ni Matsing "Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin" anyaya nito "Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin."sabi ni Pagong "Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta't bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda" sabi ni Matsing Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong. "Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!" tuwang-tuwang sabi ni Matsing Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya't humingi ito ng tulong kay Pagong. "Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas"pagmamakaawa ni Matsing "Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan." sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging. "Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!" daing ng tusong matsing "Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin"bulong nito sa sarili Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. "Hoy Pagong humanda ka ngayon!" galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong. "Anong gagawin mo sa akin?" takot na tanong ni Pagong "Tatadtarin kita ng pinong pino"sabi ni Matsing Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing. "Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha"sabi ni Pagong Nag-isip ng malalin si Matsing "Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka" sabi ni Matsing "Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito" pagyayabang ni Pagong Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan. "Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!" sabi ni Matsing Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. "Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na " pagmamakaawa ni Pagong Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. "Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. Sabi nga: Tuso man ang matsing, naiisahan din

ANG MAG-ANAK NA LANGGAM


Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya't ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. "Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal," sabi ni Tatay Langgam. "Hindi po kami lalayo," sabi ni Unang Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila. "Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami,"sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. "Buti pa'y maghanap ako ng mas masarap na pagkain." Walang anu-ano'y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama. "Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi." Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal. Hind mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito'y hanapin, hanggang sa siya'y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak. Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: "Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo."

ANG PALAKA AT ANG UWANG


Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang. Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kna Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa. Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. "Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin." Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon. "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang. Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.

LALAPINDIGOWA-I
Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa. Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid. Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito'y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya't ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito'y naluto rin. Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

You might also like