FULL CRITIQUE at FULL TEXT NOYNOY SONA 2011

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

1 sa 39

f0ll 08l1l00ll00NNl818f 8l f0ll 1lk1 0 $08 Z011.


10Nl8 8 088 l 80909 00l0
00f080f0l80 88 0880 0l888 l 6l0fl8 N8080808lff090



Kapuri-puri ang paggamit ng pangulo sa wikang pambansa sa kanyang
ikalawang State of the Nation Address (SONA) na binigkas noong ika-25 ng Hulyo 2011
(bagamat may ilang mali sa talumpati, sa gramatika/grammar at iba pa). Senyal o sign
ito ng kahandaan o readiness ng pangulo na kausapin ang taumbayan sa wikang higit
nilang nauunawaan. Isang malaking hakbang pasulong, alalaon bagay leap sa Ingles,
ang pagfiFilipino ng pangulo. Katumbas ito ng pagsasabing Mga kababayan, narito ang
aking talumpating para sa inyo. Sabihin nyo sa akin ang inyong mga hinaing. Handa
akong makinig. Sinasalita ko ang inyong lenggwahe.
PAPURI SA MILITAR
Gayunman, unang talata pa lang ay kagimbal-gimbal o scary na ang nilalaman
ng talumpati: Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise
Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph
Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na
mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps;
mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government
officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at
kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan... Espesyal ang pagbanggit sa
mga militar at pulis. Senyal ito na ang gobyerno ni Noynoy Aquino ay laging magiging
palaasa o dependent sa militar at pulis. Tandaan na kahit si Gloria Macapagal-Arroyo
na kilalang mabait at mapagbigay sa mga paboritong opisyal ng militar at pulisya ay
hindi nagtakda ng special mention sa unang talata pa lamang ng talumpati. Karaniwan,
ang mga opisyal ng lehislatura (mga kongresista at senador/a) at hudikatura (punong
mahistrado ng Korte Suprema) lamang ang isinasama sa pagbati. Kung binati ang
militar at pulis, dapat binati rin ang mga guro ng Department of Education at ng state
colleges and universities. Kung tutuusin, dapat binati rin lahat ng empleyado ng bawat
2 sa 39
ahensya. Kagimbal-gimbal ang espesyal na pagbanggit sa militar at pulisya. Kagimbal-
gimbal...
May pakunswelong pagbati sa sambayanan At sa mga minamahal kong
kababayan, ang aking butihing mga boss... na isa lamang pambobolang malalantad
kapag binasa ang buong talumpati at kapag sinuri ang mga patakaran o policy ng
gobyernong Aquino.
ADIK SA WANG-WANG
Napakaraming beses na binanggit ang wang-wang na totoo namang masakit
na sa tenga ng bayang naghihintay ng bago at ng pagbabago: Humarap po ako sa inyo
noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon.
Ang pagpapatigil daw nito ay (n)aging hudyat at sagisag...ng pagbabago, hindi lamang
sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan. Kunsabagay, pagbabago na nga
rin. Pero anong silbi ng pagkakapantay-pantay sa kalsada kung palaki naman nang
palaki ang agwat o gap ng mayaman at mahirap sa Pilipinas. Sa buong Timog-
Silangang Asya o Southeast Asia, sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang may
pinakamataas na Gini co-efficient na ginagamit na panukat o measuring tool sa agwat
ng kita ng mayaman at ng mahirap sa isang bansa (ang mas mataas na Gini co-
efficient ay nangangahulugang mas mataas na agwat o gap ng mayaman at mahirap)
ayon sa Stratbase Research Institute <http://mb.com.ph/node/327788/philippine-
income-di>.
May wang-wang o wala, walang pagbabago sa Pilipinas: dambuhala ang gap ng
mayaman at ng mahirap. Bigo at palpak ang gobyernong Aquino na magdulot ng
relatibong pagkakapantay-pantay (dahil imposible pa sa ngayon ang absolutong
pagkakapantay-pantay) sa kita na gaya ng umiiral o nag-eexist sa mga mauunlad na
bansang gaya ng nasa Scandinavia. Ang paulit-ulit na pagbibigay-diin ni Noynoy sa
wang-wang ay isang ebidensya na sa susunod na 5 taon, walang aasahang anumang
makabuluhan o significant na pagbabago. Ang gobyerno niyay isang gobyernong adik
sa katiting, kapiraso at mga solusyong tapal-tapal (Band-aid solutions) na hindi uubra at
tiyak na hindi makapagpapagaling sa mga nagnanaknak na kanser ng ating lipunan.
MINIMALISMO, PAGSASALSAL NG DIWA
Lantad na lantad ang minimalismo ng gobyernong Aquino sa pangungusap na ito
at sa mahaba pang kasunod nito na walang ibang nais sabihin kundi ipagyabang ang
kampanyang kontra-katiwalian ng gobyernong Aquino: Kung sa trapiko nga ay di
masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad
ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan? May punto ang pangulo
ngunit dapat bigyang-diin o i-emphasize na kailangang agad lutasin ang hindi pagsunod
sa mga batas tungkol sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga
proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan. Siyempre pa, alam na ng buong bansa
na bigo at palpak ang gobyernong Aquino sa aspektong ito: hanggang ngayon ay wala
pa ring nakukulong sa mga makapangyarihang personalidad na kinasuhan ng
3 sa 39
katiwalian, pandarambong/plunder at iba pa. Kumbaga, puro tilapya pa lang ang
pinupuntirya ng lambat ni Noynoy habang ang mga balyena, lumba-lumba at pating sa
ating lipunan ay malayang-malaya pa rin sa kanilang katakawan. Mananatili retorika,
antas-salita, pagsasayang lamang ng laway, pagsasalsal ng diwa o intellectual
masturbation, feel-good blah-blah-blahs lamang ang kampanyang kontra-korapsyon
kung walang makapangyarihang magnanakaw o mandarambong ang maikukulong
agad.
MILAGRO: KULANG NA PREMISE(S), BROKEN PROMISE(S)
Tila hindi nag-aral ng pilosopiya at retorika, patalun-talon ng premise ang
pangulo: Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa
sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabing nabawasan ang
nagugutom sa kanila. Mula sa 20.5 percent na self-rated hunger noong Marso, bumaba
na ito sa 15.1 percent nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong
nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Isang malaking kahunghangan ang pagkokonekta ng kampanyang kontra-wang-
wang o kontra-katiwalian sa mahimala o miraculous na pag-unti ng bilang ng mga
Pilipino na nagsasabing silay dumaranas ng gutom. Sa simpleng salita, gustong
sabihin ni Noynoy na Dahil sa dakdak (daldal) tayo nang dakdak laban sa korapsyon,
nabusog ang mga Pilipino! Matatawa na lamang sina Socrates, Plato at Aristotle, at
lalo na si Pilosopong Tasio sa ganitong pambobola.
Unang-una, dapat alalahanin na wala pang nababawing nakaw na yaman o
nakaw na pera ang gobyernong Aquino. Retorika o dakdak lang ang kampanyang anti-
korapsyon dahil hindi pa naman nakukuha ang bilyun-bilyong pisong ninakaw ng mga
nakaraang pinuno.
Pangalawa, totoong nakatipid ang pamahalaan sa pagkansela ng mga
maanomalyang kontrata na pinirmahan ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ngunit wala pa
rin itong saysay o sense kung hindi magagamit nang tama o wasto ang pera.
Pangatlo, sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon ay tiyak na
mapatutunayang isang malaking pambobola ang estadistika o statistics ng pagbaba ng
bilang ng mga Pilipinong nagsasabing silay nakaranas o dumaranas ng gutom o
starvation. Katiwa-tiwala ang mga survey firm sa Pilipinas ngunit dapat tandaan na ang
reyalidad ay maaaring hindi rin maipakita nang maayos ng mga survey. Sa
pamamagitan ng simpleng obserbasyon, maaaring mapatunayang hindi pa rin
bumababa ang bilang ng mga Pilipinong gutom. Tuwing alas dose ng tanghali at alas
tres ng hapon, pumunta sa harap ng Simbahan ng Quiapo at pagmasdan ang
mahabang pila ng mga tao. Hindi ito pila sa game show ni Manny Pacquiao o ni Willie
Revillame. Hindi rin ito pila sa passport processing. Hindi rin ito pila sa lotto. Pila ito ng
mga umaasa sa libreng lugaw na ipinamimigay ng Simbahan ng Quiapo araw-araw.
Obserbahan ang nangyayari sa labas ng mga fast-food chain bandang alas onse ng
gabi. Saku-sakong basura ang ilalabas ng crew ng fast-food chain, kasama na ang mga
4 sa 39
tira-tirang pagkain. Ang mga tira-tirang pagkaing ito ay kinokolekta ng ilang Pilipino,
inilulutong muli at ibinebenta sa murang halaga. Pagpag ang tawag dito. Suriin din
ang dami ng brand ng noodles sa bansa. Noong mga unang bahagi ng dekada 90,
Maggi, LuckyMe at Payless lang ang noodles. Ngayon, napakarami na. Ginagawang
pamalit ng mga Pilipino sa kanin at ulam ang noodles dahil mas mura ito at malasa rin
naman. Basura ang anumang estadistika o statistics sa gutom hanggat may Pilipinong
nagugutom at matibay ang aktwal na ebidensya sa kalsada at sa bawat bahay ng
maralitang Pilipino: marami pa ring nagugutom.
Pang-apat, ni wala ngang komprehensibong programa ang gobyernong Aquino
para wakasan ang gutom kaya paano nito masasabing ang pagbaba ng dami ng
nagugutom ay dahil sa husay ng pangulo?

GOBYERNONG ELITISTA, WALANG PAKIALAM SA MASA
Pinaglaway ni Noynoy ang taumbayan sa mga pigurang wala namang silbi sa
totoong buhay ng mga simpleng mamamayan: Sa larangan po ng negosyo, sino ba
ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market?
Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay
pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.
Mangilan-ngilang simpleng mamamayan, mga nasa middle class at elite lang
ang makakaintindi ng pagbanggit sa 4,000 index. Ang index ay tumutukoy sa lebel
ng stock market. Mas mataas na index, mas mataas na lebel (na mabuti para sa
mga namumuhunan o investor sa stock market). Ang stock market ay isang ispesyal na
pamilihan kung saan maaari kang bumili ng stocks o shares ng isang kumpanya o
korporasyon. Ibig sabihin, sa pagbili ng stock, nagiging stockholder/shareholder/co-
owner ka ng may-ari ng kumpanya o korporasyon. Kapag nalugi ang kumpanya, lugi ka
rin. Kapag tumubo ito, tutubo ka rin. Mahal ang mga stock sa Pilipinas at kahit saan pa.
Limanlibong piso (5,000 piso) ang minimum na puhunan at 1,000 stocks o shares ang
karaniwang minimum (kaya kapag lagpas sa piso ang presyo ng isang stock na gustong
bilhin, gaya ng sa Globe na nagkakahalaga ng 970 piso bawat stock, as of July 26,
2011, lagpas 5,000 piso ang kailangang initial investment). Samakatwid, ang stock
market ay para lamang sa upper middle class at sa elite. Walang kakayahan ang lower
middle class at masang Pilipino na mamuhunan o mag-invest sa stock market.
Samakatwid, ang pagyayabang ni Noynoy hinggil sa mataas na index ng stock market
sa Pilipinas ay walang saysay o sense. Wala itong kabuluhan o meaningless sa
sambayanan. Tandaan na ang SONA ay STATE OF THE NATION, alalaon bagay
KALAGAYAN NG BAYAN at HINDI STATE OF THE ELITE o KALAGAYAN NG
MAYAYAMAN.
Gumamit ng jargon ng mga ekonomista ang pangulo upang ma-impress ang
sambayanan ngunit walang saysay ang pahayag dahil bukod sa hindi maiintindihan ng
karaniwang mamamayan, wala rin naman itong gaanong kaugnayan sa kanilang pang-
3 sa 39
araw-araw na buhay: Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings,
itinaas ng Moodys, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang
ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain
nating pananalapi...
Credit ratings ang tawag sa gradong ibinibigay ng mga bangko, mga institusyong
nagpapautang at mga institusyong nagsusuri sa kalagayang pinansyal ng mga bansa at
ng mga kumpanya, sa mga bansa o kumpanya na umuutang/nangungutang.
Samakatwid, ang credit rating ay pagtatantya o estimate sa kakayahan ng isang bansa
o kumpanya na makabayad ng utang (sumasagot ito sa tanong na: Makakabayad
ba?). Ang credit rating na A ay maganda (malaki ang tsansa na makakabayad ka, kaya
mababa lang ang interes sa mga inuutang mo). Ang credit rating na D ay masama
(malaki ang tsansa na di ka makakabayad, kaya mas mataas ang interes sa mga
uutangin mo kung mayroon pa ngang magpapautang sa iyo).
