Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap!

ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Paliwanag : Ang pagkakaintindi ko dito ay sinasabi ni Rizal na taposing ng mga kabataan ang iniwan nyang talino.

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magitang na diwang puno sa isipan mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Paliwanag: Sinasabi ng may akda sa mga kabataan na ang talino ay hindi lang sa utak kundi sa puso. Kaitaasan o kalangitan doon daw dalhin o doon dapat mapunta ibig sabihin gumawa ng mabuti upang sa langit ang bagsak hindi sa impyerno. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na't lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Paliwanag: Sinasabi nya na maglakbay o hanapin ng mga kabataan ang kani kanilang sarili upang lumawak ang kaisipan. Ang pagkaiintindi ko dito ang ipinapahiwatig ay ang pagpasok sa paaralan upang malinang ang talino. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal.

Paliwanag: Sa pagkakaintindi ko ay parang ipinapasabi ng bawat saknong na ang mga kabataan ay dapat maging isang mabuting mamamayang Pilipino. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Paliwanag: Magsikap at gumawa ng mabuti un ang tanging naiisip ko kapag nabasa ko ito. Parang sinasabi ni Jose Rizal na manalig sa maykapal upang sa ganoon ay magkaroon ng lakas na umusad sa lipunan na may mabuting hangarin. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot at mabisang lunas sa dusa't himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Paliwanag: Ang pagkaintindi ko ay marami talagang suliranin ang natatamasa ng mga kabataan kung kayat marahil luha na lamang ang pinakamabuting solusyon. Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan matigas na bato'y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo'y nagiging walang kamatayan.

Paliwanag: Sinasabi na ang mga kabataan nga ang pagasa ng bayan. Ang mga kabataan ang magbibigay ng pag-asa sa pilipinas. Walang kamatayan dahil maraming mga kabataan ang ipinapanganak dito sa mundong ibabaw. Bilang Wakas masasabi kong ang buod nito ay sinasabing mga kabataan ang marahil ang pag asa ng bayan. Silang mga kabataan ang magtatapos ng inumpisahan ni Gat Jose Rizal na kadakilaan.

You might also like