Professional Documents
Culture Documents
Tula
Tula
GE 2103
Saka sa pagpasok ng pagtatag-ulan, Ang mga sanga ko'y lanta't namamatay. Walang utang na-di may bayad na buo, Akong nagmasaya, ngayo'y isang bungo; Huwag mong salangin, sa bahagyang bunggo Sa puso'y nanatak ang saganang dugo. Kung iyong titingnan sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Tila hinahagkan ang paa ng Dios. Ipipikit ko na itong aking matang Ngayon isang panahon ay langit ng saya; Ngayon ay masdan mo, ikaw'y magtataka, Ang langit na yao'y libingan na pala. Para kang kumuha ng isang kandila Na pinagbantay mo sa gabi ng luha; Sa sariling hukay, sa gabing payapa'y May luhang natatak na ayaw tumila. At sa paanan ko'y nagkaroon ng batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Ang kanyang lagaslas ay daloy ng hapis, Ang kanyang aliw-iw ay awit ng sakit. Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan, Parang luha na rin na kikinang-kinang; Bakit binabati ng buwang malamlam, Tanawi't ang lungkot ay nakamamatay.