Kung gayon, may kaunting benepisyo ang mataas na credit rating gaya ng sinabi
ng pangulo: Ang mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang
natin. Kumpara sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng
23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng
2011...
KUMUNOY NG UTANG
Kaya lang, may catch, may panira: HINDI SINABI ni Noynoy kung bakit mataas
ang credit rating ng Pilipinas. Mataas ang credit rating ng Pilipinas dahil bayad tayo
nang bayad ng utang. Tuwang-tuwa sa ating bansa ang mga credit rating agency dahil
bayad tayo nang bayad ng utang kahit na gutom ang sambayanan at wala na tayong
perang natitira para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan at
pabahay. Katunayan, 823.27 bilyong piso o halos 40% ng 2011 Pambansang Badyet ng
Pilipinas ang inilaan ng gobyerno Aquino sa pagbabayad ng utang (principal at interest
payments; principal payment ang tawag sa bayad sa aktwal na halagang inutang).
Samakatwid, HINDI BINANGGIT ni Noynoy na gaya ni Gloria, siya rin ay sunud-
sunuran sa mga institusyong nagpapautang gaya ng International Monetary Fund at
World Bank. Samakatwid, ang TUWID NA DAAN ay TUWID NA DAANG DERE-
DERETSO SA DAAN NA DINAANAN NA RIN NG PILIPINAS SA PANAHON NI
GLORIA. Walang pagbabago! Tandaan na malaking porsyento ng ipinambabayad ng
Pilipinas sa mga utang ay galing din sa utang. Debt cycle o debt trap ang tawag dito. Sa
kasamaang-palad, HINDI BINANGGIT SA SONA 2011 kung paano makakawala ang
Pilipinas sa cycle o trap na ito.
CCT: POSITIBO AT NEGATIBO
Ipinagyabang pa ng pangulo na ang natipid na pera dahil sa mas mababang
interes sa utang ay magagamit sa conditional cash transfer (CCT) para sa ...dalawang
milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo... Ang CCT ang isa sa ipinagyayabang na
programang kontra-kahirapan na siyempre pay pagpapatuloy lamang ng sinimulan ni
6 sa 39
Gloria. Sa ilalim ng CCT, binibigyan ng 500 piso kada buwan ang pinakamahihirap na
pamilya sa bansa para sa mga gastusing pangkalusugan at pangnutrisyon
(halimbaway pagkain). Binibigyan din ng karagdagang 300 piso ang bawat pamilya,
bawat buwan, para sa bawat anak na nag-aaral (hanggang 3 anak lamang ang
maaaring bigyan sa bawat pamilya).
Kapuri-puri ang ideya ng CCT: pagtulong sa mahihirap (kaysa naman nga
manakaw pa ang pera ng bayan ng mga mandarambong sa pamahalaan, mas mainam
na ang taumbayan na ang makatanggap nito). Gayunman, isa lamang itong solusyong
tapal-tapal o Band-aid solution. Hindi nito nilulutas ang mga ugat ng kahirapan gaya ng
kawalan ng lupa ng mga magsasaka, kawalan ng sapat na hanapbuhay ng mga
maralitang tagalunsod o urban poor at iba pa. Katunayan, hindi ito panghabambuhay!
Sa 2013 ang nakatakdang pagtatapos ng CCT na inaasahang makakatulong sa 4.6
milyong pamilya. Ano na ang mangyayari sa 4.6 milyong pamilya kapag wala na ang
CCT? Mamamatay na lang sila sa gutom? Magiging puta o prostitute? Magbebenta ng
sariling ngipin, dugo at bato o kidney nila? Magiging tagahalukay ng basura
habambuhay? Magiging contractual-forever employee ng Jollibee, McDo, Robinsons o
SM?
Mas mainam sana kung ang napakalaking pera na ginagamit sa CCT ay
gamiting puhunan o investment para sa mga negosyo at/o industriya na
makapagluluwal ng mga pangmatagalang trabaho. Sa 2011 pa lamang, 21.1 bilyong
piso ang nakatakdang gastusin para sa CCT at ayon sa Department of Social Welfare
and Development (DSWD) kailangan pa nila ng karagdagang 2 bilyon dahil napaaga
ang pamimigay nila ng pera <http://newsinfo.inquirer.net/14910/p2b-more-needed-to-
cover-cct-beneficiaries-in-2011%E2%80%94dswd>.

ALTERNATIBO SA CCT
Kung bibigyan ng pera ang target na 4.6 milyong pamilya sa 2013, 46.2 bilyong
piso ang kakailanganin sa taong iyon. Ipagpalagay na na 2.4 milyong pamilya lang ang
mabigyan sa 2012, kakailanganin ang 23.1 bilyong piso. Sa kabuuan, 92.4 bilyong piso
ang magagastos mula 2011-2013! Ang halagang ito ay halos 1/3 na ng lahat ng ari-
arian o assets ni Henry Sy (pinakamayamang tao sa Pilipinas ayon sa Forbes.com) na
nagkakahalaga ng $7.2 bilyon o 305.424 bilyong piso (as of July 26, 2011). Halos
katumbas na rin ito ng kabuuang yaman ni John Gokongwei, Jr. (pangatlong
pinakamayaman sa Pilipinas) na nagkakahalaga ng $2.4 bilyon o 101.808 bilyong piso.
Kung gayon, ang perang gagastusin sa CCT mula 2011-2013 ay sapat na para bilhin
ang Cebu Air (Cebu Pacific), Universal Robina Corporation (tagamanupaktura ng mga
popular na chichirya gaya ng Piattos), Robinsons (popular na chain ng mga mall) at iba
pang pag-aari ni Gokongwei, Jr. Kung tutuusin, ang perang gagastusin sa CCT ay
maaaring gamitin para magtayo ng mga ganitong negosyo na makapagbibigay ng
trabaho sa mahihirap.
7 sa 39
Gumamit ng euphemism o paglumanay si Noynoy para ilantad ang kaunting
pagkakaiba ng kanyang administrasyon at ng administrasyon ni Gloria: Paalala ko lang
po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang
tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade ng ibat
ibang ratings agency.
MAMBOBOLANG CREDIT RATING AGENCIES
Kagimbal-gimbal na pambobola at pagkatapos ay kasinungalingan ang
ipinagyabang ni Noynoy: Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong
nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon
ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis
sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magagandang
ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang mga
bansa. Pero tayo po, in-upgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang
gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na raw tayo sa
investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong
makaarangkada.
Una, naipaliwanag na natin sa mga naunang bahagi na balewala ang mga credit
rating sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Pangalawa, ang mga credit rating agency mismo ay mga mambobola at walang
kredibilidad. As of July 26, 2011, nasa A pa rin ang credit rating ng USA sa kabila ng
matinding krisis na nagsimula noong 2008 at hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.
Ang USA na ang pinakamalaking mangungutang na bansa o debtor country dahil sa
$14.3 trilyong utang nito <
http://english.aljazeera.net/news/americas/2011/07/2011726265521910.html >. Malaki
ang peligro o danger, o posibilidad na hindi makakabayad sa utang ang Amerika sa
Agosto 2, 2011 (ang takdang araw ng maturity o kababayaran ng malaking porsyento
ng kanilang mga utang) pero as of July 26, 2011, nasa A pa rin ang credit rating ng
Amerika. Samakatwid, hindi mabisa o epektibong sukatan ng maunlad na ekonomya
ang credit ratings.
Kunsabagay (s)ang-ayon ang mga credit rating agency na gumanda at lalo
pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas pero it doesnt matter dahil hindi sang-ayon
ang sikmura, ang tiyan ng sambayanan.
GARBAGE IN ANY NAME, SMELL BAD JUST THE SAME
...(W)ala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong
makaarangkada, pagyayabang ni Noynoy. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng
economic team ni Noynoy? Walang iba kundi ang recycled na mga programa ni Gloria.
Inilabas ng National Economic Development Agency (NEDA) ang Philippine
Development Plan 2011-2016 ng administrasyong Aquino ngayong 2011
<http://www.neda.gov.ph/PDP/2011-2016/default.asp >. Kapag sinuri ito,
8 sa 39
mapapatunayang itoy recycled version lamang ng mga programa ni Gloria.
Samakatwid, TUWID NA DAAN PALA TALAGA: TUWID NA DAAN DERE-DERETSO
SA DAAN NA DINAANAN NG BAYAN SA ILALIM NI GLORIA.
Masarap sa tenga ang mabubuting balita sa Departemnt of Energy: ...muling
nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector. Patunay dito
ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at
pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy contracting round
noong 2006, tatlumput lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes lamang po,
nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon
grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng
enerhiya ang bansa.

MABUTING BALITA NI NOYNOY, MASAMANG BALITA SA PINOY
Gayunman, HINDI BINIGYANG-DIIN ni Noynoy na balewala ang mabubuting
balita dahil ang ipinagyayabang na mga kontrata sa sektor ng enerhiya ay kontrolado
ng mga pribadong kumpanya na ang pangunahing motibo ay tubo o profits at hindi
serbisyo. Mas malala, dayuhang mamumuhunan o foreign investors ang target ng
gobyernong Aquino kaya nga ang mga road show nila ay karaniwang sa ibang bansa
ginaganap: < http://business.inquirer.net/5654/doe-bullish-on-bidding-of-15-oil-gas-
contracts > Katunayan, batay sa mga sinabi ni Trade Undersecretary Cristino Panlilio,
plano ng administrasyong Aquino na labagin o i-violate at ikutan o i-circumvent ang
Konstitusyon ng Pilipinas para lamang maakit ang mga dayuhang mamumuhunan: <
http://www.gmanews.tv/story/227022/business/govt-may-relax-60-40-rule-to-attract-
foreign-investors >.
Ano ang alternatibo sa ganitong makadayuhan o pro-foreigner na planong pang-
ekonomya? Simpleng-simple: ibalik ang Filipino First Policy at lalo pa itong pagbutihin.
Dapat magkaroon ng mas malaking papel ang gobyerno sa mga mahahalagang
industriya gaya ng enerhiya para proteksyunan ang kapakanan o welfare ng mga
mamamayan. Tandaan na ang gobyerno, di gaya ng private sector, ay obligado o
required na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
KATOTOHANAN MULA SA BIBIG NG KABABAIHAN
Buti pa ang nakausap na babae ni Noynoy, alam ang totoo: May kumpiyansa,
may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang
babaeng nakausap ko nang akoy unang nagha-house-to house campaign para sa akin
pong sarili. Ang kaniyang hinaing: Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang
kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang
nakaupo sila, at malamang mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila. Sa madaling
salita, ang hinaing po ng marami, Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon,
wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.
9 sa 39
MGA BAGAY NA WALA SA SONA 2011
Ebidensya na wala ring pakialam sa kapakanan ng bayan ang gobyerno ni
Noynoy: ni hindi nabanggit sa SONA 2011 kung paano reresolbahin ang problema ng
kagutuman, kung kailan ipamimigay ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka,
kung kailan magkakaroon ng across-the-board at nationwide na pagtataas ng sahod,
kung kailan ipapasa ang Anti-Dynasty Bill na mula pa noong 2001 ay lagi nang
inihahain o ifinafile ng Bayan Muna Partylist, kung kailan ipapasa ang Freedom of
Information Bill na nagbibigay ng garantiya o guarantee na magiging matapat at
transparent ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa lahat ng transaksyon nito, kung
kailan ikukulong si Gloria Macapagal-Arroyo, General Jovito Palparan at iba pang
violators ng karapatang pantao, at kung kailan ikukulong ang mga mandarambong sa
nakaraang administrasyon at iba pa.
RETORIKANG ANTI-KORAPSYON
Tuwang-tuwang ipinagmayabang ng pangulo ang pagkakatuklas nila sa mga
anomalya ng nakaraang administrasyon (nakaiinis na ginagamit niya ang euphemism
na wang-wang sa halip na deretsahan at mas eksaktong pagnanakaw o
pandarambong o pangungurakot): Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa
presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang din ang milyun-
milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National
Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng
serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa
puwesto, dalawandaan, tatlumput dalawang milyong piso po ang inomento ng dating
pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat
ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita,
sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa
nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong
utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa
sarili.
Dalawang bagay ang paulit-ulit na sinasabi ng mga taumbayan tungkol dito:
BRAVO, MAHAL NA PANGULO at PUWEDE BA, KASUHAN, LITISIN KAAGAD AT
IKULONG NA RIN AS SOON AS POSSIBLE (ASAP) ANG MGA
MAGNANAKAW/MANDARAMBONG NA YAN at BAWIIN ANG PERANG
NINAKAW/DINAMBONG NILA SA BAYAN. Isang taon na, wala pa ring nangyayari.
