Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Olympus Asylum Jaeson Coronado

Prologue: Send it out, Hera, mariing utos ni Zeus sa babaeng nakatayo sa harapan niya na kanina pa naghihintay ng kanyang susunod pang plano. Tumango lamang ito at dinampot ang limang sobreng kanina lamang ay sinelyohan niya. Hindi siya maaaring mabigo, malakas ang paniniwala niyang iyon na ang dahilan kung bakit siya ipinanganak sa bulok at tuluyan pang nabubulok na mundong ibabaw. Kung kinakailangan niyang ibuwis ang kanyang sariling buhay ay gagawin niya, huwag lamang mawala ang hustisyang noon pa man ay unti-unti nang binubura sa pamamalakad ng sosyalidad. Kailangan niyang humakbang at mag-umpisa. Kung hindi, sino na lamang ang lalaban? Kahit maliit ang posibilidad, ipagpapatuloy niya ang madugong digmaan at sisiguraduhin niyang hindi siya lalaban ng mag-isa. Alam niyang may mga taong kaparehas ng paninindigan niya. Kaya nga nang matagpuan niya ang limang taong iyon, nabuhay ang pag-asa sa kanyang katawan. Lalaban siya bilang si Zeus, ang diyos ng Olympus Asylumang lugar na maguumpisa ng pagbabago.

Make yourself at home, gods, bati ni Zeus sa limang lalaking nakatayo sa harapan niya. Hindi niya maitago ang galak, abot-tainga ang ngiti niya ng mga sandaling iyon. Nararamdaman na niya ang pagbabagong inaasam. Nasa harap na niya ang mga susi sa kanyango mas nararapat niyang sabihingkanilang tagumpay. Base sa mga hitsura ng mga ito ay hindi magkakasundo ang mga binata at nahinuha na niya iyon noon pang sinisimulan niya ang kanyang plano ng pagbabago. Welcome to Olympus Asylum, muling bati niya at tumayo sa kanyang kinauupuan. I bet you already read the rules and conditions of this battle. Sinimulan niyang ikutin ang kanyang opisina habang pinakikiramdaman ang pagsunod ng limang pares ng mata sa kanya. He stood behind them and continued. And I believe that weve gathered here was because you all agree with me. Not with your idea of justice, old man, marahas na tutol ng nasa dulong kanan niya. Hinarap siya nito at pagak na tumawa. Youre being delusional. Then what brings you here? Ill use this opportunity to live the way I want. The pay is pretty high, so why not give try it out? Walang gatol na sagot nito bago muling humalakhak. But that was the second reason, of course.

We dont believe with your idealism, sang-ayon ng lalaki sa gitna. Sa pagkakataong iyon ay hinarap na siya ng lima. The air became heavier as it already was but Zeus didnt feel any pressure. He loved itthe air of success. But we knew better. Wala namang mawawala sa amin kung susubukan perhaps well get all the benefits. So why not? He knew it. These five men are the gods he was looking for. Nararamdaman na niya ang kanyang unang hakbang sa pagbabago. Of course, that wont end there. He wont be delusional and hes not one. He knew that he will be taking another step as soon as possible with the people assembled in the room as he hides them in the name of Poseidon, Apollo, Artemis, Ares and Hermes.

Chapter One Pagkababang pagkababa ni Karle ng bus ay agad siyang umupo sa lilim ng waiting shed hila-hila ang hindi kalakihang maleta niya. Mabuti na lamang at medyo pamilyar siya sa lugar dahil ilang beses na rin naman siyang nakabisita sa mga kamag-anak niya sa Cavite pero hindi iyon ang dahilan niya kaya siya naroon. Kailangan niyang pansamantalang lumayo sa sibilisasyon at masugpo ang kanyang writers block. Ilang linggo na siyang bagot na bagot at hindi mapakali sa bahay dahil kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang maisulat, kung meron man, hindi siya satisfied sa kinalabasan. Mabuti na lamang at naisipan ng pinsan niyang dumalaw sa bahay nila noong nakaraang linggo at napakiusapan niya kung pwede siyang magbakasyon sa Cavite nang isang linggo. Pumayag naman ito agad at sinabing pakikiusapan na lamang ang kaibigan nito dahil hindi naman daw iyon madalas umuwi, mahigit tatlo hanggang limang beses lang sa loob ng isang buwan. Napabuntong-hininga siya. Sa wakas ay makakapagsulat na siya. Hinugot niya ang cellphone at tinawagan ang pinsan. Pagkatapos ng apat na ring ay sumagot ito. Lei, Im here. Cous, Im sorry. I dont think I can pick you up right now. Natatandaan mo pa ba papunta kila Nanay? tanong nito na ang tinutukoy ay ang lola nila. Natigilan siya at bahagyang hinalungkat ang memorya niya. Yeah, I guess. Cous She let out a soft chuckle. Im fine. Ill call you if ever I get lost. Mahaba habang katahimikan ang namayani bago niya narinig ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. Ill be fine. Dont worry too much. Naalala ko kasing wala kang sense of direction, mahal kong pinsan, nasa himig nito ang pagbibiro at pag-aalala. Ill send you the directions. Make sure to call me back every after ten minutes. Bigla lang kasing nagkaroon ng emergency dito kaya hindi ako agad makaalis. Alright. Ill call you back. Thanks cous. Mwua! Bigla siyang kinabahan. Totoo naman kasi ang sinabi nito; wala siyang sense of direction. Hindi naman kasi siya ang tipo ng taong medaling makatanda ng lugar, isa pa ay makakakalimutin siya kaya madalas ay hindi siya lumalabas ng bahay. Hindi rin naman siya inuutusan ng mga magulang sa kung saan dahil alam ng mga ito na possible siyang maligaw. Ngunit ano ba naman ang maligaw siya ng minsan? Ngayon na lang naman siya aalis ng bahay ng walang kasama. Besides, shes already twenty four. Tsaka pa ba siya matatakot? Sinimulan na niya maglakad-lakad. Hindi naman siya pupunta sa direksyong hindi pamilyar sa kanya. Maya-maya pa ay narinig na niya ang sigaw ng dispatcher. Tama siya, doon

