Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Emilio Jacinto

Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan. Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 24.

Ang pag-ibig
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwira, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa tao ay siya lamang ang makakapag bukas sa loob sa tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at di matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman. Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at karang-karang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pag kakapisan at pag kakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi yaong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala sa buhay sampung kaginhawaan.

You might also like