Bravo sa pahayag na ito, pero naghihintay pa rin tayo sa mga ulong gugulong sa
putikan (mga taong makakasuhan at makukulong para magtanda at di na tularan pa ng
ibang nagpaplanong magnakaw sa kaban ng bayan): Sa Laguna Lake po,
magtatanggal ngasabi nilang 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos
ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang
natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang
pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang
paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang
10 sa 39
pinatunguhanbinura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan
sa mga proyektong totoong may silbi.
BADYET NG TUWID NA DAAN
Tamang-tama ang pahayag ng pangulo na (a)ng budget po ang pinakamalinaw
na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas... Gaya ng nabanggit na, sinundan ni
Noynoy ang yapak o footstep ni Gloria sa isyu ng pagbibigay ng prayoridad sa
pagbabayad ng utang sa pambansang badyet at pagkakaltas ng badyet o budget cut sa
edukasyon at kalusugan. TUWID NA DAAN, dere-deretso sa daan ni Gloria.
Bravo na naman sa populistang slogan pero naghihintay pa rin tayo sa katuparan
nito sa reyalidad: Ang aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung
mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang
ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino,
huwag ka nang magtangka.
TUNAY NA BOSS NI NOYNOY
Pero bakit ang Public-Private Partnership (PPP) ng gobyernong Aquino, buking
na buking/halatang-halatang pabor sa mga dambuhalang negosyante na gusto lang
payamanin ang sarili. Para kanino nga ba ang PPP ng gobyernong Aquino? Bayaang
ang website mismo ng gobyerno ang magsalita < http://ppp.gov.ph/ppp-center/about-
the-ppp-center/ >: The Philippine Government recognizes the essential role of the
private sector as the main engine for national growth and development... The
government is willing, on a case-to-case basis, to protect investors from certain
regulatory risk events such as court orders or decisions by regulatory agencies which
prevent investors from adjusting tariffs to contractually agreed levels. Such regulatory
risk insurance could take the form of make-up payments from the government to PPP
investors, other guaranteed payments, and adjustments to contract terms. The specifics
of the type of protection to be offered by the government, and the mechanisms through
which such protection will be offered will be part of the contract terms for each project.
Such protection will only be offered for solicited projects which undergo a competitive
bidding process.
TULUY-TULOY NA KONTRAKTWALISASYON
Ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa (ang sistema kung saan bawat
anim na buwan ay tanggal sa trabaho ang mga manggagawa; taktika ito ng mga
kapitalista para makaiwas sa pagbabayad ng mas mataas na Social Security
System/SSS at Philhealth contributions) ay hindi pa rin ipinatitigil ng pamahalaan sa
kabila ng malinaw na pagbabawal sa ganitong porma ng employment sa Universal
Declaration of Human Rights at Konstitusyon ng Pilipinas. Bakit ang pagkamakasarili at
11 sa 39
pagiging ganid (greed) ng mga kapitalista ay pinababayaan o kinukunsinti lamang ni
Noynoy? Hindi bat pangungunsinti ito sa mga nang-aagrabyado (nang-aapi) ng
mahihirap?
Kapansin-pansin din na pipi o speechless ang SONA 2011 ni Noynoy sa
panawagan ng mga manggagawa na across-the-board at nationwide na pagtataas ng
sahod. As of July 2011, 389 piso hanggang 426 piso ang minimum wage sa Metro
Manila pero ang daily cost of living o halagang kailangan para mabuhay nang disente
ang isang pamilyang may anim na miyembro ay 1,010 piso na as of April 2011 <
http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/28/11/cost-living-ncr-breaches-p1kday > Kahit
dalawa ang magtrabaho sa isang pamilya ay kulang pa rin ang sahod nila! Hindi bat
malinaw na pang-aagrabyado sa mahihirap ang kawalan ng pagtaas ng sahod? Bakit
pipi ang pangulo sa isyung ito? Mukhang ang mga kapitalista ang totoong BOSS niya.
Ang sarap idugtong ng mismong sinabi ni Noynoy: Sana masabi na natin na tapos na
ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit
bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas. Tama. Nariyan pa rin
ang latak ng mga utak wang-wang, ng mga sugapa/swapang sa tubo at pera, ang mga
kapitalistang kinukunsinti ng pangulo sa pagsasamantala sa mga manggagawa.
NOYNOY, MAHILIG SA TILAPYA
Pinuri ng pangulo ang mga whistleblower, ang mga nagbubulgar ng katiwalian sa
pribadong sektor pero parang mali o kulang ang target: Mukhang marami rin po kasi
ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos
1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor,
at negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010.
5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa raw sa kanila, on average
ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng
8,500 pesos kada buwan. Mababa pa sa minimum wage. Naman.
Totoo na may mga abogado, doktor at maliliit na negosyante na nandaraya sa
buwis pero hindi sila ang dapat maging pangunahing target ng Bureau of Internal
Revenue o BIR. Ang dapat habulin ng BIR (at ang dapat tuligsain o i-condemn ng
pangulo sa kanyang SONA) ay ang mga malalaking korporasyon, lalo na ang top 1,000
corporations sa bansa gaya ng mga kumpanya ng langis na matagal nang
pinagbibintangan ng ilang opisyal ng gobyerno ng pandaraya sa buwis: < http://rp1.abs-
cbnnews.com/nation/02/10/09/customs-accuses-shell-tax-fraud-collects-p21b >.
Madramang nagmamakaawa si Noynoy na magbayad ng buwis ang mga
mamamayan Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya
wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa
inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi
pagbabayad ng tamang buwis.
12 sa 39
Tama nga ba ang pinupuntahan ng buwis natin? Tingnan ang 2011 Pambansang
Badyet: halos 40% ang napunta sa pagbabayad ng utang. Sa proposed 2012
Pambansang Badyet, 367 bilyong piso ang nakalaan sa principal debt payments
(kataka-taka na HINDI BINABANGGIT ng mga ahensya ng gobyerno kung magkano
ang ilalaan sa interest payment).

Bravo na naman sa kampanyang kontra-korapsyon ni Noynoy: Pinananagot at
pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. Ang masakit,
hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot. Mayroon nga
pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng 300 million pesos.
Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer.
Kaya naisip nilang i-chop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang
halaga, at di na umabot sa regional at central office ang kanilang mga papeles. Kani-
kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH.
Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum
na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng
proyekto. Miski yatasabi ng ibabahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng
pondo, basta may padrino. Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na
niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito
para busisiin kung ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat
ng nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para
mag-tongpats sa mga proyekto, iba-black-list natin.
Ang tanong ng bayan: paano si Joc-Joc Bolante, Cito Lorenzo at Gloria
Macapagal-Arroyo na nagpamigay ng 700 milyong pisong ORCHIDS FERTILIZER sa
mga multong magsasaka (multong magsasaka dahil walang existing na grupo ng mga
magsasakang nakatanggap ng pera o ng fertilizer!) at mga kongresista sa Metro Manila
kung saan wala namang bukid o rice fields! Paano naman ang mga utak ng North Rail
Project mula Caloocan hanggang Calumpit, Bulacan na naubos na ang $ 621 milyong
badyet ($ 421 milyon lang dapat ang orihinal) ay walang naitayo kundi mga posteng ang
bakal ay kinakalawang na! Parang mga small fish o tilapya lang ang kaya ni Noynoy!
Paano naman kaya ang mga pating o shark, ang mga big fish?
Bravo at keep up the good work pero gaya ng nabanggit na, sana ay ikulong na
ang mga big fish: Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng
dalawat kalahating bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong
bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo
sa mga kalsadang matino, hindi yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad.
Paniwala natin dati, imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito
posible; sa unang taon pa lamang, ginagawa na natin ito.
13 sa 39
USAPANG BIGAS: PURO BULADAS
Ipinagyabang ng pangulo ang pagbaba ng volume ng bigas na iniimport ng
bansa: Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo
noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million
metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng
isang milyong tonelada. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating
gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito,
umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami,
wala na talaga tayong magagawa. Ngunit, sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan
nating mali sila. Ngayon, ang dating 1.3 million metric tons na kakulangan natin sa
bigas, halos nangalahati na; 660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating
angkatin. Kahit dagdagan pa natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing
860,000 metric tonsna ginagawa na nga po natinmas mababa pa rin ito sa
tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million metric tons. At hindi po buwenas lang
ang nangyaring pag-angat ng ating rice productivity. Bunga po ito ng matinong
pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi at epektibong
paggastos para sa irigasyon. Nito nga pong nakaraang taon, labing-isang libo, anim na
raan at labing-isang bagong ektarya ng bukirin ang napatubigan natin. Dagdag pa iyan
sa halos dalawandaan at labindalawang libong ektarya na nakumpuni o nabigyang muli
ng irigasyon matapos ang panahon ng pagkakatiwangwang. Ang resulta: umangat ng
15.6 percent ang inani nating palay noong nakaraang taon.
Ayon sa IBON Foundation, isang respetadong independent think tank, hindi
maaaring agawin ni Noynoy ang credit sa pagiging maganda ng ani ng palay <
http://www.gmanews.tv/story/227385/nation/pnoy-took-figures-in-sona-out-of-context-
analysts-claim >. Kung tutuusin, talagang walang kinalaman ang gobyerno sa pagganda
ng ani palay. Nangyari ang pagganda ng ani INSPITE OF THE GOVERNMENT at
HINDI BECAUSE OF THE GOVERNMENT.
Unang-una, ni hindi nga ipinatutupad nang maayos ng gobyernong Aquino ang
mismong Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o
CARPER ng gobyerno: as of July 2011, hindi pa rin naipamimigay sa mga magsasaka
ang Hacienda Luisita (sa ilalim ng CARPER, compulsory o sapilitan na ang land
distribution).
Pangalawa, bumaba man ang iniimport na bigas, KULANG PA RIN ANG
PAGSISIKAP NG GOBYERNO! KAILANGAN, TOTALLY ZERO RICE IMPORTS!
Kasapatan sa bigas o rice self sufficiency ang dapat! At imposible itong magawa kung
walang reporma sa lupa!
14 sa 39
Pangatlo, kaduda-duda ang estadistika o statistics sa dami ng bukid na nabigyan
daw ng irigasyon ng gobyernong Aquino. Pumunta halimbawa sa Bulacan, isa sa mga
lalawigan sa Gitnang Luzon, ang rehiyon na tinatawag na Bangan ng Pilipinas o Rice
Granary of the Philipppines. Maraming bukirin ang nakatiwangwang na at hindi
sinasaka dahil sa kawalan ng patubig o irigasyon.
Pangarap ng bayan ang pangarap ni Noynoy pero gaya ng nabanggit na, malabo
itong matupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan: Ang gusto nating mangyari: Una,
hindi tayo aangkat ng hindi kailangan, para lang punan ang bulsa ng mga gustong
magsariling-diskarte ng kita sa agrikultura. Ikalawa: ayaw na nating umasa sa pag-
angkat; ang isasaing ni Juan dela Cruz, dito ipupunla, dito aanihin, dito bibilhin.
LIMITASYON NG ISANG LANDLORD
Gaya ng nabanggit na, kailangan talaga ng self-sufficiency sa pagkain at
magiging posible lamang ito kapag binuwag na ang mga hacienda. Ibig sabihin,
kailangang palayain o i-liberate ang lupa at ibigay ito sa mga magsasaka. Sa
kasamaang-palad, galing sa pamilya ng mga asendero o landlord si Seor Benigno
Simeon Noynoy Cojuangco Aquino III.
Sa isyu ng bigas, dapat bigyang-diin ang isang bagay na HINDI BINANGGIT ni
Noynoy sa kanyang SONA: plano ng kanyang administrasyon na isapribado o i-
privatize ang National Food Authority < http://www.abs-
cbnnews.com/business/02/09/11/nfa-employees-oppose-privatization >. Sa ilalim ng
planong ito, pribadong kumpanya/korporasyon na ang bibili sa palay ng mga lokal na
magsasaka. Walang katiyakan na mabibigyan ng magandang presyo ang mga
magsasaka kapag pribadong korporasyon na ang namahala sa industriyang ito. Kung
totoong rice self-sufficiency ang gusto ng gobyerno, hindi dapat isapribado ang NFA
dahil ito ang ahensya magtitiyak na ang inaaning palay ng mga magsasaka sa bansa ay
magagamit sa kapakanan ng sambayanan.
