Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAMAGAT:

Ang Gansang Nagingitlog Ng Ginto

TAUHAN: y gansa isang uri ng bibe na nagingitlog ng ginto. y Asawang lalaki mabait na magbubukid y Asawang babe sobra kung maghangad, di marunong makuntento kung ano ang meron siya. TAGPUAN: bukid

May mahirap na mag-asawang magbubukid. Ang ikinabubuhay nila ay ang pinagbibilhan sa gatas ng nag-iisa nilang baka at sa mga itlog ng knilang manok. Maligaya ang lalaki kahit mahirap lang sila. Ang bababe ang hindi maligaya sa ganitong uri ng buhay. Ibig niyang yumaman. Isang araw, may natagpuang gansa ang lalaki sa gubat. Iniuwi ito ng mabait na magbubikid at pinakain. Iginawa niya ito ng pugad na yari sa kawayan at sinapinan ng dayami. Inalagaan niya itong mabuti dahil nakapagbibigay rin ito ng itlog. Nagulat sila isang umaga nag puntahan ang gansa sa pugad. Paano kasi ay nangingitlog ito ng ginto. hulog ito ng langit sa atin! Bulalas ng lalaki yayaman na tayo! Sambit naman ng babae. Itinatago ng mag-asawa ang mga itlog. Lalo nilang inalagaang mabuti ang gansa. Mga dilaw na butil ng mais ang ipinakakain nila ditto. Malinis at sariwang tubig ang ipinaiinom nila. Kalian tayo yayaman kung ganyang paisa-isa lang mangitlog ang gansa? Angal ng babae. ano ang gusto mong gawin natin? Tanong ng lalaki. Hindi mo ba naisip ang mga gintong itlog ay galing sa loob ng katawan ng gansa. Ibig sabihin, marami ang ginto sa loob ng kanyang katawan. Eh, ano ngayon? Nagkakamot ng ulong tanong ng lalaki. Ay, naku! Ano pa? Ibig sabihin, kung papatayin natin ang gansang iyan, makukuha natin ang mga ginto sa loob ng katawan niya! At yayaman na tayo. Paliwanag ng babae. Naniniwala ang lalaki sa asawa. Kumuha siya ng kutsilyo at piata ang gansa. Sa panghihinayang niya , wala silang nakitang ginto sa loob ng katawan ng gansa. Nawalan tuloy sila ng tagapgbigay ng gintong itlog.

Gintong aral: Ang paghahangad ng lubha, nauuwi sa wala.

You might also like