Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PASASALAMAT Ni: Maricar C. Darvin Ang pista ay isa sa mga pagdiriwang na ginugunita bawat taon.

Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-aabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo taun-taon. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa ating panauhing pandangal, mga bisita, kaibigan at sa aking kabaranggay na naparito at naki-isa sa pagdiriwang ng ating kapistahan sa taong 2011. Isa ito sa tradisyon na kung saan ay ating pinapahalagahan, ito ay ang pagbibihay pugay natin sa ating Patron. Sinasali natin ang ating sarili at niyayakap ang kultura sa ating pagkakaisa bilang isang mabuting mamamayan na may tiwala sa ating Poong Maykapal. Dapat nating patunayan ang ating adhikain at ang ating pagkakaisa para sa mas ligtas, tahimik at maunlad na komunidad. Sa kabila ng lahat ng pagsubok at krisis na ating kinakaharap, ginawa parin natin ang lahat at hinahanapan ng paraan para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating mahal na baranggay. Sa ngalan ng Sangguniang Baranggay, pinupuri ko ang lahat na nagbigay ng suporta at kooperasyon para sa tagumpay nitong ating kapistahan. Sana ay gabayan tayo palagi ng ating Patron Santa Catalina de Sienna. Maraming salamat po.

ANG AKING TALAMBUHAY Ang bawat isa ay iniluwal sa mundo na may sariling kapasidad. At ang mga kapasidad na ito ay ang ating obligasyon na tukuyin at linangin, na kung saan matatagpuan ang sariling lugar sa mundo. Ngunit natural sa parte ng pagiging tao ang imperpeksyon na siyang naglilimita sa kapasidad na malaman at magawa ang isang bagay na kahit ito pa ay ating pasan sa balikat. Agaw-liwanag na noong una kong nasilayan ang mundo noong ika-labing tatlo ng Setyembre taong 1986. Gawa ng pagmamahal, isinilang ako at pinangalanang Maricar C. Darvin. Laging buhos ng panahon ang ilaw ng tahanan sa akin dahil nga sa ako ay nag-iisang anak lamang. Pinipilit namang ibigay ng aming haligi ng tahananan gaming pangangailangan. Isinilang akong anak-dalita ngunit may kalayaan, kalayaang manalo, mamili, kakayanang tawirin ang tulay upang magtagumpay sa buhay kahit na ito pa man ay suntok sa buwan. Ang aking pagkabata ay masasabi kong kidlat sa bilis, dahil na rin siguro sa pagiging anak-pawis. Ngunit dahil sa kasipagan ng haligi at ilaw ng aming tahanan ay unti-unting pinagpapala ang daloy ng aming buhay. Kung noon ay isang kahig, isang tuka ang aming pamumuhay, ngayon ay hindi man magara ay masasabi kong komportable at maunlad ngunit hindi ko ring masasabi na kami ay may makapal na bulsa. Ang mga ito ay dahil sa kusang palo ng aking mga magulang.

You might also like