PABAHAY PARA SA PULIS AT MILITAR
Kagimbal-gimbal ang programang pabahay ng gobyernong Aquino: Balikan din
po natin ang dinatnang kalagayan ng ating mga kawal at kapulisan. Labingtatlong
libong piso po ang karaniwang suweldo ng isang PO1 sa Metro Manila. Apat na libong
piso daw rito ang napupunta sa upa ng bahay. Tila tama nga po na isang-katlo ng
kanilang sahod diretso na sa upa. Isang-katlo pa nito, para naman sa pagkain. At ang
natitirang isang-katlo, para sa kuryente, tubig, pamasahe, pampaaral sa anak, gamot
sakaling may magkasakit, at iba pa. Maganda na nga po kung tumabla ang kita niya sa
gastusin. Kapag naman kinapos, malamang sa five-six po sila lalapit. At kapag
nagpatung-patong ang interes ng utang nila, makatanggi kaya sila sa tuksong
dumelihensya? Kaya ang ipinangako nating solusyon pabahay nitong Pebrero, ngayong
Hulyo ay tinutupad na. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of
Entitlement to Lot Allocation sa magigiting nating kawal at pulis. Bahagi pa lang po ito
ng target nating kabuuang dalawamput isang libo at walong daang bahay sa
13 sa 39
pagtatapos ng taong ito. Ang dating apat na libong ibinabayad para sa upa kada buwan,
ngayon, dalawandaang piso na lang, para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila.
Ang dating nalalagas na halaga na pambayad sa buwanang renta, maaari nang igugol
para sa ibang gastusin. Mayroon pa raw pong mahigit isang libong bahay na natitira,
kaya po sa mga pulis at sundalo nating di pa nakakapagpasa ng kanilang mga papeles,
last call na po para sa batch na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, sa susunod na
taon, lalawak pa ang ating pabahay, at hindi lang pulis at kawal sa Luzon ang
makikinabang. Inihahanda na ng NHA ang lupang patatayuan sa Visayas at Mindanao,
para sa susunod na taon, makapagpatayo na tayo ng mga bahay doon. Sa ating mga
kawani ng Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection, may
good news pa rin po ako sa inyo: kasama na po kayo rito.
Aba! Sabi nga ni Nanay Leleng, national chairperson ng Kalipunan ng Damayang
Mahihirap (KADAMAY), isang pangkat ng mga maralitang tagalunsod o urban poor,
Buti pa ang mga nagdedemolish sa bahay ng mga maralita, MAY SARILING BAHAY
NA! Ang tanong ng taumbayan kay Noynoy: PAANO NAMAN ANG MGA HINDI PULIS
AT HINDI RIN SUNDALO? Magiging NPA o No Permanent Address na lang ba sila
(euphemism ang NPA/No Permanent Address sa kawalan ng bahay)? Matutulog na
lang ba sila sa kalsada? Pulis at sundalo lang ba ang dapat magkabahay?
POSTURANG MAKABAYAN, SEGUNDAMANONG KAGAMITAN
Nag-aastang makabayan si Noynoy at nagtatapang-tapangan sa isyu ng
Spratlys: Kung seguridad na rin lang po ang ating pag-uusapan, di bat karugtong din
nito ang ating pambansang dangal? Dati, hindi man lang natin makuhang pumalag
tuwing may sisindak sa atin sa loob mismo ng ating bakuran. Malinaw ang pahiwatig
natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa
Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.
Gustong magpatawa pero di naman nakakatawa: Tama nga po kaya ang
kuwento tungkol sa isang stand-off noong araw? Tinapatan daw ang mga marino natin
ng kanyon. Ang ginawa nila noong gabi, pumutol ng puno ng niyog, pininturahan ito ng
itim, saka itinutok sa kalaban.
Buking o exposed na ang totoong agenda ng pagpapanggap na makabayan,
walang iba kundi ang utak-pulburang pagbibigay-prayoridad sa diumanoy
modernisasyon ng militar ng bansa sa panahong kulang ng 103,599 guro; 152,569 silid-
aralan 13,225,572 silya; 151,084 pasilidad sa tubig at sanitasyonang mga
pampublikong paaralang elementaryat hayskul <
http://www.actphils.com/2007/node/237 >: Tapos na po ang panahong iyan. Parating
na ang mga capability upgrade at modernization ng mga kagamitan ng ating
Sandatahang Lakas. Literal na pong naglalakbay sa karagatan papunta rito ang kauna-
unahan nating Hamilton Class Cutter, isang mas modernong barko na magagamit natin
para mabantayan ang ating mga baybayin. Maaari pa po tayong makakuha ng mga
barkong tulad nito. Idadagdag iyan sa kukunin na nating mga helicopter (plural po iyon),
16 sa 39
patrol craft, at sandata na bultong bibilhin ng AFP, PNP, kasama na ang DOJ upang
makakuha ng malaking diskuwento. Lahat po ito, makakamtan sa matinong
pamamahala; mabibili sa tamang presyo, nang walang kailangang ipadulas kung kani-
kanino.
Unang-una, isang kasinungalingan ang pagsasabing moderno ang Hamilton
Class Cutter na mula sa Estados Unidos dahil lumang-luma na ito (1967 nang unang
gamitin ng Amerika)! Nagbayad ang Pilipinas sa Estados Unidos ng 450 milyon para sa
segundamanong barkong ito na ipinagyayabang ni Noynoy. Maging ang ambassador
ng Pilipinas sa Estados Unidos na si Jose L. Cuisia Jr. ay nagsabing masyadong mahal
ito para sa isang segundamano.
Pangalawa, gaya ng sinabi ni dating Pangulo at Heneral Fidel V. Ramos Theres
a buildup on many sideseven us. This is a little tiny buildup, which is the (purchase of
a) Coast Guard cutter. Why dont we use all this money thats being budgeted for an
arms buildup for peace, development and prosperity?
Pangatlo, dapat bigyang-diin na malaking porsyento sa mga binibiling
kagamitang pandigmaan ng Pilipinas sa Estados Unidos ay segundamano o second
hand. Kung talagang kailangan natin ng armas, bakit hindi magtayo ng industriya ng
bakal at mineral na maaaring makapag-ambag sa industriya ng baril, bala, barko at iba
pang kaugnay na industriya.
Hindi malaman kung ano ba talaga ang gusto ni Noynoy, kapayapaan o
digmaan: Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na
handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng
kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea, upang
masigurong sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari
tuwing may alitan sa teritoryo. Bakit hindi inuna ang pagsasampa ng kaso sa
International Tribunal for the Law of the Sea? Lalo lamang naghahamon ng away ang
gobyerno ng Pilipinas sa pagmamayabang nito na bumibili na tayo ng mga armas na
magagamit sa digmaan. Samakatwid, mismong ang gobyerno na natin ang nagbibigay
ng palusot sa China na balewalain ang mga usapang diplomatiko.
FILIPINOS FOR SALE (PA RIN)
Ipinagyabang ni Noynoy ang pagkawala ng Pilipinas sa Human Trafficking Black
List (listahan ng mga bansa kung saan talamak o laganap ang pagpupuslit o smuggling
ng tao) pero kaduda-duda na naman ito: Isa pa pong halimbawa ng pagbabagong
tinatamasa natin: Mayo ng taong 2003 nang lagdaan ang Anti-Trafficking in Persons
Act, pero dahil hindi sineryoso ng estado ang pagpapatupad nito, dalawamput siyam na
indibiduwal lamang ang nahatulan sa loob ng pitong taon. Nalagpasan na po natin iyan,
dahil umabot na sa tatlumput isang human traffickers ang nahatulan sa ating
administrasyon. Ito nga po siguro ang sinasabing sea change ni Secretary of State
17 sa 39
Hillary Clinton ng Amerika. Dahil dito, natanggal na tayo sa Tier 2 Watchlist ng
Trafficking in Persons Report nila. Kung hindi tayo natanggal sa watchlist na ito,
siguradong napurnada pa ang mga grant na maaari nating makuha mula sa Millenium
Challenge Corporation at iba pa.
Hanggang ngayon, marami pa ring website kung saan maaaring makabili ng
asawang Pilipina ang mga dayuhan, lalo na ang mga Westerner. Marami pa ring
Pilipino ang nakikipagsapalaran sa pagpunta sa ibang bansa bilang turista at
pagkatapos ay nagtiTNT o tago nang tago hanggang makakuha ng trabaho sa bansang
pinuntahan. Dokumentado ng Migrante International ang sangkatutak na kaso ng
human trafficking ng mga Pilipino: <
http://www.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=200&articleid=707
440 >
ANG PINAKAMALAKING KASINUNGALINGAN
Ito ang pinakamalaking panlilinlang ng gobyernong Aquino: Dumako po tayo sa
trabaho. Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. Ang 8 percent na
unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon, naibaba na sa 7.2 percent nitong
Abril ng 2011. Tandaan po natin: moving target ang nasa hanay ng ating unemployed,
dahil taun-taon ay may mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho...
Unang-una, HINDI katiwa-tiwala at HINDI BALIDO ang datos sa kawalan ng
trabaho sa Pilipinas dahil ang depinisyon ng unemployment ng Department of Labor
and Employment (DOLE) ay malaking panloloko: ANG UNEMPLOYED o WALANG
TRABAHO ay MGA TAONG NAGHAHANAP NG TRABAHO. THEREFORE, SA MATA
NG DOLE, ANG MGA TINAMAD NANG MAGHANAP NG TRABAHO DAHIL WALA
NAMANG MAKITANG TRABAHO AY HINDI UNEMPLOYED! Ito ang dahilan kung bakit
sa mga nakaraang taon ay mababa SA PAPEL ang porsyento ng unemployment.
Pangalawa, ipagpalagay man na bumaba talaga ang unemployment rate,
napakaliit naman ng porsyento ng pagbaba, wala pang isang porsyento!
Pangatlo, HINDI BINANGGIT NI NOYNOY na lumalaki naman ang porsyento ng
UNDEREMPLOYED!
Pang-apat, HINDI RIN BINANGGIT sa SONA 2011 na maraming manggagawa
ang may trabaho nga pero biktima naman ng samut saring kriminal na gawain (oo, ang
labor rights violations ay krimen!) gaya ng kontraktwalisasyon, kawalan ng overtime
pay, kawalan ng night differential pay, kawalan ng day-off at iba pa <
http://bulatlat.com/main/2011/07/22/worsening-conditions-for-the-filipino-worker/ >.
Narito pa ang isang kasinungalingan ni Noynoy: Dati, nakapako sa
pangingibang-bansa ang ambisyon ng mga Pilipino. Ngayon, may pagpipilian na siyang
trabaho, at hanggat tinatapatan niya ng sipag at determinasyon ang kanyang
pangangarap, tiyak na maaabot niya ito.
18 sa 39
Gaya ng binabanggit ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), parami nang
parami ang Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Halimbawa, mula 1.42 milyon
noong 2009, 1.47 milyong Pilipino ang nadeploy sa overseas employment noong 2010,
sa kabila ng krisis pinansyal sa buong mundo < http://www.bayan.ph/site/2011/07/state-
of-the-wang-wang-address-fails-to-address-peoples-issues/ >. Halos bawat pamilyang
Pilipino ay may kamag-anak na OFW! At siyempre pa, katumbas ng halos 10 porsyento
ng Gross Domestic Product ng Pilipinas ang kabuuang OFW remittances noong 2010
na nagkakahalaga ng $18.76 bilyon! Samakatwid, hindi totoo ang sinasabi ni Noynoy na
may trabaho nang maganda sa Pilipinas.
Kto12=PILIPINO BILANG EXPORT PRODUCTS
Ibinulgar ng pangulo ang pagpapatuloy ng technicalization ng edukasyon:
...ngayon pa lang, nagtatagpo na ang kaisipan ng DOLE, CHED, TESDA, at DEPED
upang tugunan ang isyu ng job mismatch. Susuriin ang mga curriculum para maituon sa
mga industriyang naghahanap ng empleyado, at gagabayan ang mga estudyante sa
pagpili ng mga kursong hitik sa bakanteng trabaho.
Kung pasisimplehin, gustong sabihin ni Noynoy na ang mga estudyanteng
Pilipino ang magiging future exports natin. Sila ang magiging future spare parts ng
kapitalistang sistema. Kaya nga pinilit niyang ilusot ang Kindergarten to 12 years of
Basic Education o Kto12 para mabilis na makapagpatapos ng mga estudyanteng
Pilipino na may sapat na skill o kasanayan na maging manggagawang may mababang
sahod at kontraktwal sa ilalim ng mga malalaking lokal at dayuhang korporasyon.
