Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CWTS 2 Reflection Essay Amelie Anne B.

Santos Sa aking halos tatlong buwang pakikipag-ugnayan sa mga bata, napatunayan ko kung gaano kahalaga ang wastong pag-gabay sa kanila sa napakaselang edad na iyon. Ito ang panahon ng paghubog sa kanilang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng buhay at pakikipagrelasyon sa kapwa. Maliban sa paghasa sa limang kasanayan sa pagkatuto: ang pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita, at pagmamasid, nalilinang din ang kanilang wastong pakikitungo sa kapwa, pag-galang sa nakatatanda, pagsabi ng pasasalamat, at paghingi ng paumanhin na dadalhin nila hanggang sa kanilang pagtanda. May mga pagkakataon sa loob ng tatlong buwang ito na naisip kong parang kulang pa ang naiambag ng paaralan para maihanda ang ilan sa kanila. Gaya kapag nakakalimutan ng ibang humingi ng paumanhin o magpasalamat sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaalala. O kapag hirap na hirap silang magbasa ng mga payak na salita o gumawa ng simpleng aritmetik. Masyado lamang bang madami ang hinihingi ko sa maikling panahon, o sadyang malaki lang talaga ang kakulangan ng sistema ng edukasyon at ng pamilya sa kanila? Ngunit sa kabila ng mga problemang ito, higit pa rin ang mga magagandang alaalang naiwan ng mga bata sa akin. Ang kanilang mainit na pagtanggap, at mga ngiti at yakap ay talaga naming nagbigay ng di matatawarang tuwa. Sa bawat isang batang magulo at pasaway, mayroong limang magiliwa, magalang at matulungin. Karamihan sa kanila ay interesadong matuto at natutuwang mag-aral, bagamat may ilan ding tila walang gana (o gutom lang ba) o interes.

You might also like