nga ang sakayan ng jeep. Nang makalapit ay hindi niya maiwasang maramdaman ang kakaibang tinging pinupukol sa kanya ng mga tao doon. Sigurado naman siyang maayos ang itsura niya at mukha siyang normal. Imposible din namang nagagandahan sa kanya ang mga tao doon dahil hindi iyon kailanman mangyayari. Luminga linga siya. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang grupo ng mga estudyanteng babae na tila ilang na minamasdan siya. Hindi naman kalayuan ay may mga binatilyong panay ang lihim na tawanan sa isat isa at ang isa pang lalaki na nagmula sa direksyong pinanggalingan niya ay nakangising sinalubong ang tingin niya habang naninigarilyo. Ano bang meron? Kinakabahan na siya. Hindi maganda ang mga nangyayari. Sa kabilang direksyon ay may lalaking naglalakad patungo sa kanya. Matangkad ito at mahaba ang gulo-gulong buhok. Napaatras siya. Ano ba ang gagawin niya? Bago pa siya makakilos ay nasa harapan na niya ito at base sa itsura nito ay mukha itong taong grasang walang grasa sa katawan at mukha. Mukhang basahan ang kulay kayumangging T-shirt na suot nito at kupas din ang itim na short nito na naghihimulmol na ang dulo. Bakas din sa mukha ng lalaki ang disgusto. Lalo siyang natakot. Maaari siyang saktan nito at ni hindi man lamang siya umabot sa balikat nito. Inaamin naman niyang hindi siya matangkad ngunit kahit na. This is why I hate women, narinig niyang bulong nito sa hangin. Natigilan siya at bahagyang napakunot ang noo. Hindi niya inaasahan iyon. Pero teka, hindi bat madalas ng baliw ay mga spokening dollar? Para siyang sinabuyan ng nagyeyelong tubig sa realisasyon niyang iyon. Delikado siya doon, baka mamaya ay mabalita na lang siya sa dyaryo na pagkatapos ma-gang rape ay piata at itinapon sa kung saan. Usong-uso pa naman iyon sa panahon ngayon. Hinigpitan niya ang hawak sa maleta at umatras. She needs to get out of there or specifically, run away from that place ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay naramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, mukhang malaki ang posibilidad nang mga iniisip niya. Where are you going? tanong nito sa baritonong tinig. Pull your skirt down, woman, utos nito sa kanya. Tinignan niya ang paligid, mataman lang na nakamasid ang mga tao at tila wala siyang balak tulungan mula sa taong grasang walang grasa na nasa harapan niya ng mga sandaling iyon. Gusto niyang umiyak. Mukhang kasabwat ng lalaki ang mga tao doon kaya hindi kumikilos ang mga ito at kaya ganoon na lamang ang tingin na ipinukol ng mga ito sa kanya kanina. Malamang ay kanina pa siya pinagmamasdan ng mga ito dahil siya talaga ang target simula pa nang bumaba siya ng bus o baka nga noong nasa bus pa lamang siya. Napalunok siya at pinagmasdan ang lalaki. Malabo siyang makatakas dito. Maayos ang pangangatawan ng lalaki at tiyak niyang kapag lumaban siya ay mas mapupuruhan siya. Surprisingly, she heard him hissed. Naiinip na ba ito? But to pull her skirt on public He is definitely insane. A lunatic to be exact.

Bigla na lamang siyang hinapit nito palapit. Nasa likuran na niya ito at hindi naman niya magawang lumaban. She knew very well that it will get worse if she will do so. God, help me. Alam niyo namang madami pa akong pangarap sa buhay. Wala pa nga sa kalahati ang naa-achieve ko. Bahagyang yumuko pa ang lalaki at doon niya naramdaman ang paghawak nito sa palda niya. Lord, please. Not now. Naluluha na siya. Higit niya ang hininga at mariin ding nakapikit ang mga mata. Sana lamang ay panaginip lang ang lahat at paggising niya ay nasa bahay lamang siya. Hindi naglaon ay naramdaman niya ang pagkawala ng bigat sa braso niya. She even heard him walked away with those noisy slippers of his. Should she open her eyes now? Or maybe not? Tch. Sayang. Ang ganda na ng view natin kanina! KJ ni manong eh. Sayang! She tried peeping the scene with her left eyeumalis na nga ang lalaki. Nang masiguro niya ay tsaka lamang niya tuluyang idinilat ang mga mata. Kinapa niya ang sarili. Sigurado siyang hindi siya hinipuan ng taong grasa. Tinignan niya rin ang mga gamit niya sa bag, wala namang nawala sa kanya. Just... what happened? Hija, tawag sa kanya ng matandang babae at unti unting lumapit sa kanya. Tumingin muna ito sa paligid bago siya sinenyasang lumapit dito. Inilahad niya ang tainga dahil base sa itsura nito ay may nais itong ibulong. Mabuti na lamang at dumating ang lalaking iyon. Kanina ka pa sinisilipan nang mga kabataan sa likod. Po? Di makapaniwalang tanong niya. Paano siya magagawang silipan Aba eh, nakaangat ang dulo ng palda mo neng. Iyon bang nakatiklop yong dulo. Napaisip siya. Nakasuot siya ng mini-skirt at ang shorts naman niya ay sobrang ikli, halos mukhang panty na nga iyon kung tutuusin. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha. Oh. My. God. Nakakahiya!

You might also like