Mulin na namang ibinandila ang mga populistang slogan na masarap pakinggan,
pero gaya ng nabanggit nay wala namang laman: Ngunit aanhin naman po natin ang
mga numerong naghuhudyat ng pag-asenso ng iilan, kung marami pa rin ang napag-
iiwanan? Ang unang hakbang: tinukoy natin ang totoong nangangailangan; namuhunan
tayo sa pinakamahalaga nating yaman: ang taumbayan. Sa dalawang milyong
pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang milyon at
animnaraang libo na ang nakakatanggap ng benepisyo nito. Sa pagpapakitang-gilas ni
Secretary Dinky Soliman, tinatayang may mahigit isandaang libong pamilyauulitin ko
po: mahigit isandaang libong pamilya ang naiaahon natin mula sa kahirapan kada
buwan. Kaya naman mataas ang aking kumpiyansang makukumpleto ang 1.3 million na
dagdag na pamilya, mula sa kabuuang 2.3 milyong target na benepisyaryo ng CCT
bago matapos ang taong ito. At sa compliance rate nito na hindi bababa sa 92 percent,
milyun-milyon na rin po ang inang regular na nagpapacheck-up sa mga health center,
ang mga sanggol na napabakunahan, at ang mga batang hindi hinahayaan sa labas ng
paaralan.
Nilinaw na natin sa mga naunang bahagi kung bakit sa bandang huli ay tiyak na
walang pangmatagalang epekto ang CCT at kung ano ang alternatibo rito.

19 sa 39
DRAMA NG PANGULO
Drama ng pangulo: Sino ang tatangkilik sa mga produkto at serbisyo ng mga
negosyante, kung isang kahig, isang tuka naman ang mamimili? Kapag may amang
kumakapit sa patalim para may kainin ang kanyang pamilya, at siya ay magnakaw o
nangholdap, sino ba ang puwedeng mabiktima ng krimen kundi tayo rin? Kung ang mga
kababayan natin ay walang maayos na pagkain o tahanan, mahina ang kalusugan at
may malubhang karamdaman, hindi bat tayo rin ang nasa peligrong mahawa sa
kanilang sakit?
Sagot ng bayan: AMEN! Pero susmaryosep! Nasaan ang programang
industriyalisasyon? Nasaan ang programang reporma sa lupa? Nasaan ang
programang pagpapahinto sa pagbabayad ng utang upang magkaroon ng puhunan
para sa mga repormang sosyo-ekonomiko? Nasaan ang planong pabahay at
pangkalusugan para sa lahat ng mahihirap na Pilipino? Nasaan ang badyet para sa
mga pampublikong ospital? Bakit semi-private na ang Philippine General Hospital,
National Mental Health Institute at iba pa?
KALUSUGAN PARA SA IILAN LANG?
Ipinagyayabang ng pangulo ang libreng Philhealth coverage ng mahigit 5 milyon
Pilipino: Naglalatag po tayo ng pagbabago upang mapatibay ang pundasyon ng
maaliwalas na bukas para sa lahat. Halimbawa po, sa kalusugan: di bat kapansin-
pansin ang pagtaas ng bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth tuwing
maghahalalan? Ngayon, sa pamamagitan ng National Household Targeting System for
Poverty Reduction (NHTS-PR), tiniyak natin na ang limang milyon at dalawandaang
libong pamilyang Pilipino na nakikinabang sa PhilHealth ay ang talagang mga
nangangailangan nito. Malawakang pag-unlad at pag-asenso ng lahat: Iyan po ang
panata natin. Walang maiiwan sa tuwid na landas.
Tanong ng nasa lower middle class: PAANO NAMAN KAMI? Kung tutuusin, ang
kalusugan ay isang karapatan kaya dapat, libre ito para sa lahat gaya ng kapuri-puring
sistema sa Cuba na ipinakita sa documentary ni Michael Moore na pinamagatang
SICKO. Siyempre pa, dapat ding itanong: ANONG GINAGAWA NI NOYNOY SA
MATAAS NA PRESYO NG GAMOT SA PILIPINAS? Bakit hindi gayahin ang India kung
saan ang mga patent sa mga gamot ay pinawalang-bisa para bumababa ang presyo ng
gamot?
SAME OLD S***
Bravo na naman sa pagbubulgar ng matagal nang alam ng mga taga-Mindanao:
Tumungo naman po tayo sa ARMM. Ang dating sistema: Nagbabatuhan lang ng
huwad na utang ng loob ang mga baluktot na kandidato. Kapag pambansang halalan,
malaya ang nakaupo sa ARMM na imane-obra ang makinarya sa kaniyang rehiyon para
matiyak na bokya, o sero, ang boto ng hindi kaalyado. Kapag naman eleksyon sa
ARMM at maniningil na ng utang si Mayor o Governor, ang administrasyon naman ang
20 sa 39
magpapatakbo ng makinarya para manalo ang kanilang kandidato. Ayon nga po sa
naungkat ng COA, sa opisina ng regional governor ng ARMM, mula Enero 2008
hanggang Setyembre 2009, walumpunguulitin ko po: walumpung porsyento ng mga
disbursement ang napunta sa mga cash advance na wala namang maayos na
paliwanag. Kung hindi nawala ang pondong ito, nakatapos na sana ang isang batang sa
ngayon tumawid sa ghost bridge, para pumasok sa ghost school, kung saan tuturuan
siya ng ghost teacher. Kaawa-awang bata: walang humpay na paghihirap, at walang
pag-asa ng pag-asenso. Gusto nating maranasan ng ARMM ang benepisyo ng tamang
pamamahala. Kaya ang atin pong minungkahing solusyon: synchronization. Dahil dito,
kailangan nilang tumutok sa kani-kanilang mga kampanya; magiging mas patas ang
labanan, at lalabnaw ang command votes. Salamat po sa Kongreso at naipasa na ang
batas na magsasabay sa halalan ng ARMM sa halalang pambansa. May nagtatanong
po, bakit postponement ang kailangan? Sa kagustuhang, siyempre, makabalik sa
puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Isipin na lang po
ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy natin ang eleksyon.
Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang
susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. Habang
nananatili sa puwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan namang nakalubog
sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.
Repo-reporma pa kunwari pero ganoon din naman pala: HINDI BINANGGIT NI
NOYNOY na ang iuupo niyang officer-in-charge ng ARMM ay PWEDENG TUMAKBO
SA ELEKSYON! Ang dating hari-harian, mapapalitan lang ng bago na malamang,
kaalyado ng pangulo!
YELLOW PRESIDENT BILANG GREEN WARRIOR
Nagkukunwaring green warrior ang Yellow President: Di po bat may problema
tayo sa baha, na alam naman nating dulot ng walang humpay at ilegal na pagputol ng
mga puno? Ang dating solusyon: photo-op ng pagtatanim na ang tanging benepisyaryo
ay nagpapoging pulitiko. Nagtanim nga ng puno kontra-baha, pero hindi naman siniguro
na mananatiling nakatayo ang mga ito pag-alis nila. Isa sa mga solusyong hinahanda
na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang
pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga
ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan
naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng
programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad.
Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.
Pero bakit sa ilalim ng kanyang pamahalaan, tuloy ang pagbebenta ng mga
bundok ng Pilipinas sa mga dayuhang kumpanya? Sipatin ang website ng Mines and
Geosciences Bureau para magulat sa dami ng approved at pending mining
applications: < http://www.mgb.gov.ph/lptt.aspx >
21 sa 39
Bravo!: Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon natin ng
monorail system, para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa
malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa pala tayong magtayo ng light rail
system nang hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa
matitipid na pondo, mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa
mga lugar na malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad
para maghanap ng trabaho, maaari nang tumira sa medyo mas malayo, nang hindi
pahirapan ang biyahe.
Hinihiling ni Noynoy ang tulong ng mga local government units:Iyan din po ang
aking panawagan sa ating Local Government Units. Kabilang po ako sa mga
sumasang-ayon na kayo ang pinaka-nakakaalam sa pangangailangan ng taumbayan
sa inyong mga lungsod at munisipyo. Makakaasa po ang ating mga LGU sa higit na
kalayaan at kakayahan, kung makakaasa rin tayong gagamitin ito sa tuwid na paraan,
at isasaalang-alang ang kapakanan ng buong sambayanan...Kailangan pong manatiling
magkatugma ang ating mga programa, dahil ang ikauunlad ng buong bansa ay
manganganak din ng resulta sa inyong mga pook. Wakasan na po sana natin ang
agendang nakatuon sa susunod na eleksyon lamang, at ang kaisipang isla-isla tayong
maihihiwalay ang sariling pagsulong sa pag-unlad ng bansa.
Tayo-tayo rin po ang dapat magtulungan tungo sa kaunlaran. Malaki ang pasasalamat
ko sa Kongreso sa pagpapasa ng mga batas ukol sa GOCC Governance, ARMM
Synchronization, Lifeline Electricity Rates Extension, Joint Congressional Power
Commission Extension, Children and Infants Mandatory Immunization, at Women Night
Workers, at marami pa sigurong pasunod.
Tanong ng bayan: kailan ba ipapasa ang Anti-Dynasty Bill ng Bayan Muna na
mula noong 2001 ay ifinafile na, para naman magkaroon na ng mas maraming matino
at matapat na mga opisyal, lalo na sa mga local governments? Asa pa, e mismong
pangulo, galing sa political dynasty.
Sabi ni Noynoy, Maganda na po ang ating nasimulan. Pero mahalaga pong
maalala natin: simula pa lang ito. Marami pa tayong gagawin. Hayaan po ninyong ilatag
ko sa Kongreso ang ilan sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating mga
panata sa bayan. Ano nga ba ang ilan sa mga batas na ito? Isang halimbawa ang
planong pagbabasura sa limitasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga
negosyo na nasa Konstitusyon.
BRAVISSIMO AT MGA TANONG
Keep up the good work at bravo!: Layon nating bigyan ng kaukulang
kompensasyon ang mga biktima ng Martial Law; ang pagkakaloob ng makatarungang
pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay; at ang pagpapatupad ng isang mas
maayos na sistema ng pensyon para sa atin pong mga kawal. Sinusuportahan din natin
ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na ipinagkakaloob ng DOST sa
mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral; ang pagtataguyod ng pinaigting na
22 sa 39
pangkalahatang kalusugan; at ang pangangalaga sa ating kalikasan at sa mga
pasilidad na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna. Kabilang din
po sa ating agenda ang pagpapalakas ng BuCor, ng NBI, ng NEA, at pati na rin po ng
PTV 4, upang sa halip na mapag-iwanan ng kaalaman at panahon, mas maayos nilang
magagampanan ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa publiko.
Keep up the good work at bravo! May mga nagsasabing pinepersonal ko raw
ang paghahabol sa mga tiwali. Totoo po: Personal talaga sa akin ang paggawa ng
tama, at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng malisino man sila. At hindi lamang
dapat ako ang namemersonal sa usaping ito. Personal dapat ito sa ating lahat, dahil
bawat Pilipino ay biktima nito. Ang maligaano katagal man ito nanatiliay mali pa rin.
Hindi puwedeng Oks lang; hindi puwedeng wala lang iyan. Kapag kinalimutan natin
ang mga ito, mangyayari lang ulit ang mga kamalian ng nakaraan. Kung hindi
magbabayad ang mga nagkasala, parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga
nagbabalak gumawa ng masama na kung puwede, uulitin ninyo ang ginawa ninyo. Ang
totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natinpero hindi na po
magpapakahaba doon, bigyan ko na lang kayo ng isang halimbawa. Sa PAGCOR:
kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa
kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng
sampung milyong tasa ng kape. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng
PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga
po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo? Pagpasok ng bagong Ombudsman
na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng
tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan.
Inaasahan ko nga po na sa taon na ito, masasampahan na ng kaso ang maraming
nagkuntsabahan sa katiwalian, at naging sanhi ng situwasyong ating inabutan. Tapos
na rin po ang panahon kung kailan nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso.
Kapag tayo ang nagsampa, matibay ang ebidensya, malinaw ang testimonya, at
siguradong walang lusot ang salarin.
Isang tanong lang po: kailan ikukulong ang mga mandarambong sa nakaraang
administrasyon?
Keep up the good work at bravo!: Tutok po tayo na ang pagkakamit ng ganap na
katarungan ay hindi natatapos sa pagsasakdal kung hindi sa pagkukulong ng maysala.
Buo ang kumpiyansa ko na tinutupad ng Department of Justice ang malaki nilang
bahagi upang maipiit ang mga salarin, lalo na sa mga kaso ukol sa tax evasion, drug
trafficking, human trafficking, smuggling, graft and corruption, at extrajudicial killings.
Isang tanong uli: may desisyon na ang Korte Suprema laban sa mga militar na
may kagagawan sa pagdukot kina Jonas Burgos, Sherlyn Cadapan at Karen Empeo
gaya ni General Jovito Palparan, KAILAN MAKUKULONG AT MAPAPARUSAHAN
ANG MGA YAN? At siyempre, KAILAN MAHIHINTO ANG MGA EXTRAJUDICIAL
KILLING?
23 sa 39
Nangako na naman na walang pagtataas ng buwis: Wala pong tsamba: ang
tapat at mabuting pamamahala ay nanganganak ng mabuti ring resulta. Isipin po ninyo:
naipatupad natin ang mga ipinangakong serbisyo ng gobyerno, at nakapaglaan pa ng
sapat na pondo para sa mga proyekto nang hindi kinailangang magtaas ng buwis.
Pero pustahan tayo, bago mag-2016, magkakaroon ng pagtaas ng buwis at
pagtaas ng presyo sa mga serbisyo gaya ng MRT, LRT at gayundin sa SSS
premium/contributions!
Bravo pero puro retorika, puro ngawa, walang gawa: Tinutuldukan na po natin
ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang lipunan. Ito po ang
manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang sisiguro na ang
pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan: Imprastruktura na titiyak
sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho, at serbisyong
panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Bubukas ang marami pang pintuang
pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo; sisiguruhing hindi magugutom ang
Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Ang mga dating kinakaligtaan, bibigyang-
puhunan ang kinabukasan.Magbubunsod ito ng siklo kung saan tiyak na may pupuno
sa mga nalilikhang trabaho, at may mga konsumer na lalong magpapalago sa mga
negosyo.
Drama ni Noynoy: Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang
direksyong tinatahak ng ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-
kamay; kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may
saysay ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat butil ng hinagpis
na dinaanan natin.
Tanong ng bayan: BAKIT AYAW ITAAS ANG SAHOD NG MGA
MANGGAGAWA?
Drama ni Noynoy: Kung may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti.
At kung may gawin kang masama, tiyak na mananagot ka.
Tanong ng bayan: KAILAN IKUKULONG ANG MGA MAGNANAKAW SA KABAN
NG BAYAN AT ANG MGA KAPITALISTANG MAHILIG SA KONTRAKTWALISASYON?

SENYOR PASTA VERSUS MGA AKTIBISTA
Sabi ni Noynoy: Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin
ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng
kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirapparang kasalananna
magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa
24 sa 39
kapwa Pilipino? Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng
pintasan na hindi natin maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging
utak-alimango; puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?
Kaming mga aktibista ang target ng drama na ito ni Noynoy. Simple lang ang
aming sagot: kasalanan ba namin na marami talagang pulubi sa lansangan, na may
mga matatandang may dalang reseta ng kailangan nilang gamot ang nagpapaikut-ikot
maghapon para makakuha ng pambili ng mamahaling gamot, na may mga batang
payat na payat na laging nanghihingi ng pagkain sa bansang may mahigit 10
bilyunaryo? Kasalanan ba namin na palaki nang palaki ang agwat ng mayayaman at
mahihirap? Kasalanan ba namin na araw-araw, may natatanggal sa trabaho dahil
kontraktwal lang? Kasalanan ba namin na 1960s pa dapat naipamigay ang Hacienda
Luisita pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipamimigay sa mga magsasaka?
Kasalanan ba namin na ayaw mong itaas ang sahod ng mga manggagawa? Kasalanan
ba namin na ayaw mong kontrolin ang presyo ng bilihin? Kasalanan ba namin na makita
namin ang kapwa Pilipino namin na nagugutom, walang bahay o kayay dinedemolish
ang bahay? Kasalanan ba namin na makita namin ang kapwa Pilipino na napipilitang
ibenta ang sariling ngipin, dugo at bato, pati buong dangal at katawan dahil walang
mahanap na trabaho? Kasalanan ba namin na may mga Pilipinong kumakain ng botete,
labong ng abaka, janitor fish at iba pang nakakalasong bagay dahil wala nang makain?
Kasalanan ba namin na ang tira-tirang pagkain sa fastfood chain ay niluluto uli at
ipinagbibili nang mura sa mga walang pera? Kasalanan ba naming itanong at ireklamo
araw-araw na bakit ang daming naghihirap sa bansang ito samantalang ang yaman-
yaman natin sa natural resources?
Mahal na pangulo, huwag mo kaming sisihin sa negatibismo. Inilalantad namin
ang mga negatibo sa lipunan upang lahat tayoy mapilitang kumilos sa ikabubuti ng
ating lipunan at ng buhay ng bawat kapwa natin tao. Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili. Gusto mo pala kaming maging manhid sa reyalidad, sa pagdurusa ng
aming kapwa tao. Pasensya ka na pero di ka namin mapagbibigyan dahil ito ang dikta
ng aming pananampalataya at paninindigan: WALANG SINUMAN ANG NABUBUHAY
PARA SA SARILI LAMANG. WE ARE OUR BROTHERS KEEPERS.
Bravo at ginagawa naman namin yan kapag may pagkakataon: Kung may
nakita kang mabuti, huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. Kapag nakita mo ang
pulis sa kanto, nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan, lapitan mo siya at
sabihing, Salamat po. Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa
iyo, sa halip na magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, pakisabi rin
po, Salamat po. Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling
mamuhunan sa iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo,
Salamat po: Tulad ng aking gurong nasa screen ngayon, Salamat po Ginang Escasa.
Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak (o
23 sa 39
wala), at ngayon ay puwede nang daanan nang maaliwalas, lapitan mo siya at sabihing:
Salamat po.
HULING HIRIT AT BANAT
HULING HIRIT NI NOYNOY: Kaya po, sa sambayanang Pilipino, ang aking Boss na
nagtimon sa atin tungo sa araw na ito: maraming, maraming salamat po sa
pagbabagong tinatamasa natin ngayon. Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang
Pilipino.
HULING BANAT NG BAYAN (na halaw kay Renato Reyes, chairperson ng Bagong
Alyansang Makabayan): Kung kami ang boss mo, YOURE FIRED! KUHA MO?
- David Michael M. San Juan
Institute for Nationalist Education and Radical Democracy (INERD)
26 July 2011 City of Manila, Philippines
XXX
Kung funny SONA critique ang gusto (isinulat ito bago pa bigkasin ang SONA.
Coincidence lang ang actual na pagkakatulad ng ilang bahagi nito at ng SONA 2011):
http://www.facebook.com/home.php#!/notes/david-michael-san-juan/full-text-state-of-the-nation-
2011-tuwid-na-daan-dere-deretso-lang/10150255485193283?notif_t=like
XXX
NARITO ANG BUONG SONA 2011 ni NOYNOY:

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa
Complex, Quezon City on July 25, 2011]
26 sa 39
Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente
Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada;
Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte
Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng
Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga
miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga
kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;
At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:
Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa
ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po
ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.
Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung
makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang
mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Kung
makaasta ang kanilang mga padrinot alipores, akala moy kung sinong maharlika kung
humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang
mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos
mangakong maglingkodiyan po ang utak wang-wang.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise
Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, pulis, bumbero, at
ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga
opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga
bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng
kaban ng bayan?
Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin po. Gusto ba ninyong
matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng
baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba
ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Siyempre ako rin
po.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema.
Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabing nabawasan ang nagugutom sa
kanila. Mula sa 20.5 percent na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa
15.1 percent nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong
nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan
ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi
maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang
hinihigitan.
27 sa 39
Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moodys,
Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang
pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi. Ang
mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kumpara
sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang
natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011. Maaari na po
nitong sagutin ang dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo ng CCT
hanggang sa katapusan ng 2011.
Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang
beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade
ng ibat ibang ratings agency. Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong
nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon
ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis
sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magagandang
ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang mga
bansa. Pero tayo po, in-upgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang
gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na raw tayo sa
investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong
makaarangkada.
At may mabubuting balita pa pong parating. Dahil wala nang wang-wang sa DOE,
muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector.
Patunay dito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa
eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy
contracting round noong 2006, tatlumput lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes
lamang po, nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant
sa Luzon grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang
pagmumulan ng enerhiya ang bansa.
May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala
ko nga po ang babaeng nakausap ko nang akoy unang nagha-house-to house
campaign para sa akin pong sarili. Ang kaniyang hinaing: Miski sino naman ang
manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay
nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at malamang mahirap pa rin ako
pag nagretiro na sila. Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, Walang pakialam
ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin
silang pakialam.
Di po bat may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito, dahil sa pagwawang-wang sa
mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong
brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang din ang milyun-milyong
pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National
Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng
serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa
puwesto, dalawandaan, tatlumput dalawang milyong piso po ang inomento ng dating
28 sa 39
pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat
ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita,
sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa
nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong
utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa
sarili.
Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan, sinuyod at sinuri natin ang mga
programa. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-based
budgeting, na magsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos.
Sa Laguna Lake po, magtatanggal ngasabi nilang 12 million cubic meters sa
dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik.
18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad
ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school
program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang
pinondohan ngunit walang pinatunguhanbinura na natin sa budget upang ang pera
namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.
Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas. Ang
aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka lang
ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo,
huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang
magtangka.
Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang
latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na
landas.
Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR,
mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng
mga abogado, doktor, at negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion
pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa raw sa
kanila, on averageang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay
umaabot lang ng 8,500 pesos kada buwan. Mababa pa sa minimum wage. Naman.
Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong
dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang
po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng
tamang buwis.
Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno.
Ang masakit, hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot.
Mayroon nga pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng
300 million pesos. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng
district engineer.
29 sa 39
Kaya naisip nilang i-chop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang
halaga, at di na umabot sa regional at central office ang kanilang mga papeles. Kani-
kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH.
Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum
na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng
proyekto. Miski yatasabi ng ibabahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng
pondo, basta may padrino.
Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na niya sa puwesto ang
district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisiin kung
ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng
nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-
tongpats sa mga proyekto, iba-black-list natin.
Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema:
Tuloy ang pagdusa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan.
Hindi lang po iyan sa Region 4B nadiskubre. Ngunit natigil na po ito dahil hindi na
padrino kundi tamang proseso ang naghahari sa DPWH. Hindi na puwedeng walang
work program; kailangang magpakita ng pinag-isipang plano para hindi magkasalungat
ang pagsasagawa ng mga proyekto. Malinis at hayag na ang bidding, at pantay na ang
pagkakataon sa pagpasok ng mga kontratista.
Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng dalawat kalahating
bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang
matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo sa mga kalsadang
matino, hindi yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. Paniwala natin dati,
imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito posible; sa unang
taon pa lamang, ginagawa na natin ito.
Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong
2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons
lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyong
tonelada. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa
mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito,
umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami,
wala na talaga tayong magagawa.
Ngunit, sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan nating mali sila. Ngayon, ang dating
1.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas, halos nangalahati na;
660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. Kahit dagdagan pa natin
iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860,000 metric tonsna ginagawa na
nga po natinmas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million
metric tons.
30 sa 39
At hindi po buwenas lang ang nangyaring pag-angat ng ating rice productivity. Bunga
po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi
at epektibong paggastos para sa irigasyon. Nito nga pong nakaraang taon, labing-isang
libo, anim na raan at labing-isang bagong ektarya ng bukirin ang napatubigan natin.
Dagdag pa iyan sa halos dalawandaan at labindalawang libong ektarya na nakumpuni o
nabigyang muli ng irigasyon matapos ang panahon ng pagkakatiwangwang. Ang
resulta: umangat ng 15.6 percent ang inani nating palay noong nakaraang taon.
Ang gusto nating mangyari: Una, hindi tayo aangkat ng hindi kailangan, para lang
punan ang bulsa ng mga gustong magsariling-diskarte ng kita sa agrikultura. Ikalawa:
ayaw na nating umasa sa pag-angkat; ang isasaing ni Juan dela Cruz, dito ipupunla,
dito aanihin, dito bibilhin.
Balikan din po natin ang dinatnang kalagayan ng ating mga kawal at kapulisan.
Labingtatlong libong piso po ang karaniwang suweldo ng isang PO1 sa Metro Manila.
Apat na libong piso daw rito ang napupunta sa upa ng bahay. Tila tama nga po na
isang-katlo ng kanilang sahod diretso na sa upa. Isang-katlo pa nito, para naman sa
pagkain. At ang natitirang isang-katlo, para sa kuryente, tubig, pamasahe, pampaaral
sa anak, gamot sakaling may magkasakit, at iba pa. Maganda na nga po kung tumabla
ang kita niya sa gastusin. Kapag naman kinapos, malamang sa five-six po sila lalapit. At
kapag nagpatung-patong ang interes ng utang nila, makatanggi kaya sila sa tuksong
dumelihensya?
Kaya ang ipinangako nating solusyon pabahay nitong Pebrero, ngayong Hulyo ay
tinutupad na. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of Entitlement to
Lot Allocation sa magigiting nating kawal at pulis. Bahagi pa lang po ito ng target nating
kabuuang dalawamput isang libo at walong daang bahay sa pagtatapos ng taong ito.
Ang dating apat na libong ibinabayad para sa upa kada buwan, ngayon, dalawandaang
piso na lang, para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila. Ang dating nalalagas na
halaga na pambayad sa buwanang renta, maaari nang igugol para sa ibang gastusin.
Mayroon pa raw pong mahigit isang libong bahay na natitira, kaya po sa mga pulis at
sundalo nating di pa nakakapagpasa ng kanilang mga papeles, last call na po para sa
batch na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, sa susunod na taon, lalawak pa ang
ating pabahay, at hindi lang pulis at kawal sa Luzon ang makikinabang. Inihahanda na
ng NHA ang lupang patatayuan sa Visayas at Mindanao, para sa susunod na taon,
makapagpatayo na tayo ng mga bahay doon. Sa ating mga kawani ng Bureau of Jail
Management and Penology at Bureau of Fire Protection, may good news pa rin po ako
sa inyo: kasama na po kayo rito.
Kung seguridad na rin lang po ang ating pag-uusapan, di bat karugtong din nito ang
ating pambansang dangal? Dati, hindi man lang natin makuhang pumalag tuwing may
sisindak sa atin sa loob mismo ng ating bakuran. Malinaw ang pahiwatig natin ngayon
sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank,
para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.
31 sa 39
Tama nga po kaya ang kuwento tungkol sa isang stand-off noong araw? Tinapatan daw
ang mga marino natin ng kanyon. Ang ginawa nila noong gabi, pumutol ng puno ng
niyog, pininturahan ito ng itim, saka itinutok sa kalaban. Tapos na po ang panahong
iyan. Parating na ang mga capability upgrade at modernization ng mga kagamitan ng
ating Sandatahang Lakas. Literal na pong naglalakbay sa karagatan papunta rito ang
kauna-unahan nating Hamilton Class Cutter, isang mas modernong barko na
magagamit natin para mabantayan ang ating mga baybayin. Maaari pa po tayong
makakuha ng mga barkong tulad nito. Idadagdag iyan sa kukunin na nating mga
helicopter (plural po iyon), patrol craft, at sandata na bultong bibilhin ng AFP, PNP,
kasama na ang DOJ upang makakuha ng malaking diskuwento. Lahat po ito,
makakamtan sa matinong pamamahala; mabibili sa tamang presyo, nang walang
kailangang ipadulas kung kani-kanino.
Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa
tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa
West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea, upang masigurong
sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari tuwing may
alitan sa teritoryo.
Alam ko pong magbubunga ang pag-aarugang ipinapamalas natin sa mga lingkod-
bayan na nakatutok sa ating seguridad. Mantakin po ninyo: sa unang anim na buwan ng
2010, umabot sa isanlibo at sampung kotse at motorsiklo ang nanakaw. Ikumpara po
natin iyan sa apatnaraan at animnapung kotse at motorsiklong nanakaw mula Enero
hanggang Hunyo ng taong ito. Ang laki po ng naibawas di po ba? Malas ko lang po
siguro na yung isa o dalawang kaso ng carnapping ang nai-heheadline, at hindi ang
pagbawas sa mga insidente nito o ang mas mataas na porsyento ng mga nanakaw na
kotse na naibalik na sa kanilang mga may-ari.
Isa pa pong halimbawa ng pagbabagong tinatamasa natin: Mayo ng taong 2003 nang
lagdaan ang Anti-Trafficking in Persons Act, pero dahil hindi sineryoso ng estado ang
pagpapatupad nito, dalawamput siyam na indibiduwal lamang ang nahatulan sa loob
ng pitong taon. Nalagpasan na po natin iyan, dahil umabot na sa tatlumput isang
human traffickers ang nahatulan sa ating administrasyon. Ito nga po siguro ang
sinasabing sea change ni Secretary of State Hillary Clinton ng Amerika. Dahil dito,
natanggal na tayo sa Tier 2 Watchlist ng Trafficking in Persons Report nila. Kung hindi
tayo natanggal sa watchlist na ito, siguradong napurnada pa ang mga grant na maaari
nating makuha mula sa Millenium Challenge Corporation at iba pa.
Dumako po tayo sa trabaho. Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. Ang
8 percent na unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon, naibaba na sa
7.2 percent nitong Abril ng 2011. Tandaan po natin: moving target ang nasa hanay ng
ating unemployed, dahil taun-taon ay may mga bagong graduate na naghahanap ng
trabaho. Nito nga pong huling taon, nadagdag pa sa bilang nila ang libu-libong hawi
boys, tagasabit ng banderitas, at iba pang mga Pilipinong kumuha ng pansamantalang
kabuhayan mula sa eleksyon. Ang resulta po natin: Isang milyon at apatnaraang libong
trabahong nalikha nitong nakaraang taon, nagtatapos po ng Abril.
32 sa 39
Dati, nakapako sa pangingibang-bansa ang ambisyon ng mga Pilipino. Ngayon, may
pagpipilian na siyang trabaho, at hanggat tinatapatan niya ng sipag at determinasyon
ang kanyang pangangarap, tiyak na maaabot niya ito.
Malaki pa po ang puwedeng madagdag sa trabahong nalilikha sa ating bansa. Ayon pa
lang po sa website nating Philjobnet, may limampung libong trabahong hindi
napupunan, napupunuan, kada buwan dahil hindi tugma ang kailangan ng mga
kumpanya sa kakayahan at kaalaman ng mga naghahanap ng trabaho. Hindi po natin
hahayaang masayang ang pagkakataong ito; ngayon pa lang, nagtatagpo na ang
kaisipan ng DOLE, CHED, TESDA, at DEPED upang tugunan ang isyu ng job
mismatch. Susuriin ang mga curriculum para maituon sa mga industriyang naghahanap
ng empleyado, at gagabayan ang mga estudyante sa pagpili ng mga kursong hitik sa
bakanteng trabaho.
Ngunit aanhin naman po natin ang mga numerong naghuhudyat ng pag-asenso ng iilan,
kung marami pa rin ang napag-iiwanan? Ang unang hakbang: tinukoy natin ang totoong
nangangailangan; namuhunan tayo sa pinakamahalaga nating yaman: ang taumbayan.
Sa dalawang milyong pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino
Program, isang milyon at animnaraang libo na ang nakakatanggap ng benepisyo nito.
Sa pagpapakitang-gilas ni Secretary Dinky Soliman, tinatayang may mahigit isandaang
libong pamilyauulitin ko po: mahigit isandaang libong pamilya ang naiaahon natin
mula sa kahirapan kada buwan. Kaya naman mataas ang aking kumpiyansang
makukumpleto ang 1.3 million na dagdag na pamilya, mula sa kabuuang 2.3 milyong
target na benepisyaryo ng CCT bago matapos ang taong ito. At sa compliance rate nito
na hindi bababa sa 92 percent, milyun-milyon na rin po ang inang regular na
nagpapacheck-up sa mga health center, ang mga sanggol na napabakunahan, at ang
mga batang hindi hinahayaan sa labas ng paaralan.
Simula pa lang po ito, at sa ganitong kalinaw na mga resulta, umaasa ako sa suporta
ng bawat Pilipino, lalo na po ng lehislatura, sa mungkahi nating salinan pa ng pondo
ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Inaasam po natin na bago matapos ang
2012, tatlong milyong pamilya na ang mabibigyan ng puhunan para sa kanilang
kinabukasan.
Binibigyan natin ang mga maralitang pamilyang ito ng pagkakataong makaahon sa
buhay, dahil ang pag-asenso nila ay pag-angat rin ng buong bansa. Sino ang tatangkilik
sa mga produkto at serbisyo ng mga negosyante, kung isang kahig, isang tuka naman
ang mamimili? Kapag may amang kumakapit sa patalim para may kainin ang kanyang
pamilya, at siya ay magnakaw o nangholdap, sino ba ang puwedeng mabiktima ng
krimen kundi tayo rin? Kung ang mga kababayan natin ay walang maayos na pagkain o
tahanan, mahina ang kalusugan at may malubhang karamdaman, hindi bat tayo rin ang
nasa peligrong mahawa sa kanilang sakit?
Naglalatag po tayo ng pagbabago upang mapatibay ang pundasyon ng maaliwalas na
bukas para sa lahat. Halimbawa po, sa kalusugan: di bat kapansin-pansin ang pagtaas
ng bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth tuwing maghahalalan? Ngayon, sa
33 sa 39
pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-
PR), tiniyak natin na ang limang milyon at dalawandaang libong pamilyang Pilipino na
nakikinabang sa PhilHealth ay ang talagang mga nangangailangan nito. Malawakang
pag-unlad at pag-asenso ng lahat: Iyan po ang panata natin. Walang maiiwan sa tuwid
na landas.
Tumungo naman po tayo sa ARMM. Ang dating sistema: Nagbabatuhan lang ng huwad
na utang ng loob ang mga baluktot na kandidato. Kapag pambansang halalan, malaya
ang nakaupo sa ARMM na imane-obra ang makinarya sa kaniyang rehiyon para
matiyak na bokya, o sero, ang boto ng hindi kaalyado. Kapag naman eleksyon sa
ARMM at maniningil na ng utang si Mayor o Governor, ang administrasyon naman ang
magpapatakbo ng makinarya para manalo ang kanilang kandidato.
Ayon nga po sa naungkat ng COA, sa opisina ng regional governor ng ARMM, mula
Enero 2008 hanggang Setyembre 2009, walumpunguulitin ko po: walumpung
porsyento ng mga disbursement ang napunta sa mga cash advance na wala namang
maayos na paliwanag. Kung hindi nawala ang pondong ito, nakatapos na sana ang
isang batang sa ngayon tumawid sa ghost bridge, para pumasok sa ghost school, kung
saan tuturuan siya ng ghost teacher. Kaawa-awang bata: walang humpay na
paghihirap, at walang pag-asa ng pag-asenso.
Gusto nating maranasan ng ARMM ang benepisyo ng tamang pamamahala. Kaya ang
atin pong minungkahing solusyon: synchronization. Dahil dito, kailangan nilang tumutok
sa kani-kanilang mga kampanya; magiging mas patas ang labanan, at lalabnaw ang
command votes. Salamat po sa Kongreso at naipasa na ang batas na magsasabay sa
halalan ng ARMM sa halalang pambansa.
May nagtatanong po, bakit postponement ang kailangan? Sa kagustuhang, siyampre,
makabalik sa puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo.
Isipin na lang po ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy
natin ang eleksyon. Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi
paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing
panahon. Habang nananatili sa puwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan
namang nakalubog sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.
Wala akong duda sa kahihinatnan ng mga repormang inilatag na natin. Hindi po tayo
nagbubukambibig lang; may kongkretong resulta ang ating mga paninindigan. Kapag
sinabi nating tuwid na daan, may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa
Sta. Maria, Laguna. Pag sinabi nating malinis na pamamahala, may dadaloy na malinis
na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng nasa Barangay Poblacion, sa Ferrol, Romblon.
Kapag sinabi nating liwanag ng pagbabago, titiyakin nating may liwanag na tatanglaw
sa mga pamayanang dati ay nangangapa sa aandap-andap na gasera, gaya ng ginawa
natin sa Barangay San Marcos, sa Bunawan, Agusan del Sur. Ganito na ang
nangyayari sa marami pang ibang lugar; pinipilit nating ito rin ang mangyari sa kabuuan
ng Pilipinas.
34 sa 39
Nakatutok na po ang ibat ibang ahensya ng gobyerno; nag-uugnayan at nagtutulungan
sila upang maabot at mapabilis ang mga solusyon sa mga problemang kaytagal nang
pinapasan ng bayan.
Di po bat may problema tayo sa baha, na alam naman nating dulot ng walang humpay
at ilegal na pagputol ng mga puno? Ang dating solusyon: photo-op ng pagtatanim na
ang tanging benepisyaryo ay nagpapoging pulitiko. Nagtanim nga ng puno kontra-baha,
pero hindi naman siniguro na mananatiling nakatayo ang mga ito pag-alis nila.
Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-
pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng
kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani,
makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa
baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na
ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang
namumuhunan din sa kalikasan.
Noon bang isang taon, inisip kaya natin na kaya nating gawin ito? Sa ngayon, tinutupad
na natin ang ating mga pangako. Bukas makalawa, katotohanan na ang lahat ng ating
mga pinangarap.
Marami pa pong malikhaing konsepto na inilalapit sa atin, at ang atin pong ipinatupad
na. May mosquito trap na pinapatay ang mga kiti-kiti ng lamok, na siguro naman po ay
may kinalaman sa halos labing-apat na porsiyentong pagbaba ng insidente ng dengue;
may hibla ng niyog na itatapon na sana, pero puwede palang murang solusyon sa mga
daanang madaling mabitak; may landslide sensor na magbababala kung tumaas na
ang panganib na gumuho ang lupa; may mga kagamitang magbibigay ng senyales
kung malapit nang umapaw ang tubig sa mga ilog. Lahat po nito, gawa ng Pilipino.
Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon natin ng monorail system,
para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa malikhaing pag-
iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa pala tayong magtayo ng light rail system nang
hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa matitipid na pondo,
mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na
malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap
ng trabaho, maaari nang tumira sa madyo mas malayo, nang hindi pahirapan ang
biyahe.
Uulitin ko po: ang mungkahing ito ay galing sa kapwa natin Pilipino, para sa Pilipinas.
Naaalala po ba ninyo ang panahon kung kailan ni hindi man lang maabot ng mga
pangarap natin ang ganitong mga proyekto? Ngayon, sinasabi ko po sa inyo:
pinapangarap natin ito, kaya natin ito, gagawin natin ito. Hindi ba tayo nagagalak,
Pilipino tayong nabubuhay sa mga panahong ito?
33 sa 39
Sa kabila ng lahat ng ito, huwag po sana nating lilimutin: masasayang lang ang lahat ng
ating narating kung hindi tuluyang maiwawaksi ang kultura ng korupsyon na dinatnan
natin.
Sa mga kapwa ko empleyado ng sambayanan, mula sa tuktok hanggang sa bawat
sulok ng burukrasya: Di po bat napakarangal na ngayon ang magtrabaho sa gobyerno?
Di po bat ngayon, sa halip na ikahiya, gusto mo pang isuot kung minsan ang iyong ID
kung sumasakay ka ng bus o jeep papasok sa iyong ahensya? Sasayangin po ba natin
ang karangalang kaloob sa atin ng sambayanan?
Iyan din po ang aking panawagan sa ating Local Government Units. Kabilang po ako sa
mga sumasang-ayon na kayo ang pinaka-nakakaalam sa pangangailangan ng
taumbayan sa inyong mga lungsod at munisipyo. Makakaasa po ang ating mga LGU sa
higit na kalayaan at kakayahan, kung makakaasa rin tayong gagamitin ito sa tuwid na
paraan, at isasaalang-alang ang kapakanan ng buong sambayanan.
Halimbawa po, may ilang munisipyo na naisipang magbuwis sa mga transmission lines
ng kuryente na dadaan sa kanilang mga pook. Magpapasok nga po ng kita sa kanilang
lokal na kaban, pero kapalit nito, tataas din ang gastusin ng mas nakararaming Pilipino
sa kuryente. Tiwala po akong kaya nating balansehin ang interes ng inyong mga
nasasakupan sa interes ng sambayanan.
Kailangan pong manatiling magkatugma ang ating mga programa, dahil ang ikauunlad
ng buong bansa ay manganganak din ng resulta sa inyong mga pook. Wakasan na po
sana natin ang agendang nakatuon sa susunod na eleksyon lamang, at ang kaisipang
isla-isla tayong maihihiwalay ang sariling pagsulong sa pag-unlad ng bansa.
Tayo-tayo rin po ang dapat magtulungan tungo sa kaunlaran. Malaki ang pasasalamat
ko sa Kongreso sa pagpapasa ng mga batas ukol sa GOCC Governance, ARMM
Synchronization, Lifeline Electricity Rates Extension, Joint Congressional Power
Commission Extension, Children and Infants Mandatory Immunization, at Women Night
Workers, at marami pa sigurong pasunod.
Noong isang taon nga po, nagpakitang-gilas ang Kongreso sa pagpasa ng budget bago
matapos ang taon. Dahil dito, nasimulan agad ang mga proyekto at hindi na inabot ng
tag-ulan. Bukas na bukas po, ihahain na namin sa lehislatura ang budget para sa
susunod na taon. Umaasa po ako na muli kayong magpapakitang-gilas, upang tuluyan
na nating mapitas ang bunga ng mga naitanim nating pagbabago.
Maganda na po ang ating nasimulan. Pero mahalaga pong maalala natin: simula pa
lang ito. Marami pa tayong gagawin. Hayaan po ninyong ilatag ko sa Kongreso ang ilan
sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating mga panata sa bayan.
Layon nating bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga biktima ng Martial Law; ang
pagkakaloob ng makatarungang pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay; at
ang pagpapatupad ng isang mas maayos na sistema ng pensyon para sa atin pong
36 sa 39
mga kawal. Sinusuportahan din natin ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na
ipinagkakaloob ng DOST sa mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral; ang
pagtataguyod ng pinaigting na pangkalahatang kalusugan; at ang pangangalaga sa
ating kalikasan at sa mga pasilidad na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan sa
oras ng sakuna.
Kabilang din po sa ating agenda ang pagpapalakas ng BuCor, ng NBI, ng NEA, at pati
na rin po ng PTV 4, upang sa halip na mapag-iwanan ng kaalaman at panahon, mas
maayos nilang magagampanan ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa publiko.
Hindi ko po nailagay ang lahat ng gustong magpasali ng kanilang adbokasiya dito po sa
SONA. Pero kumpleto po ang detalye sa budget at budget message. Sa mga
interesado po, pakibasa na lang detalye doon.
May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang paghahabol sa mga tiwali. Totoo po:
Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama, at ang pagpapanagot sa mga
gumagawa ng malisino man sila. At hindi lamang dapat ako ang namemersonal sa
usaping ito. Personal dapat ito sa ating lahat, dahil bawat Pilipino ay biktima nito.
Ang maligaano katagal man ito nanatiliay mali pa rin. Hindi puwedeng Oks lang;
hindi puwedeng wala lang iyan. Kapag kinalimutan natin ang mga ito, mangyayari lang
ulit ang mga kamalian ng nakaraan. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala,
parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na
kung puwede, uulitin ninyo ang ginawa ninyo.
Ang totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natinpero hindi na po
magpapakahaba doon, bigyan ko na lang kayo ng isang halimbawa. Sa PAGCOR:
kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa
kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng
sampung milyong tasa ng kape. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng
PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga
po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo?
Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita
Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng
mga nagwawang-wang sa pamahalaan. Inaasahan ko nga po na sa taon na ito,
masasampahan na ng kaso ang maraming nagkuntsabahan sa katiwalian, at naging
sanhi ng situwasyong ating inabutan. Tapos na rin po ang panahon kung kailan
nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso. Kapag tayo ang nagsampa,
matibay ang ebidensya, malinaw ang testimonya, at siguradong walang lusot ang
salarin.
Tutok po tayo na ang pagkakamit ng ganap na katarungan ay hindi natatapos sa
pagsasakdal kung hindi sa pagkukulong ng maysala. Buo ang kumpiyansa ko na
tinutupad ng Department of Justice ang malaki nilang bahagi upang maipiit ang mga
37 sa 39
salarin, lalo na sa mga kaso ukol sa tax evasion, drug trafficking, human trafficking,
smuggling, graft and corruption, at extrajudicial killings.
Wala pong tsamba: ang tapat at mabuting pamamahala ay nanganganak ng mabuti ring
resulta. Isipin po ninyo: naipatupad natin ang mga ipinangakong serbisyo ng gobyerno,
at nakapaglaan pa ng sapat na pondo para sa mga proyekto nang hindi kinailangang
magtaas ng buwis.
Iyan naman po talaga ang plano: siguruhin na patas ang laban; itigil ang panlalamang
ng mga makapangyarihan; at tiyakin na ang dating sistema kung saan nakikinabang
ang iilan ay magiging bukal ng oportunidad para sa lahat.
Tinutuldukan na po natin ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang
lipunan. Ito po ang manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang
sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan:
Imprastruktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng
trabaho, at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Bubukas ang
marami pang pintuang pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo; sisiguruhing hindi
magugutom ang Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Ang mga dating kinakaligtaan,
bibigyang-puhunan ang kinabukasan.
Magbubunsod ito ng siklo kung saan tiyak na may pupuno sa mga nalilikhang trabaho,
at may mga konsumer na lalong magpapalago sa mga negosyo.
Batid ko po na hanggang ngayon ay may kakaunti pang nagrereklamo sa ating estilo ng
pamamahala. Nakita po ninyo ang aming estilo, at ang kaakibat nitong resulta. Nakita
po ninyo ang estilo nila, at kung saan tayo nito dinala. Sa mga taong bukas ang mata,
maliwanag kung saan ang tama.
Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang direksyong tinatahak ng
ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-kamay; kung saan ang
mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay ang bawat patak ng
pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat butil ng hinagpis na dinaanan natin. Kung
may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. At kung may gawin kang
masama, tiyak na mananagot ka.
Naaalala ko nga po ang isang ginang na lumapit sa akin noong kampanya; ang babala
niya, Noy, mag-iingat ka, marami kang kinakabangga.
Tama po ang sabi niya: Tao pong may agam-agam din ako kung minsan. Pero wala po
akong alinlangang tumahak sa tuwid na daan: Buo ang loob ko dahil alam kong nasa
likod ko po kayo. Salamat po.
Salamat po sa mga pari at obispo na masinsinang nakikipagdiyalogo sa atin, katulad
nina Cardinal Rosales at Vidal. Di naman po kami ganoong kalapit ni Cardinal Rosales,
pero naniniwala akong ibinuhos niya ang lahat para mabawasan ang hindi
38 sa 39
pinagkakaunawaan ng gobyerno at simbahan. Sa pagkahalal kay Archbishop Palma,
tagapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan, lalo pong tumibay ang aking
kumpiyansang ugnayan, at hindi bangayan, ang mabubuo sa pagitan ng estado at
simbahan.
Salamat din po sa ating Gabinete, na walang kinikilalang panahon ng tulog o pahinga,
maipatupad lang ang pambansang agenda. Special mention po ang PAGASA, na tunay
na ngayong nagbibigay ng maaasahang babala.
At sa mga nasasagasaan po natin sa landas ng katapatan at integridad sa
pamamahala, ito naman po ang aking masasabi: Pinili ninyo ang landas kung saan
naaapi ang sambayanan. Pinili naman namin ang landas na ipagtanggol ang
taumbayan. Nasa tama po kami; nasa mali kayo. Sa inyong magbabalik ng pang-aapi
sa sambayan, hindi kayo magtatagumpay.
Sa lahat ng mga kasama natin sa tuwid na daan: kayo ang lumikha ng pagkakataong
baguhin ang dinatnan, at gawing mas maganda ang ipapamana natin sa susunod na
salinlahi ng mga Pilipino. Kayo pong mga tsuper na pumapasada pa rin; kayong mga
guro at estudyanteng pauwi pa lang mula sa klase; kayong patuloy ang paglikha ng
mga obrang nagpapaalab sa apoy ng ating pagka-Pilipino; kayong mga pulis, sundalo,
kaminero, at bumbero; kayong mga marangal na magtrabaho, sa Pilipinas man, sa
gitnang dagat, o sa ibang bansa; kayong mga tapat na kasama natin sa gobyerno,
anumang probinsya o partido; kayong mga Pilipinong nakikinig sa akin ngayonkayo
po ang lumikha ng pagkakataong ito.
Lumikha po kayo ng gobyernong tunay na nagtatrabaho para sa inyo. May limang taon
pa tayo para siguruhing hindi na tayo babalik sa dating kalagayan. Hindi tayo
magpapadiskaril ngayong napakaganda na ng resulta ng ating sinimulan.
Kapag may nakita tayong butas sa sistema, huwag na po tayo magtangkang lumusot.
Huwag na nating daanin sa pakiusap ang madadaan sa pagsisikap. Tama na ang
unahan, tama na ang tulakan, tama na ang lamangan, dahil lahat naman po tayo ay
makakarating sa minimithi nating kinabukasan.
Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa
bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa
ating bayan? At napakahirapparang kasalananna magsabi ng maganda? Naalala
pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino?
Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng pintasan na hindi
natin maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging utak-alimango;
puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?
Kung may nakita kang mabuti, huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. Kapag
nakita mo ang pulis sa kanto, nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan, lapitan
mo siya at sabihing, Salamat po.
39 sa 39
Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na
magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, pakisabi rin po, Salamat
po.
Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa
iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo, Salamat po: Tulad
ng aking gurong nasa screen ngayon, Salamat po Ginang Escasa.
Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak (o
wala), at ngayon ay puwede nang daanan nang maaliwalas, lapitan mo siya at sabihing:
Salamat po.
Kaya po, sa sambayanang Pilipino, ang aking Boss na nagtimon sa atin tungo sa araw
na ito: maraming, maraming salamat po sa pagbabagong tinatamasa natin ngayon.
Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino.
(hLLp://www.aov.ph/2011/07/23/benlano-s-aqulno-lll-second-sLaLe-of-Lhe-naLlon-address-[ulv-
23-2011/ )

You might also like